Saturday, March 26, 2011

Kritik sa PPW - Ikapitong Bahagi

Ito ang IKAPITONG BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.

The main line of criticism of Mao against the Central Committee at that time was on the question of “dispersal” or “concentration” of the Red Army. Mao quoted the letter of his Front Committee to the Central Committee: “To preserve the Red Army and arouse the masses, the Central Committee asks us to divide our forces into very small units and disperse them over the countryside … This is an unrealistic view. In the winter of 1927-28, we did plan to disperse our forces, with each company or battalion operating on its own and adopting guerilla tactics in order to arouse the masses while trying not to present a target for the enemy; we have tried this out many time, but have failed every time.”

Ang pangunahing linya ng kritisismo ni Mao sa Komite Sentral sa panahong iyon ay hinggil sa usapin ng "dispersal" o "konsentrasyon" ng Pulang Hukbo. Binanggit ni Mao ang isang liham mula sa Prenteng Komite (na pinamunuan niya noon) para sa Komite Sentral: "Upang manatili ang Pulang Hukbo at hikayatin ang masa, inatas ng Komite Sentral na hatiin ang aming pwersa sa maliliit na yunit at ipakalat ito sa buong kanayunan... Hindi makatotohanan ang kautusang ito. Noong taglamig ng 1927-28, tinangka din naming ikalat ang aming pwersa, kung saan ang bawat kumpanya o batalyon ay magsasarili ng operasyon, at gagamit ng mga taktikang gerilya upang himukin ang masa habang nag-iingat na huwag makita ng kaaway; makailang beses naming tinangka ang ganito subalit lagi naman kaming nabibigo."


The letter cited the reasons why the Red Army failed every time it tried to disperse its forces. But Mao was dissatisfied with the reasons cited because they were negatively presented and far from adequate. According to Mao: “The positive reason for concentrating our forces is that only concentration will enable us to wipe out comparatively large enemy units and occupy towns. Only after we have wiped out comparatively large enemy units and occupied towns can we arouse the masses on a broad scale and set up political power extending over a number of adjoining counties. Only thus can we make a widespread impact (what we call 'extending our political influence'), and contribute effectively to speeding the day of the revolutionary high tide.”

Nakasaad sa liham ang mga dahilan kung bakit nabibigo ang Pulang Hukbo sa tuwing magtatangka silang ikalat ang kanilang pwersa. Subalit para kay Mao, kulang pa ang mga binanggit na dahilan sapagkat negatibo ang ginawang paglalahad nito. Aniya: "Ang positibong dahilan ng pagkokonsentra ng ating pwersa ay sapagkat sa pamamagitan lamang ng konsentrasyon magagapi natin ang malalaking yunit ng kaaway at makapag-ookupa ng mga bayan. Sa pamamagitan lamang ng paggapi sa malalaking yunit ng kaaway magagawa nating mahimok ang masa nang maramihan upang makapagtayo ng pulitikal na kapangyarihang sakop pati ang ibang kalapit bayan. Sa pamamagitan lamang nito, makapagdudulot tayo ng malawakang epekto (o ang tinatawag nating "pagpapalawak ng ating impluwensyang pulitikal"), at epektibong mapabilis ang pagdating ng rebolusyonaryong taog."


This debate on the question of “dispersal” and “concentration” of the Red Army was not a question of insurrectionism or protracted war between the Central Committee of Li Li-san and the Front Committee of Mao Ze Dong. But for Sison, this kind of debate on the mode of operation of the People's Army became a question of insurrectionism or protracted war in his Reaffirm.

Ang debateng ito sa usaping "dispersal" o "konsentrasyon" ng Pulang Hukbo ay hindi isang pagtatalo ukol sa insureksyunismo o matagalang digma sa pagitan ng Komite Sentral ni Li Li-san at ng Prenteng Komite ni Mao Ze Dong. Pero para kay Sison, ang debateng tulad nito ukol sa moda ng produksyon ng Hukbong Bayan ay naging isang usapin ng insureksyunismo o matagalang digma na nakasaad sa kanyang Reaffirm.


The funny thing is, he identified the question of “concentration” with insurrectionism, and “dispersal” with protracted war! In China's case, it was Li Li-san, the famous “Left” adventurist who aspired for a “quick victory” who was the advocate of dispersal and guerrillaism-small and roving guerilla units to arouse the masses on a widescale. While it was Mao, the founder of the theory of protracted war, who insisted on the basic principle of “concentration” and building of a regular Red Army as a condition for the long-term survival of Red areas and for the advance of the armed struggle.

At ang katawa-tawa, ginawa niyang usapin ng insureksyunismo ang usapin ng "konsentrasyon" at matagalang digma naman ang usapin ng "dispersal"! Sa kaso ng Tsina, itong si Li Li-san, ang tanyag na "Kaliwang" adbentyurista na pinangarap ang "agarang tagumpay", ang nagtaguyod sa dispersal at gerilyaismo, sa maliliit at makilos na gerilyang yunit upang himukin ang masa ng maramihan. Samantalang pinagdiinan ni Mao, ang nagtatag ng teoryang matagalang digma, ang batayang prinsipyo ng "konsentrasyon" at pagtatayo ng regular na Pulang Hukbo bilang kondisyon para sa mahabang panahong pag-iral ng Pulang pook at para sa pagsulong ng armadong pakikibaka.


It was in his article Problems of Strategy In China's Revolutionary War written on December 1936 that Mao systematically criticized the “Left” errors of the second period in direct relation to his protracted war theory at a time when this theory had completely evolved in Mao's thinking and the third revolutionary war had commenced-the War Of Resistance Against Japan.

Sa kanyang akdang Suliranin ng Istratehiya sa Rebolusyonaryong Digma ng Tsina na sinulat noong Disyembre 1936, nagsimula si Mao sa pagpuna sa mga "Kaliwang" kamalian ng ikalawang yugto na direktang may relasyon sa kanyang teorya ng matagalang digma sa panahong ang teoryang ito ay ganap nang nabubuo sa isipan ni Mao at ang ikatlong rebolusyonaryong digma ay pumutok na - ang Digmaan ng Pagtutol Laban sa Hapon.


According to Mao: “In the period of the Li Li-san line in 1930, Comrade Li Li-san failed to understand the protracted nature of China's civil war and for that reason did not perceive the law that in the course of this war there is repetition over a long period of ‘encirclement and suppression’ campaigns and of their defeat (by that time there had already been three in the Hunan-Kiangsi border area and two in Fukien). Hence, in an attempt to achieve rapid victory for the revolution, he ordered the Red Army, which was then still in its infancy, to attack Wuhan, and also ordered a nationwide armed uprising. Thus he committed the error of ‘Left’ opportunism.” Mao criticized the “Left” opportunists of 1931-34 (Wang Ming and the “28 Bolsheviks”) also on the same grounds. According to Mao, they also “did not believe in the law of the repetition of ‘encirclement and suppression’ campaigns.”

Ayon kay Mao: "Sa yugto ng linyang Li Li-san nuong 1930, hindi naunawaan ni kasamang Li Li-san ang matagalang kalikasan ng Tsinong Digmaang Sibil at dahil dito, hindi niya nakita na sa kurso ng digmaang ito, magkakaroon ng repetisyon sa mahabang panahon ng mga kampanyang 'pagkubkob at paniniil' at ng pagkabigo nito (sa panahong ito, may tatlo na sa hangganan ng pook ng Hunan-Kuangsi at dalawa sa Fukien). Sa gayon, sa pagtatangkang makamit agad ang tagumpay ng rebolusyon, inatas niya sa Pulang Hukbo, na napakamusmos pa noon, na lusubin ang Wuhan, at nagpahayag din ng pambansang armadong pag-aalsa. Dahil dito, nagawa niya ang kamaliang "Kaliwang" oportunismo." Pinuna ni Mao ang mga "kaliwang" oportunista ng 1931-34 (Wang Ming at ang 28 Bolsheviks) sa batayan ding ito. Ayon kay Mao, sila rin "ay hindi naniwala sa batas ng repetisyon ng mga kampanyang 'pagkubkob at paniniil'."


This law of the constant repetition over a prolonged period of “encirclement” campaigns and counter-campaigns against it was the main pattern of the civil war. He said: “In the ten years since our guerilla war began, every independent Red guerilla unit, every Red army unit or every revolutionary base area has been regularly subjected by the enemy to 'encirclement and suppression'.” When will the pattern of repeated “encirclement and suppression” campaigns come to an end? According to Mao: “In my opinion, if the civil war is prolonged, this repetition will cease when a fundamental change takes place in the balance of forces. It will cease when the Red Army has become stronger than the enemy.”

Ang batas ng repetisyon sa loob ng mahabang panahon ng 'pagkubkob at paniniil' at ang mga kontra-kampanya laban dito, ayon kay Mao, ay ang pangunahing padron ng Tsinong Digmaang Sibil. Aniya: "Sa loob ng sampung taon simula nang ilunsad natin ang digmaang gerilya, bawat independenteng Pulang gerilyang yunit, bawat yunit ng Pulang Hukbo o bawat rebolusyonaryong base pook ay regular na dumaranas ng 'pagkubkob at paniniil' ng kaaway." Kailan matatapos ang padron ng paulit-ulit na kampanyang 'pagkubkob at paniniil'? Ayon kay Mao: "Sa palagay ko, kung magtatagal ang digmaang sibil, matitigil ang repetisyong ito sakaling may maganap na pundamental na pagbabago sa balanse ng pwersa. Titigil ito kung mas malakas na ang Pulang hukbo kaysa kaaway."


By this time, Mao had already evolved protracted war as an integral “strategy” of revolution relying principally on the internal dynamics of this “campaign” and “counter-campaign” struggle, the success of the revolution depending mainly on the development and change in the overall balance of forces between the enemy armed forces and the people's armed forces. Mao was no longer relying on the development and imminence of a “revolutionary high tide” that shall determine the longterm survival of the Red areas, no longer hoping for “a single spark that can start a prairie fire.”

Sa panahong ito, nabuo na ni Mao ang matagalang digma bilang isang integral na 'istratehiya' ng rebolusyon na pangunahing nakasandig sa panloob na dinamiko ng mga 'kampanya' at 'kontra-kompanyang' tunggalian sa pagitan ng Puti at ng Pulang hukbo, nakasalalay ang tagumpay ng rebolusyon sa pag-unlad at pagbabago ng pangkalahatang balanse ng pwersa sa pagitan ng armadong pwersa ng kaaway at ng armadong pwersa ng mamamayan. Dito, hindi na nakasandig si Mao sa pag-unlad ng nalalapit na pagdating g rebolusyonaryong taog na magtatakda ng mahabang panahong pag-iral ng Pulang pook, hindi na umaasa pa na ang "isang sindi ay maglilikha ng malaking sunog".


This shift in Mao's thinking was brought about by changes in the political situation from the time he wrote Single Spark to the time when he wrote Problems of Strategy after the bitter experiences of “Left” errors from 1930-34. When he wrote Single Spark in January 1930, Li Li-san was afflicted with pessimism and Mao tried to convince him that the “revolutionary high tide” is not only inevitable but imminent. He obviously overcame this affliction because by June 1930, his appraisal was that the “high tide” was not only imminent but had arrived. The resurgence of the working class movement in the cities, the widespread expansion of the Red areas in Central China, the unrelenting conflicts between Chiang Kai-shek and Wang Jing-wei and between Chiang and the warlords, all led Li and the Central Committee to believe that the time had come to launch a general offensive.

Ang pagbabago ng isip ni Mao ay bunga ng mga pagbabago sa pulitikal na kalagayan simula nang isulat niya ang "Isang Sindi" hanggang sa panahong sinulat niya ang "Problema sa Istratehiya" matapos ang mga masasaklap na karahasan sa "Kaliwang" kamalian ng 1930-34. Nang kanyang sinulat ang "Isang Sindi" nuong Enero 1930, dinapuan ng pesimismo si Li Li-san at tinangka ni Mao na mahikayat siyang ang rebolusyonaryong taog ay hindi lamang darating kundi nalalapit na. Malinaw na nalampasan niya ang kanyang pesimismo dahil nuong Hunyo 1930, ang naging pagsusuri niya sa taog ay hindi lang nalalapit kundi dumating na. Ang pag-igpaw ng kilusang manggagawa sa lungsod, ang malawakang paglaki ng Pulang pook sa Gitnang Tsina, ang hindi matapos-tapos na away sa pagitan ni Chiang Kai-Shek at Wang Jing-Wei at sa pagitan ni Chiang at ng mga poongdigma - lahat ng ito ay nagtulak kina Li at ng Komite Sentral na paniwalaang dumating na ang panahon upang ilunsad ang pangkalahatang opensiba.


On the basis of this appraisal, Li Li-san drew up an adventurist plan for organizing immediate armed insurrections in the key cities throughout the country. The object of the 1930 offensive was to take the three large cities of Central China: Changsha, Wuhan and Nanchang.The Third Group of Armies under Peng De-huai was to attack Changsha. The attack on Nanchang was assigned to the Red Army in Shiangsi under Mao and Zhu Deh. The attack on Wuhan was to be launched by the armies of He Long in western Hubei and Hunan.

Sa batayan ng ganitong pagsusuri, gumawa ng isang adbentyuristang plano si Li Li-san para sa mabilis na pag-oorganisa ng mga armadong insureksyon sa mga piling lungsod sa buong bansa. Ang layunin ng opensibang 1930 ay ang agawin ang tatlong malalaking lungsod sa Gitnang Tsina: ang Changsha, Wuhan at Nanchang. Lulusubin ng ikatlong pangkat ng hukbo sa pamumuno ni Peng De-huai ang Changsa. Naatas sa Pulang Hukbo sa Shangsai sa ilalim ni Mao at Chu Teh ang paglusob sa Nanchang. Ilulunsad naman ng hukbo ni He Long sa Kanluraning Hubei at Hunan ang paglusob sa Wuhan.


Changsha was occupied when Peng De-huai's troops entered it on July 27. Ten days later they were dislodged and had to retire to the region of Liuyang. Ferocious repression followed which destroyed the party organization in Changsha. After the retreat from Changsha, Mao and Zhu, who disapproved of the general plan of the offensive, decided not to pursue the attack on Nanchang. They headed for Liuyang to reinforce the Third Army. The combined troops formed the First Front Army, of which Zhu became the commander in chief and Mao the political commissar. In the other cities, the uprisings, doomed from the start, were suppressed, and the terror that ensued destroyed the party and its legal organizations.

Okupado ang Changsa nang pinasok ito ng tropa ni Peng De-huai noong Hulyo 27. Pagkatapos ng sampung araw, napaalis sila at napilitang umatras sa rehiyon ng Liuyang. Sinundan ito ng mabangis na panlulupig na dumurog sa organisasyon ng partido sa Changsha. Pagkatapos ng atrasan sa Changsha, sina Mao at Chu, na hindi sumang-ayon sa kabuuang plano ng opensiba, ay nagpasyang huwag nang ituloy ang paglusob sa Nanchang. Tumungo sila sa Liuyang upang tulungan ang Ikatlong Hukbo. Ang pinagsamang tropang ito ang naging Unang Prenteng Hukbo, kung saan si Chu ay tumayong punong kumandante at si Mao naman ang punong-opisyal pampulitika. Sa ibang lungsod, mabilis na nagapi ang mga pag-aalsang sa simula pa lang ay talunan na, at ang pangambang sumunod ay halos dumurog sa partido at mga legal na organisasyon nito.


Li Li-san's adventurous policy was totally defeated and he was removed from the leadership at the Third Plenary Meeting of the Sixth Central Committee in September 1930. Qu Qiu-bai, the Comintern representative, and Zhou En-lai, who had recently returned from Moscow, presented a report recognizing that the CCP leadership had overestimated “the unequal development of the revolutionary movement in different regions, and that if a revolutionary situation was developing in China, it did not objectively exist in July 1930.”

Ganap na nabigo ang adbentyuristang patakaran ni Li Li-san at tinanggal siya sa pamunuan sa Ikatlong Pulong Pangkalahatan ng Ikaanim na Komite Sentral nuong Setyembre 1930. Si Qu Qiu-bai, ang kinatawan ng Komintern, at si Chou En-lai, na kararating lang mula sa Moscow, ay naghapag ng ulat na nagsasabing lumabis ang pagkalkula ng pamunuan ng CCP "sa hindi pantay na pag-unlad ng rebolusyonaryong kilusan sa iba't ibang rehiyon, at kung ang rebolusyonaryong kalagayan ay nagaganap sa Tsina, hindi ito obhetibong umiral nuong Hulyo 1930."


The Li Li-san line lasted only four months. But another “Left” adventurist line succeeded in dominating the central leadership. It was represented by the so-called 28 “Bolsheviks” led by Wang Ming and Po Ku, newly arrived from the Chinese Revolutionary University of Moscow with their professor Pavel Mif. It was mainly to criticize the military mistakes of the Wang Ming line that Mao wrote the article “Problems of Strategy.” This line was dominant in the CCP from the Fourth Plenary Meeting of the Sixth Central Committee in January 1931 to the meeting of the Political Bureau at Tsunyi in January 1935. This was what Mao called the “Left” opportunism of 1931-34 “which resulted in serious losses in the Agrarian Revolutionary War so that, instead of our defeating the enemy's fifth campaign of 'encirclement and suppression', we lost our base areas and the Red Army was weakened.”

Inabot lang ng apat na buwan ang linya ni Li Li-san. Subalit isa pang "Kaliwang" adbentyuristang linya ang nagawang mangibabaw sa sentral na pamunuan. Dinala ito ng mga tinawag na '28 Bolshevik' sa pamumuno nina Wang Ming at Po Ku, mga bagong dating mula sa Rebolusyonaryong Pamantasang Tsino ng Moscow kasama ang kanilang gurong si Pavel Mif. Ang tampok na layunin ni Mao nang isulat niya ang Suliranin ng Istratehiya ay upang punahin ang militar sa mga kamalian ng linyang Wang Ming. Ang linyang ito ang nangibabaw sa CCP mula sa Ikaapat na Pulong Pangkalahatan ng Ikaanim na Komite Sentral nuong Enero 1931 hanggang sa pulong ng Pampulitikang Kawanihan sa Tsunyi noong Enero 1935. Ito ang binansagan ni Mao na "Kaliwang" oportunismo ng 1931-34 "na nagresulta sa malubhang mga pagkatalo ng Rebolusyonaryong Digmaang Agraryo, kung saan, imbes na nadurog natin ang ikalimang kampanyang 'pagkubkob at paniniil' ng kaaway, nawala sa atin ang mga baseng pook at nanghina ang ating Pulang Hukbo."

No comments: