Sunday, March 13, 2011

Kritik sa PPW - Ikalimang Bahagi

Ito ang IKALIMANG BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.

In Mao's A Single Spark Can Start A Prairie Fire written on January 1930, the presentation is more direct to the point: “China is a semicolonial country for which many imperialist powers are contending. If one clearly understands this, one will understand first why the unusual phenomenon of prolonged and tangled warfare within the ruling classes is only to be found in China, why this warfare is steadily growing fiercer and spreading, and why there has never been a unified regime.”

Sa akdang "Maaaring Pagmulan ng Malaking Sunog ang Isang Sindi" na isinulat ni Mao nuong Enero 1930, mas direkta ang pagpapaliwanag nito: "...Ang Tsina ay isang malakolonyal na bansa na pinag-aawayan ng maraming imperyalistang bansa. Kung malinaw itong nauunawaan ng isang tao, maiintindihan niya kung bakit ang di-pangkaraniwang penomenon ng matagalan at buhol-buhol na labanan sa gitna ng naghaharing uri ay makikita lamang sa Tsina, kung bakit ang labanang ito ay nagiging mas marahas at mas malawak, at kung bakit hindi kailanman nagkaroon ng nagkakaisang rehimen."


Mao's second special reason was “the regions where China's Red political power has first emerged and is able to last for a long time have not been those unaffected by the democratic revolution, such as Szechuan, Kweichow, Yunnan and the northern provinces, but regions such as the provinces of Hunan, Kwangtung, Hupeh and Kiangsi, where the masses of workers, peasants and soldiers rose in great numbers in the course of the bourgeois-democratic revolution of 1926-27.”

Ang ikalawang "ispesyal na dahilan" ni Mao ay "ang mga rehiyon kung saan ang Pulang kapangyarihang pampulitika ng Tsina ay unang sumulpot at umiral sa mahabang panahon ay di yaong mga di naapektuhan ng demokratikong rebolusyon, tulad ng Szechuan, Kweichow, Yunan at ang mga hilagaing lalawigan, ngunit ang mga rehiyong tulad ng mga lalawigan ng Hunan, Kwangtung, Hupeh at Kiangsi, kung saan ang laksa-laksang masa ng manggagawa, pesante at sundalo ang nakibaka sa pagsusulong ng burgis-demokratikong rebolusyon ng 1926-27.


Again, Mao was referring to the concrete context for the emergence and survival of Red political power. For him, the living political experience and tempering of the masses in revolutionary struggle, a people that have gone through the revolution of 1924-27 is a vital factor. The armed independent regime and armed struggle in the provinces of Hunan, Kwantung, Hupeh and Kiangsi was a direct and immediate continuation of the revolutionary struggles of the first period of the Chinese revolution.

Muli, ang tinutukoy ni Mao ay ang kongkretong konteksto para sa pagsulpot at pag-iral ng Pulang kapangyarihang pampulitika. Para sa kanya, "mahalagang salik ang buhay na pulitikal na karanasan at pagtimpla sa masa sa rebolusyonaryong pakikibaka, sambayanang "pinagdaanan na ang rebolusyong 1924-27". Ang armadong independyenteng rehimen at ang armadong pakikibakang inilunsad sa lalawigan ng Hunan, Kwangtung, Hupeh at Kiangsi ay isang direkta at kagyat na pagpapatuloy ng rebolusyonaryong pakikibaka sa unang yugto ng rebolusyong Tsina.


The Red army that was built in the Red areas during the second revolutionary war, according to Mao, was a“split-off from the National Revolutionary Army which underwent democratic political training and came under the influence of the masses of workers and peasants.” It was the same army that fought in the three great uprisings in the latter half of 1927 and a part of which retreated and converged at the Chingkang Mountains.

Ang Pulang hukbo na itinatag sa mga Pulang pook sa panahon ng ikalawang rebolusyonaryong digmaan, ayon kay Mao, ay isang "tiwalag na bahagi ng Pambansa Rebolusyonaryong Hukbo na nagsagawa ng demokratikong pulitikal na pagsasanay at naimpluwensyahan ng masa ng manggagawa't pesante. Ito ang hukbong nakipaglaban sa tatlong magigiting na pag-aalsa sa huling bahagi ng 1927, kung saan ang ilang bahagi ay umatras at muling nabuo sa kabundukan ng Chingkang.


It should be noted with great emphasis, that like Vietnam, China had a history of uninterrupted wars, and its revolutionary war was a direct and immediate continuation of the preceding wars that has put the country in constant turmoil. China, since the Opium War of the 1840's was virtually in a permanent state of war.

Dapat linawin at ipagdiinan na, tulad ng Byetnam, ang Tsina ay may kasaysayan ng tuluy-tuloy na digmaan, at ang rebolusyonaryong digmaan ay isang direkta at kagyat na pagpapatuloy ng mga sinundan nitong mga digmaan na naglagay sa bansa sa walang humpay na kaguluhan. Ang Tsina, simula nang pumutok ang Digmaang Opyo ng 1840s ay nalagay sa permanenteng estado ng digmaan.


Mao's third point is quite revealing. According to Mao: “whether it is possible for the people's political power in small areas to last depends on whether the nationwide revolutionary situation continues to develop. If it does, then the small Red areas will undoubtedly last for a long time, and will, moreover, inevitably become one of the many forces for winning nationwide political power. If the nationwide revolutionary situation does not continue to develop but stagnates for a fairly long time, then it will be impossible for the small Red areas to last long.”

Ang ikatlong punto ni Mao ay isinisiwalat. Ayon sa kanya: "nakasalalay ang posibilidad ng pagtagal ng kapangyarihang pampulitika ng sambayanan sa maliliit na pook sa pag-unlad ng pambansang rebolusyonaryong kalagayan. Kung magkakagayon, walang alinlangan na ang mga maliliit na Pulang pook ay magtatagal, at higit pa, ay magiging isa sa maraming pwersa para sa pagkamit ng pambansang kapangyarihang pampulitika. Kung ang pambansang rebolusyonaryong kalagayan ay hindi uunlad at mananatiling nakabinbin sa matagal na panahon, kung gayon ay magiging imposibleng magtagal ang maliliit na Pulang pook."


Here, Mao hinged the long-term survival of the Red areas and the growth of its armed struggle on the development of the “nationwide revolutionary situation.” If nationwide revolutionary situation “stagnates for a fairly long time” then the long-term survival of the small Red areas was impossible. Mao was categorical in asserting the decisive significance of a “nation-wide revolutionary situation” in determining the prospect of the growth or decline of the Red areas.

Dito, isinalalay ni Mao ang matagalang pag-iral ng Pulang pook, at paglago ng armadong pakikibaka nito sa pag-unlad ng pambansang rebolusyonaryong kalagayan. Kung ang pambansang rebolusyonaryong kalagayan ay nabinbin sa matagal na panahon, imposible na kung gayon ang pagtagal ng maliliit na Pulang pook. Kategorikal si Mao sa pagdidiin ng mapagpasyang kabuluhan ng pambansang rebolusyonaryong kalagayan sa pagtatakda ng inaasahang paglago o pagbagsak ng Pulang pook.


The prospect of survival and advance is not determined solely by social conditions remaining as it is, meaning, semicolonial and semifeudal or by correct subjective steps like military strategy and tactics, but by a continuous development of a “nation-wide revolutionary situation.” When Mao wrote his article, his evaluation was that “the revolutionary situation is continuing to develop with the continuous splits and wars within the ranks of the comprador and landlord classes and of the international bourgeoisie. Therefore, the small Red areas will undoubtedly last for a long time, and will continue to expand and gradually approach the goal of seizing political power throughout the country.”

Ang inaasahang pag-iral at pagsulong ay hindi lamang itinatakda ng umiiral na kalagayang panlipunan, ibig sabihin, malakolonyal at malapyudal, o ng wastong suhetibong hakbang tulad ng istratehiya't taktikang militar, kundi sa pamamagitan ng tuluy-tuloy na pag-unlad ng pambansang rebolusyonaryong kalagayan. Nang isulat ni Mao ang kanyang akda, ang naging ebalwasyon niya'y "tuluy-tuloy na umunlad ang rebolusyonaryong kalagayan sa gitna ng mga walang patid na hiwalayan at digmaan sa hanay ng uring komprador at panginoong maylupa at ng pandaigdigang burgesya. Kung gayon, mananatili sa matagal na panahon ang mga maliliit na Pulang pook at magpapatuloy sa paglawak at unti-unting paglapit sa ninanasang pag-agaw ng kapangyarihang pampulitika sa buong bansa".


Mao's fourth point was “the existence of a regular Red army of adequate strength is a necessary condition for the existence of Red political power.” According to Mao: “even when the masses of workers and peasants are active, it is definitely impossible to create an independent regime, let alone an independent regime which is durable and grows daily, unless we have regular forces of adequate strength.”

Ang ikaapat na punto ni Mao ay "ang pag-iral ng regular na Pulang hukbo na sapat ang lakas ay kailangan para sa pag-iral ng pambansang rebolusyonaryong kalagayan. Ayon kay Mao: "kahit na aktibo pa ang masa ng manggagawa at pesante, imposible pa rin makapagtayo ng independyenteng rehimen, laluna ang isang independyenteng rehimeng pangmatagalan at lumalago bawat araw, maliban na lamang kung ang mga regular na pwersa ay may sapat na lakas".


What is this regular Red army that Mao is referring to? The Red Army in the Red areas were organized into divisions and regiments down to the squad level. Mao's Fourth Army of Workers and Peasants numbered about 40,000 men concentrated in the Chingkang Mountains in 1928 when Mao's troops were reinforced by those of Zhu De, Lin Biao and Chen Yi.

Ano ang tinutukoy ni Mao na regular na Pulang Hukbo? Ang Pulang Hukbo sa Pulang pook ay inorganisa sa dibisyon at rehimente hanggang sa antas-pulutong. Umabot ang bilang ng Ikaapat na Hukbo ng Manggagawa't Pesante ni Mao sa 40,000 katao na nakonsentra sa kabundukan ng Chingkang noong 1928 nang magbigay kay Mao ng karagdagang tropa ang hukbo nina Zhu De, Lin Biao at Chen Yi.


The Chingkang military base, at the border of Hunan and Kiangsi, was an isolated region of hills covered with forests. The territory (250 kilometers in circumference) was almost unpopulated. It included only five villages, where 2,500 people lived in almost total isolation and where social relations were still based on the clan system. At the end of 1928, this Red base was further strengthened by the defection of a large Nationalist unit whose leader, Peng De-huai, would later become one of the principal leaders of the Red army.

Ang Pulang baseng militar ng Chingkang, sa hangganan ng Hunan at Kiangsi, ay isang liblib na rehiyon ng mga burol na natatakpan ng kagubatan. Ang teritoryo kung saan nanatili ang mga rebolusyonaryo (250 kilometro ang sirkumperensya) ay halos walang naninirahan. Sumasaklaw lamang ito sa limang barangay (village) na tinitirhan ng 2,500 katao sa halos ganap na isolasyon kung saan ang panlipunang ugnayan ay nakabatay sa sistemang lipi (clan). Sa huling bahagi ng 1928, ang Pulang baseng ito'y lalong lumakas dahil sa pagsanib ng malaking bahagi ng nasyunalistang yunit na ang pinuno, si Peng De-huai, ay magiging pangunahing lider ng Pulang hukbo.


In 1930, there were about fifteen small Red areas scattered in South and Central China. In that same year, the Tenth Army was organized by Fang Zhi-min in Northeast Kiangsi. In the Henan-Hubei-Anhui border, Chang Kou-tao formed the Fourth Group of Armies. But all these Red areas resembled those of the Chingkang mountain. By the time the Red Army began the Long March in October 1934, it numbered around 300,000 troops.

Noong 1930, mayroong humigit-kumulang 15 maliliit na Pulang pook na kalat-kalat sa Timog at Gitnang Tsina. Sa panahong ito, inorganisa ni Fang Zhi-Minh ang Ikasampung Hukbo sa Hilagang Silanganing Kiangsi. Sa hangganan ng Henan-Hubei-Anhui, binuo naman ni Chang Kou-Tao ang Ikaapat na Pangkat ng mga Hukbo. Subalit ang lahat ng mga Pulang pook na ito ay kahalintulad ng mga itinayo sa kabundukan ng Chingkang. Sa pagsisimula ng Pulang Hukbo ng Mahabang Martsa noong Oktubre 1934, umabot ito ng humigit-kumulang 300,000 tropa.


According to Mao, “if we have local Red Guards only but no regular Red Army, then we cannot cope with the regular White forces, but only with the landlord's levies.” Indeed, how can the Red area cope with the regular pattern of encirclement and suppression campaigns of the White forces if it has only local guerrillas and local militias like we have in our guerilla fronts? In our case, we cannot even cope with the landlord's levies or the struggle for rent reduction after 25 years of protracted war!

Ayon kay Mao, "kung ang mayroon lang sa atin ay Pulang Tanod at hindi regular na Pulang Hukbo, hindi natin kakayanin ang mga regular na Puting pwersa, kundi ang mga buwis (levies) lamang ng mga panginoong maylupa. Paano nang kakayanin ng Pulang pook ang regular na kampanyang pangkubkob at pananalakay ng Puting pwersa kung ang tanging ginagamit nito ay mga lokal na gerilya at lokal na milisya tulad ng mga gerilyang prente natin? Sa kaso natin, hindi man lang nating nakayang bakahin ang pangingikil ng buwis ng panginoong maylupa o ipanagumpay ang pakikibaka para sa pagbabawas ng upa sa loob ng dalawampu't limang taong pagsusulong natin ng "matagalang digma"!!


Just imagine the magnitude of the battles in the Red areas. In the first encirclement campaign in late 1930, the White forces employed about 100,000 men against the 40,000 of the Red Army concentrated in a single county in Kiangsi. In the second campaign which lasted only one month before it was smashed, the enemy troops numbered 200,000 against the 30,000 of the Red Army. One month after the second campaign, the third campaign began with the enemy numbering about 300,000 against the Red Army's 30,000. No figures are available regarding the fourth campaign. But this was logically larger in magnitude for it attacked almost all Red areas. The fifth campaign began at the end of 1933 which resulted in the Long March and the strategic retreat and shift of 12,500 kilometers for the Red Army from Southern Kiangsi to a new base area in Northern Shensi. It began the Long March with 300,000 men. By the time it reached Shensi, it was reduced to a few tens of thousands.

Isip-isipin na lang ang laki ng mga labanan sa mga Pulang pook: Sa unang kampanyang pagkubkob sa huling bahagi ng 1930, gumamit ang Puting pwersa ng 100,000 katao upang labanan ang 40,000 Pulang Hukbo na nakakonsentra sa isang baryo sa Kiangsi. Sa ikalawang kampanya na tumagal lang ng isang buwan bago nadurog, ang tropa ng kaaway ay 200,000 laban sa 30,000 ng Pulang Hukbo. Ang agwat sa pagitan ng una at ikalawang kampanya ay apat na buwan. Isang buwan matapos ang ikalawang kampanya, sinimulan ang ikatlong kampanya, ang kaaway ay umabot sa bilang na 300,000 laban sa 30,000 ng Pulang Hukbo. Walang mapanghawakang datos ukol sa ikaapat na kampanya. Pero mas malaki ang saklaw nito dahil inatake nito ang halos lahat ng Pulang pook. Ang ikalimang kampanya ay nagsimula sa huling bahagi ng 1933 na nagresulta sa Mahabang Martsa at sa istratehikong pag-atras at paglipat ng 12,500 kilometro para sa Pulang Hukbo mula sa Lalawigan ng Timog Kiangsi patungo sa bagong baseng pook sa Hilagang Shensi. Sinimulan nito ang Mahabang Martsa na may 300,000 katao. Nang umabot ito sa Shensi, lumiit ito ng hanggang sa ilang libo na lang ang natira.


Mao's fifth point is the necessity for a strong Communist Party organization whose policy is correct. In seven years, after the CCP was founded in 1921, it grew from less than a hundred to almost 60,000 members. Before the Long March of 1934, even before Mao took over the leadership of the Party, it reached a high of 300,000 members!

Ang ikalimang punto ni Mao ay ang pangangailangan para sa isang malakas na Partido Komunista na tama ang polisiyang ipinatutupad. Sa loob ng pitong taon mula nang itatag ang CCP nuong 1921, lumago ito mula sa kulang-kulang isandaang kasapi hanggang sa 60,000 kasapi. Sa panahon ng Mahabang Martsa nuong 1934, bago pa pinamunuan ni Mao ang Partido, umabot ito sa 300,000 kasapi!


Let us sum up Mao's five “special reasons” or “certain conditions” for the emergence and long-term survival of Red political power. First, no unified reactionary regime in semicolonial China for which many imperialist powers are contending bringing about continuous splits and wars within the ranks of the ruling classes and of the international bourgeoisie. Second, the regions where China's Red political power had first emerged and was able to last for a long time were those that passed through the direct experience of the 1926-27 democratic revolution. Third, a developing nationwide revolutionary high tide characterized by continuous splits and wars among reactionary forces without which the long term survival of Red areas is impossible. Fourth, the existence of a regular Red Army of adequate strength is a necessary condition for the existence of Red political power. Fifth, a strong Communist Party organization with a correct policy is also required.

Baybayin natin ang limang "ispesyal na dahilan" ni Mao o ang "natatanging kalagayan" para sa pagtatayo at mahabang panahong pag-iral ng Pulang kapangyarihang pampulitika. Una, ang kawalan ng nagkakaisang reaksyunaryong rehimen sa malakolonyal na Tsinang pinag-aawayan ng maraming imperyalistang bansa at nagsasanhi ng tuluy-tuloy na hiwalayan at digmaan sa hanay ng mga naghaharing uri at sa pandaigdigang burgesya. Ikalawa, ang mga rehiyon kung saan itinayo at nanatili sa mahabang panahon ang mga Pulang kapangyarihang pampulitika ng Tsina ay yaong may direktang karanasan sa 1926-27 demokratikong rebolusyon. Ikatlo, ang umuunlad na pambansang rebolusyonaryong taog na kinatatangian ng tuluy-tuloy na hiwalayan at digmaan sa hanay ng reaksyunaryong pwersa, na kung wala ay imposibleng umiral sa mahabang panahon ang mga Pulang pook. Ikaapat, ang pag-iral ng regular na Pulang Hukbo na may sapat na lakas ay kailangan para sa pag-iral ng Pulang kapangyarihang pampulitika. Ikalima, ang malakas na organisasyong Partido Komunista na may tamang patakaran ay rekisito rin.


Any revolutionary element without the deadweight of dogma cramping his brain can easily understand that Mao's concept of the emergence and long-term survival of rural Red political power depends on very concrete and peculiar conditions then prevailing in China. His concept of building rural Red areas is not simply the product of a general analysis of the semicolonial and semifeudal character of Chinese society but the product of a particular analysis of its peculiar features which he calls “special reasons” or “certain conditions” for the emergence and long-term survival of Red political power in the countryside.

Sinumang rebolusyonaryong elemento, na hindi sinasakluban ng dogma ang utak, ay madaling mauunawaan na ang konsepto ni Mao sa pag-iral at pananatili sa mahabang panahon ay nakadepende sa napaka-kongkreto at kakaibang kalagayang nangingibabaw noon sa Tsina. Ang kanyang konsepto ng pagtatayo ng mga Pulang pook sa kanayunan ay hindi simpleng produkto ng kanyang pangkalahatang pagsusuri sa malakolonyal at malapyudal na karakter ng lipunang Tsino kundi produkto ng partikular na pagsusuri sa kakaibang katangian nito, na tinawag niyang "ispesyal na dahilan" o "mga natatanging kalagayan" para sa pagtatayo at mahabang panahong pag-iral ng Pulang kapangyarihang pampulitika sa kanayunan.


Mao's general analysis of the semicolonial and semifeudal character of Chinese society determined the national democratic or bourgeois nature of the Chinese revolution and the necessity to complete this revolution before proceeding to the socialist revolution. Nothing astounding about this because even in Russia, a capitalist country, Lenin saw the necessity to first complete this bourgeois revolution before proceeding to his socialist revolution because of the existence of Tsarism and the widespread survivals of serfdom.

Ang kabuuang pagsusuri ni Mao sa malakolonyal at malapyudal na katangian ng lipunang Tsino ay nagtatakda sa pambansa demokratiko o burgis na kalikasan ng rebolusyong Tsino at ang mahigit na pangangailangan na kumpletuhin ang rebolusyong ito bago tumungo sa sosyalistang rebolusyon. Walang kagulat-gulat dito dahil kahit sa Rusya, isang kapitalistang bansa, nakita ni Lenin ang mahigpit na pangangailangan ng pagkumpleto sa burgis-demokratikong rebolusyon bago tumuloy sa sosyalistang rebolusyon dahil sa pag-iral ng Tsarismo at pananatili ng mga labi ng sistemang alipin.


Mao's particular analysis of the peculiar features of semicolonial and semifeudal China at given historical junctures determined the tactics (or what we usually call strategy) in conducting revolutionary struggle. In the first period, the revolutionary war was conducted through a united front with the Guomintang against the warlords and the imperialist powers. In the second period, under conditions brought about by the defeat in the first period, it was conducted through an agrarian revolutionary war, building rural Red areas and building a rural-based Red army in anticipation of a revolutionary high tide which will culminate in urban armed insurrections and the Red army advancing from the countryside. In both periods, the “strategy” or what should properly be called tactics was not protracted people's war and Mao supported the Party line as correct.

Ang partikular na pagsusuri ni Mao sa pekulyar na katangian ng malakolonyal at malapyudal na Tsina sa bawat istorikong yugto ang nagtakda sa taktika (o ang madalas niya binabanggit na istratehiya at taktika) na ginamit sa pagsusulong ng rebolusyonaryong pakikibaka. Sa unang yugto, ang rebolusyonaryong digma ay isinulong sa pamamagitan ng nagkakaisang prente kung saan ang Koumintang ay nakibaka sa mga poongdigma at imperyalista. Sa ikalawang yugto, sa gitna ng kalagayang ibinunga ng pagkabigo ng unang yugto, ito ay isinulong sa pamamagitan ng rebolusyonaryong digmaang agraryo, pagtatayo ng mga Pulang pook sa kanayunan at pagtatayo ng mga Pulang hukbong nakabase sa kanayunan na umaantabay sa pagdating ng rebolusyonaryong taog na magtatapos sa armadong insureksyon sa kalunsuran at sa pag-abante ng hukbo mula sa kanayunan. Sa dalawang yugtong ito, ang "istratehiya", o sa mas tamang termino, ang "taktika" na ginamit ay hindi matagalang digmang bayan at sinuportahan ni Mao ang linyang ito ng Partido bilang tama.


Even in the early part of the second period of the Chinese revolution, during the period of the agrarian revolutionary war and period of reaction, Mao's line was not yet a strategy of protracted war. He opposed the “Left” adventurist line of Li Li-san not because it deviated from the strategy of protracted war since even Mao's strategy was not protracted war at that time. In January 1930, Mao wrote A Single Spark Can Start a Prairie Fire criticizing certain pessimistic views then existing in the Party. In this article, he criticized those comrades who “though they believe that a revolutionary high tide is inevitable, they do not believe it to be imminent.” The point of dispute was how to correctly appraise the prevailing situation in China at that time and how to settle the attendant question of what action to take. Mao took the position that the revolutionary high tide is imminent and not only inevitable and proposed a corresponding course of action that opposed the ideas of “guerrillaism” which was dominant in the Central Committee led by Li Li-san.

Kahit sa unang bahagi ng ikalawang yugto ng rebolusyong Tsino, sa gitna ng yugto ng rebolusyonaryong digmaang agraryo at ng panahon ng reaksyon, ang linya ni Mao ay hindi pa istratehiya ng matagalang digma. Tinunggali niya ang "Kaliwang" adbentyuristang linya ni Li Li-san hindi dahil sa ito'y lumihis sa istratehiya ng matagalang digma sapagkat kahit ang istratehiya ni Mao ay hindi matagalang digma sa panahong ito. Noong Enero 1930, sinulat ni Mao ang "Maaaring Pagmulan ng Malaking Sunog ang Isang Sindi" bilang puna sa ilang pesimistikong pagtingin na umiral nuon sa Partido. Sa akdang ito, masugid niyang pinuna ang ibang kasama na "samantalang naniniwala na hindi maiiwasan ang pagdating ng rebolusyonaryong taog, ay hindi naman naniniwala na ito ay nalalapit na." Ang punto ng pagtatalo ay kung paano wastong susuriin ang umiiral na kalagayan sa Tsina sa panahong iyon at kung paano haharapin ang usapin ukol sa mga aksyong gagawin. Ang naging posisyon ni Mao ay: ang rebolusyonaryong taog ay hindi lamang darating kundi nalalapit na, at siya'y nagmungkahi ng aksyong kabangga ng ideya ng "gerilaismo" na nagdodomina noon sa Komite Sentral na pinamumunuan ni Li Li-san.

No comments: