Wednesday, August 1, 2018

Si Lenin at ang Sinakop na Mamamayan - ni Ho Chi Minh

Ho Chi Minh
Lenin And The Colonial Peoples


Si Lenin at ang Sinakop na Mamamayan
ni Ho Chi Minh


First Published: Pravda, January 27, 1924
Source: Selected Works of Ho Chi Minh Vol. 1
Publisher: Foreign Languages Publishing House
Transcription/Markup: Christian Liebl
Online Version: Ho Chi Minh Internet Archive (marxists.org) 2003

Unang Nalathala: Pravda, Enero 27, 1924
Pinaghalawan: Napiling Works ng Ho Chi Minh Tomo 1
Tagapaglathala: Foreign Languages Publishing House
Transkripsyon / Markup: Christian Liebl
Online na Bersyon: Ho Chi Minh Internet Archive (marxists.org) 2003


‘Lenin is dead!’ This news struck the people like a bolt from the blue. It spread to every corner of the fertile plains of Africa and the green fields of Asia. It is true that the black or yellow people do not yet know clearly who Lenin is or where Russia is. The imperialists have deliberately kept them in ignorance. Ignorance is one of the chief mainstays of capitalism. But all of them, from the Vietnamese peasants to the hunters in the Dahomey forests, have secretly learnt that in a faraway corner of the earth there is a nation that has succeeded in overthrowing its exploiters and is managing its own country with no need for masters and Governors General. They have also heard that that country is Russia, that there are courageous people there, and that the most courageous of them all was Lenin. This alone was enough to fill them with deep admiration and warm feelings for that country and its leader.

'Patay na si Lenin!' Ang balitang ito ay tumama sa mga tao tulad ng isang kidlat mula sa kawalan. Lumaganap ito sa bawat sulok ng mga matabang kapatagan ng Aprika at ng mga lunting kabukiran sa Asya. Totoong hindi pa malinaw na batid ng mga taong itim o dilaw kung sino si Lenin o kung saan ang Rusya. Sadyang pinananatili sila ng mga imperyalista sa kamangmangan. Isa ang kamangmangan sa mga pangunahing sandigan ng kapitalismo. Ngunit lahat ng ito'y nabatid ng lihim, mula sa mga magsasaka ng Vietnam hanggang sa mga mangangaso sa mga kagubatan ng Dahomey, na sa isang malayong sulok ng daigdig ay may isang bansang nagtagumpay na ibagsak ang mga mapagsamantala at ngayon ay namamahala sa sarili nitong bansa na hindi na kailangan ang mga Amo at Gobernador Heneral. Narinig din nilang ang bansang iyon ay Rusya, na may matatapang na tao roon, at ang pinakamatapang sa kanila lahat ay si Lenin. Sapat na iyon upang punan sila ng malalim na paghanga at mainit na damdamin para sa bansang iyon at sa pinuno nito.


But this was not all. They also learned that that great leader, after having liberated his own people, wanted to liberate other peoples too. He called upon the white peoples to help the yellow and black peoples to free themselves from the foreign aggressors' yoke, from all foreign aggressors, Governors General Residents, etc. And to reach that goal, he mapped out a definite programme.

Subalit hindi lamang ito. Nalaman din nilang ang dakilang lider na iyon, pagkatapos na palayain ang kanyang sariling mamamayan, ay nais na palayain din ang ibang tao. Tinawagan niya ang mga puting balat na tulungan ang mga dilaw at itim na mamamayan na palayain ang kanilang sarili mula sa pang-aalipin ng mga dayuhang mapagsamantala, mula sa lahat ng mga dayuhang mananakop, mga Nananahang Gobernador Heneral, at iba pa. At upang maabot ang layuning iyon, nagbalangkas siya ng isang malinaw na programa.


At first they did not believe that anywhere on earth could there exist such a man and such a programme. But later they heard, although vaguely, of the Communist Parties, of the organization called the Communist International which is fighting for the exploited peoples, for all the exploited peoples including themselves. And they learned that Lenin was the leader of that organization.

Noong una'y hindi sila naniniwala na saanman sa daigdig ay maaaring umiral ang gayong tao at gayong programa. Subalit kalaunan ay narinig nila, bagama't hindi pa tiyak, ang mga Partido Komunista, ang samahang tinatawag na Komunistang Internasyunal na nakikipaglaban para sa mga inaaping mamamayan, para sa lahat ng mga pinagsasamantalang mamamayan kabilang ang kanilang sarili. At nalaman nilang si Lenin ang pinuno ng samahang iyon.


And this alone was enough to make these peoples — though their cultural standard is low, they are grateful folk and of goodwill — whole-heartedly respect Lenin. They look upon Lenin as their liberator. ‘Lenin is dead, so what will happen to us? Will there be other courageous and generous people like Lenin who will not spare their time and efforts in concerning themselves with our liberation?’ This is what the oppressed colonial peoples are wondering.

At ito lamang ay sapat na upang buong-pusong igalang si Lenin ng mga taong ito - bagaman mababa ang kanilang pamantayan sa kultura, sila'y mga taong mapagpasalamat at may kabutihang-loob. Tinitingnan nila si Lenin bilang kanilang tagapagpalaya. 'Patay na si Lenin, ano nang mangyayari sa amin? May iba pa kayang matapang at mapagpaubayang tao tulad ni Lenin na hindi maglalaan ng kanilang panahon at pagsisikap upang isipin nila ang ating paglaya?' Ito ang iniisip ng mga inaapi't sinakop na mamamayan.


As for us, we are deeply moved by this irretrievable loss and share the common mourning of all the peoples with our brothers and sisters. But we believe that the Communist International and its branches, which include branches in colonial countries, will succeed in implementing the lessons and teachings the leader has left behind for us. To do what he advised us, is that not the best way to show our love for him?

Para sa amin, lubos kaming nayayanig sa hindi maibabalik na pagkawalang ito at sama-samang nakikidalamhati sa lahat ng tao kasama ang aming mga kapatid. Ngunit naniniwala kaming ang Komunistang Internasyonal at ang mga sangay nito, na kasama ang mga sangay sa mga kolonyal na bansa, ay magtatagumpay sa pagpapatupad ng mga aralin at mga turong iniwan ng pinunong ito sa atin. Ang gawin kung anong ipinayo niya sa atin, hindi ba iyan ang pinakamagandang paraan upang ipakita ang ating pagmamahal sa kanya?


In his life-time he was our father, teacher, comrade and adviser. Nowadays, he is the bright star showing us the way to the socialist revolution.

Sa kanyang buong buhay siya ang aming ama, guro, kasamahan at tagapayo. Sa panahong ito, siya ang maningning na bituin na nagpapakita sa atin ng landas tungo sa sosyalistang rebolusyon.


Eternal Lenin will live forever in our work.

Mabubuhay magpakailanman ang walang hanggang si Lenin sa ating mga gawain.


Mula sa Ho Chi Minh Archive | Reference Archive

No comments: