Saturday, March 7, 2009

Estratehiya at Taktika ng Tunggalian ng Uri

Akda nina Marx at Engels 1879
Isinalin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.

Estratehiya at Taktika ng Tunggalian ng Uri
________________________________________
Sinulat: Setyembre 17-18, 1879

Ito’y isang pribadong liham mula kina Marx at Engels, (unang burador ni Engels) para sa pamunuan ng Sosyal-Demokratiko ng Alemanya – sina Bebel, Liebknecht, Fritzsche, Geiser, Hasenclever, Bracke.

Ito’y bilang tugon sa akda ng Agosto 1879 na sinulat nina Karl Hochberg, Eduard Bernstein, at Carl August Schramm, na pinamagatang “Pagtanaw sa Nakalipas ng Kilusang Sosyalista sa Alemanya”. Itinataguyod ng artikulo sa magasin ang pagbabago ng partidong Sosyal-Demokratiko ng Aleman mula sa isang rebolusyonaryo tungo sa repormistang plataporma.

________________________________________
Hindi maiiwasang mangyari, na establisado sa daan ng pagsulong, na ang mga tao mula sa naghaharing uri ay sumali sa proletaryado at magpadala ng mga edukado. Ito’y malinaw na nating naipahayag sa Manipesto. Gayunman, dalawang pananaw ang malilikha:

Una, ang mga gayong tao, upang maging kapaki-pakinabang sa kilusang proletaryado, ay dapat isama nila ang mga totoong edukado. Gayunman, hindi ito ang kaso sa malaking mayorya ng mga nagbagong burgis na Aleman. Walang iniambag na anuman maging ang Zukunft [dalawang lingguhang magasin sa Berlin] o kaya’y ang Neue Gesellschaft [buwanang pahayagan sa Zurich] upang maisulong ng isang hakbang ang kilusan. Ang mga ito sa kabuuan ay kapos sa tunay, aktwal o teyoretikal na batayan. Sa halip, may mga pagsisikap na dalhin ang mga mababaw na sosyalistang kaisipan sa ayos kasabay ng iba’t ibang mga teyoretikal na pananaw, na tangan ng mga ginoo mula sa mga pamantasan, o saan pa man, bagamat ang iba naman ay nalilito, salamat sa proseso ng dekomposisyon kung saan natagpuan ito ngayon ng mga pilosopiyang Aleman. Imbes na unahing pag-aralan ang bagong agham [syentipikong sosyalismo] ng lubusan, lahat ay umaasa sa halip na sa pananaw na kanyang dala, ay may magagawang mas maikling paraan tungo sa kanyang sariling pribadong agham, at agarang inihahakbang ng may pagyayabang na kanya itong ituturo. Kaya, maraming mga ginoong tulad nila ang may marami ring pananaw na kasindami ng ulo; imbes na ilinaw ang dapat ilinaw, lumikha sila ng karumal-dumal na kalituhan – sa kabutihang palad, ito’y lagi na lamang umiikot sa kanila. Ang mga edukadong tulad nila, na ang gabay na prinsipyo ay ituro ang di pa nila natututuhan, dapat na silang ipamigay ng partido.

Ikalawa, kung ang mga taong mula sa iba pang uri ang sumali sa kilusang proletaryado, ang unang hiling sa kanila ay dapat nilang iwan ang anumang bahid ng pagkaburgis, petiburgis, atbp., hindi makatarungang paghuhusga, kundi dapat nilang tuluyang taglayin ang pananaw ng proletaryado. Ngunit pinanaig ng mga ginoong iyon, tulad ng ipinakita, ang kanilang pangungunyapit sa kaisipang petiburgis. Sa pagiging petiburgis ng bansang tulad ng Alemanya, ang mga kaisipang ganito ay kinakailangan, ngunit sa labas lang ng partido ng Sosyal-Demokratikong Paggawa. Kung nais ng mga ginoo na magtatag ng partidong sosyal-demokratikong petiburgis, nasa kanila ang lahat ng karapatang gawin yaon; kaya sinuman ay maaaring makipag-usap sa kanila, mag-ayos ng kasunduan, atbp., batay sa kalagayan. Ngunit sa isang partido ng paggawa, sila’y mga bulaang salik. Kung may mga batayan upang kunsintihin sila, isang tungkulin lamang na kunsintihin sila, upang pahintulutan silang walang impluwensya sa liderato ng partido, at upang isaisip na ang pakikipaghiwalay sa kanila ay kinakailangan pa ng kaunting panahon.

Gayunpaman, tila dumating na ang panahong yaon.

Hindi namin maisip kung paanong nakukunsinti pa ng partido sa sentro nito ang mga may-akda [Hochberg, Bernstein, Schramm] ng mga artikulong yaon. Kung ang liderato ng partido ay bumagsak sa kamay ng mga tulad nila, simpleng makakapon lamang ang partido at, kasabay nito, ang wakas ng kaayusang proletaryado.

Sa ganang amin, pagkatapos ng buong kasaysayan, isang paraan na lang ang nalalabi. Sa humigit-kumulang 40 taon, iniangat natin ang katanyagan ng kaisipan ng tunggalian ng uri bilang agarang pwersa ng kasaysayan, at sa partikular, ang tunggalian ng uri sa pagitan ng burgis at proletaryado bilang pinakapanikwas ng modernong rebolusyong panlipunan; kaya, hirap tayong makisama sa mga taong nagnanais na birahin ang tunggalian ng uri sa kilusan. Sa pagkakatatag ng Internasyunal, tuwiran naming ginawa ang digmang sigaw: Ang katubusan ng uring manggagawa ay dapat gawin mismo ng uring manggagawa.

Alalaong baga, hindi kami nakikisama sa mga taong nagsasabing ang mga manggagawa ay ignorante na palayain ang kanilang mga sarili, kundi dapat munang mapalaya ang taas pababa, sa pamamagitan ng malalaking mapagkawanggawang petiburgis. Kung sakaling ang bagong organi ng partido ay manindigang tulad ng kaisipan ng mga ginoong taon, ay nagiging burgis at hindi proletqaryado, kaya wala nang nalalabi pa sa atin, paumanhin sa aming magagawa, kundi magsalita laban dito sa publiko at wakasan ang pagkakaisa sa loob kung saan inirepresenta natin ang partidong Aleman sa labas ng bansa. Ngunit umaasa kaming hindi pa tayo makakarating sa ganoon.

Ang liham na ito ay dapat sabihin sa lahat ng limang kasapian ng Komite sa Alemanya, pati na kay Bracke…

Sa bahagi natin, wala tayong pagtutol dito na ito’y sabihin sa mga ginoo ng Zurich.

No comments: