Thursday, April 7, 2011

Kritik sa PPW - Ikawalong Bahagi

Ito ang IKAWALONG BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.

How did Mao characterize the military error of the Wang Ming line? According to Mao, as early as May 1928, "basic principles of guerilla warfare, simple in nature and suited to the conditions of the time, had already been evolved." This was called the sixteen-character formula: "The enemy advances, we retreat; the enemy camps, we harass; the enemy tires, we attack; the enemy retreats, we pursue." (It must be clarified, that these operational principles, by themselves, do not constitute the strategy of protracted war but of guerilla warfare. Secondly, these are not Mao's original ideas but were drawn from the writings of the ancient Chinese military philosopher Sun Tzu.) At the time of the first counter-campaign against "encirclement and suppression" (late 1930) in the Kiangsi base area, these operational principles were developed a step further to include the principle of "luring the enemy in deep". By the time the enemy's third campaign was defeated (middle of 1931), according to Mao, "a complete set of operational principles for the Red Army has taken shape." Though they basically remained the same as in the sixteen-character formula, they transcended their originally simple nature.

Paano isinasalarawan ni Mao ang pagkakamaling militar ng linyang Wang Ming. Ayon kay Mao, sa maagang panahon pa lang ng Mayo 1928, "buo na ang mga batayang prinsipyo ng labanang gerilya, payak at angkop sa kalagayan ng panahon." Tinawag itong "pormulang labing-anim na karakter": "Kung aabante ang kaaway, aatras tayo; kung magkakampo ang kaaway, mambubulabog tayo; kung mapapagod ang kaaway, lulusob tayo; kung aatras ang kaaway, tutugis tayo." (Dapat linawin na ang mga operasyunal na prinsipyong ito ay laman hindi ng matagalang digma kundi ng labanang gerilya. Ikalawa, hindi ito orihinal na ideya ni Mao kundi halaw sa mga akda ni Sun Tzu, isang pilosopong militar na Tsino noong unang panahon.) Sa unang kontra-kampanya laban sa "pagkubkob at pananalakay" (huling bahagi ng 1930) sa baseng pook ng Kiangsi, lalo pang pinaunlad ang mga operasyunal na prinsipyong ito nang idagdag ang prinsipyong "pagbitag sa kaaway sa kailaliman". Nang mabigo ang ikatlong kampanya ng kaaway (gitnang bahagi ng 1931), ayon kay Mao, "ang kumpletong hanay ng operasyunal na prinsipyo para sa Pulang Hukbo ay buo na." Bagamat katulad din ito ng "pormulang labing-anim na karakter", lumagpas ito sa orihinal na simpleng kalikasan.


But beginning from January 1932, according to Mao, "the 'Left' opportunists attacked these correct principles, finally abrogated the whole set and instituted a complete set of contrary 'new principles' or 'regular principles'". From then on, the old principles were no longer to be considered as regular but were to be rejected as "guerrillaism." The opposition to the old principles which were branded as "guerrillaism" reigned for three whole years. According to Mao, "its first stage was military adventurism, in the second it turned into military conservatism and, finally, in the third stage it became flightism."

Subalit simula Enero 1932, ayon kay Mao, "inatake ng mga 'kaliwang' oportunista ang mga tamang prinsipyong ito, ibinasura ito at nagpatupad ng kabaligtarang mga 'bagong prinsipyo' o 'regular na prinsipyo'. Simula nito, ang mga lumang prinsipyo ay hindi na itinuring na regular kundi tinawag na 'gerilyaismo'." Nangibabaw sa loob ng tatlong taon ang oposisyon laban sa mga lumang prinsipyo, na binansagan ng 'gerilyaismo'. Ayon kay Mao, "ang unang yugto nito ay militar na adbentyurismo, sa pangalawang yugto ay naging militar na konserbatismo, at sa pangatlong yugto, ito ay naging 'pagtalilis'."


How did Mao describe this military adventurism? According to Mao: "The view that the Red Army should under no circumstances adopt defensive methods was directly related to this 'Left' opportunism, which denied the repetition of 'encirclement and suppression' campaigns..." He also criticized "those comrades in Kiangsi who called for a Red Army attack on Nanchang, were against the work of linking up the base areas and the tactics of luring the enemy in deep, regarded the seizure of the capital and other key cities of a province as the starting point for victory in that province, and held that 'the fight against the fifth encirclement and suppression campaign represents the decisive battle between the road of revolution and the road of colonialism'. This 'Left' opportunism was the source of the wrong line adopted in the struggles against the fourth 'encirclement and suppression' campaign in the Hupeh-Honan-Anhwei border area and in those against the fifth in the Central Area in Kiangsi; and it rendered the Red Army helpless before these fierce enemy campaigns and brought enormous losses to the Chinese revolution."

Paano inilarawan ni Mao ang ganitong adbentyurismong militar? Ayon kay Mao: "Ang pananaw na sa anumang kalagayan, hindi dapat gumamit ang Pulang Hukbo ng depensibong pamamaraan ay direktang may relasyon sa ganitong 'kaliwang' oportunismo, na itinanggi ang pag-uulit ng mga kampanyang 'pagkubkob at pananalakay'..." Kanya ring pinuna "ang mga kasa sa Kiangsi na nananawagan ng paglusob ng Pulang Hukbo sa Nanchang, pawang hindi sumang-ayon na pag-ugnay-ugnayin ang mga baseng pook at gamitin ang taktika ng paghatak ng kaaway hanggang sa kailaliman, itinuring ang pagsakop sa kabisera at iba pang mga tampok na lungsod sa isang lalawigan bilang simula ng tagumpay ng lalawigang iyon, at naniwalang ang pakikibaka laban sa ikalimang kampanyang pagkubkob at pananalakay ay kumakatawan sa mapagpasyang labanan sa pagitan ng landas ng rebolusyon at ng landas ng kolonyalismo. Ang ganitong 'kaliwang' oportunismo ang naging sanhi ng maling linyang ginamit sa pakikibaka laban sa ikaapat na kampanyang pagkubkob at pananalakay sa hangganang pook ng Hupeh-Honan-Anhwei at sa pakikibaka sa ikalimang kampanya sa Gitnang Pook ng Kiangsi; at iniwan nitong walang kalaban-laban ang Pulang Hukbo sa harap ng mga mababangis na kampanya ng kaaway at nagdulot ng napakalaking pagkatalo sa rebolusyong Tsino."


However, Mao did not substantiate his conclusion that it was this "Left" opportunism of Wang Ming that caused enormous losses to the Chinese revolution. Mao was not able to cite in his writings (or his publishers to provide footnotes) of instances of urban armed insurrections during the 1932-34 period that caused great losses to the Red Army or the CCP. Even in history books of the Chinese revolution, no such accounts could be found.

Gayunpaman, hindi napatunayan ni Mao ang kanyang kongklusyon na ang 'kaliwang' oportunismo nga ni Wang Ming ang naging dahilan ng malaking pagkatalo ng Rebolusyong Tsino. Hindi nagbanggit si Mao sa kanyang mga akda (o hindi nakapaglagay ng talababa ang mga tagapaglathala nito) ng mga halimbawa ng armadong insureksyon sa kalunsuran sa loob ng panahong 1932-34 na nagdulot ng malaking pagkatalo sa Pulang Hukbo o sa CCP. Kahit sa mga aklat ng kasaysayan ng rebolusyong Tsino, walang binabanggit na paglalahad ukol dito.


He gave as an example the loss of freedom of action in the fourth counter-campaign in the Hupeh-Honan-Anhwei border area "where the Red Army acted on the theory that the Guomindang army was merely an auxiliary force". But again, no substantial account regarding the losses suffered by the Red Army during this fourth counter-campaign which can directly be traced to this "Left" error. In historical accounts of the Chinese revolution, the fourth enemy campaign was aimed at all the Red areas and first to be attacked was Hupeh-Honan-Anhwei border area. Because it was more accessible to the attacking Guomintang armies, this region had to be abandoned by the Red Army. In this border area, it was the Fourth Group of the Armies of the Front that confronted the Guomintang forces. And this unit of the Red Army was commanded by Chang Gou-tao, the infamous Right opportunist who in 1938 capitulated to the Guomintang.

Ang binigay niyang halimbawa ay ang pagkawala ng kalayaan sa pagkilos sa ikaapat na kontra-kampanya sa hangganang pook ng Hupeh-Honan-Anhwei "kung saan kumilos ang Pulang Hukbo sa pag-aakalang ang hukbo ng Kuomintang ay isa lang reserbang pwersa." Subalit wala pa ring substansyal na paglalahad ukol sa pagkatalong dinanas ng Pulang Hukbo sa gitna ng ikaapat na kontra-kampanyang ito na maaaring tuwirang mabaybay sa 'kaliwang' kamaliang tinutukoy ni Mao. Ayon sa mga istorikong paglalahad tungkol sa rebolusyong Tsino, ang ikaapat na kampanya ng kaaway ay nakatuon sa mga Pulang pook at ang hangganang pook ng Hupeh-Honan-Anhwei ang unang sasalakayin. Dahil mas madali itong pasukin ng mga sumasalakay na hukbo ng Kuomintang, kinakailangang lisanin ng mga Pulang Hukbo ang rehiyong ito. Sa hangganang pook na ito, ang Ikaapat na Pangkat ng mga Hukbo ng Prente ang humarap sa mga pwersa ng Kuomintang. Ang yunit na ito ng Pulang Hukbo ay pinamumunuan ni Chang Kuo-tao, ang sikat na Kanang oportunista na sumuko sa Kuomintang noong 1938.


Mao also gave as an example the fifth enemy campaign against the Central Area in Kiangsi. But in in the very same article, he attributed the heavy losses in Central Base Area to Right opportunism. According to Mao: "The most striking example of the loss of a base area was that of the Central Base Area in Kiangsi during the fifth counter-campaign against 'encirclement and suppression'. The mistake here arose from a Rightist viewpoint. The leaders feared the enemy as if he were a tiger, set up defenses everywhere, fought defensive actions at every step and did not dare advance to the enemy's rear and attack him there, which would have been to our advantage, or boldly to lure the enemy troops in deep so as to concentrate our forces and annihilate them. As a result, the whole base area was lost and the Red Army had to undertake the Long March of over 12,000 kilometers."

Ibinigay ding halimbawa ni Mao ang ikalimang kampanya ng kaaway laban sa Gitnang Pook ng Kiangsi. Pero sa akda ring ito, isinisi niya sa 'Kanang' oportunismo ang pagkatalo ng Gitnang Baseng Pook. Ayon kay Mao: "Ang pinakamagandang halimbawa ng pagkatalo ng isang baseng pook ay ang naganap sa Gitnang Baseng Pook sa Kiangsi sa gitna ng ikalimang kontra-kampanya laban sa 'pagkubkob at pananalakay'. Kinatakutan ng mga lider ang kaaway na gaya ng tigre, naglagak ng mga depensa sa buong paligid, lumaban nang depensiba sa bawat hakbang at ni hindi umabante sa likuran ng kaaway upang salakayin mula rito, na sana'y naging malaking bentahe sa atin, o di kaya'y buong tapang na painan ang kaaway hanggang sa kailaliman upang makonsentra ang ating pwersa at madurog sila. Kaya ang nangyari, nadurog ang buong baseng pook at napilitang tahakin ng Pulang Hukbo ang 12,000 kilometrong layo na tinawag na Mahabang Martsa.


Upon reading this, one wonders why Mao blamed "Left" adventurism as the "source of the wrong line" that "brought enormous losses to the Chinese revolution." This is how Mao explained the link: "This kind of mistake (Right opportunism) was usually preceded by a 'Left' error of underestimating the enemy. The military adventurism of attacking the key cities of 1932 was the root cause of the line of passive defense subsequently adopted in coping with the enemy's fifth 'encirclement and suppression' campaign." Now we know where Sison got his strange logic!

Matapos itong basahin, maitatanong natin kung bakit isinisi ni Mao sa "kaliwang" adbentyurismo ang pagiging "dahilan ng maling linya" na "nagdulot ng malalaking pagkatalo ng rebolusyong Tsino". Ganito ipinaliwanag ni Mao ang ugnayan: "Ang ganitong tipo ng kamalian (Kanang oportunismo) ay karaniwang sinusundan ng "kaliwang" kamalian ng pagmamaliit sa kaaway. Ang adbentyurismong militar na pag-atake sa mga susing lungsod noong 1932 ang ugat ng linyang pasibong depensa na ginamit upang makahabol sa ikalimang kampanya ng 'pagkubkob at pananalakay' ng kaaway". Ngayon, alam na natin kung saan nakuha ni Sison ang kanyang kakatwang lohika!


How come the Red Army was forced to undertake the Long March of more than 12,000 kilometers? This is a most basic question which Mao failed to provide in his writings with a satisfactory answer. A footnote of "Problems of Strategy" clarified: "In October 1934 the First, Third and Fifth Army Groups of the Chinese Workers' and Peasants' Red Army (that is the First Front Army of the Red Army, also known as the Central Red Army) set out from Changting and Ninghua in Western Fukien and from Juichin, Yutu and other places in southern Kiangsi and started a major strategic shift." This was the beginning of the Long March. This First Front Army numbered around 120,000-130,000 troops. Aside from the First Front Army, the Red Army also had the Second Front Army of He Long and Fourth Front Army of Chang Gou-tao, and a host of other independent Army Groups. Before the Long March began, the Red Army numbered around 300,000.

Paanong nangyaring napwersahang simulan ng Pulang Hukbo ang Mahabang Martsang mahigit sa 12,000 kilometro? Ito ang isang batayang tanong na nabigong sagutin ni Mao sa kanyang mga akda. Inilinaw ng isang isang talababa sa akdang "Suliranin ng Istratehiya" ni Mao: "Noong 1934, ang Una, Ikatlo at Ikalimang Hukbong Pangkat ng Manggagawa't Pesanteng Pulang Hukbong Tsino (na siyang Unang Hukbong Prente ng Pulang Hukbo, na kilala rin sa Sentrong Pulang Hukbo) ay lumisan mula sa Changting at Ninghua sa Kanluraning Fukien at mula sa Juichin, Yutu at iba pang lunan sa Timog Kiangsi at nagsimula ang mayor na istratehikong paglipat." Ito ang umpisa ng Mahabang Martsa. Itong Hukbo ng Unang Prente ay bumibilang ng may 120,000-130,000 tropa. Bukod sa Hukbo ng Unang Prente, mayroon din ang Pulang Hukbo ng Hukbo ng Ikalawang Prente ni He Long at Hukbo ng Ikaapat na Prente ni Chang Kuo-tao, at iba pang mga independenteng Pangkat ng Hukbo. Bago magsimula ang Mahabang Martsa, ang bilang ng Pulang Hukbo ay nasa 300,000.


With a Red Army this big, how come it was forced to undertake a strategic retreat and strategic shift of the magnitude of the Long March? According to Mao, the Red Army had to undertake the Long March of over 12,000 kilometers in October 1934 because the Central Base Area in Kiangsi was lost. Why did they lose the Central Base Area? Because they failed to smash Chiang Kai-shek's fifth "encirclement and suppression" campaign. Why did it fail to smash this particular campaign unlike the first four campaigns? Because, according to Mao, the counter campaign began with military adventurism, then turned to military conservatism, and finally, it became flightism.

Sa Pulang Hukbong ganito kalaki, paano nangyaring napilitang isagawa ang istratehikong pag-atras at istratehikong paglipat na sintindi ng Mahabang Martsa? Ayon kay Mao, dapat isagawa ng Pulang Hukbo ang Mahabang Martsang mahigit sa 12,000 kilometro noong Oktubre 1934 dahil nagapi ang Gitnang Baseng Pook sa Kiangsi. Bakit nawala sa kanila ang Gitnang Baseng Pook. Dahil nabigo silang durugin ang ikalimang kampanyang "pagkubkob at pananalakay" ni Chiang Kai-shek. Bakit nabigo itong durugin ang partikular na kampanyang ito, na di kagaya ng naunang apat na kampanya? Dahil, ayon kay Mao, nagsimula ang kontra-kampanya sa adbentyurismong militar, pagkatapos ay tumungo sa konserbatismong militar, at sa huli, ay naging pagtalilis.


Granting that this was the real causes for the failure to smash the enemy's fifth campaign until the beginning of the Long March in October 1934, which in the words of Mao was conceived as a "headlong flight" not as a strategic retreat, the fact was, by the end of 1934, at the party conference in Liping on the Hunan-Guizho border, Mao began to seize the initiative within the central leadership of the CCP. This Liping Conference was actually the turning point. It was in this conference that Mao was able to change not only the geographical direction of the march but also the "headlong flight" and "straight-line" tactic. By January, when they reached Tsunyi, Mao and all his close associates formally took over the leadership of the CCP. Wang Ming's faction was completely ousted with Zhou En-lai the only member of the old Politburo in the new Maoist leadership. (Wang Ming was retained by the Stalinist Comintern as one of its vice-presidents.)

Sabihin na nating ito nga ang totoong dahilan ng kabiguing durugin ang ikalimang kampanya ng kaaway hanggang sa simula ng Mahabang Martsa noong Oktubre 1934, na, ani Mao, ay iniluwal bilang isang "pabugso-bugsong pagtakas" at hindi isang istratehikong pag-atras, na sa katunayan, sa pagtatapos ng 1934, sa kumperensya ng partido sa Liping sa hangganan ng Hunan-Guizho, sinimulang agawin ni Mao ang inisyatiba sa loob ng sentrong liderato ng CCP. Ang Kumperensya sa Liping ang mismong umpisa. Sa kumperensyang ito nagawang baguhin ni Mao di lamang ang heograprikal na direksyon ng martsa kundi pati na rin ang "pabugso-bugsong pagtakas" at ang taktikang "tuwid na linya". Pagdating ng Enero, nang dumatal na sila sa Tsunyi, pormal nang naupo sina Mao at ang kanyang malalapit na kasama sa pamunuan ng CCP. Napatalsik ang paksyon ni Wang Ming at tanging si Chou En-lai ang naiwang kasapi ng lumang Pulitburo sa bagong Maoistang partido. (Pinanatili ng Stalinistang Comintern si Wang Ming bilang isa sa mga ikalawang pangulo nito).


Mao took over the leadership of the CCP barely three months after the Long March with the Red Army still adequately strong despite the losses in the initial months. The big question is: Why is it that, instead of opting to recover the lost base areas in southern China, he decided to continue with the strategic retreat and the Long March from Tsunyi to Yennan in northern China? To this, Mao had no clear answer in his writings. From January to October 1935, Mao continued the Red Army's strategic retreat (the Long March) which he called the continuation of its strategic defensive while Chiang Kai-shek was in strategic pursuit which was a continuation of his strategic offensive. It was actually during these 10 months of this one year Long March that the Red Army lost the bulk of its forces.

Nakuha ni Mao ang pamunuan ng CCP magtatatlong buwan matapos ang Mahabang Martsa kasama ang Pulang Hukbo na may sapat na lakas pa rin bagamat maraming talo sa mga nakaraang buwan. Ang malaking katanungan ay: Bakit imbes na muling agawin ang mga baseng pook sa timog Tsina, pinili pa niya ang istratehikong pag-atras at ang Mahabang Martsa mula sa Tsunyi hanggang sa Yenan sa hilagang Tsina? Dito'y walang malinaw na sagot si Mao sa kanyang mga akda. Mula Enero hanggang Oktubre 1935, itinuloy ni Mao ang istratehikong pag-atras ng Pulang Hukbo (ang Mahabang Martsa) na tinawag niyang pagpapatuloy ng kanilang istratehikong depensiba habang si Chiang Kai-shek ay nasa istratehikong pagtugis na pagpapatuloy naman ng kanyang istratehikong opensiba. Sa loob ng sampung buwang ito ng isang taon ng Mahabang Martsa naubos ang malaking bahagi ng Pulang Hukbo.

No comments: