Vladimir Lenin’s “Left-Wing” Communism: an Infantile Disorder
"Kaliwang Panig" na Komunismo: isang Sakit ng Kamusmusan
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Chapter 1 - In What Sense We
Can Speak of the International Significance of the Russian Revolution
Unang kabanata – Sa anong dahilan natin masasabi ang pandaigdigang
halaga ng Rebolusyong Ruso
In the first months after the proletariat in Russia had won political
power (October 25 [November 7], 1917), it might have seemed that the enormous difference
between backward Russia and the advanced countries of Western Europe would lead
to the proletarian revolution in the latter countries bearing very little
resemblance to ours. We now possess quite considerable international
experience, which shows very definitely that certain fundamental features of
our revolution have a significance that is not local, or peculiarly national,
or Russian alone, but international. I am not speaking here of international
significance in the broad sense of the term: not merely several but all the
primary features of our revolution, and many of its secondary features, are of
international significance in the meaning of its effect: on all countries. I am
speaking of it in the narrowest sense of the word, taking international
significance to mean the international validity or the historical inevitability
of a repetition, on an international scale, of what has taken place in our
country. It must be admitted that certain fundamental features of our
revolution do possess that significance.
Sa mga unang buwan nang makuha ng proletaryado sa Ruso ang
kapangyarihang pampulitika (Oktubre 25 [Nobyembre7], 1917), tila ba ang
malaking kaibahan sa pagitan ng atrasadong Rusya at ng mga abanteng bansa sa
Kanluraning Europa ay tutungo sa rebolusyong proletaryado sa mga bansang huling
nabanggit na may kaunting pagkakatulad lamang sa atin. Nagtataglay tayo sa
ngayon ng lubhang malalaking pandaigdigang karanasan, na sadyang nagpapakita na
ang ilang batayang katangian ng ating rebolusyon ay may halagang hindi lang
panlokal, o tanging pambansa, o pang-Ruso lamang, kundi pandaigdigan. Hindi ko
sinasabi rito ang pandaigdigang halaga sa malawak na kahulugan ng termino:
hindi lamang mangilan-ngilan kundi lahat ng pangunahing katangian ng ating
rebolusyon, at marami sa pangalawang katangian nito, na ang pandaigdigang
kahalagahan ay nangangahulugan ng pandaigdigang katumpakan o ng makasaysayang di-maiiwasang
pag-uulit, sa pandaigdigang antas, ng naganap sa ating bansa. Dapat tanggapin
na ang ilang batayang katangian ng ating rebolusyon ay nagtataglay ng halagang
iyon.
It would, of course, be grossly erroneous to exaggerate this truth and
to extend it beyond certain fundamental features of our revolution. It would
also be erroneous to lose sight of the fact that, soon after the victory of the
proletarian revolution in at least one of the advanced countries, a sharp
change will probably come about: Russia will cease to be the model and will
once again become a backward country (in the “Soviet” and the socialist sense).
Gayundin naman, malaking pagkakamali na magmalabis sa katotohanang ito
at palawigin pa ito ng lampas sa ilang batayang katangian ng ating rebolusyon. Isa
ring malaking pagkakamali na makaligtaan ang katotohanang, matapos ang tagumpay
ng proletaryong rebolusyon sa kahit isa sa mga abanteng bansa, isang matinding
pagbabago ang maaaring maganap: Hindi na magiging modelong bansa ang Rusya at
muli itong magiging atrasadong bansa (sa pakahulugan ng “Sobyet” at ng
sosyalista).
At the present moment in history, however, it is the Russian model that
reveals to all countries something—and something highly significant—of their
near and inevitable future. Advanced workers in all lands have long realised
this; more often than not, they have grasped it with their revolutionary class
instinct rather than realised it. Herein lies the international “significance”
(in the narrow sense of the word) of Soviet power, and of the fundamentals of
Bolshevik theory and tactics. The “revolutionary” leaders of the Second
International, such as Kautsky in Germany and Otto Bauer and Friedrich Adler in
Austria, have failed to understand this, which is why they have proved to be
reactionaries and advocates of the worst kind of opportunism and social
treachery. Incidentally, the anonymous pamphlet entitled The World Revolution
(Weltrevolution), which appeared in Vienna in 1919 (Sozialistische Bücherei, Heft
11; Ignaz Brand), very clearly reveals their entire thinking and their entire
range of ideas, or, rather, the full extent of their stupidity, pedantry,
baseness and betrayal of working-class interests—and that, moreover, under the
guise of “defending” the idea of “world revolution”.
Gayunman, sa kasalukuyang kasaysayan, ang modelong Ruso ang may
inilalantad sa lahat ng bansa – isang napakahalaga – sa kanilang nalalapit at
di maiiwasang hinaharap. Napagtanto na ito noon pa ng mga abanteng manggagawa
sa lahat ng sangkalupaan; sa tuwina, nagagagap nila ito ng kanilang rebolusyonaryong
makauring gawi sa halip na mapagtanto ito. Dito nakasalalay ang pandaigdigang
“kahalagahan” (sa makitid na pakahulugan ng salita) ng kapangyarihang Sobyet,
at sa mga batayan ng teorya at taktikang Bolshevik. Ang mga “rebolusyonaryong”
pinuno ng Ikalawang Internasyunal, tulad ni Kautsky ng Alemanya at nina Otto
Bauer at Friedrich Bauer ng Austria, ay nabigong maunawaan ito, kaya ito ang
dahilan kung bakit napatunayang sila’y mga reaksyonaryo at tagapagtaguyod ng
napakasamang tipo ng oportunismo at kataksilan sa taumbayan. Kaugnay nito, ang
anonimong polyetong pinamagatang Ang Pandaigdigang Rebolusyon (Weltrevolution),
na lumabas sa Vienna noong 1919 (Sozialistische Bücherei, Heft 11; Ignaz
Brand), ay napakalinaw na ipinakita ang kanilang buong pag-iisip at ang
kanilang buong lawak ng kaisipan, o, kaya naman, ang lawak ng kanilang
kabobohan, pagmamarunong, kaimbihan at kataksilan sa makauring interes – at
iyon, dagdag pa, sa ilalim ng balatkayong “pagtatanggol” ng ideya ng
“pandaigdigang rebolusyon”.
We shall, however, deal with this pamphlet in greater detail some other
time. We shall here note only one more point: in bygone days, when he was still
a Marxist and not a renegade, Kautsky, dealing with the question as an
historian, foresaw the possibility of a situation arising in which the
revolutionary spirit of the Russian proletariat would provide a model to
Western Europe. This was in 1902, when Kautsky wrote an article for the
revolutionary Iskra, [1] entitled “The Slavs and Revolution”. Here is what he
wrote in the article:
Gayunman, talakayin pa natin ang polyetong ito ng masinsinan sa ibang
pagkakataon. Pansinin natin dito ang isa pang punto: sa nagdaang panahon, nang siya’y
Marxista pa rin at hindi isang taksil, nakikinita si Kautsky, habang
tinatalakay ang usapin bilang historyador, ang posibilidad ng isang kalagayang ang
rebolusyonaryong diwa ng proletaryadong Ruso ang siyang magiging modelo sa
Kanluraning Europa. Ito’y noong 1902, nang magsulat si Kautsky ng isang
artikulo sa rebolusyonaryong Iskra, [1] na pinamagatang “Ang mga Slav at ang
Rebolusyon”. Narito ang kanyang isinulat sa artikulo:
“At the present time [in contrast with 1848] it would seem that not
only have the Slavs entered the ranks of the revolutionary nations, but that
the centre of revolutionary thought and revolutionary action is shifting more
and more to the Slavs. The revolutionary centre is shifting from the West to
the East. In the first half of the nineteenth century it was located in France,
at times in England. In 1848 Germany too joined the ranks of the revolutionary
nations. . . . The new century has begun with events which suggest the idea
that we are approaching a further shift of the revolutionary centre, namely, to
Russia. . . . Russia, which has borrowed so much revolutionary initiative from
the West, is now perhaps herself ready to serve the West as a source of revolutionary
energy. The Russian revolutionary movement that is now flaring up will perhaps
prove to be the most potent means of exorcising the spirit of flabby
philistinism and coldly calculating politics that is beginning to spread in our
midst, and it may cause the fighting spirit and the passionate devotion to our
great ideals to flare up again. To Western Europe, Russia has long ceased to be
a bulwark of reaction and absolutism. I think the reverse is true today.
Western Europe is becoming Russia’s bulwark of reaction and absolutism. . . .
The Russian revolutionaries might perhaps have coped with the tsar long ago had
they not been compelled at the same time to fight his ally—European capital.
Let us hope that this time they will succeed in coping with both enemies, and
that the new ‘Holy Alliance’ will collapse more rapidly than its predecessors
did. However the present struggle in Russia may end, the blood and suffering of
the martyrs whom, unfortunately, it will produce in too great numbers, will not
have been in vain. They will nourish the shoots of social revolution throughout
the civilised world and make them grow more luxuriantly and rapidly. In 1848
the Slavs were a killing frost which blighted the flowers of the people’s
spring. Perhaps they are now destined to be the storm that will break the ice
of reaction and irresistibly bring with it a new and happy spring for the
nations” (Karl Kautsky, “The Slavs and Revolution”, Iskra, Russian
Social-Democratic revolutionary newspaper, No. 18, March 10, 1902).
Sa kasalukuyang panahon [na kaiba noong 1848] tila ba hindi lamang ang
mga Slav ang sumali sa hanay ng mga rebolusyonaryong bansa, kundi ang sentro ng
rebolusyonaryong kaisipan at rebolusyonaryong pagkilos ay lumilipat na sa mga
Slav. Ang rebolusyonaryong sentro ay lumilipat na mula sa Kanluran patungong
Silangan. Sa kalahatian ng ikalabingsiyam na dantaon, iyon ay nasa Pransya, may
panahong nasa Inglatera. Noong 1848, sumali na rin ang Alemanya sa hanay ng mga
rebolusyonaryong bansa….. Nagsimula ang bagong siglo sa mga pangyayaring
nagbibigay ng ideyang tumutungo na tayo ng lalo pang pagtungo sa
rebolusyonaryong sentro, pangunahin, sa Rusya….. Ang Rusya, na humiram ng
maraming rebolusyonaryong inisyatiba mula sa Kanluran, ay tila ba handa na ring
pagsilbihan ang Kanluran bilang pinagmumulan ng rebolusyonaryong enerhiya. Ang
kilusang rebolusyonaryo ng mga Ruso na sumisiklab na ay maaaring mapatunayang isa
sa mga pinakamatinding pamamaraan ng pagpapalayas ng espiritu ng mahinang
pilistinismo at malamig na kinakalkula ang pulitika na nagsisimula nang kumalat
mismo sa atin, at maaaring maging dahilan ito ng pagsiklab muli ng ating
palabang diwa at ng marubdob nating katapatan sa ating dakilang adhikain. Para
sa Kanluraning Europa, matagal nang hindi tagapagsanggalang ng reaksyon at
absolutismo ang Rusya. Palagay ko, ang kabaligtaran nito’y umiiral sa
kasalukuyan. Ang Kanluraning Europa ang siyang tanggulan ng reaksyon at
absolutismo… Maaaring matagal nang kinaya ng mga rebolusyonaryong Ruso ang tsar
kung hindi lamang kasabay niyon ay napilitan silang labana ang alyado nito –
ang puhunang Europeano. Umasa na lamang tayo na sa panahong ito na magtagumpay
silang kayanin ang parehong kaaway, at ang bagong “Banal na Alyansa” ay
bumagsak nang mabilis kaysa nangauna rito. Gayunpaman, maaaring magtapos ang
kasalukuyang pakikibaka ng Rusya, ang dugo at pagdurusa ng mga martir, sa
kasamaang palad, na laksa-laksang darami, ay di mapunta sa wala. Patatabain
nila ang mga supling ng panlipunang rebolusyon sa lahat ng dako ng sibilisadong
daigdig at palaguin ang mga ito nang mas mabunga at mabilis. Noong 1848, ang
mga Slav ay namamatay na hamog na nagpatuyot ng bulaklak ng tagsibol ng
mamamayan. Marahil, tadhanan nilang maging unos na magwawasak sa lamig ng
reaksyon at hindi matiis na dalhin kasama nito ang isang bago at masayang
tagsibol para sa mga bansa” (ni Karl Kautsky, sa akda niyang “Ang mga Slav at
ang Rebolusyon”, sa Iskra, rebolusyonaryong pahayagan ng mga Rusong
Sosyal-Demokrata, Blg. 18, Marso 10, 1902).
How well Karl Kautsky wrote eighteen years ago!
Napakahusay magsulat ni Karl Kautsky labingwalong taon na ang
nakalipas!
Footnotes
[1] The old Iskra—the first illegal Marxist newspaper in Russia. It was
founded by V. I. Lenin in 1900, and played a decisive role in the formation of
revolutionary Marxist party of the working class in Russia. Iskra’s first issue
appeared in Leipzig in December 1900, the following issues being brought out in
Munich, and then beginning with July 1902—in London, and after the spring of
1903—in Geneva.
On Lenin’s initiative and with his participation, the editorial staff
drew up a draft of the Party’s Programme (published in Iskra No. 21), and
prepared the Second Congress of the R.S.D.L.P., at which the Russian
revolutionary Marxist party was actually founded.
Soon after the Second Congress, the Mensheviks, supported by Plekhanov,
won control of Iskra. Beginning with issue No. 52, Iskra ceased to be an organ
of the revolutionary Marxists.
Mga Talababa
[1] Ang lumang Iskra— ang unang ilegal na Marxistang pahayagan sa
Rusya. Itinatag ito ni V. I. Lenin noong 1900 at gumampan ng mapagpasyang papel
sa pagbubuo ng rebolusyonaryong Marxistang partido ng uring manggagawa sa Rusya.
Ang unang isyu ng Iskra ay lumabas sa Leipzig noong Disyembre 1900, ang sumunod
na isyu ay nalathala sa Munich, at mula noong Hulyo 1902—sa London, at matapos
ang tagsibol ng 1903—sa Geneva.
Sa inisyatiba ni Lenin at sa kanyang partisipasyon, ang mga kagawad ng
patnugutan ay nakagawa ng balangkas ng Programa ng Partido (nalathala sa Iskra
Blg. 21), at inihanda ang Ikalawang Kongreso ng R.S.D.L.P., kung saan aktwal na
itinatag ang rebolusyonaryong Rusong Marxistang partido.
Matapos ang Ikalawang Kongreso, ang mga Menshevik, na suportado ni
Plekhanov, ang siyang nakaagaw na sa Iskra. Mula sa isyu Blg. 52, ang Iskra ay
hindi na isang pahayagan ng rebolusyonaryong Marxista.
No comments:
Post a Comment