Wednesday, February 8, 2012

Ang Landas na Gumiya sa Akin sa Leninismo - Ho Chi Minh


Ang Landas na Gumiya sa Akin sa Leninismo
Ho Chi Minh

Isinalin mula sa Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.


The Path Which Led Me To Leninism
Ho Chi Minh


First Published: In the Soviet review Problems of the East on the occasion of the 90th anniversary of V.I. Lenin’s birthday, April 1960
Source: Selected Works of Ho Chi Minh Vol. 4
Publisher: Foreign Languages Publishing House
Transcription/Markup: Roland Ferguson and Christian Liebl
Online Version: Ho Chi Minh Internet Archive (marxists.org) 2003

(Ito’y unang nalathala noong Abril 1960 sa akdang “Suliranin sa Silangan” sa babasahing Sobyet, kaalinsabay ng ika-90 kaarawan ni V. I. Lenin. Ito’y nalathala rin sa “Mga Piling Akda ni Ho Chi Minh, Tomo 4. Hinalaw sa Ho Chi Minh Internet Archive (marxists.org) 2003.)

After World War I, I made my living in Paris, now as a retoucher at a photographer’s, now as painter of “Chinese antiquities” (made in France!). I would distribute leaflets denouncing the crimes committed by the French colonialists in Viet Nam.

Matapos ang Unang Daigdigang Digmaan, nanirahan na ako sa Paris, bilang katulong sa isang potograpya, ngayon bilang pintor ng “mga sinaunang Tsino” (gawa sa Pransya!). Mamamahagi ako ng mga polyeto na tinutuligsa ang mga ginawang krimen ng mga kolonyalistang Pranses sa Viet Nam.

At that time, I supported the October Revolution only instinctively, not yet grasping all its historic importance. I loved and admired Lenin because he was a great patriot who liberated his compatriots; until then, I had read none of his books.

Nang panahong iyon, sinuportahan ko ang Rebolusyong Oktubre sa basta na lamang, nang hindi pa nadadalumat ang lahat ng kahalagahan nito sa kasaysayan. Minahal ko’t hinangaan si Lenin dahil isa siyang dakilang bayani na nagpalaya sa kanyang mga kababayan; gayunman, hindi ko pa nababasa ang alinman sa kanyang aklat.

The reason for my joining the French Socialist Party was that these “ladies and gentlemen” - as I called my comrades at that moment - has shown their sympathy towards me, towards the struggle of the oppressed peoples. But I understood neither what was a party, a trade-union, nor what was socialism nor communism.

Ang dahilan ng aking pagsapi sa Sosyalistang Partido ng Pransya ay dahil ang mga naritong “kababaihan at kaginoohan” – na siyang tawag ko sa mga kasama doon – ay nagpakita ng simpatya sa akin, sa pakikibaka ng mga aping mamamayan. Ngunit hindi ko nauunawaan kung ano ang partido, ang unyon ng manggagawa, o maging ang sosyalismo o komunismo.

Heated discussions were then taking place in the branches of the Socialist Party, about the question whether the Socialist Party should remain in the Second International, should a Second and a half International be founded or should the Socialist Party join Lenin’s Third International? I attended the meetings regularly, twice or thrice a week and attentively listened to the discussion. First, I could not understand thoroughly. Why were the discussions so heated? Either with the Second, Second and a half or Third International, the revolution could be waged. What was the use of arguing then? As for the First International, what had become of it?

Mga mainitang talakayan ang nagaganap sa mga sangay ng Sosyalistang Partido, hinggil sa usapin kung dapat manatili ang Sosyalistang Partido sa Ikalawang Internasyunal. Kung dapat bang buuin ang Ikalawa at kalahating Internasyunl o dapat bang sumapi ang Sosyalistang Partido sa Ikatlong Internasyunal ni Lenin? Panay ang pagdalo ko ng pulong, dalawa o tatlong beses bawat linggo at matamang nakikinig sa mga talakayan. Noong una, hindi ako ganap na makaintindi. Bakit maiinit ang mga talakayan? Alinman sa Ikalawa, Ikalawa’t kalahati o Ikatlong Internasyunal, ang rebolusyon ay ilulunsad. Anong dahilan para pagtalunan pa ito? Hinggil naman sa Unang Internasyunal, anong nangyari dito?

What I wanted most to know - and this precisely was not debated in the meetings - was: which International sides with the peoples of colonial countries?

Ang nais ko talagang malaman – at ito ang tiyak na di pinagtatalunan sa mga pulong – ay: Aling Internasyunal ang kumakampi sa mamamayan ng mga kolonyal na bansa?

I raised this question - the most important in my opinion - in a meeting. Some comrades answered: It is the Third, not the Second International. And a comrade gave me Lenin’s “Thesis on the national and colonial questions” published by l'Humanite to read.

Agad ko itong itinanong – ang pinakamahalaga sa aking palagay – sa isang pulong. Tinugon ito ng ilang kasama: Ang Ikatlo, hindi ang Ikalawang Internasyunal. At binigyan ako ng isang kasama ng akdang “Tesis sa usaping pambansa at kolonyal” ni Lenin na inilathala ng l’Humanite upang mabasa.

There were political terms difficult to understand in this thesis. But by dint of reading it again and again, finally I could grasp the main part of it. What emotion, enthusiasm, clear-sightedness and confidence it instilled into me! I was overjoyed to tears. Though sitting alone in my room, I shouted out aloud as if addressing large crowds: “Dear martyrs compatriots! This is what we need, this is the path to our liberation!”

Maraming terminong pulitikal na mahirap unawain sa sulating ito. Ngunit sa paulit-ulit kong pagbabasa, lubusan kong naunawaan ang mahalagang bahagi nito. Anong damdamin, kasiglahan, kaliwanagan at kumpyansa ang dinulot nito sa akin! May kasiyahang napaluha ako. Bagamat nag-iisal lang akong nakaupo sa aking silid, sumigaw ako ng malakas na parang nagsasalita sa malawak na publiko: “Minamahal kong mga kasamang martir! Ito ang kailangan natin, ito ang landas tungo sa ating kalayaan!”

After then, I had entire confidence in Lenin, in the Third International.

Mula noon, nagkaroon na ako ng ganap na kumpyansa kay Lenin, sa Ikatlong Internasyunal.

Formerly, during the meetings of the Party branch, I only listened to the discussion; I had a vague belief that all were logical, and could not differentiate as to who were right and who were wrong. But from then on, I also plunged into the debates and discussed with fervour. Though I was still lacking French words to express all my thoughts, I smashed the allegations attacking Lenin and the Third International with no less vigour. My only argument was: “If you do not condemn colonialism, if you do not side with the colonial people, what kind of revolution are you waging?”

Dati, sa mga pulong ng sangay ng Partido, nakikinig lamang ako sa talakayan, may di-tiyak na paniniwala akong ang lahat ay lohikal, at hindi mapag-iba kung sino ang tama at kung sino ang mali. Ngunit mula noon, nasadlak na rin ako sa mga pagtatalo at masiglang nakipagtalakayan. Bagamat nagkukulang ako sa mga salitang Pranses upang masabi ko ang nasasaisip ko, maapoy kong dinurog ang mga paratang laban kay Lenin at sa Ikatlong Internasyunal.

Not only did I take part in the meetings of my own Party branch, but I also went to other Party branches to lay down “my position”. Now I must tell again that Comrades Marcel Cachin, Vaillant Couturier, Monmousseau and many others helped me to broaden my knowledge. Finally, at the Tours Congress, I voted with them for our joining the Third International.

Hindi lamang ako nakibahagi sa mga pulong ng sarili kong sangay ng Partido, kundi nagtungo rin ako sa iba pang mga sangay ng Partido upang ilahad ang ”aking posisyon”. Ngayon sinasabi kong muli na sina Kasamang Marcel Cachin, Vaillant Couturier, Monmousseau at marami pang iba ay nakatulong upang lumago ang aking mga nalalaman. Sa huli, sa Kongreso sa Tour, inihalal ko sila dahil sa pagkakasali namin sa Ikatlong Internasyunal.

At first, patriotism, not yet communism, led me to have confidence in Lenin, in the Third International. Step by step, along the struggle, by studying Marxism-Leninism parallel with participation in practical activities, I gradually came upon the fact that only socialism and communism can liberate the oppressed nations and the working people throughout the world from slavery.

Sa una, ang patriotismo, hindi pa komunismo, ang nagdala sa akin upang magtiwala kay Lenin, sa Ikatlong Internasyunal. Hakbang-hakbang, habang nakikibaka, sa pagbabasa-basa ng Marxismo-Leninismo kaalinsabay ng partisipasyon sa mga praktikal na aktibidad, unti-unti kong napagtanto ang katotohanang tanging sosyalismo at komunismo lamang ang makapagpapalaya sa mga aping bansa at sa mga manggagawa sa buong mundo mula sa pagkaalipin.

There is a legend, in our country as well as in China, on the miraculous “Book of the Wise”. When facing great difficulties, one opens it and finds a way out. Leninism is not only a miraculous “book of the wise”, a compass for us Vietnamese revolutionaries and people: it is also the radiant sun illuminating our path to final victory, to socialism and communism.

May isang alamat, sa ating bayan maging sa Tsina man, hinggil sa mahimalang ”Aklat ng mga Paham”. Kapag nahaharap sa matitinding kahirapan, inilalantad ito ng isang tao at naghahanap ng paraang makaalpas dito. Ang Leninismo’y hindi lamang isang mahimalang ”aklat ng mga paham”, isang aguhon para sa ating mamamayan at rebolusyonaryong Vietnames; ito rin ang kumikinang na araw na nagliliwanag sa ating landas patungong ganap na tagumpay, patungong sosyalismo at komunismo.


* Ang Tours ay isang lugar sa Pransya

No comments: