Friday, February 25, 2011

Kritik sa PPW - Ikalawang Bahagi

Ito ang IKALAWANG BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.


Let us first review Mao's revolution, the internal logic of his protracted war theory, and why it was proven successful in China.

Atin muling balik-aralan ang rebolusyon ni Mao, ang internal na lohika ng kanyang matagalang digma, at kung bakit ito naging matagumpay sa Tsina.


After the establishment of the Chinese Communist Party in 1921, the national democratic revolution in China passed through four periods. The first covers the “First Revolutionary Civil War” (1924-27) also known as the Northern Expedition. The second covers the “Second Revolutionary Civil War” (1927-37) also known as the “Agrarian Revolutionary War” or the period of reaction. The third covers the period of the “War of Resistance Against Japan” (1937-45). And the last and final stage, the “Third Revolutionary Civil War” (1945-49) which resulted in the victory of the people's democratic revolution in China led by the CCP.

Matapos maitatag ang Partido Komunista ng Tsina noong 1921, dumaan sa apat na yugto ang pambansa demokratikong rebolusyon sa Tsina. Ang unang yugto ay sumasaklaw sa "Unang Rebolusyonaryong Digmaang Sibil" (1924-27) na kilala rin sa katawagang "Northern Expedition". Ang ikalawa ay ang "Ikalawang Rebolusyonaryong Digmaang Sibil" (1927-37) na kilala rin bilang "Rebolusyonaryong Agraryong Digmaan" o ang panahon ng reaksyon. Ang ikatlo ay sumasaklaw sa panahon ng "Digmaan ng Pagtutol Laban sa Hapon" (1937-45). At ang huli at pinal na yugto, ang "Ikatlong Rebolusyonaryong Digmaang Sibil" (1945-49) na nagresulta sa tagumpay ng demokratikong rebolusyonaryong bayan sa Tsina sa pamumuno ng CCP.


The first two periods both ended in defeat. Mao took over the leadership of the CCP in the latter stage of the second period (January1935 Tsunyi Conference) during the Long March, and from thereon, the Chinese revolution took the path of protracted war.

Parehong bigo ang unang dalawang yugto. Naluklok si Mao sa liderato ng CCP sa huling bahagi ng ikalawang yugto (Enero 1935 Kumperensyang Tsunyi) sa panahon ng Mahabang Martsa, at mula noon, tinahak ng Rebolusyong Tsino ang landas ng matagalang digma.


In 1921, the year it was founded, the CCP was minuscule, with less than a hundred members. It grew very slowly in its first years. At the time of the Second Congress (1922) there were only 123 members, and 432 by the Third Congress (1923). It reached a thousand members by the time of the Fourth Congress in 1925. The CCP was deeply entrenched in the cities, among the workers, but was marginal in the countryside. From 1925, it expanded rapidly to about 30,000 members by 1926. By 1927, it reached a high of 58,000. The CCP's united front tactics with the Guomintang was crucial in this upsurge.

Noong 1921, sa taon ng pagkakatatag nito, napakaliit lamang ng CCP, na kulang pa sa isang daan ang kasapi. Unti-unti itong lumago sa mga unang taon nito. Sa Ikalawang Kongreso nito (1922), umabot sa 123 ang bilang ng kanilang kasapi, at lumaki hanggang 423 kasapi pagdating ng Ikatlong Kongreso (1923). Sa panahon ng Ikaapat na Kongreso nuong 1925, lumaki ang CCP ng hanggang isang libong kasapi. Sa kalunsuran, sa hanay ng mga manggagawa, malawakang kumikilos ang CCP, subalit sa mga itsapwera naman ito sa kanayunan. Simula 1925, mabilis na lumaki ito hanggang 30,000 pagpasok ng 1926. Sa taong 1927, umabot na sa 58,000 ang kasapian nito. Naging krusyal ang taktika ng CCP sa pakikipag-isang prente sa Koumintang para sa pag-igpaw nito.


As early as 1922, there were already talks with Sun Yat-sen for the possibility of an alliance between the Guomintang and the CCP, between China and the Soviet Union. By 1923, the Guomintang approved a proclamation affirming a united front struggle with the CCP against the Northern warlords and against the unequal treaties imposed by the imperialist countries on China.

Taong 1922 pa lang, may mga sinimulan nang pakikipag-usap kay Sun Yat-sen hinggil sa posibilidad ng alyansa ng Koumintang at CCP, ng Unyong Sobyet at ng Tsina. Noong 1923, inaprubahan ng Koumintang ang proklamasyong nagtitibay sa pakikibaka ng nagkakaisang prente kasama ang CCP upang labanan ang mga Hilagaing Poongdigma (Northern Warlords) at bakahin ang hindi pantay na tratadong ipinatupad ng mga imperyalistang bansa sa Tsina.


A delegate from the Communist International-Maring, a Dutchman who was very familiar with the Far East and attended the founding congress of the CCP-played an important personal role in forging this united front with Sun Yat-sen. By August 1923, Sun sent a mission to Moscow led by Chiang Kai-shek. In return, a Soviet mission led by Michael Borodin arrived in Canton in September.

Isang delegado mula sa Internasyunal na Komunista - si Maring, isang Olandes na pamilyar sa Malayong Silangan at nakadalo sa Kongreso ng Pagkakatatag ng CCP - ang nagkaroon ng mahalagang personal na papel sa pagkakabuo ng nagkakaisang prente kay Sun Yat-sen. Noong 1923, nagpadala si Sun ng isang misyon sa Moscow sa pamumuno ni Chiang Kai-Shek. Kapalit nito, dumating naman ang misyon ng Sobyet na pinamumunuan ni Mikhail Borodin sa Canton noong Setyembre.


Borodin participated actively in the movement to reorganize the Guomintang, serving as its political adviser. A provisional executive committee of the Guomintang was formed in October which included a CCP member. A Congress for reorganizing the Guomintang was planned for January 1924. During this time, the gap between Sun Yat-sen and the imperialist countries continued to widen. Sun declared publicly that he had lost all faith in the Western powers and no longer trusted anyone but the USSR.

Naging aktibo si Borodin sa pagkilos para mareorganisa ang Koumintang at tumayong pulitikal na tagapayo nito. Isang probisyunal na lupon tagapagpaganap ng Koumintang ang binuo nuong Oktubre, at naging myembro dito ang isang kasapi ng CCP. Isang Kongreso para sa reorganisasyon ng Koumintang ang plinanong gawin nuong Enero 1924. Sa panahong ito, lalong lumalaki ang away sa pagitan ni Sun Yat-sen at ng mga imperyalistang bansa. Ipinahayag ni Sun sa publiko ang kawalan niya ng tiwala sa mga Makapangyarihang Kanluranin at ipinahayag na ang tanging pinagkakatiwalaan niya ay ang USSR.


The national congress of the Guomintang of January 1924 in Canton deepened the content of Sun Yat-sen's “Three People's Principles.” The principle of nationalism was equated with anti-imperialist struggle; the principle of democracy underscored the power of the people; and the principle of the well-being of the people meant socialism. These three principles were extended into three new policies: cooperation with the Soviet Union, alliance with the Chinese Communists, and support of the worker and peasant movements.

Lalong pinatalas ang "Tatlong Prinsipyo ng Bayan" ni Sun Yat-sen sa okasyon ng pambansang kongreso ng Koumintang noong Enero 1924 sa Canton. Ang prinsipyo ng nasyunalismo ay itinulad sa pakikibaka laban sa imperyalista; ang prinsipyo ng demokrasya ay inilayo mula sa Kanluranin na parlyamentarismo at pinaliit ang kapangyarihan ng sambayanan; at ang prinsipyo ng kapakanan ng sambayanan ay ipinakahulugan sa sosyalismo. Ang tatlong prinsipyong ito ay pinalawak at ginawang tatlong bagong alituntunin: pakikipagtulungan sa Unyong Sobyet, pakikipag-alyansa sa Komunistang Tsino, at pagsuporta sa kilusang manggagawa at pesante.


The Guomintang apparatus was reorganized and some key positions were given to CCP members, particularly in the organization and propaganda departments. Most of the effort was concentrated on the army. A military academy was founded in Whampoa in May 1924. Head of the academy was Chiang Kai-shek (who was integrated by Stalin into the Comintern!), adviser was Soviet general Vasily Blucher (better known as Galen), and its political commissar was Chou En-lai. The army itself was reorganized and given political commissars.

Nireorganisa ang aparato ng Koumintang at ang ibang mahahalagang posisyon ay ibinigay sa mga kasapi ng CCP, sa partikular, ang kawanihan ng organisasyon at propaganda. Ikinonsentra sa hukbo ang pansin. Isang akademyang militar ang itinatag sa Whampoa nuong Mayo 1924. Ang naging pinuno ng akademyang ito ay si Chiang Kai-Shek (na ipinasok ni Stalin sa Comintern!!), ang naging tagapayo ay ang Sobyet na heneral na si Vasily Blyukher (mas kilala bilang Galen), at ang naging komisaryong pulitikal ay si Chou En-Lai. Ang mga hukbo ay nireorganisa at binigyan ng kanya-kanyang komisaryong pulitikal.


This united front created extremely favorable conditions for the advance of the Chinese revolution and the rapid growth of the CCP. By 1925, broad popular movements suddenly exploded, participated in by millions of people across China. All preparations were already underway for the Northern Expedition against the warlords and the struggle to unify China under a central government when Sun Yat-sen died of cancer in March 1925. His sudden death triggered intense struggle within the Guomintang, between its left and right wings which ultimately led to the collapse of the united front and the defeat of the revolution.

Naglikha ng napakapaborableng kondisyon ang nabuong nagkakaisang prente para sa pag-abante ng rebolusyong Tsina at sa mabilis na paglago ng CCP. Pagdating ng 1925, pumutok ang mga malawakang popular na pagkilos, kaisa ang milyun-milyong tao sa buong Tsina. Nang mamatay si Sun Yat-sen dahil sa kanser nuong Marso 1925, lahat ng paghahanda ay nakaayos na para sa Hilagaing Ekspedisyon laban sa mga poongdigma at sa pagsusulong ng pakikibaka para sa pagkakaisa ng Tsina sa ilalim ng isang sentral na pamahalaan. Sa kanyang huling testamento, hinimok niya ang lahat para sa pagpapatuloy ng pakikibaka para sa tatlong prinsipyo. Subalit ang kanyang biglaang pagkamatay ay nagbunga ng malalang sigalot sa loob ng Koumintang, sa pagitan ng mga kaliwa at kanan, na nauwi sa pagbagsak ng nagkakaisang prente at pagkabigo ng rebolusyon.


In an attempt to stop the splintering of the Guomintang after Sun's death, the left wing, with the support of the CCP, convened the Second Congress of the Guomintang in January 1926. The left consolidated its positions: out of 36 members of the Central Committee, 13 were from the left and 7 from the center.

Sa pagtatangkang ayusin ang sigalot sa loob ng Koumintang matapos pumanaw ni Sun, ang kaliwang panig, sa tulong ng CCP, ay nagpatawag ng Ikalawang Kongreso ng Koumintang nuong Enero 1926. Kinonsolida ng Kaliwa ang kanilang posisyon: sa 36 kasapi ng Komite Sentral, 13 ang nasa kaliwa at pito ang nasa gitna.


But the victory of the left wing in the Second Congress was shortlived. Chiang Kai-shek, organized a probing attack in March 1926 against the Soviet advisers and the CCP. By May, the Communists were ousted from the leadership of the departments of organization and propaganda, and measures were taken in Canton to restrict the activity of the unions. Chiang officially took control of the government army by June 1926.

Subalit ang tagumpay na ito ng Kaliwang panig sa Ikalawang Kongreso ay hindi nagtagal. Naglunsad si Chiang Kai-shek ng atake nuong Marso 1926 laban sa mga Sobyet na Tagapayo at sa CCP. Pagpasok ng Mayo, napatalsik nito ang mga Komunista sa liderato ng departamento ng organisasyon at propaganda, at nagpatupad ng mga kautusan sa Canton ng pagrestrikto sa pagkilos ng mga unyon. Opisyal na nakuha ni Chiang ang kontrol sa hukbo ng pamahalaan nuong 1926.


The CCP, preferred to bide its time and not provoke a confrontation. It hoped that the Northern Expedition, which was now imminent, would allow it to reestablish its influence. But the Expedition, though it was successful militarily in defeating most of the Northern warlords, became instead an opportunity for Chiang to consolidate his position with the support of these warlords plus their colonial patrons. By1927, the right wing of the Guomintang decided on a total realignment of political forces in China, entered into agreements with the imperialist powers while breaking up relations with the revolutionaries who had now become a threat. Since the North has been weakened due to the Northern Expedition and many of its armies have defected to the South, this became increasingly possible.

Piniling maging mahinahon ng CCP at hindi ito naghamon ng anumang kumprontasyon. Umasa itong ang napipintong HIlagaing Ekspedisyon ay makapagbibigay sa kanila ng pagkakataong muling mapatibay ang kanilang impluwensya. Subalit ang Ekspedisyon, bagamat naging matagumpay (sa usaping militar) sa pagsugpo sa karamihan ng mga Hilagaing Poongdigma, ay nagbigay ng pagkakataon kay Chiang Kai-shek upang ikonsolida ang kanyang posisyon sa tulong ng mga poongdigmang ito. kasama pa ang kanilang kolonyal na patron. Nuong 1927, nagpasyang magpatupad ng kabuuang muling pagsasaayos (total realignment) ng lahat ng pulitikal na pwersa sa Tsina ang Kanang panig ng Koumintang, nakipagkasundo sa mga imperyalista at pinutol ang kanilang relasyon sa mga rebolusyonaryo, na hanggang sa puntong ito ay mahalaga sa pakikibaka laban sa mga poongdigma at sa di-pantay na tratado subalit ngayon ay naging mapanganib. Sapagkat ang Hilagain ay naging mahina na dahil sa Hilagaing Ekspedisyon, at ang karamihan sa hukbo nito ay lumipat na sa Timog, ang ganitong pangyayari ay naging napakaposible.


Chiang set up headquarters in Nanchang, the capital of Jiangxi while the official Nationalist government moved to Wuhan. The Wuhan-based government was dominated by the left wing of the Guomintang, especially by Xu Quian, Sun Yat-sen's widow. Borodin and the Soviet advisers exerted quite an influence and the Communists were very active, as were the mass organizations they influenced: the peasant associations, the student organizations, and specially the General Pan-Chinese Union, which had three million members.

Nagtayo ng punung-himpilan si Chiang sa Nanchang, ang kabisera ng Jiangxi, habang ang opisyal na Makabayang pamahalaan ay inilipat sa Wuhan. Ang nakabaseng pamahalaan sa Wuhan ay dominadong mga Kaliwang panig ng Koumintang, laluna ni Xu Quian, ang balo ni Sun Yat-sen. Naging malaking impluwensya sina Borodin at ang mga tagapayong Sobyet, at ang mga komunista ay naging aktibo, gayundin ang mga organisasyong masang kanilang naiimpluwensyahan: ang mga asosasyong pesante, mga organisasyong estudyante, at ang Pangkalahatang Unyon ng Pan-Tsino, na may tatlong milyong kasapi.


The struggle between Wuhan and Nanchang reached a crucial stage in the struggle for Shanghai. This was China's largest city, the center of the workers' movement after 1919 and the base of Chinese financial groups and their imperialist cohorts. Twice, in November 1926 and February 1927, the Shanghai Communists with the workers' unions attempted armed uprisings in the city but failed. On their third attempt, on March 18, 1927, the General Union of Shanghai, led by the CCP, unleashed an insurrection involving 800, 000 workers. In four days the union militias succeeded in defeating and routing the northern troops of the warlords and took control of the city. Chiang Kai-shek's troops did not arrive until March 23, when the fighting was over. The victory of the General Union of Shanghai precipitated the open crisis within the Guomintang.

Ang tunggalian sa pagitan ng Wuhan at Nanchang ay umabot sa krusyal na yugto sa gitna ng pakikibaka para sa Shanghai. Ito ang pinakamalaking syudad ng Tsina, ang sentro ng kilusang manggagawa pagkatapos ng 1919, at ang base ng mga pinansyal na grupong Tsino at ng kanilang kasabwat na imperyalista. Dalawang beses na nagtangka ang mga komunista sa Shanghai kasama ang mga unyong manggagawa, nuong Nobyembre 1926 at Pebrero 1927, na maglunsad ng armadong pag-aalsa sa syudad ng Shanghai, subalit pareho itong nabigo. Sa ikatlong pagtatangka noong Marso 18, 1927, ang Pangkalahatang Unyon ng Shanghai, sa pamumuno ng CCP, ay naglunsad ng isang insureksyon na kinabibilangan ng 800,000 manggagawa. Sa loob ng apat na araw, nagtagumpay ang unyong milisya sa paggapi at pagbihag ng hilagaing tropa ng mga poongdigma at naagaw ang kontrol sa buong lungsod ng Shanghai. Tapos na ang laban nang dumating ang tropa ni Chiang Kai-shek nuong Marso 23. Ang tagumpay ng Pangkalahatang Unyon ng Shanghai ang nagbunsod ng lantarang krisis sa loob ng Koumintang.


Chiang Kai-shek did not immediately make his decisive move. Political authority was held by a provisional popular government which included Communists. But Chiang's army occupied the city. Though it refused to dissolve the armed militias of the unions, the CCP however, left them and the whole working class politically unprepared for Chiang's offensive. In this volatile condition, the CCP continued to pursue the conciliatory and capitulationist line established by the Comintern. They agreed not to threaten the status of the imperialist concessions. They also agreed to confine union activities to economic action. They continued to treat Chiang Kai-shek like a trustworthy revolutionary leader.

Hindi agad gumawa ng mapagpasyang pagkilos si Chaing Kai-shek. Ang pulitikal na otoridad ay pinaghawakan ng isang probisyunal na popular na pamahalaan, kabilang ang mga Komunista. Subalit ang hukbo ni Chiang ang nag-okupa sa lungsod. Kahit na hindi ito pumayag na lusawin ang armadong milisya ng mga unyon, naiwan ang CCP at ang buong uring manggagawa na walang pulitikal na kahandaan sa opensiba ni Chiang. Sa kondisyong ito, nagpatuloy ang CCP sa paggamit ng pampalubag-loob (conciliatory) at pagsuko ayon sa kasunduan (capitulationist) na linyang pinagtibay ng Comintern. Pumayag silang huwag ilagay sa alanganin ang istatus ng imperyalistang konsesyon. Pumayag rin silang malimitahan ang mga aktibidad ng unyon sa ekonomikong aksyon. Patuloy ang kanilang pagtrato kay Chiang Kai-shek bilang isang mapagkakatiwalaang lider-rebolusyonaryo.


Early morning of April 12, Chiang Kai-shek made his decisive move. The buildings of the union militias were attacked and the people inside were massacred. Chou En-lai just managed to escape but other Communist leaders were killed. Unarmed, the worker's movement was virtually defenseless. The unions were banned and the Communists were defeated. The repression of the unions, other mass organizations and the Communists spread to all the provinces controlled by Chiang Kai-shek's army. In the areas held by the Northern warlords, anti-Communist repression intensified for they no longer feared reprisals from the Nationalist army now firmly controlled by Chiang Kai-shek.

Umaga ng Abril 12 nang gawin ni chiang Kai-shek ang kanyang mapagpasyang pagkilos. Ang mga gusali ng unyong milisya ay inatake at ang mga tao sa loob nito ay minasaker. Nagawang makaligtas ni Chou En-Lai subalit ang ibang lider-Komunista ay nangamatay nang lahat. Salat sa sandata, walang kalaban-laban ang kilusang manggagawa. Ipinagbawal ang mga unyon at ang mga Komunista ay ginapi. Ang represyon sa mga unyon, sa ibang organisasyong masa at sa mga Komunista ay lumawak hanggang sa ibang lalawigang kontrolado ng hukbo ni chiang Kai-shek. Sa mga lugar na hawak ng mga hilagaing poongdigma, naging matingkad ang anti-Komunistang represyon sa dahilang hindi na nila kinatatakutan ang pagganti ng nasyunalistang hukbo na ngayon ay kontrolado na ni Chiang Kai-shek.

No comments: