Saturday, September 13, 2014

Sa ika-25 anibersaryo ng kamatayan ni Eugène Pottier - ni V. I. Lenin

THE 25TH ANNIVERSARY OF EUGÈNE POTTIER'S DEATH
V. I. Lenin

SA IKA-25 ANIBERSARYO NG KAMATAYAN NI EUGENE POTTIER
ni V. I. Lenin
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Published: First published in Pravda No. 2, January 3, 1913. Printed from the Pravda text. Signed: N. L.. 
Source: Lenin Collected Works, Progress Publishers, 1971, Moscow, Volume 36, pages 223-224. 

Nalathala sa Pravda Blg. 2, Enero 3, 1913.
Hinango sa Lenin Collected Works, Progress Publishers, 1971, Moscow, Tomo 36, mga pahina 223-224.
Mula sa Marxists Internet Archive

In November of last year—1912—it was twenty-five years since the death of the French worker-poet, Eugène Pottier, author of the famous proletarian song, the Internationale (“Arise ye starvelings from your slumbers”, etc.).

Nobyembre ng nakaraang taon - 1912 - dalawampu't limang taon na iyon mula nang mamatay ang manggagawang Pranses - makata na si Eugène Pottier, ang may-akda ng bantog na awit ng proletaryado na Internasyunal ("Bangon sa pagkakabusabos", atbp.).

This song has been translated into all European and other languages. In whatever country a class-conscious worker finds himself, wherever fate may cast him, however much he may feel himself a stranger, without language, without friends, far from his native country—he can find himself comrades and friends by the familiar refrain of the Internationale.

Ang awiting ito'y isinalin na sa lahat ng wikang Europeano at iba pang wika. Saanmang bansa naroroon ang isang manggagawang malay-sa-uri, anumang kapalaraan ang nakatadhana sa kanya, gaanuman niya nararamdamang siya'y estranghero, walang wika, walang kaibigan, malayo sa kanyang bayang tinubuan - matatagpuan niya ang kanyang sarili bilang kasama at kaibigan dahil sa pamilyar na koro ng Internasyunal.

The workers of all countries have adopted the song of their foremost fighter, the proletarian poet, and have made it the world-wide song of the proletariat.

Pinagtibay ng mga manggagawa ng lahat ng bansa ang awit ng kanilang pangunahing mandirigma, ang makatang proletaryado, at ginawa itong pandaigdigang awit ng proletaryado.

And so the workers of all countries now honour the memory of Eugène Pottier. His wife and daughter are still alive and living in poverty, as the author of the Internationale lived all his life. He was born in Paris on October 4, 1816. He was 14 when he composed his first song, and it was called: Long Live Liberty! In 1848 he was a fighter on the barricades in the workers’ great battle against the bourgeoisie.

Kaya ang mga manggagawa ng lahat ng bansa ay binibigyang-pugay ang alaala ni Eugène Pottier. Ang kanyang asawa't anak na babae ay buhay pa, at nabubuhay sa karukhaan, tulad ng buong buhay ng may-akda ng Internasyunal. Isinilang siya sa Paris noong Oktubre 4, 1816. Edad 14 pa lang siya nang kanyang inakda ang una niyang awit, at tinawag itong Mabuhay ang Kalayaan! Noong 1848, nakikibaka na siya sa mga barikada ng mga matitinding labanan ng mga manggagawa laban sa burgesya.

Pottier was born into a poor family, and all his life remained a poor man, a proletarian, earning his bread as a packer and later by tracing patterns on fabrics.

Isinilang siya mula sa mahirap na pamilya, at sa buong buhay niya'y nanatili siyang dukha, isang proletaryado, na kumikita ng kanyang kakainin bilang tagabalot at sa kalaunan ay sa pamamagitan ng paglalagay ng padron sa tela.

From 1840 onwards, he responded to all great events in the life of France with militant songs, awakening the consciousness of the backward, calling on the workers to unite, castigating the bourgeoisie and the bourgeois governments of France.

Mula 1840, tumugon siya sa lahat ng mahahalagang kaganapan sa buhay sa Pransya sa pamamagitan ng mga militanteng awitin, gumising sa kamalayan ng mga atrasado, nanawagan sa manggagawa upang magkaisa,  kinastigo ang burgesya at ang pamahalaang burgis ng Pransya.

In the days of the great Paris Commune (1871), Pottier was elected a member. Of the 3,600 votes cast, he received 3,352. He took part in all the activities of the Commune, that first proletarian government.

Sa mga araw ng dakilang Komyun ng Paris (1871), nahalal na kasapi si Pottier. Sa bilang na 3,600 boto, natamo niya ay 3,352. Nakibahagi siya sa lahat ng aktibidad ng Komyun, ang unang proletaryadong pamahalaan.

The fall of the Commune forced Pottier to flee to England, and then to America. His famous song, the Internationale, was written in June 1871—you might say, the day after the bloody defeat in May.

Ang pagbagsak ng Komyun ang nagtulak kay Pottier upang tumakas patungong Inglatera, at sunod ay sa Amerika. Ang kanyang bantog na awiting Internasyunal ay nasulat noong Hunyo 1871 - na maaari mong masabi, ang araw matapos ang madugong pagkatalo noong Mayo.

The Commune was crushed—but Pottier’s Internationale spread its ideas throughout the world, and it is now more alive than ever before.

Nadurog ang Komyun - ngunit ang diwa ng Internasyunal ni Pottier ay kumalat sa buong mundo, at ngayon ay mas buháy kaysa dati.

In 1876, in exile, Pottier wrote a poem, The Workingmen of America to the Workingmen of France. In it he described the life of workers under the yoke of capitalism, their poverty, their back-breaking toil, their exploitation, and their firm confidence in the coming victory of their cause.

Noong 1876, habang destiyero, sumulat ng tula si Pottier, Ang Manggagawa ng Amerika tungo sa Manggagawa ng Pransya. Doon ay isinalarawan niya ang buhay ng mga manggagawa sa ilalim ng saklay ng kapitalismo, ang kanilang karukhaan, ang masakit-sa-likod nilang pagtatrabaho, ang kanilang pagkaapi, at ang kanilang mga matibay na kumpiyansa sa mga darating na tagumpay ng kanilang simulain

It was only nine years after the Commune that Pottier returned to France, where he at once joined the Workers’ Party. The first volume of his verse was published in 1884, the second volume, entitled Revolutionary Songs, came out in 1887.

Siyam na taon lamang matapos ng Komyun nang bumalik ng Pransya si Pottier, kung saan muli siyang sumapi sa Lapian ng Manggagawa. Ang unang tomo ng kanyang mga tula ay nalathala noong 1884, ang ikalawang tomo, na pinamagatang Mga Awiting Rebolusyonaryo, ay nalathala noong 1887.

A number of other songs by the worker-poet were published after his death.

Nalathala ang iba pang awitin ng nasabing manggagawa-makata pagkamatay niya.

On November 8, 1887, the workers of Paris carried the remains of Eugène Pottier to the Père Lachaise cemetery, where the executed Communards are buried. The police savagely attacked the crowd in an effort to snatch the red banner. A vast crowd took part in the civic funeral. On all sides there were shouts of “Long live Pottier!”

Noong Nobyembre 8, 1887, binuhat ng mga manggagawa ng Paris ang mga labi ni Eugène Pottier sa libingan ng Père Lachaise, kung saan nakalibing din ang mga pinaslang na Komyunard. Mabangis na inatake ng mga pulis ang pulutong ng tao sa pagsisikap na maagaw ang pulang bandila. Nakibahagi ang maraming tao sa pambayang libing. Sa lahat ng panig, sumisigaw ng "Mabuhay si Pottier!"

Pottier died in poverty. But he left a memorial which is truly more enduring than the handiwork of man. He was one of the greatest propagandists by song. When he was composing his first song, the number of worker socialists ran to tens, at most. Eugène Pottier’s historic song is now known to tens of millions of proletarians.

Namatay ng dukha si Pottier. Ngunit nakapag-iwan siya ng alaala na tunay na tatagal kaysa gawang-kamay ng tao. Isa siya sa mga pinakadakilang propagandista sa awit. Nang kinatha niya ang una niyang awit, nasa sampu lamang ang bilang ng manggagawang sosyalista. Ang makasaysayang awitin ni Eugène Pottier ay batid na ng milyun-milyong proletaryado. 

No comments: