Monday, March 7, 2011

Kritik sa PPW - Ikaapat na Bahagi

Ito ang IKAAPAT NA BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.

In Mao's basic writings during the early part of the second period (“Why Is It That Red Political Power Can Exist In China,” “The Struggle In The Chingkang Mountains” and “A Single Spark Can Start A Prairie Fire”) what he was developing and evolving was how to correctly conduct a peasant revolutionary war and build rural Red bases while waiting for or creating a “nationwide revolutionary high tide.” In fact, in all these writings, never did he use the term “protracted war” and he was not, in theory and practice, advocating at this time a strategy of protracted war. Hence, in two historical periods of the Chinese revolution , Mao never advocated protracted war as the “strategy” for the Chinese revolution in the conditions prevailing in China in those times.

Sa mga batayang sulatin ni Mao sa unang bahagi ng ikalawang yugto ("Bakit kaya ang Pulang Kapangyarihang Pampulitika ay Maaaring Umiral sa Tsina?", "Ang Pakikibaka sa Kabunduhan ng Chingkang" at "Maaaring Pagmulan ng Malaking Sunog sa Isang Sindi", ang pinauunlad ni Mao ay kung paano wastong mailulunsad ang rebolusyonaryong digmaan ng pesante at makapagtatayo ng pulang baseng kanayunan habang hinihintay o nalilikha ang "pambansang rebolusyonaryong taog". Sa katunayan, sa lahat ng kanyang sulatin, hindi niya kailanman ginamit ang salitang "matagalang digma" at sa panahong ito, hindi siya sumandig, sa teorya at praktika, sa istratehiya ng matagalang digma. Sa gayon, sa dalawang istorikong panahon ng rebolusyong Tsina, hindi sumandig si Mao sa istratehiya ng matagalang digma bilang "istratehiya" sa rebolusyong Tsina sa gitna ng kondisyong umiiral sa Tsina sa panahong iyon.


Only by 1936-38, during the end of the second period and the beginning of the third period, during the transition and strategic repositioning from the second to the third period highlighted by the Long March, did Mao push forward the complete and comprehensive line of protracted war into an integral strategy as presented in his four basic military writings (“Problems Of Strategy in China's Revolutionary War,” “Problems Of Strategy In The Guerilla War Against Japan,” “On Protracted War,” and “Problems Of War And Strategy”).

Nuon lamang 1936-38, sa pagtatapos ng ikalawang yugto at pagsisimula ng ikatlong yugto, sa panahon ng transisyon at istratehikong muling pagpoposisyon (strategic repositioning) mula ikalawang yugto patungong ikatlong yugto kung saan tumampok ang Mahabang Martsa, isinulong ni Mao ang ganap at komprehensibong linya ng matagalang digma bilang integral na istratehiya, na nakasaad sa kanyang apat na batayang sulating militar ("Suliranin ng Istratehiya sa Rebolusyonaryong Digma sa Tsina", "Suliranin sa Istratehiya sa Pakikidigmang Gerilya Laban sa Hapon", "Hinggil sa Matagalang Digmaan", at "Suliranin ng Digmaan at Istratehiya").


Let us trace and study how Mao's conception of “protracted war” evolved from 1928 to 1938. In 1928, speaking of the reasons for the emergence and survival of red political power in China, Mao said: “The long-term survival inside a country of one or more special areas under Red political power encircled by a White regime is a phenomenon that has never occurred anywhere else in the world. There are special reasons for this unusual phenomenon. It can exist and develop only under certain conditions.”

Baybayin at pag-aralan natin ang pag-unlad ng konsepto ni Mao ng matagalang digma mula 1928 hanggang 1938. Noong 1928, sa pagpapaliwanag ng mga dahilan ng pagtindig at pag-iral ng pulang kapangyarihang pulitikal sa Tsina, sinabi ni Mao: "Ang mahabang panahong pag-iral sa isang bansang may isa o higit pang ispesyal na pook sa ilalim ng pulang kapangyarihang pulitikal na napapaligiran ng rehimeng Puti ay isang penomenon na hindi pa nagaganap sa kahit saang panig ng daigdig. May mga ispesyal na dahilan ang ganitong di-pangkaraniwang penomenon. Maaari lamang itong umiral at umunlad sa ilalim ng natatanging kalagayan.


By “Red political power” encircled by a White regime, Mao was principally referring not to guerilla zones or guerilla bases like we have here in Philippines, but a “Chingkang-type” armed independent regime. And for Mao, as he wrote it in 1928, the long-term survival of this “Red political power” is an “unusual phenomenon” that has never occurred anywhere else in the world and “can exist and develop only under certain conditions.” Mao cited five conditions which he calls “special reasons for this unusual phenomenon.”

Ang tinutukoy ni Mao na Pulang kapangyarihang pampulitika na pinaliligiran ng rehimeng Puti ay hindi mga sonang gerilya o mga baseng gerilya tulad ng nandito sa Pilipinas, kundi ang tipong-Chingkang na armadong independyenteng rehimen. At para kay Mao, sa kanyang isinulat noong 1928, ang mahabang panahong pag-iral ng ganitong Pulang kapangyarihang pampulitika ay isang di-karaniwang penomenon na hindi pa nagaganap kahit saang panig ng daigdig at "iiral at uunlad lamang sa ilalim ng natatanging kondisyon". Nagbanggit si Mao ng limang kondisyon na tinawag niyang "mga ispesyal na dahilan para sa ganitong di-karaniwang penomenon".


First: “it cannot occur in any imperialist country or in any colony under direct imperialist rule, but can only occur in China which is economically backward, and which is semicolonial and under indirect imperialist rule.”

Una, "hindi ito magaganap saanmang imperyalistang bansa o saanmang kolonyang nakapailalim sa direktang imperyalistang paghahari, at maaari lamang maganap sa Tsina kung saan atrasado ang ekonomya, malakolonyal at nakapailalim sa indirektang imperyalistang paghahari."


So Mao, at this time, believed that Red political power can only emerge and exist in a backward semicolony and not in a colonial country directly ruled by imperia-lism. How did Mao explain the significance of this “semicolonial” status to the emergence and survival of “Red political power?” Unlike Sison who automatically concluded that just because a country is backward (semifeudal) and semicolonial protracted war is correct, Mao on his part attempted to elaborate the concrete connection and meaning of this “semicolonial status” of China to his view of the “long term survival” of Red political power surrounded by a White regime.

Kung gayon, sa panahong ito, naniniwala si Mao na ang Pulang kapangyarihang pampulitika ay titindig at iiral lamang sa isang atrasado, malakolonyal at hindi sa isang kolonyal na bansa na direktang pinaghaharian ng imperyalismo. Paano ipinaliwanag ni Mao ang kahalagahan ng ganitong malakolonyal na kalagayan para sa pagtindig at pag-iral ng Pulang kapangyarihang pampulitika? Di gaya ni Sison na awtomatikong nagsalita na pag ang isang bansa ay atrasado (malapyudal) at malakolonyal, tama ang matagalang digma, si Mao ay nagpalalim pa ukol sa kongkretong kaugnayan at kabuluhan ng ganitong "malakolonyal na kalagayan" ng Pulang kapangyarihang pampulitika na pinaliligiran ng rehimeng Puti.


Mao explains why this Red political power, this unusual phenomenon can only occur in semicolonial China: “this unusual phenomenon can only occur in conjunction with another unusual phenomenon, namely war within the White regime. It is a feature of semicolonial China that, since the first year of the Republic (1912), the various cliques of old and new warlords have waged incessant wars against one another, supported by imperialism abroad and by the comprador and landlord classes at home. Such phenomenon is to be found in none of the imperialist countries nor for that matter in any colony under direct imperialist rule, but only in a country like China which is under indirect imperialist rule.”

Ipinaliwanang ni Mao kung bakit maaari lamang umiral ang di pangkaraniwang penomenon na ito, ang Pulang kapangyarihang pampulitika, sa malakolonyal na Tsina: "ang di-pangkaraniwang penomenon na ito ay maaari lamang umiral kasabay ang isa pang di-pangkaraniwang penomenon, ang digmaan sa loob ng rehimeng Puti. Isang katangian ito ng malakolonyal na Tsina kung saan, sa unang taon ng Republika (1912), iba't ibang pangkat ng luma at bagong poongdigma ay naglunsad ng walang patid na digmaan laban sa isa't isa, sa tulong ng imperyalismo sa ibang bansa at ng uring kumprador at panginoong maylupa sa ating bansa. Ang ganitong penomenon ay hindi makikita saanmang imperyalistang bansa o saanmang kolonya na nakapailalim sa direktang imperyalistang paghahari, at makikita lamang sa isang bansang tulad ng Tsina na nakapailalim sa indirektang imperyalistang paghahari."


Therefore for Mao, in elaborating the significance of the semicolonial character of China, he asserted that this unusual phenomenon of Red political power can only occur in conjunction with another unusual phenomenon which is war within the White regime that is encircling the armed independent regime of Red political power.

Para kay Mao, sa pagpapaliwanag niya ng unang punto - ang kabuluhan ng malakolonyal na karakter sa Tsina - idinidiin na ang di-pangkaraniwang penomenon ng Pulang kapangyarihang pampulitika ay maaari lamang maganap kasabay ang isa pang di-pangkaraniwang penomenon - ang digmaan sa loob ng rehimeng Puti na nakapaligid sa armadong independyenteng rehimen ng Pulang kapangyarihang pampulitika.


At this point, Mao was interconnecting three points: the backward and semicolonial character of China, the unusual phenomenon of war within the White regime, and the unusual phenomenon of long-term survival of Red political power. How did Mao explain the interconnection or the logical sequence of this three points into an integral whole?

Dito, pinag-ugnay-ugnay ni Mao ang tatlong punto: ang atrasado, ang malakolonyal na katangian ng Tsina, ang di-pangkaraniwang penomenon na digmaan sa loob ng rehimeng Puti, at ang di-pangkaraniwang penomenon ng mahabang panahong pag-iral ng Pulang kapangyarihang pampulitika. Paano ipinaliliwanag ni Mao ang pagkakaugnay-ugnay o lohikal na pagkakasunud-sunod ng tatlong puntong ito upang maging isang integral na kabuuan?


Referring to the second unusual phenomenon-war within the White regime-Mao said: “Two things account for its occurrence, namely, a localized agricultural economy (not a unified capitalist economy) and the imperialist policy of marking off spheres of influence in order to divide and exploit. The prolonged splits and wars within the White regime provide a condition for the emergence and persistence of one or more small Red areas under the leadership of the Communist Party amidst the encirclement of the White regime. The independent regime carved out on the borders of Hunan and Kiangsi Provinces is one of many such small areas.”

Patungkol sa ikalawang di-pangkaraniwang penomenon - digmaan sa loob ng rehimeng Puti - sinabi ni Mao: "Dalawang bagay ang sanhi ng kaganapang ito: ang lokalisadong agrikultural na ekonomya (hindi pinag-isang kapitalistang ekonomya at ang patakarang imperyalista ng pag-agaw ng impluwensyang sakop (sphere of influence) upang makapanghati at makapagsamantala. Ang matagalang hiwalayan at digmaan sa loob ng rehimeng Puti ay naglalatag ng isang kalagayan para sa pagsulpot at pag-iral ng isa o higit pang Pulang pook sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista na napapaligiran ng rehimeng Puti. Ang independyenteng rehimeng naukit sa hangganan ng lalawigan ng Hunan at Kiangsi ay isa lang sa mga maliliit na pook na ito.


This is how Mao interconnected the three points. The White regime cannot unite and instead, will be enmeshed in prolonged internal splits and wars because the economy is localized and not unified and because several imperialist countries ruling indirectly in China and competing with each other are pursuing a policy of grabbing spheres of influence in collusion with local warlords and are pitting one warlord clique against another to divide and exploit China. Mao was speaking not of an ordinary semicolonial country ruled indirectly by a single imperialist country but a complex and unique semicolonial country ruled indirectly by several imperialist countries with their own spheres of influence across China and with their own warlord cliques maintaining autonomous regimes through independent warlord armies.

Ganito pinag-ugnay-ugnay ni Mao ang tatlong punto. Ang rehimeng Puti ay hindi maaaring magkaisa at lalo pang maglulublob sa matagalang panloob na hiwalayan at digmaan sapagkat eng ekonomya ay lokalisado at hindi nagkakaisa, at dahil ang ibang imperyalistang bansang indirektang naghahari sa Tsina at nagkukumpetensya sa isa't isa ay nagapatupad ng patakarang pag-agaw ng impluwensya kasabwat ang mga lokal na poongdigma, at pinagbabangga ang isang poongdigma laban sa isa upang makapanghati at makapagsamantala sa Tsina. Hindi isang simple at payak na malakolonyal na bansang indirektang pinaghaharian ng imperyalista ang tinutukoy dito ni Mao kundi isang masalimuot at kakaibang malakolonyal na bansang indirektang pinaghaharian ng maraming imperyalistang bansang may kani-kanyang impluwensya sa Tsina at may kani-kanyang hawak na pangkat ng poongdigma na nagpapanatili ng nagsasariling rehimen sa pamamagitan ng independyenteng hukbo ng mga poongdigma.


The essential interconnection is that there is no unified reactionary rule in China as a result of this multi-imperialist semicolonial rule competing for spheres of influence and autonomous warlord regimes engaged in prolonged wars and splits encouraged by imperialism. This is the essential connection and significance of the “semicolonial” character of China relevant to the emergence of Red political power.

Ang esensyal na pagkakaugnay dito ay ang kawalan ng nagkakaisang reaksyunaryong naghahari sa Tsina dahil sa maramihang imperyalistang malakolonyal na paghaharing nagkokompetensya sa impluwensyang sakop at sa nagsasariling rehimen ng mga poongdigma na naglulunsad ng matagalang digmaan at hiwalayang itinutulak ng imperyalismo. Ito ang esensyal na ugnayan at kabuluhan ng malakolonyal na katangian ng Tsina na mahalaga sa pagtatayo ng Pulang kapangyarihang pampulitika.


In concluding his explanation of the first “special reason” for the long-term survival of Red political power, Mao said: “In difficult or critical times some comrades often have doubts about the survival of Red political power and become pessimistic. The reason is that they have not found the correct explanation for its emergence and survival. If only we realize that splits and wars will never cease within the White regime in China, we shall have no doubts about the emergence, survival and daily growth of Red political power.”

Sa pagtatapos ng kanyang paliwanag sa unang "ispesyal na dahilan" para sa mahabang panahong pag-iral ng Pulang kapangyarihang pampulitika, sinabi ni Mao: "Sa mga kritikal na panahon, nagkakaroon ng alinlangan ang ibang mga kasama sa pananatili ng Pulang kapangyarihang pampulitika at nagiging pesimistiko. Ito'y dahil hindi pa nila nakikita ang tamang paliwanag para sa pagtatayo at pag-iral nito. Kung mahihinuha lamang natin na ang hiwalayan at digmaan sa loob ng rehimeng Puti sa Tsina ay hindi na maaayos pa, hindi na natin pag-aalinlanganan pa ang pagtayo, pananatili at paglago sa bawat araw ng Pulang kapangyarihang pampulitika.


In this statement, it is very clear that the “semicolonial” question as a “special reason” for the emergence and survival of Red political power is essentially interlinked, or to use Sison's fancy term, intertwined, and cannot be separated with the question of the incessant wars within the White regime or the fundamental question of unified or divided reactionary rule.

Sa pangungusap na ito, napakalinaw na ang malakolonyal na usapin bilang ispesyal na dahilan para sa pagtatayo at pag-ira ng Pulang kapangyarihang pampulitika ay esensyal na magkaugnay, o kung gagamitin ang termino ni Sison, pagpilipit (intertwining), at hindi maaaring ihiwalay sa usapin ng digmaan sa loob ng rehimeng Puti o sa pundamental na usapin ng pagkakaisa o pagkakahiwalay ng reaksyunaryong paghahari.

No comments: