Sunday, March 20, 2011

Kritik sa PPW - Ikaanim na Bahagi

Ito ang IKAANIM NA BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.

Here is how Mao formulated his criticism: “They seem to think that, since the revolutionary high tide is still remote, it will be labor lost to attempt to establish political power by hard work. Instead, they want to extend our political influence through the easier method of roving guerilla actions, and, once the masses throughout the country have been won over, or more or less won over, they want to launch a nationwide armed insurrection which, with the participation of the Red Army, would become a great nationwide revolution. Their theory that we must first win over the masses on a countrywide scale and in all regions and then establish political power does not accord with the actual state of the Chinese revolution. This theory derives mainly from the failure to understand clearly that China is a semicolonial country for which many imperialist powers are contending.”

Ganito ang pormulasyon ni Mao sa kanyang kritisismo: "Tila iniisip nila na, sapagkat ang rebolusyonaryong taog ay malayo pa, masasayang lamang ang kanilang pagod kung tatangkain pa nilang magtatag ng kapangyarihang pampulitika, na sadyang mahirap. Ang nais nila ay palawakin ang ating impluwensiyang pampulitika sa madaling paraan ng aksyong gerilya, at, sa panahong nakabig na ang masa, gusto na nilang maglunsad ng pambansang armadong insureksyon na, sa partisipasyon ng Pulang Hukbo, ay magiging isang dakilang pambansang rebolusyon. Ang kanilang teorya na dapat ay makabig muna natin ang masa sa pambansang saklaw at sa lahat ng rehiyon, at magtayo ng pulitikal na kapangyarihan ay hindi angkop sa aktwal na kalagayan ng rebolusyong Tsino. Ang teoryang ito ay bunga ng hindi malinaw na pag-unawa nila na ang Tsina ay isang malakolonyal na bansang pinag-aawayan ng maraming imperyalistang bansa.


In opposing “the policy which merely calls for roving guerilla actions” which according to Mao cannot accomplish the task of accelerating the imminent revolutionary high tide, he proposed “the policy of establishing base areas; of systematically setting up political power; of deepening the agrarian revolution; of expanding the people's armed forces by a comprehensive process of building up first the township Red Guards, then the district Red Guards, then the county Red Guards, then the local Red Army troops, all the way up to the regular Red Army troops; of spreading political power by advancing in a series of waves, etc. etc. Only thus is it possible to build the confidence of the revolutionary masses throughout the country, as the Soviet Union has built it throughout the world. Only thus is it possible to create tremendous difficulties for the reactionary classes, shake their foundations and hasten their internal disintegration. Only thus is it possible to create a Red Army which will become the chief weapon for the great revolution of the future. In short, only thus is it possible to hasten the revolutionary high tide.”

Sa pagtutol niya sa "patakarang humihingi lang ng umiikot na aksyong gerilya" na, ayon kay Mao, ay hindi makagagampan sa tungkulin ng pagpapabilis sa paparating na rebolusyonaryong taog, iminungkahi niya na "ang patakaran sa pagtatatag ng baseng pook; sa sistematikong pagtatayo ng kapangyarihang pampulitika; sa pagpapalalim ng rebolusyong agraryo; sa pagpapalawak ng armadong pwersa ng bayan sa pamamagitan ng komprehensibong proseso ng pagtatayo, una, ng pangkanayunang Pulang Tanod, at sumunod ang mga pandistritong Pulang Tanod, pagkatapos ay mga pambayang Pulang Tanod, pagkatapos ay mga lokal na tropa ng Pulang Hukbo; sa pagpapakalat ng kapangyarihang pampulitika sa pamamagitan ng pag-abante sa isang serye ng agos, atbp. Sa pamamagitan lamang nito magiging posible na magkaroon ng kumpyansa ng rebolusyonaryong masa sa buong bansa, gaya ng pagtatayo ng Unyong Sobyet nito sa buong daigdig. Sa pamamagitan lamang nito magiging posible ang paglikha ng grabeng pahirap para sa mga reaksyunaryong uri, ang yugyugin ang kanilang pundasyon at pabilisin ang kanilang internal na disintegrasyon. Sa pamamagitan lang nito magiging posible ang pagbuo ng isang Pulang Hukbo na magsisilbing pangunahing sandata para sa dakilang rebolusyon sa hinaharap. Sa madaling salita, sa pamamagitan lamang nito magiging posible ang pagpapabilis sa rebolusyonaryong taog."


The policies proposed by Mao are elements of protracted war as we understand them in our own revolutionary practice. But by themselves, do they constitute the strategy of protracted war? Was Mao, by enumerating these policies, actually proposing a strategy of protracted war in seizing political power without calling it protracted war? If we abstract Mao's proposals from his analysis of the political situation at that time, we might really get the impression that Mao is already proposing a strategy of protracted war. But this was how Mao appraised the political situation in China or the balance of forces at that time: “Although the subjective forces of the revolution in China are now weak, so also are all organizations (organs of political power, armed forces, political parties, etc.) of the reactionary ruling classes, resting as they do on the backward and fragile social and economic structure of China. This helps to explain why revolution cannot break out at once in the countries of Western Europe where, although the subjective forces of revolution are now perhaps somewhat stronger than in China, the forces of the reactionary ruling class are many times stronger. In China the revolution will undoubtedly move towards a high tide more rapidly, for although the subjective forces of the revolution at present are weak, the forces of the counter-revolution are relatively weak too.”

Ang mga mungkahing alituntunin ni Mao ay mga elemento ng matagalang digma gaya ng pagkaunawa natin dito sa ating rebolusyonaryong praktika. Subalit ito ba ang laman ng matagalang digma? Sa paglalahad ba niya ng mga alituntuning ito, nagmumungkahi si Mao ng isang istratehiya ng matagalang digma pero hindi niya ito tinatawag na matagalang digma? Kung huhugutin natin ang mga mungkahing ito ni Mao mula sa kanyang pagsusuri sa pulitikal na kalagayan sa panahong iyon, maaari ngang magkaroon tayo ng impresyong ang iminumungkahi nga ni Mao ay isang istratehiya ng matagalang digma. Pero ganito sinuri ni Mao ang pulitikal na kalagayan sa Tsina o ang balanse ng pwersa sa panahong iyon: "Bagamat ang mga suhetibong pwersa ng rebolusyon sa Tsina ay mahina, mahina rin naman ang lahat ng organisasyon (mga organo ng kapangyarihang pampulitika, armadong pwersa, partidong pulitikal, atbp.) ng reaksyunaryong nagkakaring uri na nakasandal sa atrasado at marupok na panlipunan at pang-ekonomikong istraktura ng Tsina. Ipinapakita nito kung bakit ang rebolusyon ay hindi maaaring pumutok agad sa isang bansa sa Kanluraning Europa kung saan, bagamat ang mga suhetibong pwersa ng rebolusyon, ay tila mas naging malakas ngayon sa Tsina, ang mga pwersa ng reaksyunaryong naghaharing uri ay higit na malakas. Sa Tsina, siguradong mas mabilis na mararating ng rebolusyon ang taog dahil nga kahit na ang suhetibong pwersa ng rebolusyon dito sa ngayon ay mahina, ang mga pwersa ng kontra-rebolusyon ay relatibong mahina rin."


Will this appraisal lead to a protracted war strategy of revolution? Compare this to Mao's appraisal of the balance in December 1936 when he wrote Problems of Strategy In China's Revolutionary War. Here, Mao elaborated his strategy and tactics ensuing from four basic characteristics of China's revolutionary war at that period. The second characteristic was that the enemy was big and powerful and the third characteristic was that the Red Army was small and weak. According to Mao, “from this sharp contrast have arisen the strategy and tactics of the Red Army … it follows from the second and third characteristics that it is impossible for the Chinese Red Army to grow very rapidly or defeat its enemy quickly; in other words, the war will be protracted and may even be lost if mishandled.”

Ang ganito bang pagsusuri ay tutungo sa istratehiyang matagalang digma? Ikumpara natin ito sa pagsusuri ni Mao sa balanse ng pwersa nuong Disyembre 1936 sa isinulat niyang akdang "Suliranin ng Istratehiya sa Rebolusyonaryong Digma ng Tsina". Sa artikulong ito, ipinaliwanag ni Mao ang kanyang istratehiya at taktika ng "matagalang digma" na ibinatay sa apat na saligang katangian ng rebolusyonaryong digma ng Tsina sa panahong iyon. Ang ikalawang katangian ay: ang kaaway ay malaki at makapangyarihan, at ang ikatlong katangian ay: ang Pulang Hukbo ay maliit at mahina. Ayon sa kanya: "mula sa napakalaking kaibhang ito sumulpot ang istratehiya at taktika ng Pulang Hukbo." At dagdag pa niya: "alinsunod sa ikalawa at ikatlong katangian, imposible para sa Pulang Hukbong Tsino na mabilis na lumaki o agad na madaig ang kaaway; ibig sabihin, ang digmaan ay magiging matagalan at maaari pa ngang mabigo kung hindi mabuti ang paghawak dito."


How did Mao appraised the enemy in December 1936? Mao said: “How do matters stand with the Guomintang, the enemy of the Red Army? It is a party that has seized political power and has more or less stabilized its power. It has gained the support of the world's principal imperialist states. It has remodelled its army which has thus become different from any other army in Chinese history and on the whole similar to the armies of modern states; this army is much better supplied with weapons and material than the Red Army and is larger than any army in Chinese history, or for that matter than the standing army of any other country. There is a world of difference between the Guomintang army and the Red Army. The Guomintang controls the key positions or lifelines in the politics, economy, communications and culture of China; its political power is nationwide.”

Paano sinuri ni Mao ang Koumintang nuong Disyembre 1936? Ayon kay Mao: "Ano ang katayuan ngayon ng Koumintang, ang kaaway ng Pulang Hukbo? Ito ay isang partidong umagaw ng kapangyarihang pampulitika at nagawang patatagin ang kanyang kapangyarihan. Nakabig nito ang suporta ng mga prinsipal na imperyalistang estado sa buong daigdig. Iniba nito ang hubog o itsura ng kanyang hukbo upang maging kakaiba sa ibang umiral na hukbo sa kasaysayan ng Tsina at sa kabuuan ay ginawang kamukha ng mga hukbo sa ibang modernong estado; ang hukbong ito ay mas maunlad sa armas at materyal kaysa sa Pulang Hukbo at higit na malaki kaysa sa anumang hukbong umiral sa kasaysayan ng Tsina, o kahit sa mga hukbo ngayon sa ibang bansa. Gamundo ang kaibhan ng hukbo ng Koumintang at ng ating Pulang Hukbo. Hawak ng Koumintang ang mga susing posisyon o linyangbuhay sa pulitika, ekonomya, komunikasyon at kultura ng Tsina; sakop ngkapangyarihang pampulitika nito ang buong bansa."


How did Mao appraise the Red Army in December 1936? “Our political power exists in scattered and isolated mountainous or remote regions and receives no outside help whatsoever. Economic and cultural conditions in the revolutionary base areas are backward compared to those in the Guomintang areas. The revolutionary base areas embrace only rural districts and small towns. These areas were extremely small in the beginning and have not grown much larger since. Moreover, they are fluid and not stationary, and the Red Army has no really consolidated bases. ..The Red Army is numerically small, its arms are poor, and it has great difficulty in obtaining supplies such as food, bedding and clothing.” Not to mention the fact, that after the Long March, according to Mao, “the revolutionary bases were lost, the Red Army was reduced from 300,000 to a few tens of thousands, the membership of the CCP fell from 300,000 to a few tens of thousands, and the Party organizations in the Guomintang areas were almost all destroyed.”

Paano sinuri ni Mao ang Pulang Hukbo nuong Disyembre 1936? "Ang ating kapangyarihang pampulitika ay nangingibabaw sa mga kalat-kalat at liblib na mga kabundukan o rehiyon at hindi tumatanggap ng anumang dayuhang tulong. Atrasado ang pang-ekonomya at pangkulturang kalagayan sa mga rebolusyonaryong baseng pook kung ikukumpara sa mga pook na nasasakupan ng Koumintang. Ang mga rebolusyonaryong baseng pook ay sumasakop lang sa mga rural na distrito at maliliit na baryo. Napakaliit ng mga pook na ito noon at hanggang ngayon ay hindi pa gaanong lumaki. Dagdag pa, ang mga ito ay paiba-iba at hindi pirmis, at ang Pulang hukbo ay walang totoong konsolidadong base... Napakaliit ng bilang ng Pulang hukbo, ang mga armas nito ay mahina, at hirap ito sa paglikom ng mga suplay tulad ng pagkain, tulugan at mga damit." Idagdag pa rito ang nangyari matapos ang Mahabang Martsa kung saan, ayon kay Mao, "naagaw ang rebolusyonaryong base, nabawasan ang Pulang Hukbo mula 300,000 ay naging ilang libo na lang, ang kasapian ng CCP ay bumagsak mula 300,000 kasapi at naging ilang libong kasapi, at ang mga organisasyong Partido sa pook ng Koumintang ay nadurog nang lahat."


With the sharp contrast of Mao's appraisal of the political situation or balance of forces in January 1930 with that of December 1936, how can we speak of Mao advocating protracted war in the former? The truth is, during the second period of the Chinese revolution, Mao's “strategy” was not protracted war and it was very apparent in his writings at that time.

Sa ganito kalaking pagkakaiba ng pagsusuri ni Mao sa kalagayang pampulitika o balanse ng pwersa nuong Enero 1930 at nuong Disyembre 1936, paano pa natin masasabing tumindig si Mao na ilunsad ang matagalang digma nuon pa lang Enero 1930? Ang totoo, sa ikalawang yugto ng rebolusyong Tsino, ang "istratehiya" ni Mao ay hindi matagalang digma at ito ay malinaw na nakasaad sa kanyang mga akda sa panahong iyon.


According to Mao: “The subjective forces of the revolution have indeed been greatly weakened since the defeat of the revolution of 1927. The remaining forces are very small and those comrades who judge by appearances alone naturally feel pessimistic. But if we judge by essentials, it is quite another story. Here we can apply the old Chinese saying, 'A single spark can start a prairie fire' In other words, our forces, although very small at present, will grow very rapidly. In the conditions prevailing in China, their growth is not only possible but indeed inevitable, as the May 30th Movement and the Great Revolution which followed have fully proved.”

Ayon kay Mao: "Ang suhetibong pwersa ng rebolusyon ay talagang humina simula nang mabigo ang rebolusyon ng 1927. Kakaunti ang mga natirang pwersa at ang ibang mga kasama na humuhusga ayon sa panlabas na anyo lang ay talagang magiging pesimistiko. Ibang usapin na kung ang paghuhusga natin ay ibabatay sa esensyal na katangian. Dito, maaari nating ilapat ang lumang kasabihang "ang isang sindi ay maaaring magsimula ng sunog". Ibig sabihin, ang mga pwersa natin, bagaman mahina sa ngayon, mabilis ding lalago. Sa kalagayang umiiral sa ngayon sa Tsina, ang kanilang paglago ay hindi lamang posible kundi tiyak na, at pinatunayan ito ng Kilusang Mayo 30 at ng sumunod ditong Dakilang Rebolusyon."


What is this May 30th Movement and Great Revolution? Mao is referring to the May 30, 1925 massacre of unarmed Chinese demonstrators by English police of the international concession at Shanghai killing 10 and seriously wounding 50. They were protesting the killing of a Chinese worker on May 15 by a Japanese foreman in a Japanese cotton mill that was on strike. This incident triggered a nationwide upsurge of protest bringing together diverse forces. It was the impetus that led to the 1926-27 revolution. The “Great Revolution” Mao is referring to is the revolution of 1926-27.

Ano ang Kilusang Mayo 30 at ang Dakilang Rebolusyon? Ang tinutukoy ni Mao ay ang Mayo 30, 1925 masaker ng mga walang armas na Tsinong demonstrador ng mga Ingles na pulis galing sa pandaigdigang konsesyon sa Shanghai kung saan sampu ang namatay at 50 ang malubhang nasugatan. Prinotesta nila ang pagpatay sa isang Tsinong manggagawa nuong Mayo 15 ng isang kapatas (foreman) na Hapon sa isang Kiskisan ng Bulak ng Hapon na nuon ay nagwewelga. Ang pangyayaring ito'y nagsanhi ng tuloy-tuloy na protesta sa buong bansa kung saan ang iba't ibang pwersa'y nagsama-sama. Ito ang naging udyok sa pagsiklab ng rebolusyong 1926-27, na siyang tinutukoy ni Mao na Dakilang Rebolusyon.


Now, by using the May 30th Movement and the Revolution of 1926-27 as his reference point in proving not only the inevitability but the imminence of a revolutionary high tide, Mao is speaking not of a protracted war type of revolution but a revolution similar to that of 1927 which was insurrectionary in character. Mao, in Sison's standard, is guilty of urban insurrectionism! This “single spark” concept of Mao is not protracted war but an insurrectional “strategy” that gives premium to an objective revolutionary situation, to a revolutionary high tide not to the balance of military forces, not to the stage by stage development of the military struggle from the strategic defensive to the strategic stalemate and finally towards the strategic offensive from the countryside to the cities.

Ginamit ni Mao na batayang sanggunian ang Kilusang Mayo 30 at Rebolusyong 1926-27 upang patunayan hindi lang ang katiyakan kundi ang nalalapit na pagdating ng rebolusyonaryong taog, at dito, ang tinutukoy ni Mao ay hindi ang "matagalang digmaang" tipo ng rebolusyon kundi ang rebolusyong tipo ng 1927 na insureksyunal ang katangian. Sa pamantayan ni Sison, ang kasalanan ni Mao ay insureksyunismong lungsod! Ang isang sindi (single spark) na konsepto ni Mao ay hindi isang matagalang digma kundi isang insureksyunal na "istratehiya" na nagbibigay ng primyum sa obhetibong rebolusyonaryong kalagayan, sa rebolusyonaryong taog, at hindi sa balanse ng pwersang militar, hindi sa yugto-yugtong pag-unlad ng pakikibakang militar mula sa istratehikong depensiba, istratehikong pagkakapatas, hanggang sa istratehikong opensiba mula sa kanayunan patungong kalunsuran.


Listen to how Mao asserted his point: “We need only look at the strikes by the workers, the uprisings by the peasants, the mutinies of the soldiers and the strikes of the students which are developing in many places to see that it cannot be long before a 'spark' kindles a 'prairie fire'. The fire of ‘insurrectionism’ is raging in Mao's appraisal of the situation!

Ganito inilahad ni Mao ang kanyang iginigiit: "Tunghayan natin ang mga welga ng manggagawa, ang mga pag-aalsa ng pesante, ang pagrerebelde ng mga sundalo at ang pagkilos ng mga istudyante na nagaganap sa maraming lugar upang matimo sa atin na hindi magtatagal ay paliliyabin ng isang "sindi" ang isang malaking sunog." Nagliliyab ang sunog ng "insureksyunismo" sa pagsusuri ni Mao ng sitwasyon!


What was the official 'strategy of the CCP at that time as approved by the Sixth Congress of 1928 in Moscow? It was still basically the launching of armed uprisings led by the working class in the cities and the peasantry as its main reserve. Did Mao oppose such a “strategy?”

Ano ang opisyal na istratehiya ng CCP sa panahong iyon na inaprubahan ng Ikaanim na Kongreso noong 1928 sa Moscow? Ito ang paglulunsad ng armadong pag-aalsang pinamumunuan ng uring manggagawa sa kalunsuran at ang pesante ang nagsisilbing pangunahing reserba nito. Tinutulan ba ni Mao ang ganitong istratehiya?


Mao did not oppose but supported the “strategy” of the Sixth Congress. According to Mao: “The political line and the organizational line laid down by the Party's Sixth National Congress are correct, i.e., the revolution at the present stage is democratic and not socialist, and the present task of the Party [here the words 'in the big cities' should have been added: Mao] is to win over the masses and not to stage immediate insurrections. Nevertheless, the revolution will develop swiftly, and we should take a positive attitude in our propaganda and preparations for insurrections.” Mao never proposed a protracted war strategy as opposed to the “insurrectional” line of the Sixth Congress.

Hindi tumutol si Mao sa ganitong "istratehiya" ng Ikaanim na Kongreso. Ayon sa kanya: "Ang linyang pulitikal at organisasyunal na inihapag ng Ikaanim na Pambansang Kongreso ng partido ay tama, i.e., ang rebolusyon sa kasalukuyang yugto ay demokratiko at hindi sosyalista, at ang kasalukuyang tungkulin ng partido (dapat ay idinagdag dito ang katagang 'sa malaking lungsod' - Mao) ay makabig ang masa at hindi maglunsad agad ng mga insureksyon. Gayunpaman, ang rebolusyon ay mabilis na uunlad, at dapat ay magkaroon tayo ng positibong aktitud sa ating propaganda at sa paghahanda para sa mga insureksyon." Hindi kailanman iminungkahi ni Mao ang istratehiya ng matagalang digma kabangga ng "insureksyunal' na linya ng Ikaanim na Kongreso.


What Mao tried to stress in his polemics with the Central Committee of Li Li-san was this: “Building a proletarian foundation for the Party and setting up Party branches in industrial enterprises in key districts are important organizational tasks for the Party at present; but at the same time the major prerequisites for helping the struggle in the cities and hastening the rise of the revolutionary tide are specifically the development of the struggle in the countryside, the establishment of Red political power in small areas, and the creation and expansion of the Red Army. Therefore it would be wrong to abandon the struggle in the cities, but in our opinion it would also be wrong for any of our Party members to fear the growth of peasant strength lest it should outstrip the workers' strength and harm the revolution. For the revolution in semicolonial China, the peasant struggle must always fail if it does not have the leadership of the workers, but the revolution is never harmed if the peasant struggle outstrip the forces of the workers.”

Ang idinidiin ni Mao sa kanyang mga polemiko laban sa Komite Sentral ni Li Li-san ay ito: "Ang pagtatayo ng proletaryadong pundasyon para sa Partido at ang pagbubuo ng mga sangay ng Partido sa mga negosyong industriyal sa mga susing distrito ay mahahalagang tungkuling organisasyunal para sa Partido sa kasalukuyan. Pero kasabay nito, ang mga mayor na rekisito sa pagsuporta sa pakikibaka sa kalunsuran at ang pagpapabilis ng pagdating ng rebolusyonaryong agos ay ang pag-unlad ng pakikibaka sa kanayunan, ang pagtatayo ng Pulang kapangyarihang pampulitika sa maliliit na pook, at ang pagbuo at pagpapalawak ng Pulang Hukbo. Kung gayon, malaking kamalian ang pag-abandona sa pakikibaka sa kalunsuran, ngunit, sa palagay ko, malaki ring kamalian para sa sinumang kasapi ng Partido na katakutan ang paglakas ng magbubukid hanggang sa malagpasan nito ang lakas ng manggagawa at wasakin ang rebolusyon. Sa rebolusyon ng malakolonyal na Tsina, lagi nang mabibigo ang pakikibaka ng magbubukid kung hindi ito pinamumunuan ng manggagawa, pero hindi mawawasak ang rebolusyon sakali mang malagpasan ng pakikibakang magbubukid ang pwersa ng manggagawa."

No comments: