Saturday, March 17, 2012

Manipesto ng Komyun ng Paris

Manifesto of the Paris Commune

Written: April 19, 1871;

Source: Paris Libre, April 21, 1871;

Translated: for marxists.org by Mitch Abidor;

CopyLeft: Creative Commons (Attribute & ShareAlike) marxists.org 2005.

Isinalin sa Tagalog ni Greg Bituin Jr., para sa magasing Ang Masa, Marso-Abril 2012.

Pahayag ng Komyun ng Paris

To the French people:

Sa mga mamamayang Pranses:

In the painful and terrible conflict that again threatens Paris with the horrors of a siege and bombardment; that causes French blood to flow, sparing neither our brothers, our wives nor our children; crushed beneath cannonballs and rifle shot, it is necessary that public opinion not be divided, that the national conscience be troubled.

Sa masakit at kakila-kilabot na labanang muling nagbabanta sa Paris kasama ang sindak ng pagkubkob at pambobomba; na siyang dahilan ng pagkabubo ng dugong Pranses, na di pinatatawad maging ang ating mga kapatid, ating mga asawa, ni ang ating mga anak; na dinurog sa ilalim ng mga bala ng kanyon at pagputok ng riple, kaya kinakailangang di hati ang opinyong publiko, na ang pambansang konsensya ay nababagabag.

Paris and the entire nation must know the nature, the reason, and the goal of the revolution that is being carried out. Finally, it is only just that the responsibility for the deaths, the suffering, and the misfortunes of which we are the victims fall on those who, after having betrayed France and delivered Paris to the foreigners, pursue with a blind and cruel obstinacy the ruin of the great city in order to bury, in the disaster of the republic and liberty, the dual testimony to their treason and their crime.

Dapat malaman ng Paris at ang buong bansa ang kalikasan, ang dahilan, at ang layunin ng rebolusyong isinasagawa. Sa huli, makatarungan lamang na yaong mga may responsibilidad sa mga kamatayan, pagdurusa at mga kasawian kung saan kami ang mga biktima, ay bumagsak sa mga taong, matapos ipagkanulo ang Pransya at ipamigay ang Paris sa mga dayuhan, ay nagsusumigasig, ng may bulag at kalupitang sutil sa pagguho ng dakilang lungsod, na ilibing ang dalawang testimonya ng kanilang pagtataksil at krimen sa kapahamakan ng republika at kalayaan.

The Commune has the obligation to affirm and determine the aspirations and wishes of the populace of Paris, to define the character of the movement of March 18, misunderstood, unknown and slandered by the politicians seated at Versailles.

May tungkulin ang Komyun na pagtibayin at pagpasyahan ang mga hangarin at adhika ng mamamayan ng Paris, na ilinaw ang katangian ng kilusan ng Marso 18, na di maunawaan, di malaman at sinisiraan ng mga pulitikong nakaupo sa Versailles.

Once again, Paris works and suffers for all of France, for whom it prepares, through its combats and sacrifices, the intellectual, moral, administrative and economic regeneration, its glory and prosperity.

Sa muli, gumawa at nagtiis ang Paris para sa lahat sa Pransya, kung saan inihanda ito, sa pamamagitan ng mga labanan at sakripisyo, ang intelektwal, moral, administratibo at ekonomikong pagsulpot, ang kadakilaan at kaginhawaan nito.

What does it ask for?

Ano ang hinihingi nito?

The recognition and consolidation of the Republic, the only form of government compatible with the rights of the people and the normal and free development of society.

Ang pagkilala at pagkonsolida sa Republika, ang tanging anyo ng pamahalaan na kabagay sa karapatan ng mamamayan at ng normal at malayang pag-unlad ng lipunan.

The absolute autonomy of the Commune extended to all localities in France and assuring to each one its full rights, and to every Frenchman the full exercise of his faculties and abilities as man, citizen and producer.

Ang absolutong awtonomya ng Komyun ay kadugtong sa lahat ng lokalidad sa Pransya at pagtiyak sa bawat isa ng buong karapatan nito, at sa bawat Pranses ang lubos na paggampan ng kaniyang husay at kakayahan bilang tao, mamamayan at manggagawa.

The only limit to the autonomy of the Commune should be the equal right to autonomy for all communes adhering to the contract, whose association shall insure French unity.

Ang tanging limitasyon sa awtonomya ng Komyun ay ang dapat na pantay na karapatan sa awtonomya ng lahat ng komyun na umaayon sa kontrata, kung saan ang kaugnayan nito’y tinitiyak ng pagkakaisa ng mga Pranses.

The inherent rights of the Commune are:

Ang likas na karapatan ng Komyun ay:

The vote on communal budgets, receipts and expenses; the fixing and distribution of taxes; the direction of public services; the organization of its magistracy, internal police and education; the administration of goods belonging to the Commune.

Ang pagboto sa mga komyunal na badyet, resibo at gastusin; ang pag-aayos at pamamahagi ng buwis; ang direksyon ng pampublikong serbisyo; ang pagkakatipon ng mahistrado, panloob na kapulisan at edukasyon nito; ang pangangasiwa ng mga kalakal na pag-aari ng Komyun.

The choice by election or competition of magistrates and communal functionaries of all orders, as well as the permanent right of control and revocation.

Ang pagpili sa pamamagitan ng halalan o paligsahan ng mga mahistrado at mga komyunal na tagapangasiwa ng lahat ng atas, pati na mga palagiang karapatan sa pagkontrol at pagpapawalang-bisa.

The absolute guarantee of individual freedom and freedom of conscience.

Ang ganap na garantiya ng kalayaan ng indibidwal at kalayaan ng budhi.

The permanent intervention of citizens in communal affairs by the free manifestation of their ideas, the free defense of their interests, with guarantees given for these manifestations by the Commune, which alone is charged with overseeing and assuring the free and fair exercise of the right to gather and publicize.

Ang palagiang pakikisangkot ng mamamayan sa mga komyunal na gawain sa pamamagitan ng malayang paglalahad ng kanilang mga pananaw, ang malayang pagtatanggol sa kanilang mga kapakanan, na sa mga paglalahad na ito'y may garantiyang ibinibigay, na siyang tanging mag-aasikaso sa pangangasiwa at pagtitiyak ng malaya at patas na paggampan ng kanilang karapatang magtipon at magpahayag.

The organization of urban defense and the National Guard, which elects its chiefs and alone watches over the maintenance of order in the city.

Ang pagkakaorganisa ng depensa ng lungsod at ng Pambansang Tanod, na naghahalal ng mga pinuno nito at siyang tanging magtitiyak ng pananatili ng kaayusan ng lungsod.

Paris wants nothing else as a local guarantee, on condition, of course, of finding in the great central administration — the delegation of federated Communes — the realization and the practice of the same principles.

Walang ibang ninanais ang Paris bilang isang lokal na garantiya, syempre sa kondisyong makita sa dakilang sentrong administrasyon - ang delegasyon ng sama-samang komyun - ang realisasyon at ang praktika ng mga kahalintulad na prinsipyo.

But as an element of its autonomy, and profiting by its freedom of action, within its borders it reserves to itself the right to operate the administrative and economic reforms called for by the populace as it wills; to create the institutions needed to develop and spread instruction, production, exchange and credit; to universalize power and property in keeping with the needs of the moment, the wishes of those concerned and the facts furnished by experience.

Ngunit bilang salik ng awtonomya nito, at ganansya sa pamamagitan ng kalayaang kumilos nito, sa loob ng hangganan nito’y inilalaan sa sarili ang karapatang isagawa ang mga repormang administratibo at ekonomiko na ipinapanawagan ng mamamayan kung nais nito; ang paglikha ng mga institusyong kinakailangan upang paunlarin at ikalat ang pagtuturo, paglikha, panumbasan at tiwala; ang gawing pangkalahatan ang kapangyarihan at pag-aari na magagamit sa pangangailangan sa kasalukuyan, mga naisin ng mga taong pinahahalagahan, at mga katotohanang inilatag ng karanasan.

Our enemies are fooling themselves or are fooling the country when they accuse Paris of wanting to impose its will or its supremacy over the rest of the nation and to pretend to a dictatorship, which would be a veritable attack on the independence and sovereignty of other communes.

Nililinlang ng ating mga kaaway ang kanilang mga sarili o niloloko ang bansa nang inakusahan nila ang Paris ng pagnanais na igiit ang naisin nito o ang kapangyarihan nito sa buong bansa at magpanggap na patungo sa isang diktadurya, na magiging isang totoong atake sa kalayaan at pagsasarili ng iba pang mga komyun.

They are fooling themselves or are fooling the country when they accuse Paris of pursuing the destruction of that French unity constituted by the Revolution to the acclaim of our fathers, who hastened to the Fete de la Fédération from all corners of the old France.

Nililinlang nila ang kanilang mga sarili o niloloko ang bansa nang inakusahan nila ang Paris sa tinutugaygayan ang pagkawasak ng pagkakaisang iyon ng mga Pranses na itinataguyod ng Rebolusyon sa pagbubunyi ng ating mga ninuno, na nag-aapura sa Fete de la Fédération mula sa lahat ng sulok ng lumang Pransya.

Unity, as it has been imposed on us until today by the Empire, the monarchy or parliamentarism is nothing but unintelligent, arbitrary or onerous centralization.

Ang pagkakaisa, na iniaatas sa atin hanggang ngayon ng Imperyo, ang monarkya o parlyamentarismo ay wala kundi isang mangmang, pabigla-bigla o nakakaabalang sentralisasyon.

Political unity, as Paris wants it, is the voluntary association of all local initiatives, the spontaneous and free concourse of all individual energies in view of a common goal: the well-being, the freedom and the security of all.

Ang pagkakaisang pulitikal, na nais ng Paris, ay ang boluntaryong samahan ng lahat ng mga inisyatibang lokal, ang ispontasyo at malayang pagtitipon ng lahat ng lakas ng indibidwal sa pagtanaw sa isang nagkakaisang adhikain: ang kagalingan, ang kalayaan, at ang kaligtasan ng lahat.

The communal revolution, begun by popular initiative on March 18, begins a new era of experimental, positive, scientific politics.

Sinimulan ng rebolusyong komyunal, na inumpisahan ng inisyatiba ng masa noong Marso 18, ang bagong panahon ng pagsubok, positibo at syentipikong pulitika.

It’s the need of the old governmental and clerical world, of militarism and fonctionnarisme, of exploitation, speculation, monopolies and privileges to which the proletariat owe their servitude and the Fatherland its misfortunes and disasters.

Ito ang pangangailangan ng lumang pampamahalaan at pangkawaning daigdig, ng militarismo at burukrasya, ng pagsasamantala, ispekulasyon, monopolyo at pribilehiyo kung saan utang sa kanila ng proletaryado ang paninilbihan nito at sa Amangbayan ang mga kamalasan at kapinsalaan nito.

Let this beloved and great country — fooled by lies and calumnies- be reassured! The fight between Paris and Versailles is one of those that cannot be ended through illusory compromises. The end cannot be in doubt. Victory, pursued with an indomitable energy by the National Guard, will go to the idea and to right.

Hayaan nating ang sinisinta't dakilang bansang ito - na inulol ng mga kasinungalingan at paninirang-puri - ay magkaroon ng katiyakan! Ang labanan sa pagitan ng Paris at Versailles ay isa sa mga labanang di magtatapos sa pamamagitan ng madayang pakikipagkompromiso. Ang katapusan ay di dapat pinagdududahan. Ang tagumpay, na nais tugisin ng mapagpunyaging Pambansang Tanod, ay tutungo sa ideya at sa tama.

We call on France.

Tinatawagan namin ang Pransya.

Warned that Paris in arms possesses as much calm as bravery, that it supports order with as much energy as enthusiasm, that it sacrifices itself with as much reason as energy, that it only armed itself in devotion to the liberty and glory of all: let France cease this bloody conflict.

Nagbababalang ang Paris na armado ay nagtataglay ng ibayong kapanatagan tulad ng kagitingan, na sinusuportahan nito ang kaayusang ng may kasiglahan at pag-aalab, na sinasakripisyo nito ang sarili nang may ibayong dahilan at enerhiya, na inaarmasan lang nito ang sarili upang ilaan sa kalayaan at kadakilaan ng lahat: mangyaring sansalain ng Pransya ang madugong labanang ito.

It is up to France to disarm Versailles through the solemn manifestation of its irresistible will.

Nasa Pransya ang pasya upang tanggalan ng armas ang Versailles sa pamamagitan ng taimtim na manipestasyon ng lahat ng hindi nito malabanang hangarin.

Called upon to benefit by our conquests, let it declare itself in solidarity with our efforts. Let it be our ally in this combat that can only end in the triumph of the communal idea or the ruin of Paris.

Tinawag upang makinabang sa ating mga pandirigma, mangyaring ideklara nito ang sarili sa pakikipagkaisa sa ating mga pagpupunyagi. Mangyaring ito'y maging alyado natin sa labanang ito na magtatapos sa pagtatagumpay ng komyunal na simulain o sa pagkawasak ng Paris.

As for us, citizens of Paris, our mission is the accomplishing of the modern Revolution, the largest and must fecund of all those which have illuminated history.

At sa amin, mga mamamayan ng Paris, ang aming misyon ay ang pananagumpay ng modernong rebolusyon, ang pinakamalaki at dapat na ibunga sa lahat yaong mga may maliwanag na kasaysayan.

It is our obligation to fight and to win.

Tungkulin nating lumaban at magwagi.

April 19, 1871 the Paris Commune

Abril 19, 1871 ang Komyun ng Paris

No comments: