https://www.marxists.org/archive/lenin/works/1919/mar/18.htm
Talumpati sa Paggunita kay Y. M. Sverdlov, Nangungunang Organisador ng Bolsheviks
Sa Natatanging Sesyon ng Lahat-ng-Rusong Komite ng Sentrong Ehekutibo
V. I. Lenin
18 Marso 1919
Mula sa: https://www.marxists.org/archive/lenin/works/1919/mar/18.htm
Mga kasama, ngayon, kapag pinarangalan ng mga manggagawa ng lahat ng mga bansa ang kabayanihang ikinaangat at malagim na katapusan ng Komyun ng Paris, kailangan nating iugnay ang labi ni Yakov Mikhailovich Sverdlov. Sa takbo ng ating rebolusyon, at sa mga pinagwagian nito, nagtagumpay si Kasamang Sverdlov na ganap at buong loob na ipahayag kaysa sinupaman ang pangunahin at pinakamahalagang katangian ng rebolusyong proletaryado, at ito, kahit higit pa sa kanyang walang hanggang debosyon para sa layunin ng rebolusyon, makabuluhan siyang kinilala bilang pinuno ng rebolusyong proletaryado.
Mga kasama, ang mga taong humuhusga sa kung ano ang nakikita nila sa ibabaw, ang maraming kaaway ng ating rebolusyon, at yaong hanggang ngayon ay nag-aatubili sa pagitan ng rebolusyon at mga kalaban nito, isaalang-alang ang pinakatampok na larawan ng ating rebolusyon na maging determinado at walang humpay sa katatagan laban sa mga mapagsamantala at kaaway ng manggagawa. Walang dudang kung wala ito, kung walang rebolusyonaryong karahasan, hindi magtatagumpay ang proletaryado. Hindi rin pagdududahang kinakailangan ng rebolusyonaryong karahasan bilang lehitimong sandata ng rebolusyon sa mga tiyak na yugto ng pag-unlad nito, sa ilalim ng mga tiyak at espesyal na kondisyon, at mas malalim at permanenteng tampok ng rebolusyong ito at kundisyon ng tagumpay nito, ay nananatiling ang samahan ng proletaryong masa, ang samahan ng mga manggagawa. At ito ang samahan ng milyun-milyong manggagawang pinakamahusay na nagpapasigla ng rebolusyon, ang pinakamalalim nitong mapagkukunan ng tagumpay. At ang tampok na ito ng proletaryong rebolusyon kung saan, sa takbo ng pakikibaka, ang nagdala ng mga pinunong pinakamahusay na nagpahayag ng partikular na tampok ng ating rebolusyon na hindi pa nakita sa mga naganap nang rebolusyon, ito yaong samahan ng taumbayan. Dinala ng proletaryong rebolusyong ito si Yakov Sverdlov bilang nangungunang organisador.
Mga kasama, tayong mga rebolusyonaryong Ruso, lalo na sa mga matitinding araw na mahahaba, kung minsan ay masakit at labis na mahabang panahon ng paghahanda para sa rebolusyon, nagdusa dahil sa kasalimuutan ng mga teorya, prinsipyo at programa at praktikal na gawain. Nagdusa tayo higit sa lahat mula sa isang napakalalim na kaguluhan sa teoryang hiwalay sa direktang aksyon.
Ang kasaysayan ng rebolusyonaryong kilusang Ruso sa loob ng panahon ng maraming dekada ay naglalaman ng talaan ng mga martir na nakatuon sa rebolusyonaryong layunin, ngunit hindi nagkaroon ng pagkakataong maisagawa ang kanilang mga rebolusyonaryong mithiin. Kaugnay nito, ang rebolusyong proletaryado, sa kauna-unahang pagkakataon, ay nagbigay sa mga dating nakabukod na mga bayaning ito ng rebolusyonaryong pakikibaka sa totoong larangan, totoong batayan, totoong kapaligiran, totoong tagapakinig, at totoong hukbo ng proletaryado kung saan maipakita nila ang kanilang mga talento. At dahil dito, ang pinakanangungunang pinuno ay ang yaong sa praktika ay mahuhusay na organisador, ay nagtagumpay upang makamit ang isang pambihirang bantog na espasyo tulad ni Yakov Sverdlov na nakamit ito at wastong nakaokupa nito.
Kung susuriin natin ang buhay ng pinunong ito ng rebolusyong proletaryado, nakita natin na ang kanyang kamangha-manghang pag-oorganisa ng mga talento ay nabuo sa tagal ng mahabang pakikibaka. Nakikita natin na ang pinuno ng proletaryong rebolusyon mismo ang naglilinang sa bawat isa sa kanyang kamangha-manghang talino bilang isang mahusay na rebolusyonaryong dumaan at nakaranas ng iba't ibang mga panahon sa matitinding kondisyon ng rebolusyonaryong aktibidad. Itinalaga niya ang kanyang buong sarili sa rebolusyon sa pinakaunang panahon ng kanyang mga aktibidad, noong kabataan pa lamang na bahagyang nakakuha ng kamalayang pampulitika. Sa panahong iyon, sa umpisa pa lamang ng ikadalawampung siglo, tumayo si Kasamang Sverdlov sa harap namin bilang pinakaperpektong tipo ng rebolusyonaryong propesyonal, isang taong iniwan ang kanyang pamilya pati na mga ginhawa at gawi ng lumang burges na lipunan, isang taong inalay ng buong puso't kaluluwaang sarili sa rebolusyon, at kung sa loob ng maraming taon, kahit na mga dekada, ang lumipas mula sa bilangguan hanggang sa pagkatapon at mula sa pagkatapon hanggang sa bilangguan, nilinang ang mga katangiang iyon na nagpatibay sa mga rebolusyonaryo sa maraming taon.
Gayunpaman, ang propesyonal na rebolusyonaryong ito'y hindi kailanman, kahit na sa ilang saglit, nawala ang pakikipag-ugnayan sa masa. Bagaman siya'y tinulugsa ng kalagayan ng tsarismo, tulad ng lahat ng mga rebolusyonaryo noong mga panahong iyon, pangunahin ang mga nasa ilalim, nasa ilegal na aktibidad, kahit noon pa, si Sverdlov ay laging nagmamrtsa balikat sa balikat at kamay sa kamay kasama ng mga abanteng manggagawa, na sa simula ng ikadalawampung siglo, ay nagsimulang palitan ang mga naunang henerasyon ng mga rebolusyonaryong intelektwal.
Sa mga panahong ito na ang daan-daang abanteng manggagawa ay nagsagawa ng mga aktibidad at nakuha ang tulad ng bakal sa tigas na rebolusyonaryong pakikibaka kung saan, kasama ang pinakamalapit na ugnay sa masa, nagawa nito ang matagumpay na rebolusyon ng proletaryado sa Rusya. Ito ang tiyak na sa mahabng ang panahon ng ilegal na aktibidad na higit sa lahat ay nakikilala ang tao na patuloy na nakikipagtunggali, na hindi nawalan ng ugnay sa masa, na hindi kailanman iniwan ang Rusya, na palaging gumagawa kasabay ng pinakamahuhusay na manggagawa, at sa kabila ng paghihiwalay mula sa pangkalahatang buhay kung saan tinuligsa ng persekusyon ang rebolusyonaryo, nagtagumpay na maging hindi lamang isang minamahal na pinuno ng mga manggagawa, hindi lamang isang pinuno na pinaka-pamilyar sa praktikal na gawa, kundi pati na rin isang tagapag-ayos ng mga abanteng proletaryado. Ang ilang mga tao ay may opinyon - at ito ay kadalasang nalalapat sa ating mga kalaban, o sa mga urong-sulong - na ang kumpletong pagsipsip na ito sa mga iligal na aktibidad, ang ispesipikong katangiang ito ng propesyonal na rebolusyonaryo, ay inihiwalay siya mula sa masa. Ngunit ang mga rebolusyonaryong aktibidad ni Yakov Sverdlov ay nagpapatunay sa atin kung gaano kamali ang opinyong ito, na, sa kabaligtaran, ang walang hanggang debosyon sa rebolusyonaryong pakikibaka, na tipikal sa buhay ng mga taong nakita ang kalagayan sa loob ng bilangguan at naipatapon sa pinakamalayong rehiyon ng Siberia, ay nakalikha ng gayong mga pinuno, ang bulaklak ng ating proletaryado. At kapag ito ay pinagsama sa kaalaman ng tao at kakayahang pang-organisasyon, lilikha ito ng magagaling na organisador. Ang mga iligal na sirkulo, rebolusyonaryong gawain sa ilalim, ang iligal na Partido, na walang nagpakilala o nagpahayag ng integral tulad ni Yakov Sverdlov - ito ang praktikal na paaralan kung saan siya pumasa, at ang nag-iisang paaralan na may kakayahang maabot niya ang posisyon ng nangungunang tao sa unang sosyalistang Republikang Sobyet, ang posisyon bilang unang organisador ng malawak na proletaryong masa.
Mga kasama, lahat tulad ko, ay nagkaroon ng pagkakataong makipagtulungan kay Kasamang Sverdlov araw-araw, na malinaw na inuwi sa kanilang bahay ang pambihirang talento ng pag-oorganisa ng taong ito na nagbigay sa atin nang maipagmamalaki natin. kaya makatarungang ipinagmalaki, hanggang ngayon. Ginawa niyang kaya nating patuloy na gawin ang pinagsama, mahusay, talagang organisadong mga gawain, mga aktibidad na karapat-dapat sa organisadong proletaryong masa, at pagtugon sa mga kinakailangan ng proletaryong rebolusyon - yaong mga pinagsama, organisadong mga aktibidad nang kung wala ang mga iyon ay hindi natin nakamit ang tagumpay, kung wala iyon ay hindi natin malalampasan ang alinman sa mga hindi mabilang na mga paghihirap na dapat nating harapin, at kung wala iyon ay hindi tayo makakatindig sa mga matitinding pagsubok na naranasan natin sa nakaraan, at nararanasan sa kasalukuyang panahon.
Sa isang mapusok na pakikibakang tinatawag na rebolusyon, sa espesyal na haliging sinakop ng bawat rebolusyonaryo, sa panahong ang gawain ng kahit isang maliit na kawan ng mga tao ay nasa anyong nagpapayo, na may malaking kahalagahan ay mataas na kagalingang moral na napanalunan sa larangan ng pakikibaka, prestihiyosong hindi mapag-aalinlangan, ang mga salalayang ugat nito, siyempre hindi sa mga baliwag na moral, ngunit sa moral ng rebolusyonaryong nakikibaka, ang mga moral ng mga manggagawa sa rebolusyonaryong masa.
Ang katotohanang sa loob ng isang taon ay nagawa natin ang hindi kapani-paniwalang mga pasaning bumagsak sa napakaraming makitid na sirkulo ng mga tapat na rebolusyonaryo, ang katotohanan na ang mga nangungunang grupo ay maaaring matatag, mabilis, at nagkakaisang pagpasyahan ang pinakamahihirap mang problema, ay ganap na nararapat sa kilalang lugar na inokupa ng tulad ng isang natatanging talento ng organisador tulad ni Yakov Sverdlov. Siya lamang ang nagtagumpay na makakuha ng isang kamangha-manghang kaalaman sa mga nangungunang tao ng kilusang proletaryado, siya lamang, sa kurso ng mahabang taon ng pakikibaka - kung saan maaari kong tukuyin dito sa maikling sandali lamang - nagtagumpay sa pagkuha ng kahanga-hangang intuwisyon ng praktikal na manggagawa, ang kamangha-manghang talento ng isang organisador, lubos na di mapag-aalinlanganang prestihiyo, salamat sa kung saan nagawa niyang tanganan ang ilan sa mga pinakamalaking sangay ng gawain ng All-Russia Central Executive Committee na isang grupo lamang ng mga ordinaryong tao ang nakakagawa. Siya lamang ang nagtagumpay na kamtin ang isang posisyon na sa isang malaking bilang at malalaki't mahalagang praktikal na mga katanungan ng organisasyon, ang kanyang salita lamang ay sapat upang matiyak ang isang hindi mapag-aalinlanganan at pangwakas na usapan, nang walang kumperensya, nang walang pormal na boto; at lahat ay kumbinsido na ang mga katanungan ay nasagot batay sa napakalawak na praktikal na kaalaman at pag-oorganisa ng intuwisyin na hindi lamang daan-daang at libu-libong mga abanteng manggagawa, kundi pati na rin ng masa ay tatanggapin ang pag-aayos na iyon bilang pangwakas.
Matagal nang napatunayan ng kasaysayan na sa takbo ng mga pakikibaka ang mga dakilang rebolusyon ay naghahatid ng mga dakilang tao at nagbubuo ng mga talentong dating imposible. Walang makapaniwala na ang paaralan ng iligal na sirkulo sa pag-aaral at mga aktibidad sa ilalim, ang paaralan ng maliit at inuusig na Partido, ang paaralan ng kulungan sa Turukhansk ay maaaring lumikha ng organisador na ito na ganap na di pag-aalinlanganan ang prestihiyo, ang organisador ng kapangyarihan ng Sobyet sa buong Rusya, ang taong ito, na natatangi sa kanyang kaalaman, na nag-organisa ng gawain ng Partido na lumikha ng mga Sobyet at nagtatag ng pamahalaang Sobyet na ngayon ay gumagawa ng mahirap, masakit, madugo ngunit matagumpay na pagsulong ng lahat ng mga bansa, sa lahat ng mga bansa sa buong daigdig.
Hindi natin mapapalitan ang taong ito na nakapagtanim ng gayong katangi-tanging pag-oorganisa ng talento, kung sa kapalit ay nangangahulugang paghahanap ng isang tao, isang kasama, kasama ang lahat ng mga katangiang ito. Walang sinumang malapit kay Yakov Sverdlov at patuloy na pinapanood siya sa kanyang ginagawa ang maaaring magkaroon ng alinlangan na sa puntng ito'y hindi siya mapapalitan. Ang gawain niya bilang organisador, sa pagpili ng mga tao at paghirang sa mga ito sa mga responsableng pwesto sa lahat ng iba't ibang mga kagawaran, ay isasagawa sa hinaharap lamang kung hihirangin natin ang buong pangkat ng mga tao na hahawak sa iba't ibang mga pangunahing kagawaran na siya ang may pananagutan, at kung ang mga taong ito, na susunod sa kanyang mga yapak, ay magawa nang tulad ng nag-iisang ginawa ng taong ito.
Subalit lumalakas ang rebolusyong proletaryado dahil malalalim ang mga ugat nito. Alam nating itinataguyod nito ang mga bagong taong papalit sa mga gumampan ng tapat at isinakripisyo ang kanilang buhay sa pakikibaka, marahil ay wala pang gaanong karanasan, nagtataglay ng mas kaunting kaalaman, at sa una ay hindi gaanong sanay, ngunit sila'y mga taong may malawak na ugnayan sa masa at siyang may kakayahang magsulong mula sa kanilang pangkat upang palitan ang mga namayapang henyo, upang ipagpatuloy ang kanilang ipinaglaban, upang magpatuloy sa larangang tinahak nila at upang makumpleto ang kanilang nasimulan. Dahil dito, lubos tayong kumbinsido na ang rebolusyong proletaryado sa Rusya at sa buong mundo ay magtataguyod ng ng maraming grupo ng mga tao, maraming seksyon ng proletaryado at ng nagtatrabahong magsasaka, na magkakaroon ng praktikal na kaalaman sa buhay, na nag-oorganisa ng talento, kolektibo kung hindi indibidwal, kung wala iyon, ang milyun-milyong hukbo ng proletaryado ay hindi magtatagumpay.
Ang alaala ni Kasamang Yakov Sverdlov ay magsisilbi hindi lamang bilang isang permanenteng simbolo ng rebolusyonaryong debosyon sa kanyang ipinaglalaban at bilang modelo kung paano pagsamahin ang praktikal na matalinong pag-iisip, praktikal na kasanayan, malapit na pakikipag-ugnay sa masa at kakayahang gabayan sila; ito rin ay isang pagtaya na ang patuloy na dumaraming bilang ng mga proletaryado, na ginagabayan ng mga halimbawang ito, ay magmumula sa kumpletong tagumpay ng rebolusyong komunista ng mundo.
* Hinalaw mula sa Collected Works Tomo 29 ni Vladimir Lenin