Sunday, March 31, 2019

Lenin - Ang Mga Tungkulin ng Proletaryado sa Kasalukuyang Himagsikan

Vladimir Ilyich Lenin
The Tasks of the Proletariat in the Present Revolution
[a.k.a. The April Theses]

Vladimir Ilyich Lenin
Ang Mga Tungkulin ng Proletaryado sa Kasalukuyang Himagsikan
[a.k.a. Ang Tesis ng Abril]


Published: April 7, 1917 in Pravda No. 26.   Signed: N. Lenin. Published according to the newspaper text.
Source: Lenin’s Collected Works, Progress Publishers, 1964, Moscow, Volume 24, pp. 19-26.
Translated: Isaacs Bernard
Transcription: Zodiac
HTML Markup: B. Baggins
Public Domain: Lenin Internet Archive (2005), marx.org (1997), marxists.org (1999). You may freely copy, distribute, display and perform this work; as well as make derivative and commercial works. Please credit “Marxists Internet Archive” as your source.

This article contains Lenin’s famous April Theses read by him at two meetings of the All-Russia Conference of Soviets of Workers’ and Soldiers’ Deputies, on April 4, 1917.

Nalathala: Abril 7, 1917 sa Pravda Blg. 26. Nakalagda: N. Lenin. Nalathala ayon sa teksto ng pahayagan.
Pinagbatayan: Collected Works ni Lenin, Progress Publishers, 1964, Moscow, Tomo 24, mp. 19-26.
Isinalin ni: Isaacs Bernard
Transkripsyon: Zodiac
Markup ng HTML: B. Baggins
Pampublikong Dominyo: Lenin Internet Archive (2005), marx.org (1997), marxists.org (1999). Maaari mong malayang kopyahin, ipamahagi, ipakita at gawin ang gawaing ito; pati na rin ang mga hinango at komersyal na mga gawa. Paki-kredito ang "Marxists Internet Archive" bilang iyong pinagbatayan.

Ang artikulong ito ay naglalaman ng sikat na Tesis ng Abril na binasa ni Lenin  sa dalawang pulong ng All-Russia Conference of Soviets of Workers’ and Soldiers’ Deputies, noong Abril 4, 1917.


[Introduction]
I did not arrive in Petrograd until the night of April 3, and therefore at the meeting on April 4, I could, of course, deliver the report on the tasks of the revolutionary proletariat only on my own behalf, and with reservations as to insufficient preparation.

The only thing I could do to make things easier for myself—and for honest opponents—was to prepare the theses in writing. I read them out, and gave the text to Comrade Tsereteli. I read them twice very slowly: first at a meeting of Bolsheviks and then at a meeting of both Bolsheviks and Mensheviks.

I publish these personal theses of mine with only the briefest explanatory notes, which were developed in far greater detail in the report.


[Panimula]
Hindi ako dumating sa Petrograd hanggang sa gabi ng Abril 3, at samakatuwid sa pulong sa Abril 4, maaari ko, siyempre, maihatid ang ulat sa mga tungkulin ng rebolusyonaryong proletaryado sa sarili ko lang, at may mga reserbasyon dahil sa kakulangan ng paghahanda.

Ang tanging bagay na maaari kong gawin upang  mas madali ang mga bagay para sa akin — at para sa tapat na mga kalaban — ay upang ihanda ang mga tesis nang nakasulat. Binasa ko ang mga ito, at ibinigay ang teksto sa Kasamang Tsereteli. Dalawang ulit kong marahang binasa ang mga ito: una sa pulong ng mga Bolshevik at pagkatapos ay sa pulong ng parehong Bolshevik at Menshevik.

Inilalathala ko ang mga personal na tesis na ito na may lamang maliliwanag na mga talag, na binuo ng may mas malalaking detalye sa ulat.


THESES
1) In our attitude towards the war, which under the new [provisional] government of Lvov and Co. unquestionably remains on Russia’s part a predatory imperialist war owing to the capitalist nature of that government, not the slightest concession to “revolutionary defencism” is permissible.

The class-conscious proletariat can give its consent to a revolutionary war, which would really justify revolutionary defencism, only on condition: (a) that the power pass to the proletariat and the poorest sections of the peasants aligned with the proletariat; (b) that all annexations be renounced in deed and not in word; (c) that a complete break be effected in actual fact with all capitalist interests.

In view of the undoubted honesty of those broad sections of the mass believers in revolutionary defencism who accept the war only as a necessity, and not as a means of conquest, in view of the fact that they are being deceived by the bourgeoisie, it is necessary with particular thoroughness, persistence and patience to explain their error to them, to explain the inseparable connection existing between capital and the imperialist war, and to prove that without overthrowing capital it is impossible to end the war by a truly democratic peace, a peace not imposed by violence.

The most widespread campaign for this view must be organised in the army at the front.

Fraternisation.


ANG TESIS
1) Sa ating pagkilos sa digmaan, na sa ilalim ng bagong [pansamantalang] pamahalaan nina Lvov at mga kasama, ay walang alinlangang nananatili sa bahagi ng Rusya ang isang mapanirang imperyalistang digmaan dahil sa kapitalistang katangian ng pamahalaang iyon, hindi pinapayagan kahit ang pinakamaliit na pagtugon sa "rebolusyonaryong depensa".

Maaaring magbigay ng pahayag ang mulat-sa-uring proletaryado sa isang rebolusyonaryong digmaan, na binibigyang-katwiran ang rebolusyonaryong pagdepensa, sa kondisyon lang na: (a) na ang kapangyarihang ipinasa sa proletaryado at pinakamahihirap na seksyon ng mga magsasakang nakahanay sa proletaryado; (b) na lahat ng mga pagsasanib ay tatalikuran sa gawa at hindi sa salita; (c) na ang isang kumpletong paghihiwalay ay maisasakatuparan sa aktwal na katotohanan sa lahat ng kapitalistang interes.

Dahil sa walang dudang katapatan ng mga malawak na seksyon ng mga mananampalataya sa rebolusyonaryong pagdepensa na tanggapin lamang ang digmaan bilang pangangailangan, at hindi bilang paraan ng panunupil, dahil sa katotohanan na nilinlang sila ng burgesya, kailangan ito ng may partikular na lubusan, pagtitiyaga at pagtitiis upang ipaliwanag ang kanilang kamalian sa kanila, upang ipaliwanag ang di-mapaghihiwalay na ugnayan sa pagitan ng kapital at ng imperyalistang digmaan, at upang patunayan na kung walang pagkawasak ng kapital, imposibleng tapusin ang digmaan sa pamamagitan ng tunay na demokratikong kapayapaan, isang kapayapaang hindi ipinataw ng karahasan.

Ang pinakamalawak na kampanya para sa pananaw na ito ay kailangang maorganisa sa hukbong nasa harapan.

Pagkakapatiran.



2) The specific feature of the present situation in Russia is that the country is passing from the first stage of the revolution—which, owing to the insufficient class-consciousness and organisation of the proletariat, placed power in the hands of the bourgeoisie—to its second stage, which must place power in the hands of the proletariat and the poorest sections of the peasants.

This transition is characterised, on the one hand, by a maximum of legally recognised rights (Russia is now the freest of all the belligerent countries in the world); on the other, by the absence of violence towards the masses, and, finally, by their unreasoning trust in the government of capitalists, those worst enemies of peace and socialism.

This peculiar situation demands of us an ability to adapt ourselves to the special conditions of Party work among unprecedentedly large masses of proletarians who have just awakened to political life.


2) Ang partikular na katangian ng kasalukuyang sitwasyon sa Russia ay ang pagtungo ng bansa mula sa unang yugto ng rebolusyon — na dahil sa hindi sapat na pagkamulat-sa-uri at organisasyon ng proletaryado, inilagay ang kapangyarihan sa mga kamay ng burgesya — sa ikalawang yugto nito, na ang kapangyarihan ay dapat malagay sa mga kamay ng proletaryado at pinakamahihirap na seksyon ng mga magsasaka.

Ang paglipat na ito ay nailalarawan, sa isang banda, sa pinakamataas na mga karapatan na kinikilala ng batas (ang Rusya ngayon ang pinakaligtas sa lahat ng mga mapanlabang bansa sa mundo); sa kabilang banda, sa kawalan ng karahasan sa masa, at, sa dulo, sa pamamagitan ng kanilang wala-sa-katwirang tiwala sa pamahalaan ng mga kapitalista, yaong mga pinakamasamang kaaway ng kapayapaan at sosyalismo.

Hinihingi sa atin ng kakaibang kalagayang ito ang kakayahang iakma ang ating sarili sa mga espesyal na kondisyon ng gawain ng Partido sa mga di-matingkalang malaking masa ng mga proletaryadong nagising lamang sa buhay pampulitika.



3) No support for the Provisional Government; the utter falsity of all its promises should be made clear, particularly of those relating to the renunciation of annexations. Exposure in place of the impermissible, illusion-breeding “demand” that this government, a government of capitalists, should cease to be an imperialist government.

4) Recognition of the fact that in most of the Soviets of Workers’ Deputies our Party is in a minority, so far a small minority, as against a bloc of all the petty-bourgeois opportunist elements, from the Popular Socialists and the Socialist-Revolutionaries down to the Organising Committee (Chkheidze, Tsereteli, etc.), Steklov, etc., etc., who have yielded to the influence of the bourgeoisie and spread that influence among the proletariat.


3) Walang suporta para sa Pansamantalang Pamahalaan; ang maliwanag na kasinungalingan ng lahat ng mga pangako nito'y dapat na malinaw, lalo na sa mga may kaugnayan sa pagtalikod sa mga aneksasyon. Ang pagkakalantad sa halip na hindi pinapahintulutan, pag-aanak ng ilusyon ng "pangangailangan" ng pamahalaang ito, isang pamahalaan ng mga kapitalista, ay dapat na mapigilang maging imperyalistang pamahalaan.

4) Pagkilala sa katotohanang sa karamihan ng mga Sobyet ng mga Deputadong Manggagawa na ang ating Partido ay nasa minorya, sa ngayon ay maliit na minorya, laban sa isang bloke ng lahat ng mga petiburges na oportunistang elemento, mula sa mga Populat na Sosyalista at Sosyalista-Rebolusyonaryo sa Komite ng Pag-oorganisa (Chkheidze, Tsereteli, atbp.), Steklov, atbp., atbp., na nagbunga sa impluwensya ng burgesya at kumalat sa impluwensyang iyon sa proletaryado.


The masses must be made to see that the Soviets of Workers’ Deputies are the only possible form of revolutionary government, and that therefore our task is, as long as this government yields to the influence of the bourgeoisie, to present a patient, systematic, and persistent explanation of the errors of their tactics, an explanation especially adapted to the practical needs of the masses.

As long as we are in the minority we carry on the work of criticising and exposing errors and at the same time we preach the necessity of transferring the entire state power to the Soviets of Workers’ Deputies, so that the people may overcome their mistakes by experience.


Dapat makita ng masa na ang mga Sobyet ng mga Deputadong Manggagawa ang tanging posibleng paraan ng rebolusyonaryong pamahalaan, at samakatuwid ang ating mga tungkulin, hangga't ang pamahalaang ito'y nasa impluwensya ng burgesya, sa kasalukuyan ay isang mahinahon, sistematiko, at paulit-ulit na paliwanag tungkol sa mga pagkakamali ng kanilang mga taktika, paliwanag na espesyal na aangkop sa mga praktikal na pangangailangan ng masa.

Hangga't tayo'y nasa minorya, patuloy tayo sa gawain ng pagpuna at paglalantad ng mga pagkakamali at kasabay niyon ay ipinangangaral natin ang pangangailangang ilipat ang buong kapangyarihan ng estado sa mga Sobyet ng mga Deputadong Manggagawa, upang maigpawan ng mga tao ang kanilang mga pagkakamali sa pamamagitan ng karanasan.



5) Not a parliamentary republic—to return to a parliamentary republic from the Soviets of Workers’ Deputies would be a retrograde step—but a republic of Soviets of Workers’, Agricultural Labourers’ and Peasants’ Deputies throughout the country, from top to bottom.

Abolition of the police, the army and the bureaucracy.[1]

The salaries of all officials, all of whom are elective and displaceable at any time, not to exceed the average wage of a competent worker.


5) Hindi isang parlyamentaryong republika — ang pagbalik sa isang parlyamentaryong republika mula sa Sobyet ng mga Deputadong Manggagawa ay magiging isang pabalik-balik na hakbang — ngunit isang republika ng mga Sobyet ng mga Manggagawa, Manggagawang Bukid at Deputadong Magsasaka sa buong bansa, mula sa itaas hanggang sa ibaba .

Pagtanggal sa pulisya, hukbo at burukrasya. [1]

Ang mga suweldo ng lahat ng mga opisyal, na lahat ay mga elektibo at maaaring palitan sa anumang oras, hindi lalampas sa karaniwang sahod ng isang karampatang manggagawa.



6) The weight of emphasis in the agrarian programme to be shifted to the Soviets of Agricultural Labourers’ Deputies.

Confiscation of all landed estates.

Nationalisation of all lands in the country, the land to be disposed of by the local Soviets of Agricultural Labourers’ and Peasants’ Deputies. The organisation of separate Soviets of Deputies of Poor Peasants. The setting up of a model farm on each of the large estates (ranging in size from 100 to 300 dessiatines, according to local and other conditions, and to the decisions of the local bodies) under the control of the Soviets of Agricultural Labourers’ Deputies and for the public account.


6) Ang bigat ng diin sa programa ng agrikultura upang ilipat sa mga Sobyet ng mga Deputadong Manggagawang Bukid.

Pagkumpiska ng lahat ng lupang tinatangkilik.

Pagsasabansa ng lahat ng lupain sa bansa, ang lupang itatapon ng mga lokal na Sobyet ng Deputadong Manggagawang Bukid at Magsasaka. Ang organisasyon ng mga hiwalay na Sobyet ng mga Mahihirap na Deputadong Magsasaka. Ang pagsasaayos ng isang huwarang sakahan sa bawat malalaking lupain (mula sa sukat mula sa 100 hanggang 300 desyatina, ayon sa mga lokal at iba pang mga kondisyon, at sa mga desisyon ng mga lokal na lupon) sa ilalim ng kontrol ng mga Sobyet ng Deputadong Manggagawang Bukid at para sa pampublikong salaysay.



7) The immediate union of all banks in the country into a single national bank, and the institution of control over it by the Soviet of Workers’ Deputies.

8) It is not our immediate task to “introduce” socialism, but only to bring social production and the distribution of products at once under the control of the Soviets of Workers’ Deputies.



7) Ang agarang pagsasanib ng lahat ng mga bangko sa bansa sa nag-iisang pambansang bangko, at ang institusyon ng pagkontrol nito sa pamamagitan ng mga Sobyet ng mga Deputadong Manggagawa.

8) Hindi natin agarang tungkulin na "ipakilala" ang sosyalismo, kundi para lamang dalhin ang panlipunang produksyon at pamamahagi ng mga produkto nang sabay-sabay sa ilalim ng kontrol ng mga Sobyet ng mga Deputadong Manggagawa.




9) Party tasks:

(a) Immediate convocation of a Party congress;

(b) Alteration of the Party Programme, mainly:

(1) On the question of imperialism and the imperialist war,

(2) On our attitude towards the state and our demand for a “commune state”[2];

(3) Amendment of our out-of-date minimum programme;

(c) Change of the Party’s name.[3]


9) Mga Tungkulin ng Partido:

(a) Agarang pagpupulong ng isang kongreso ng Partido;

(b) Pagbabago ng Programa ng Partido, pangunahin:

(1) Sa usapin ng imperyalismo at ng imperyalistang digmaan,

(2) Sa ating pananaw tungo sa estado at sa ating pangangailangan para sa isang "komunal na estado" [2];

(3) Susog sa ating naluluma nang minimuma na programa;

(c) Pagbabago ng pangalan ng Partido. [3]




10. A new International.

We must take the initiative in creating a revolutionary International, an International against the social-chauvinists and against the “Centre”.[4]

In order that the reader may understand why I had especially to emphasise as a rare exception the “case” of honest opponents, I invite him to compare the above theses with the following objection by Mr. Goldenberg: Lenin, he said, “has planted the banner of civil war in the midst of revolutionary democracy” (quoted in No. 5 of Mr. Plekhanov’s Yedinstvo).

Isn’t it a gem?

I write, announce and elaborately explain: “In view of the undoubted honesty of those broad sections of the mass believers in revolutionary defencism ... in view of the fact that they are being deceived by the bourgeoisie, it is necessary with particular thoroughness, persistence and patience to explain their error to them....”

Yet the bourgeois gentlemen who call themselves Social-Democrats, who do not belong either to the broad sections or to the mass believers in defencism, with serene brow present my views thus: “The banner[!] of civil war” (of which there is not a word in the theses and not a word in my speech!) has been planted(!) “in the midst [!!] of revolutionary democracy...”.




10. Isang bagong Internasyunal.

Dapat nating kunin ang inisyatiba sa paglikha ng isang rebolusyonaryong Internasyunal, isang Internasyunal laban sa mga sosyal-tsobinista at laban sa "Sentro". [4]

Upang maunawaan ng mambabasa kung bakit lalo kong binigyang diin bilang isang pambihirang pagbubukod ang "kaso" ng matapat na mga kalaban, inaanyayahan ko siya na ihambing ang mga nabanggit na mga talata sa sumusunod na pagtutol ni Mr. Goldenberg: Si Lenin, ayon sa kanya, "ang naglagay ng bandila ng digmaang sibil sa gitna ng rebolusyonaryong demokrasya "(na nakasipi sa No. 5 ng Yedinstvo ng Mr Plekhanov).

Hindi ba iyan isang perlas?

Isinulat ko, ipahayag at ipaliwanag nang malinaw: "Dahil sa walang dudang katapatan ng mga malawak na seksyon ng mga naniniwala sa rebolusyonaryong pagdepensa ... dahil sa katunayang nilinlang sila ng burgesya, kinakailangan ito ng may partikular na lubusan, pagsisikap at pagtitiyaga upang ipaliwanag sa kanila ang kamalian nila .... "

Ngunit ang mga burges na ginoo na tinatawag ang kanilang sariling na Sosyal-Demokrata, na hindi kabilang sa malawak na seksyon o sa masang mananampalatay ng pagdepensa, na may payapang kilay na nagpapakita ng aking mga pananaw kaya: "Ang bandila[!] ng digmaang sibil" (kung saan walang isang salita sa tesis at walang isang salita sa aking talumpati!) ay nakatanim (!) "sa gitna [ng] rebolusyonaryong demokrasya ...".




What does this mean? In what way does this differ from riot-inciting agitation, from Russkaya Volya?

I write, announce and elaborately explain: “The Soviets of Workers’ Deputies are the only possible form of revolutionary government, and therefore our task is to present a patient, systematic, and persistent explanation of the errors of their tactics, an explanation especially adapted to the practical needs of the masses.”

Yet opponents of a certain brand present my views as a call to “civil war in the midst of revolutionary democracy”!

I attacked the Provisional Government for not having appointed an early date or any date at all, for the convocation of the Constituent Assembly, and for confining itself to promises. I argued that without the Soviets of Workers’ and Soldiers’ Deputies the convocation of the Constituent Assembly is not guaranteed and its success is impossible.

And the view is attributed to me that I am opposed to the speedy convocation of the Constituent Assembly!

I would call this “raving”, had not decades of political struggle taught me to regard honesty in opponents as a rare exception.



Anong kahulugan nito? Sa anong paraan naiiba ito mula sa mapang-udyok na kaguluhan, mula sa Russkaya Volya?

Isinulat ko, ipahayag at ipaliwanag nang malinaw: "Ang mga Sobyet ng mga Deputadong Manggagawa ang tanging posibleng anyo ng rebolusyonaryong pamahalaan, at samakatuwid ang ating tungkulin ay gawing mahinahon, sistematiko, at paulit-ulit na paliwanag tungkol sa mga pagkakamali ng kanilang mga taktika, paliwanag na espesyal na aangkop sa mga praktikal na pangangailangan ng masa."

Ngunit ipinahahayag ng mga kalaban ng isang tatak na ang aking mga pananaw bilang panawagan sa "digmaang sibil sa gitna ng rebolusyonaryong demokrasya"!

Tinutuligsa ko ang Pansamantalang Pamahalaan dahil sa hindi na itinalaga ang isang maagang petsa o anupamang petsa, para sa pagpupulong ng Asembliya ng Manghahalal, at para sa pagtatakda ng sarili sa mga pangako. Ikinatwiran ko na kung wala ang mga Sobyet ng mga Deputadong Manggagawa at Sundalo ang pagsasama ng Asembliya ng Manghahalal ay hindi garantisado at imposible ang tagumpay nito.

At ang pagtingin ay maiugnay sa akin na ako ay sumasalungat sa mabilis na pagtitipon ng Asembliya ng Manghahalal!

Gusto kong tawagin itong "pagngangalit", kung hindi itinuro sa akin ng mga dekada ng pakikibakang pampulitika na tanggapin ang katapatan sa mga kalaban bilang isang pambihirang pagbubukod.



Mr. Plekhanov in his paper called my speech “raving”. Very good, Mr. Plekhanov! But look how awkward, uncouth and slow-witted you are in your polemics. If I delivered a raving speech for two hours, how is it that an audience of hundreds tolerated this “raving”? Further, why does your paper devote a whole column to an account of the “raving”? Inconsistent, highly inconsistent!

It is, of course, much easier to shout, abuse, and howl than to attempt to relate, to explain, to recall what Marx and Engels said in 1871, 1872 and 1875 about the experience of the Paris Commune and about the kind of state the proletariat needs. [See: The Civil War in France and Critique of the Gotha Programme]

Ex-Marxist Mr. Plekhanov evidently does not care to recall Marxism.

I quoted the words of Rosa Luxemburg, who on August 4, 1914, called German Social-Democracy a “stinking corpse”. And the Plekhanovs, Goldenbergs and Co. feel “offended”. On whose behalf? On behalf of the German chauvinists, because they were called chauvinists!

They have got themselves in a mess, these poor Russian social-chauvinists—socialists in word and chauvinists in deed.


Tinawag ni G. Plekhanov sa kanyang papel na ang ang pananalita ko'y "nagngangalit". Napakabuti, Mr. Plekhanov! Ngunit tingnan kung paano nakakahiya, kakatwa at mabagal mong inisip ang iyong mga polemiko. Kung nagbigay ako ng isang nagngangalit na pananalita sa loob ng dalawang oras, bakit hinayaan ng mga dumalong daan-daan ang "pagngangalit" na ito? Dagdag pa, bakit inilaan ng iyong papel ang buong kolum mo sa "pagngangalit"? Pabagu-bago ito, ganap na paiba-iba!

Siyempre, mas madaling manigaw, mang-abuso, at tumangis kaysa pagsubukang mag-ugnay, upang ipaliwanag, upang alalahanin kung ano ang sinabi ni Marx at Engels noong 1871, 1872 at 1875 tungkol sa karanasan ng Komyun ng Paris at kung anong uri ng estado ang kailangan ng proletaryado. [Tingnan: Ang Digmaang Sibil sa Pransya at Pagsisiyasat ng Programa ng Gotha]

Maliwanag na ang dating Marxistang si Plekhanov  ay hindi nagmamalasakit na alalahanin ang Marxismo.

Sinipi ko ang mga pananalita ni Rosa Luxemburg, na noong Agosto 4, 1914, na tinawag ang German Social-Democracy na isang "mabahong bangkay". At ang pakiramdam ng Plekhanovs, Goldenbergs at mga kasama nila ay "nasaktan". Sa kanino? Sa ngalan ng mga tsobinistang Aleman, dahil tinawag silang mga tsobinista!

Dinala nila ang kanilang sarili sa gulo, silang mga mahihirap Ruso sosyal-tsobinista — mga sosyalista sa salita at mga tsobinista sa gawa.



Notes
[1] i.e. the standing army to be replaced by the arming of the whole people.—Lenin

[2] i.e., a state of which the Paris Commune was the prototype.—Lenin

[3] Instead of “Social-Democracy”, whose official leaders throughout the world have betrayed socialism and deserted to the bourgeoisie (the “defencists” and the vacillating “Kautskyites”), we must call ourselves the Communist Party.—Lenin

[4] The “Centre” in the international Social-Democratic movement is the trend which vacillates between the chauvinists (=“defencists”) and internationalists, i.e., Kautsky and Co. in Germany, Longuet and Co. in France, Chkheidze and Co. in Russia, Turati and Co. in Italy, MacDonald and Co. in Britain, etc.—Lenin


Mga Tala
[1] s.i.s (sa ibang salita) ang nakatayong hukbo ay mapapalitan ng pag-aarmas ng buong bayan.—Lenin

[2] i.e., isang estado kung saan ang Komyun ng Paris ang tutularan.—Lenin

[3] Sa halip na "Sosyal-Demokrasya", kung saan ipinagkanulo ng mga opisyal na lider sa buong mundo ang sosyalismo at iniwan sa burgesya (ang mga "depensista" at ang "Kautskyista"), dapat nating tawagin ang ating sarili na Partido Komunista.—Lenin

[4] Ang "Sentro" sa pandaigdigang kilusang Sosyal-Demokratiko ang kalakarang nag-uurong-sulong sa pagitan ng tsobinista  (="depensista") at mga internasyunalista, ie, Kautsky at mga kasama sa Alemanya, Longuet at mga kasama sa Pransiya, Chkheidze at mga kasama sa Russia, Turati at mga kasama sa Italya, MacDonald at mga kasama sa Britanya, atbp.—Lenin

1 comment:

clar said...

maraming salamat po sa blog na ito ,dahil dito marami akong natutunan.Sakit.info