Tuesday, March 1, 2011

Kritik sa PPW - Ikatlong Bahagi

Ito ang IKATLONG BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.


Up to this point, the official Nationalist government based in Wuhan continued to hold the two provinces of Hubei and Hunan and to rely on the coalition between the left-wing Guomintang and the CCP. The peasant associations there remained strong and active (with 9 millions members). On May 1, 1927, the labor unions held their Fourth National Workers Congress, attended by 300 delegates (representing 3 million unionized workers).

Hanggang sa panahong ito, patuloy na hinawakan ng opisyal na Makabayang pamahalaang nakabase sa Wuhan ang dalawang lalawigan ng Hubei at Hunan at patuloy ding umasa sa koalisyon sa pagitan ng Kaliwang Koumintang at ng CCP. Ang mga asosasyong pesante rito ay nanatiling malakas at aktibo (may siyam na milyong kasapi). Noong Mayo 1, 1927, naglunsad ang mga unyong paggawa ng kanilang Ikaapat na Pambansang Kongreso ng Manggagawa, na dinaluhan ng 300 delegado (kumakatawan sa 3 milyong unyonisadong manggagawa).


Because of the April 12 attack, Chiang Kai-shek was expelled by the Wuhan government from the Guomintang. But on April 18, he established a rival “national government” in Nanking claiming to be the legitimate heir of Sun Yat-sen's Guomintang. However, because of the class character of the Wuhan leadership plus the indecisiveness of the CCP and its conciliatory line to both the right and left wings of the Guomintang, the Wuhan government finally succumbed to Chiang Kai-shek's unrelenting pressure.

Dahil sa pag-atake noong Abril 12, tinanggal si Chiang Kai-shek ng pamahalaang Wuhan mula sa Koumintang. Subalit noong Abril 18, nagtayo siya ng katunggaling "pambansang pamahalaan" sa Nanking at ipinahayag na ito ang lehitimong tagapagmana ng Koumintang ni Sun Yat-sen. Dahil sa makauring karakter ng liderato ng Wuhan, idagdag pa ang kawalan ng matibay na desisyon ng CCP at ang linyang konsilyatorya nito sa Kaliwa at Kanang panig ng Koumintang, nadaig ng walang patid na panggigipit ni Chiang Kai-shek ang pamahalaang wuhan.


By July 15, Wang Jing-wei, the nominal head of Wuhan, officially announced the expulsion of the Communists from the Guomintang and made peace with Nanking. The Communists went underground and the Soviet advisers were expelled.

Noong Hulyo 15, opisyal na ipinahayag ni Wang Jing-wei, ang nominal na pinuno ng Wuhan na isa ring alangang intelektwal, ang ekspalsyon ng mga Komunista mula sa Koumintang at ang pakikipagkaisa sa Nanking. Ang mga Komunista ay kumilos ng palihim at napatalsik ang mga tagapayong Sobyet.


In a special meeting on August 7, 1927, the Central Committee of the CCP abandoned its policy of a united front with the Guomintang. Chen Du-xiu, who had been secretary-general since the party's founding, was discharged and replaced by Qu Qiu-bai who had lived in Moscow for some time and an avid follower of the Stalin.

Sa isang ispesyal na pulong nuong Agosto 7, 1927, inabandona ng Komite Sentral ng CCP ang alituntunin nitong pakikipag-isang prente sa Koumintang. Si Chen Du-xiu, na tumayong pangkalahatang kalihim simula nang pagkakatatag ng partido, ay tinanggal at pinalitan ni Qu Qiu-bai, na nanirahan sa Moscow ng maikling panahon at isang matapat na alagad ni Stalin.


Chen Du-xiu was held responsible for all the opportunist errors and failures of the party. But it was very clear that all major policies and tactics pursued by the CCP from 1924-27 emanated from Moscow and transmitted by the representatives of the Comintern in China. Even Mao, in his writings, failed to cite Stalin and the Comintern for these Right errors and heaped all the blame upon Chen Du-xiu. Even the swing to “Left” errors by the adventurist elements who succeed Chen Du-xiu was not traced to Stalin and the Comintern. A series of unsuccessful armed uprisings during the second half of 1927 followed the opportunist errors in the period of the united front.

Isinisi kay Chen Du-xiu ang lahat ng oportunistang kamalian at kabiguan ng partido. Subalit kitang-kita na ang lahat ng mayor na alituntunin at taktikang ipinatupad ng CCP simula 1924 hanggang 1927 ay nagmula sa Moscow at ipinaabot ng mga kinatawan ng Comintern sa Tsina. Kahit si Mao, sa kanyang mga sulatin, ay hindi binanggit si Stalin at Comintern sa pagdidiin ng maka-Kanang kamaliang ito at ipinukol lahat ng sisi kay Chen Du-xiu. Kahit ang paglihis sa "Kaliwang" kamalian ng mga adbenturistang elementong pumalit kay Chen Du-xiu ay hindi binaybay patungo kay Stalin at sa Comintern. Ang sunud-sunod na bigong armadong pag-aalsa nuong ikalawang bahagi ng 1927 ay sinundan ng mga oportunistang kamalian sa panahon ng nagkakaisang prente.


On August 1, 1927, Zhou En-lai led an uprising in Nanchang, capital of Kiangsi Province, with the support of He Long, Ye Ting and Zhu De, leaders of the local Nationalist armies. More than 30,000 troops took part in the uprising. They were successful for a few days but by August 5, they were forced to evacuate Nanchang because of the pressure from Chiang Kai-shek's army. They suffered a major defeat while withdrawing from Nanchang towards Kwantung Province. Some of the insurgents joined Peng Pai's rural Red base in east Guandong. Peng Pai pioneered the building of rural guerilla Red bases long before Mao started his in the Chingkang Mountains. Zhu De, a former warlord turned Communist, and another group of insurgents remained in Hunan for a time before rejoining Mao's troops the following year. The anniversary of this insurrection is celebrated as the beginning of the People's Liberation Army.

Nuong Agosto 1, 1927, pinamunuan ni Chou En-Lai ang isang pag-aalsa sa Nanchang, kabisera ng lalawigan ng Kiangsi, sa tulong nina He Long, Ye Ting at Zhu De, mga pinuno ng lokal na hukbong Nasyunalista. Higit sa 30,000 tropa ang sumanib sa pag-aalsa. Sa mga unang araw ay naging matagumpay sila subalit nuong Agosto 5, napilitan silang lisanin ang Nanchang dahil na rin sa pang-iipit ng hukbo ni Chiang Kai-shek. Tinamasa nila ang isang malaking kabiguan habang papaatras mula sa Nanchang patungong lalawigan ng Kwantung. Ang iba sa mga nakibaka ay sumanib sa pulang baseng kanayunan ni Peng Pai sa silangang Guandong. Si Peng Pai ang nagpasimula ng pagtatayo ng mga pulang baseng kanayunan bago pa man itinayo ni Mao ang kanyang base sa Kabundukan ng Chingkang. Si Zhu De, isang dating poongdigma na naging Komunista, at isa pang grupo ng mga rebelde ay nanatili sa Hunan sa maikling panahon bago ito sumanib sa tropa ni Mao nang sumunod na taon. Ang anibersaryo ng insureksyong ito ay ipinagdiriwang bilang simula ng Mapagpalayang Hukbong Bayan (People's Liberation Army).


The Autumn Harvest Uprising led by Mao was launched in September 1927 on the Hunan-Kiangsi border. He was put in charge of the uprising because a year before it was in this area that Mao carried out his famous investigation of the peasant movement. The first attempt to mobilize the peasants there around a revolutionary army led by the CCP was a failure. The revolutionary troops were routed and retreated to the mountains inland. Some of them retreated to the Chingkang Mountains with Mao.

Ang Pag-aalsa ng Anihang Taglagas (Autumn Harvest Uprising) na pinamunuan ni Mao ay inilunsad nuong Setyembre 1927 sa hangganang Hunan-Kiangsi. Itinalaga siyang pinuno ng pag-aalsang ito dahil nang nakaraang taon (1926), sa lugar na ito ginawa ni Mao ang kanyang tanyag na imbestigasyon ng kilusang pesante. Nabigo ang unang pagtatangkang imobilisa ang mga pesante sa lalawigang ito sa isang rebolusyonaryong hukbong pinamumunuan ng CCP. Ang rebolusyonaryong tropa ay nakulong at napaatras hanggang sa sulok ng kabundukan. Ilan sa kanila ay umatras sa kabundukan ng Chingkang kasama si Mao.


At the end of 1927, the CCP prepared for a third insurrection. Canton was chosen because of the strong Communist mass base among the workers, the internal rift among the region's Guomintang authorities, and the support anticipated from the neighboring rural Red base of Peng Pai. Qu Qiu-bai, was encouraged in his plans by the Comintern. The Comintern delegates in China pushed for this insurrection and this in turn, was related to the struggle between Stalin and Trotsky which was reaching a critical point at that time with the Chinese revolution as one of the major disputes. On December 11, the Communists occupied the city and proclaimed a revolutionary government. Property was confiscated and nationalized. All debts were cancelled. But Chiang Kai-shek's generals, whose troops were five times larger than those of the revolutionaries, reacted immediately. The insurgents could not defend themselves and a wave of brutal repression swept through the city. With the crushing of the Canton uprising, the first period of the Chinese revolution came to an abrupt end. The retreat to the Chingkang Mountains signalled the beginning of the second period.

Sa huling bahagi ng 1927, naghanda ang CCP para sa ikatlong insureksyon. Piniling lunsaran ang Canton dahil sa matibay na Komunistang baseng masa dito sa hanay ng mga manggagawa, dahil sa internal na away ng mga opisyal ng Koumintang dito, at dahil sa maaasahang suporta ng kalapit na pulang baseng kanayunan ni Peng Pai. Itinulak ng Comintern si Qu Qiu-bai, ang bagong pangkalahatang kalihim ng CCP, upang ipursigi ang planong ito. Ipinilt ng mga delegado ng Comintern sa Tsina ang insureksyong ito, kaugnay ng tunggalian nina Stalin at Trotsky na umabot na sa kritikal na yugto kung saan mayor na pinagtatalunan ang rebolusyong Tsina. Nuong Disyembre 11, inokupa ng mga Komunista ang lungsod at ipinroklama ang rebolusyonaryong gobyerno. Ang mga pag-aari ay kinumpiska at ginawang nasyunalisado. Ang lahat ng pagkakautang ay kinansela. Subalit maagap na kumilos ang mga heneral ni Chiang Kai-shek, na ang hukbo ay limang beses ang laki sa bilang ng rebolusyonaryong hukbo. Hindi makadepensa ang mga insureksyunista, at nasakluban ang syudad ng brutal na represyon. Sa pagkadurog ng pag-aalsa sa Canton, ang unang yugto ng rebolusyong Tsina ay agad na natapos. Ang pag-atras sa kabundukan ng Chingkang ang naghudyat ng pagsisimula ng ikalawang yugto ng rebolusyong Tsino.


What is the decisive significance of this detailed narration and clarification of the first period of the Chinese national democratic revolution immediately after the founding of the CCP? It belies the universality and absoluteness of the protracted war strategy even in China and stresses the historical context and particular conditions from which it arose in the development of the Chinese revolution.

Ano ang mapagpasyang kabuluhan ng detalyadong paglalahad at klaripikasyong ito sa unang yugto ng pambansa demokratikong rebolusyong Tsino matapos ang pagkakatatag ng CCP? Pinasisinungalingan nito ang unibersalidad at pagiging absoluto ng istratehiyang matagalang digma kahit sa Tsina, at binibigyang diin nito ang istorikong konteksto at partikular na kondisyon kung saan lumago at umunlad ang rebolusyong Tsino.


At that time, China was already semicolonial and semifeudal. There as no unified reactionary rule, various warlords across China were engaged in incessant wars, imperialist powers contended for spheres of influence. The broad masses of the Chinese people were in revolt. In short all the factors for protracted war were present. But Mao never insisted that they should have pursued the line of protracted war even as early as the first period of the revolution.

Sa panahong ito, ang Tsina ay isa nang malakolonyal at malapyudal na bansa. Dito'y walang nagkakaisang reaksyunaryong paghahari, kabi-kabila ang mga digmaang inilulunsad ng iba't ibang poongdigma sa buong Tsina, nagtatalu-talo ang mga imperyalista sa pagkuha ng impluwensya. Nag-aalsa ang malawak na masa ng sambayanang Tsino. Sa madaling salita, umiiral ang lahat ng salik para sa isang matagalang digma. Subalit hindi iginiit ni Mao na dapat ay isinulong nila ang matagalang digma sa maagang bahagi pa lang ng Unang Yugto ng rebolusyon.


Mao, in all his writings, never condemned this first period and the tactics pursued as “Left” adventurism, or in the words of Sison, as “urban insurrectionism.” He even hailed the three armed uprisings in the latter period of 1927 as glorious revolutionary struggles of the Chinese working class. What Mao condemned as erroneous were the Right opportunist errors principally in the united front and criticized the failure to give proper emphasis and correct policies on the peasant question. Never did Mao insist or insinuate, in retrospect, that the CCP should have pursued, at the very outset, the strategy of protracted war upon the establishment of the Chinese party in 1921. Mao affirmed the basic correctness of pursuing a united front policy during this period determined by the peculiar objective and subjective conditions prevailing in China from 1921-27. He never thought of imposing the strategy of protracted war under these conditions although China, even at that time, was semicolonial and semifeudal, and autonomous warlord regimes predominated-the very objective conditions for his strategy of revolution.

Sa lahat ng kanyang sulatin, hindi kinondena ni Mao ang unang yugto at taktikang ginamit dito bilang "Kaliwang" adbenturismo o, sa salita ni Sison, bilang "insureksyunismong urban". Pinuri pa nga niya ang tatlong armadong pag-aalsa sa huling bahagi ng 1927 bilang dakilang rebolusyonaryong pakikibaka ng uring manggagawang Tsino. Ang kinondena ni Mao bilang prinsipal na pagkakamali ay ang Kanang oportunistang kamalian sa pakikipag-isang prente, at pinuna niya ang hindi pagbibigay ng karampatang diin at wastong alituntunin sa usaping pesante. Hindi niya kailanman pinagdiinan o iginiit na ang dapat na isinulong ng CCP, sa simula't simula pa, ay ang istratehiya ng matagalang digma pagkatapos itatag ang partidong Tsino noong 1921. Pinagtibay ni Mao ang pundamental na kawastuhan ng pagpapatupad ng alituntunin para sa pakikipag-isang prente sa yugtong ito, na itinatakda ng pekulyar na obhetibo at suhetibong kondisyong umiral sa Tsina mula 1921 hanggang 1927. Hindi niya inisip ang pagpapaibabaw (superimpose) sa istratehiya ng matagalang digma sa ilalim ng ganitong kondisyon kahit pa isa nang malakolonyal at malapyudal ang Tsina sa panahong iyon, at nagdodomina ang mga nagsasariling rehimen ng mga poongdigma - mga obhetibong kondisyong angkop sa kanyang istratehiya ng rebolusyon.


According to Mao: “The revolutionary war of 1924-27 was waged, basically speaking, in conditions in which the international proletariat and the Chinese proletariat and their parties exercised political influence on the Chinese national bourgeoisie and its parties and entered into political cooperation with them. However this revolutionary war failed at the critical juncture, first of all because the big bourgeoisie turned traitor, and at the same time because the opportunists within the revolutionary ranks voluntarily surrendered the leadership of the revolution.”

Ayon kay Mao: "Inilunsad ang rebolusyonaryong digma ng 1924-27 sa ilalim ng kondisyon kung saan ang pandaigdigang proletaryado at ang proletaryadong Tsino at kanilang mga partido ay may pulitikal na impluwensiya sa pambansang burgesyang Tsino at sa kanilang partido, at pumapasok sa mga pulitikal na kooperasyon sa kanila. Gayunpaman, nabigo ang rebolusyonaryong digmaang sa kritikal na panahon, una dahil ang mga malalaking burgesya ay naging traydor, at kasabay nito'y dahil boluntaryong isinuko ng mga oportunista sa hanay ng mga rebolusyonaryo ang liderato ng rebolusyon."


This is a most precise assessment and never did Mao say in all his assessment of this period that this revolutionary war failed because it did not pursue the strategy of protracted war and was guilty of urban insurrectionism or it did not transform itself at the critical juncture into a protracted people's war. In another article, Mao said: “Because the proletariat failed to exercise firm leadership in the revolution of 1926-27 which started from Kwangtung and spread towards the Yangtse River, leadership was seized by the comprador and landlord classes and the revolution was replaced by counter-revolution. The bourgeois-democratic revolution thus met with a temporary defeat.”

Isa itong matalas na pagtatasa at hindi kailanman binanggit ni Mao sa lahat ng kanyang pagtatasa na ang rebolusyonaryong digmang ito ay nabigo dahil hindi nito isinulong ang istratehiya ng matagalang digma o hindi ito trinansporma sa kritikal na panahon bilang matagalang digmang bayan.Sa isa pang artikulo, sinabi ni Mao: "Dahil nabigong magpatupad ang proletaryado ng matatag na pamumuno sa rebolusyon ng 1926-27 na nagsimula sa Kwantung at kumalat patungo sa Ilog Yangtze, ang liderato'y naagaw ng mga uring komprador at panginoong maylupa at ang rebolusyon ay pinalitan ng kontra-rebolusyon. Ang burgis-demokratikong rebolusyon ay naharap sa pansamantalang pagkatalo.


The basic point here is not merely to cite a particular period in the history of the Chinese revolution to simply belie protracted war as an absolute imperative in a semicolonial and semifeudal society. The more essential point is to insist that neither tactics nor strategy are universal formulas or unchanging absolutes based on general categories of socio-economic conditions. They are but forms of struggle concretely determined by the confluence and totality of factors in the historical development of a revolutionary struggle.

Ang pundamental na punto dito ay hindi lamang ang pagbanggit sa partikular na yugto sa kasaysayan ng rebolusyong Tsino para mapasinungalingan ang pagiging absoluto ng matagalang digma sa malakolonyal at malapyudal na lipunan. Ang mas esensyal na punto ay ang pagdidiin na ang taktika o istratehiya ay hindi mga unibersal na pormula o mga hindi nababagong absolutong nakabatay sa pangkalahatang kategorya ng sosyo-ekonomikong kondisyon kundi mga porma ng pakikibaka na sa kongkreto ay itinatakda ng pag-iimpluwensyahan at totalidad ng mga salik o katangian ng istorikong pag-unlad ng rebolusyonaryong pakikibaka.


It should be stressed that Mao began to evolve the rudiments of a protracted war strategy only after the defeat of the first revolutionary civil war, after the collapse of the united front, the crushing of the armed uprisings in the cities, and after the forced retreat to the Chingkang Mountains due to the bloody and brutal anti-communist offensive of Chiang Kai-shek and his open declaration of civil war against the revolutionary forces.

Dapat linawin na hinarap ni Mao ang pagpapaunlad ng istratehiya ng matagalang digma pagkatapos pa ng pagkatalo sa Unang Rebolusyonaryong Digmaang Sibil, pagkatapos ng pagbagsak ng nagkakaisang prente, pagkadurog ng mga armadong pag-aalsa sa kalunsuran, at pagkatapos ng pwersahang pag-atras sa kabundukan ng Chingkang sanhi ng marahas at brutal na anti-komunistang opensiba ni Chiang Kai-shek at ng kanyang hayagang deklarasyon ng digmaang sibil laban sa rebolusyonaryong pwersa.


Mao began to evolve the separate elements of protracted war not simply because in his analysis China is semicolonial and semifeudal but because these are correct military principles determined and dictated by the overall conditions and confluence of factors then prevailing in China after the crushing defeat in the first period of the Chinese revolution and the beginning of the second period which was a period of reaction. But it was really during the last years of the second period at the time that Japan began its war of aggression against China that Mao was able to systematize his protracted war theory into an integral strategy of revolutionary struggle. And its was only then that he was able to conceptualize such a strategy not because it was only at that time that he became “aware” of the correctness of such a strategy but because it was only then, during the impending war of aggression of Japan, that the conditions for such a strategy in China arose and become dominant. In the second period, Mao was more concerned on how the armed revolutionary forces can survive and develop in rural Red bases through an agrarian war towards a nationwide revolutionary high tide, while in the third period, it was already a question of how the armed revolutionary forces can succeed from the strategic defensive to the strategic offensive, from the countryside to the cities through a strategy of protracted people's war.

Pinaunlad ni Mao ang iba't ibang elemento ng matagalang digma hindi sa simpleng dahilan na sa kanyang pagsusuri, ang Tsina ay malakolonyal at malapyudal kundi sapagkat ang mga ito ay wastong militar na prinsipyong itinatakda at idinidikta ng pangkalahatang kondisyon at ng mga pinagsamang salik na umiral nuon sa Tsina matapos mabigo ang unang yugto ng rebolusyong Tsina at magsimula ang ikalawang yugto, ang panahon ng reaksyon. Subalit sa mga huling taon na ng ikalawang yugto, sa panahong nagsimula na ang Hapon sa pakikidigma nito sa Tsina, nasistematisa ni Mao ang kanyang teorya ng matagalang digma bilang isang integral na istratehiya ng rebolusyonaryong pakikibaka. At sa panahong ito niya nabuo ang konsepto ng ganitong istratehiya hindi lamang dahil sa ngayon lang siya "namulat" sa kawastuhan ng ganitong istratehiya kundi dahil sa panahong ito lang, sa gitna ng nalalapit na digmaan laban sa Hapon, lumitaw at nagdomina ang kondisyon para sa istratehiyang ito sa Tsina. Sa ikalawang yugto, mas inalala ni Mao kung paanong ang mga rebolusyonaryong pwersa ay mabubuhay at uunlad sa mga pulang baseng kanayunan sa buong panahon ng digmaang agraryo hanggang sa pambansang rebolusyonaryong taog (revolutionary high tide; *ang taog ay tagalog-Batangas sa high tide). Sa ikatlong yugto, ang usapin na ay kung paano magtatagumpay ang armadong rebolusyonaryong pwersa mula istratehikong depensiba patungong istratehikong opensiba, mula sa kanayunan patungong kalunsuran, sa pamamagitan ng istratehiya ng matagalang digmang bayan.

No comments: