Friday, February 18, 2011

Kritik sa PPW - Unang Bahagi

Ito ang UNANG BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.


PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type
Metro Manila—Rizal Regional Committee, Communist Party of the Philippines [Popoy Lagman], 21 February 1994

PPW: "Bagong Tipo" ng Rebolusyong Mali ang Tipo
Komiteng Rehiyon ng Metro-Manila Rizal
Partido Komunista ng Pilipinas
Pebrero 21, 1994

In the critique of PPDR, we have shown, that due to his betrayal of the proletarian class line, Sison's “people's revolution” is not a “new type” revolution. It is ultra-revolutionary in form but bourgeois-reformist in content.

Sa pagsusuri sa PPDR, ipinakita natin na dahil sa kanyang pagtraydor sa proletaryong linyang makauri, ang "rebolusyong bayan" ni Sison ay hindi isang "bagong tipo" ng rebolusyon. Na ito ay ultra-rebolusyonaryo sa porma subalit burges-repormista sa laman.


He abandons the independent class line of the proletariat and the socialist class movement in the struggle to complete the democratic revolution. All Sison does is pay lip service to proletarian leadership and to its socialist aim. However, in his program and policies, what he pursues is a petty bourgeois, purely national-democratic, ultra-revolutionist line.

Inabandona niya ang independyenteng linyang makauri ng proletaryado at ng sosyalistang kilusan sa pakikibaka para sa kaganapan ng demokratikong rebolusyon. Walang ginawa si Sison kundi ang magsilbing "serbisyong labi" sa proletaryadong liderato at sa sosyalistang mithiin nito. Gayunpaman, sa ginawa niyang programa at alituntunin, ang isinusulong niya ay pawang peti-burgesya, purong pambansa-demokratiko, ultra-rebolusyonistang linya.


Sison's “people's revolution” can only be understood as “new type” in the sense that it's a “Marxist-Leninist” revolution of the wrong type. A Maoist type of vulgarized revolution. The way our national democratic revolution was reduced and transformed, absolutized and dogmatized into a protracted war type of revolution proves that it is a wrong type of revolution of the worst kind. It signifies a complete rupture with Marxist-Leninist theory and practice all along the line. “War revolution” is a poor imitation of Sison's Chinese paradigm. Engels once admonished: “Do not play with insurrection.” He should have added: “More so, with war.”

Ang "digmang bayan" ni Sison ay maaari lamang maunawaan bilang "bagong tipo" ng rebolusyon sa kalagayang ito ay isang "Marxista-Leninistang" rebolusyon na mali ang tipo. Isang Maoistang tipo ng bulgarisadong rebolusyon. Ang ginawang pagmamaliit at pagtransporma, pag-absolutisa at pag-dogmatisa sa ating pambansa demokratikong rebolusyon bilang matagalang digmang bayan ay nagpapatunay na ito ay isang pinakasukdulang klase ng maling tipong rebolusyon. Ito ay ganap na pambababoy sa Marxista-Leninistang teorya at praktika sa lahat ng linya. Ang "Digmaang Rebolusyon" ay isang kalunus-lunos na imitasyon ni Sison ng paradigmong Tsino. Minsan ay nagbabala si Engels: "Huwag paglaruan ang insureksyon". Dapat ay idinugtong niya: "Laluna ang digmaan".


Universality of PPW: Sison's Chinese Universe

Ang Unibersalidad ng PPW: Ang Unibersong Tsino ni Sison


Sison presents PPW to our revolutionary forces as a “universal truth.” The question is: from what universe did he abstract this “universal truth?”

Inihapag ni Sison ang PPW sa ating mga rebolusyonaryong pwersa bilang "unibersal na katotohanan". Ang tanong: Saang uniberso niya hinugot ang ganitong "unibersal na katotohanan"?


What is a universal truth? For a theoretical proposition to be considered universal, its inner logic must be of general application, and is validated in universal practice.

Ano ang unibersal na katotohanan? Upang ang isang teoretikal na proposisyon ay ituring na unibersal, sa pinakamalalim na lohika nito, ito'y dapat na may pangkalahatang aplikasyon, at pinatotohanan ng unibersal na praktika.


From what part of the planet earth has this PPW been validated as a universal truth in the revolutionary struggle of the oppressed masses?

Saang bahagi ng planeta napatunayan ang "unibersal na katotohanan" ng PPW sa pagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka ng aping masa?


Sison must be reminded that what he wants to be upheld as universal is not “people's war” in general, but the “protracted war” type of “people's war,” the principles and strategy of protracted war as developed by Mao Ze Dong.

Dapat alalahanin ni Sison na ang gusto niyang ipataguyod bilang unibersal ay hindi ang "digmang bayan" sa kabuuan, kundi ang "matagalang digmang" tipo ng "digmang bayan", ang prinsipyo at istratehiya ng matagalang digma na pinaunlad ni Mao Zedong.


Again, we should beware of Sison's rhetorical shuffle once cornered in theoretical debate. If Sison is just talking of “people's war” and not of “protracted war,” he is phrase-mongering. All revolutions are people's war, it's but another name for revolution. As Engels said: “All revolution, whatever form it may take, is a form of violence.” And Lenin said: “Revolution is war.” Both are referring to the violent character of revolution, to the necessity of revolutionary violence. But what specific form or combination of forms this revolutionary violence will take is a different question and is beyond the generic category of the term “people's war.”

Muli, dapat tayongf mag-ingat sa mga retorikal na panlilito ni Sison sa teoretikal na debate. Kung sakaling ang tinutukoy ni Sison ay "digmang bayan" at hindi "matagalang digma", ang ginagawa niya kung gayon ay "paglalako ng tsismis (phrase mongering)". Ang lahat ng rebolusyon ay digmang bayan, ito ay ibang pangalan lang ng rebolusyon. Tulad ng binanggit ni Engels: "Lahat ng rebolusyon, anuman ang porma nito, ay isang porma ng karahasan." (All revolution, whatever form it may take, is a form of violence.) At ni Lenin: "Ang rebolusyon ay digmaan." (Revolution is war.) Kapwa ito patungkol sa marahas na katangian ng rebolusyon, sa pangangailangan (nesesidad) ng rebolusyonaryong karahasan. Subalit ibang usapin na kung anong partikular na porma o kombinasyon ng mga porma ng rebolusyonaryong karahasan ang gagamitin, at ito'y lagpas na sa henerikong kategorya ng salitang "digmang bayan".


Mao's protracted war is a people's war, but a specific type of people's war. What distinguishes it from other forms of people's war? On two counts: Mao's concept of the three strategic stages of protracted war and his strategic line of encircling the cities from the countryside.

Ang matagalang digma ni Mao ay isang digmang bayan, subalit isang partikular na tipo ng digmang bayan. Ano ang pagkakaiba nito sa ibang porma ng digmang bayan? Sa dalawang punto: Ang konsepto ni Mao ng tatlong istratehikong yugto ng matagalang digma at ang kanyang istratehikong linya ng pagkubkob ng kalunsuran mula sa kanayunan.


These two basic features of protracted war characterize and define it as a distinct type of people's war or revolutionary war. These two basic features make a people's war a protracted war. This is Sison's people's war, a protracted people's war and this is what he wants to be reaffirmed as a universal truth as it has been upheld as an absolute truth in our twenty-five years of revolutionary struggle.

Ang dalawang batayang katangiang ito ng matagalang digma ang nagkakarakterisa at nagsisilbing kahulugan nito bilang isang natatanging tipo ng digmang bayan o ng rebolusyonaryong digma. Ang dalawang batayang katangiang ito ang bumubuo sa digmang bayan bilang matagalang digma. Ito ang digmang bayan ni Sison, ang matagalang digmang bayan. At ito ang nais niyang pagtibayin bilang unibersal na katotohanan tulad ng pagtaguyod dito bilang absolutong katotohanan sa loob ng dalawampu't limang taon ng pagsusulong natin ng rebolusyonaryong pakikibaka.


Protracted war was proven correct in semicolonial and semifeudal China with outstanding success. But does it mean it is universal, an absolute truth for all semicolonial and semifeudal societies?

Ang matagalang digma ay napatunayang tama sa malakolonyal at malapyudal na Tsina. Subalit nangangahulugan bang ito'y unibersal, isang absolutong katotohanan sa lahat ng malakolonyal at malapyudal na lipunan?


Does it mean it is correct and applicable in “semicolonial and semifeudal” Philippines? If a country is semicolonial and semifeudal, does it automatically follow that its people's war must take the form of protracted war? Is the semicolonial and semifeudal question the decisive determinant in the strategy of protracted war?

Nangangahulugan bang ito ay tama at aplikable sa "malakolonyal at malapyudal" na Pilipinas? Kung ang isang bansa ay malakolonyal at malapyudal, awtomatiko ba na ang digmang bayang dapat isulong dito ay sa porma ng matagalang digma? Ang malakolonyal at malapyudal na usapin ba ang mapagpasyang tagapagtakda ng istratehiya ng matagalang digma?

No comments: