Sunday, May 8, 2011

Kritik sa PPW - Ikalabimpitong Bahagi


The Red Army could not have annihilated these enemy forces and smashed its four campaigns, if it did not apply the concentration of superior forces and engage in mobile warfare in the form of encircling or outflanking tactics. Mao said: "War of annihilation entails the concentration of forces and the adoption of encircling or outflanking tactics. We cannot have the former without the latter." 

Hindi malilipol ng Pulang Hukbo itong mga pwersa ng kaaway at madurog ang apat na kampanya nito, kung hindi nito ginagamit ang konsentrasyon ng superyor na pwersa sa labanang makilos sa anyo ng pagkubkob at taktika ng pag-ikot. Sabi ni Mao: “Itinatakda ng digmaang ubusan ang konsentrasyon ng pwersa at ang paggamit ng pagkubkob at taktika ng pag-ikot. Hindi natin makakamit ang una nang wala ang huli.”

In Protracted War, Mao discussed the relationship between war of annihilation and war of attrition. The anti-Japanese war is at once a war of attrition and a war of annihilation because the enemy is still exploiting his strength and retains strategic superiority and strategic initiative. According to Mao: "... unless we fight campaigns and battles of annihilation we cannot effectively and speedily reduce his strength and break his superiority and initiative... Hence campaigns of annihilation are the means of attaining the objective of strategic attrition. It is chiefly by using the method of attrition through annihilation that China can wage protracted war."

Sa akdang “Matagalang Digmaan”, tinalakay ni Mao ang ugnayan ng digmaang ubusan at digmaang lagasan. Ang digmaang laban sa Hapon dati ay digmaang lagasan at digmaang ubusan dahil sinusukat pa ng kaaway ang kanyang lakas at nananatili ang istratehikong  superyoridad at istratehikong inisyatiba. Ayon kay Mao: “...maliban kung nilabanan natin ang mga kampanya at digmaang ubusan, hindi natin epektibo at agarang mababawasan ang kanyang lakas at mababasag ang kanyang superyoridad at inisyatiba... Samakatwid, ang kampnyang ubusan ang mga paraan upang maabot ang layunin ng istratehikong paglagas. Pangunahing sa pamamagitan ng paggamit ng pamamaraang paglagas sa paraang ubusan kung kaya naglunsad ang Tsina ng matagalang digmaan.”

Mao then proceeded to a general differentiation of the three basic forms of warfare and their role on this question of annihilation and attrition: "Generally speaking, mobile warfare performs the task of annihilation, positional warfare performs the tasks of attrition, and guerrilla warfare performs both simultaneously; the three forms are thus distinguished from one another. In this sense war of annihilation is different from war of attrition. Campaigns of attrition are supplementary but necessary in protracted war." 

Matapos noon ay tinalakay ni Mao ang pangkalahatang pagkakaiba ng tatlong batayang anyo ng labanan at ang kanilang papel sa usaping ito ng ubusan at lagasan. “Sa pangkalahatang paliwanag, isinagawa ng labanang makilos ang tungkuling ubusan, isinagawa ng labanang posisyunal ang tungkuling lagasan, at isinagawa ang labanang gerilya nang dalawang iyon ng sabay-sabay; ang tatlong anyong ito ay magkakaiba. Nangangahulugan ito na ang digmaang ubusan ay kaiba sa digmaang lagasan. Ang mga kampanyang lagasan ay karagdagan lang ngunit kinakailangan sa isang matagalang digmaan.”

Speaking theoretically, and in terms of China's needs, Mao said: "In order to achieve the strategic objective of greatly depleting the enemy's forces, China in her defensive stage should not only exploit the function of annihilation, which is fulfilled primarily by mobile warfare and partially by guerrilla warfare, but also exploit the function of attrition, which is fulfilled primarily by positional warfare (which itself is supplementary) and partially by guerrilla warfare." 

Sa mateoryang pananalita, at batay sa pangangailangan ng Tsina, sinabi ni Mao: “Upang makamit ang istratehikong layunin ng malawakang pagkaubos ng pwersa ng kaaway, ang Tsina sa kanyang yugtong depensiba ay di lamang dapat samantalahin ang gawaing ubusan, na sa pangunahin ay nagagawa sa pamamagitan ng labanang makilos at sa baha-bahagi’y sa pamamagitan ng labanang gerilya, kundi ang samantalahin ang gawaing lagasan, na sa pangunahin ay nagagawa sa pamamagitan ng labanang posisyunal (na ito’y suplementaryo) at baha-bahagi sa pamamagitan ng labanang gerilya.”

To sum-up all that were discussed above: A regular People's Army operating by concentrating its forces, engaging in regular mobile warfare as its main form of warfare, accumulating strength by campaigns and battles of quick decision, and preserving itself and destroying the enemy by a war of annihilation in a strategic defensive characterized by campaigns and counter-campaigns-this is Mao's protracted war theory in a revolutionary civil war. All these basic principles can only be applied if we have armed independent regimes or relatively stable revolutionary base areas. 

Upang buudin ang lahat ng natalakay natin sa itaas: Ang isang regular na Hukbong Bayan na kumikilos sa pamamagitan ng pagkonsentra ng pwersa nito, pakikihamok sa isang regular na labanang makilos bilang batayang porma ng labanan, pag-iipon ng lakas sa pamamagitan ng kampanya at labanan ng mabilisang pagpapasya, at pagpapanatili ng sarili at pagdurog sa kaaway sa pamamagitan ng labanang lagasan sa isang istratehikong depensiba na kinatatangian ng mga kampanya at kontra-kampanya – ito ang teorya ng matagalang digmaan ni Mao sa isang rebolusyonaryong digmaang sibil. Lahat ng mga batayang prinsipyong ito ay magagamit lamang kung tayo’y may armadong independenteng rehimen o relatibong matatag na mga rebolusyonaryong baseng pook.

The simple, basic question is: Does our protracted war for the past 25 years, have anything in common with China's protracted war?

Ang simple’t batayang katanungan ay: May pagkakatulad ba ang ating matagalang digmaan sa nakalipas na 25 taon sa matagalang digmaan ng Tsina?

If we cannot build stable base areas, if we cannot build a regular army, if we cannot engage in regular mobile warfare, if we cannot accumulate enough strength through campaigns and battles of quick decision to build a regular army and engage in regular mobile warfare, if we cannot preserve ourselves and destroy the enemy through war of annihilation-and what we can only do, for the past 25 years, is to spread out our forces in extremely fluid guerrilla zones and bases, build only small and scattered roving guerrilla units of squads and platoons, engage only in widespread but sporadic guerrilla warfare in the form of roving guerrilla actions, and merely harass and frustrate the enemy by a war of attrition without affecting the strategic balance of forces-why call our people's war a strategy of protracted war, pretending to use Mao's strategy and tactics of protracted war when in truth, the only thing that we are using is the authority of Mao's name and using it in vain. 

Kung hindi natin maitatayo ang isang matatag na mga baseng pook, kung hindi tayo makapagtatayo ng isang regular na hukbo, kung hindi tayo nakipaghamok sa isang regular na labanang makilos, kung hindi tayo makakapag-ipon ng sapat na lakas sa pamamagitan ng mga kampanya at labanan ng mabilisang pagpapasya upang makapagtatag ng isang regular na hukbo at makipaglaban sa isang regular na labanang makilos, kung hindi natin napapanatili ang ating mga sarili at madurog ang kaaway sa pamamagitan ng labanang ubusan – at ano lang ang ating magagawa, sa nakaraang 25 taon, ay ang ikalat ang ating pwersa sa isang masyadong pabagu-bagong base at sonang gerilya, nagtatayo lamang ng maliliit at kalat-kalat na makilos na pulutong ng gerilya ng tilap (squad) at platun, nakikihamaok lamang sa isang kalat-kalat ngunit manaka-nakang labanang gerilya sa anyo ng makilos na aksyong gerilya, at labanang lagasan nang hindi naaapektuhan ang istratehikong balanse ng pwersa – bakit tinawag ang ating digmang bayan na istratehiya ng matagalang digmaan, nagkukunwaring ginagamit ang istratehiya’t taktika ni Mao ng matagalang digmaan gayong sa katotohanan, ang bagay lang na ginagamit natin ay ang awtoridad ng pangalan ni Mao at ginagamit ito sa kahungkagan.

Starting out with a small and weak People's Army against a big and strong reactionary army, does not by itself make our war a protracted one in a scientific and military sense. This is only a statement of the duration of the war, a description of its situation, a characterization of the strategic balance. Mao's protracted war is not a simple situational description but a definite war strategy. The essence of Mao's protracted war is not in its protractedness in terms of duration but in its strategic and tactical content that deliberately protracts the war by using the strategic defensive as a strategy of warfare and takes advantage of this protracted defensive warfare by using quick decision offensive warfare. Mao's theory of protracted war cannot be detached from its strategy and tactics, cannot be separated from its basic operational principles. To do so is to vulgarize it in theory and practice. 

Sa isang batayang syentipiko’t militar, ang ating digmaan ay hindi naging matagalan dahil magsimula ito sa isang maliit at mahinang Hukbong Bayan laban sa malaki at malakas na reaksyunaryong hukbo. Ito’y isa lamang pahayag hinggil sa tagal ng digmaan, isang paglalarawan sa sitwasyon nito, isang katangian ng istratehikong balanse. Hindi simpleng paglalarawan ng sitwasyon ang matagalang digmaan ni Mao kundi isang depinidong istratehiya sa digmaan. Ang esensya ng matagalang digmaan ni Mao ay wala sa kanyang pagiging pangmatagalan batay sa haba ng panahon kundi sa istratehiko’t taktikal na nilalaman nito na sadyang nagpapatagal sa digmaan sa pamamagitan ng istratehikong depensiba bilang istratehiya ng digmaan at ginawang bentahe ang  matagalang depensibong labanang ito sa pamamagitan ng mabilisang pagpapasya sa isang labanang opensiba. Ang teorya ng matagalang digmaan ni Mao ay hindi maihihiwalay sa istratehiya at taktika nito, hindi maibubukod mula sa batayang operasyunal na prinsipyo nito. Pag gnawa ito ay pagbulgarisa nito sa teorya at praktika.

In theory and practice, our's is not a strategy of protracted war but a strategy of prolonged and perpetual guerrilla warfare which had already consumed 25 years. And Sison wants this vulgarized strategy "reaffirmed" as Mao's basic principle and "reaffirmed" up to the year 2000 and beyond. Our "protracted war" will be a prolonged and perpetual guerrilla warfare because Sison is afflicted with a terminal disease of guerrillaism and has absolutely no idea or is mired in wishful thinking on how this protracted guerrilla warfare can develop to a higher stage and change the strategic balance. 

Sa teorya at praktika, ang atin ay hindi isang istratehiya ng matagalang digmaan kundi isang istratehiya ng pinapatagal at walang katapusang labanang gerilya na umabot na ng 25 taon. At nais ni Sison na ang bulgarisadong istratehiyang ito ay “muling pagtibayin” bilang batayang prinsipyo ni Mao at “muling pagtibayin” hanggang sa taong 2000 at lagpas pa. Ang ating “matagalang digmaan” ay magiging pinapatagal at walang katapusang labanang gerilya dahil nahawaan si Sison ng malalang sakit ng gerilyaismo at lubusang walang ideya o nabalaho sa pangangarap kung paano ang matagalang labanang gerilyang ito ay tutungo sa isang mas mataas na antas at mabago ang istratehikong balanse.

We only have to read Sison's Specific Characteristics Of Our People's War of 1976 and his Reaffirm of 1992 to see that Sison's version of protracted war completely deviates from Mao's strategy of protracted war, and worst, he does not really have a clear idea, after 25 years, of how to go about with this people's war. Except for Specific, Sison had no other major military writing regarding our armed struggle. This is also the case with the agrarian question. Except for Guide for Revolutionary Land Reform (1974?), which we assume was written by Sison, he has written no other major article that deals exclusively on the peasant question. Yet, he has always insisted that armed struggle is the main form and the agrarian struggle the main content of our revolution. In fact, even Specific cannot really be categorized as a military writing and cannot be compared with Mao's military writings. Out of 36 pages, only 12 pages dealt with "military" questions, and here we insist that it should be treated in quotation marks. 

Kailangan lamang nating basahin ang akda ni Sison na “Ispesipikong Katangian ng ating Digmaang Bayan” ng 1976, at ang kanyang “Muling Pagtibayin (Reaffirm)” ng 1992 upang makitang ang bersyon ni Sison ng matagalang digmaan ay ganap na lumihis sa istratehiya ng matagalang digmaan ni Mao, at ang mas masama, wala siyang malinaw na ideya, na matapos ang 25 taon, kung paano gagawin ng ganitong digmaang bayan. Maliban sa “Ispesipiko”, si Sison ay wala nang ibang mayor na sulating militar hinggil sa ating armadong pakikibaka. Ganito rin ang kaso sa usaping agraryo. Maliban sa “Giya para sa Rebolusyonaryong Reporma sa Lupa (1974?)”, na ipinagpalagay nating sinulat ni Sison, wala na siyang sinulat na iba pang mayor na artikulong tumatalakay lamang sa usaping pesante. Gayunman, lagi niyang iginigiit na ang armadong pakikibaka ang pangunahing porma at ang pakikibakang agraryo ang pangunahing nilalaman ng ating rebolusyon. Sa katunayan, kahit ang “Ispesipiko” ay hindi maikakategoryang isang akdang militar at hindi maikukumpara sa mga akdang militar ni Mao. Sa kabuuang 36 na pahina, 12 lang ang tumatalakay sa usaping ”militar”, at dito’y iginigiit nating dapat itong tratuhin ng may tandang panipi.

In three short sections of "Specific" (Protracted War In The Countryside, Fighting In A Small Mountainous Archipelago, and From Small And Weak To Big And Strong) Sison tried to develop his "military" ideas. 

Sa tatlong maliliit na seksyon ng “Ispesipiko” (Matagalang Digmaan sa Kanayunan, Pakikipaglaban sa Isang Maliit na Bulubunduking Kapuluan, at Mula sa Maliit at Mahina Tungo sa Malaki at Malakas), tinangka ni Sison na pagyamanin ang kanyang mga kaisipang “militar”.

In the first section, how did he explain why it is possible to wage a protracted war in the Philippines? This is what Sison said: "In our country, it is possible to wage a protracted people's war because we have a relatively wide backward countryside where the bulk of the population is. There are many parts which are relatively far from the enemy's center and main lines of communication and where the people live basically on their diversified agricultural produce. This situation is completely different from that obtaining in a capitalist country." So for Sison, if a country has "a relatively wide backward countryside where the bulk of the population is," protracted war is possible. Simple. This is all he had to say in the first section entitled Protracted War In the Countryside on why protracted war is possible in the Philippines in an article hailed as our guide in waging protracted people's war. 

Sa unang seksyon, paano niya ipaliliwanag bakit posible ang paglulunsad ng matagalang digmaan sa Pilipinas? Ito ang sinabi ni Sison: “Sa ating bansa, posible ang paglulunsad ng matagalang digmang bayan dahil tayo’y may relatibong malawak na atrasadong kanayunan kung saan naroon ang bulto ng populasyon. Maraming bahagi ang relatibong malayo sa sentro ng kaaway at batayang linya ng komunikasyon at kung saan namumuhay ang mamamayan pangunahin sa kanilang iba-ibang ani sa pagsasaka. Ang kalagayang ito’y ganap na iba sa nagaganap sa isang kapitalistang bansa. Kaya para kay Sison, kung ang bansa ay “isang relatibong malaking atrasadong kanayunan kung saan naroon ang bulto ng populasyon,” posible ang matagalang digmaan. Simple. Ito lang ang kanyang sinabi sa unang seksyon ng akdang pinamagatang “Matagalang Digmaan sa Kanayunan” kung bakit posible sa Pilipinas ang matagalang digmaan sa isang artikulong itinuturing na ating giya sa paglulunsad ng matagalang digmaang bayan.

How does Sison compare this "backward countryside" to China where this protracted war theory originated? According to Sison: "This backward countryside of our small country is not as large as that of China but is certainly large in comparison to our cities. This is the basic setting for our people's war. The bulk of our population is here." With regards to the "bulk of our population," Sison should explain the implication to our protracted war of the growing number of our urban population. In 1990, our urban population has grown to 48% of the total population and it is still growing. 

Paano ikinumpara ni Sison ang “atrasadong kanayunang” ito sa Tsina kung saan nagsimula ang teoryang ito ng matagalang digmaan? Ayon kay Sison: “Ang  atrasadong kanayunan ng ating maliit na bansa ay hindi kasinglaki ng Tsina bagamat ito’y pihadong malaki kumpara sa ating mga lungsod. Ito ang batayang tagpuan para sa ating digmang bayan. Ang bulto ng ating populasyon ay narito.” Hinggil sa “bulto ng ating populasyon,” dapat ipaliwanag ni Sison ang implikasyon sa ating matagalang digmaan sa lumalaking bilang ng ating populasyon sa lungsod. Noong 1990, ang ating populasyon sa lungsod ay lumago ng 48% ng kabuuang populasyon at patuloy na lumalago.

The fact that our countryside does not have the vastness of China's countryside is irrelevant to Sison. What is important is that this countryside is certainly larger in comparison to our cities as if comparing the territorial size of the countryside with the cities has any military sense in protracted war. What is of military value is the size of the countryside in relation to the requirements of mobile and guerrilla warfare, and not whether it is "large in comparison to our cities." 

Ang katotohanang ang ating kanayunan ay hindi kasinglawak ng kanayunan ng Tsina ay hindi mahalaga kay Sison. Ang mahalaga ay kung ang kanayunang ito ay pihadong malaki kung ikukumpara sa ating mga lungsod na parang may silbing militar sa matagalang digmaan ang pagkukumpara ng laki ng teritoryo ng kanayunan sa mga lungsod. Ang may kahalagahang militar ay ang lawak ng kanayunan kaugnay sa mga rekisitos ng gerilya at makilos na labanan, at hindi kung ito’y “malaki kung ikukumpara sa mga lungsod.”

No comments: