Sunday, January 18, 2015

Ikalawang Kabanata - Left Wing Com ni Lenin

Vladimir Lenin’s “Left-Wing” Communism: an Infantile Disorder
"Kaliwang Panig" na Komunismo: isang Sakit ng Kamusmusan

Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.


Chapter 2 - An Essential Condition of the Bolsheviks’ Success

Ikalawang Kabanata – Ang Mahalagang Kondisyon ng Tagumpay ng mga Bolshevik

It is, I think, almost universally realised at present that the Bolsheviks could not have retained power for two and a half months, let alone two and a half years, without the most rigorous and truly iron discipline in our Party, or without the fullest and unreserved support from the entire mass of the working class, that is, from all thinking, honest, devoted and influential elements in it, capable of leading the backward strata or carrying the latter along with them.

Palagay ko, pandaigdigan nang natatanto sa kasalukuyan na hindi napanghawakan ng mga Bolshevik ang kapangyarihan sa loob ng dalawa’t kalahating buwan, ito man ay naging dalawa’t kalahating taon, nang walang napakahigpit at tunay na disiplinang bakal ng ating Partido, o kung wala ang buo at di nakalaang suporta mula sa laksang masa ng uring manggagawa, kung gayon, mula sa lahat ng pag-iisip, katapatan, nakatalaga at maimpluwensiyang elemento nito, na may kakayahang pangunahan ang mga atrasadong saray o dalhin ang huli kasama nila.

The dictatorship of the proletariat means a most determined and most ruthless war waged by the new class against a more powerful enemy, the bourgeoisie, whose resistance is increased tenfold by their overthrow (even if only in a single country), and whose power lies, not only in the strength of international capital, the strength and durability of their international connections, but also in the force of habit, in the strength of small-scale production. Unfortunately, small-scale production is still widespread in the world, and small-scale production engenders capitalism and the bourgeoisie continuously, daily, hourly, spontaneously, and on a mass scale. All these reasons make the dictatorship of the proletariat necessary, and victory over the bourgeoisie is impossible without a long, stubborn and desperate life-and-death struggle which calls for tenacity, discipline, and a single and inflexible will.

Ang ibig sabihin ng diktadura ng proletaryado ay isang napakadeterminado at napakawalang awang digmaan na inihain ng isang uri laban sa isang napakamakapangyarihang kaaway, ang burgesya, na ang pagtutol ay lumaki ng sampung ulit ng pagpapatalsik sa kanila (kahit na sa isang bansa lamang), at kung saan nakasalalay ang kapangyarihan, hindi lang sa lakas ng pandaigdigang puhunan, sa lakas at tibay ng kanilang pandaigdigang ugnayan, kundi sa pwersa ng pag-uugali, sa lakas ng maliitang produksyon. Sa kasamaang palad, ang mga maliitang produksyon ay kalat pa rin sa mundo, at ang maliitang produksyon ay nagbubunga ng kapitalismo at ang burgesya’y patuloy, araw-araw, oras-oras, kusa, at sa malawakang antas. Lahat ng mga dahilang ito ay nagsasabing kailangan ang diktadurya ng proletaryado, at imposible ang tagumpay laban sa burgesya kung wala ang mahaba, mahigpit at mapanganib na pakikibakang buhay-at-kamatayan na nangangailangan ng katatagan, disiplina, at isa’t di nagbabagong pasiya.

I repeat: the experience of the victorious dictatorship of the proletariat in Russia has clearly shown even to those who are incapable of thinking or have had no occasion to give thought to the matter that absolute centralisation and rigorous discipline of the proletariat are an essential condition of victory over the bourgeoisie.

Inuulit ko: ang karanasan ng matagumpay na diktadura ng proletaryado sa Rusya ay malinaw na ipinakita kahit doon sa mga walang kakayahang mag-isip o kaya’y hindi na mapagtuunan ng pansin ang mga bagay na ang absolutong sentralisasyon at mahigpit na disiplina ng proletaryado ay mahahalagang kondisyon upang magtagumpay laban sa burgesya.

This is often dwelt on. However, not nearly enough thought is given to what it means, and under what conditions it is possible. Would it not be better if the salutations addressed to the Soviets and the Bolsheviks were more frequently accompanied by a profound analysis of the reasons why the Bolsheviks have been able to build up the discipline needed by the revolutionary proletariat?

Madalas itong natatalakay. Gayunman, di gaanong binigyang-pansin kung anong kahulugan nito, at sa anong mga kondisyon ito posible. Hindi ba’t mas mabuti kung ang mga pagbating nakapatungkol sa mga Sobyet at mga Bolshevik ay lagi nang samahan ng matalisko na pagsusuri sa mga dahil kung bakit nagawang maipatupad ng mga Bolshevik ang disiplinang kinakailangan ng rebolusyonaryong proletaryado?

As a current of political thought and as a political party, Bolshevism has existed since 1903. Only the history of Bolshevism during the entire period of its existence can satisfactorily explain why it has been able to build up and maintain, under most difficult conditions, the iron discipline needed for the victory of the proletariat.

Bilang isang agos ng kaisipang pulitikal at bilang isang partido pulitikal, umiral ang Bolshevismo noon pang 1903. Ang kasaysayan lamang ng Bolshevismo sa buong panahon ng pag-iral nito ang kasiya-siyang nagpapaliwanag kung bakit naitatag at napanatili nito, sa kabila ng napakahihirap na kalagayan, ang kinakailangang disiplinang bakal para sa tagumpay ng proletaryado.

The first questions to arise are: how is the discipline of the proletariat’s revolutionary party maintained? How is it tested? How is it reinforced? First, by the class-consciousness of the proletarian vanguard and by its devotion to the revolution, by its tenacity, self-sacrifice and heroism. Second, by its ability to link up, maintain the closest contact, and—if you wish—merge, in certain measure, with the broadest masses of the working people—primarily with the proletariat, but also with the non-proletarian masses of working people. Third, by the correctness of the political leadership exercised by this vanguard, by the correctness of its political strategy and tactics, provided the broad masses have seen, from their own experience, that they are correct. Without these conditions, discipline in a revolutionary party really capable of being the party of the advanced class, whose mission it is to overthrow the bourgeoisie and transform the whole of society, cannot be achieved. Without these conditions, all attempts to establish discipline inevitably fall flat and end up in phrasemongering and clowning. On the other hand, these conditions cannot emerge at once. They are created only by prolonged effort and hard-won experience. Their creation is facilitated by a correct revolutionary theory, which, in its turn, is not a dogma, but assumes final shape only in close connection with the practical activity of a truly mass and truly revolutionary movement.

Ang mga unang katanungang lilitaw ay: paano napapanatili ang disiplina ng rebolusyonaryong partido ng proletaryado? Paano ito nasusubok? Paano ito napapalakas? Una, sa pamamagitan ng makauring kamalayan ng taliba ng propelatyado at ng katapatan nito sa rebolusyon, sa tindi nito, sariling sakripisyo at kabayanihan. Ikalawa, sa abilidad nitong makipag-ugnayan, mapanatili ang pinakamalapit na ugnay, at – kung nais mo – sumanib, sa ilang paraan, sa pinakamalawak na masa ng manggagawa – pangunahin sa proletaryado, ngunit sa mga di-proletaryadong masa rin ng manggagawa. Ikatlo, sa katumpakan ng pulitikal na liderato na ginagampanan ng talibang ito, sa katumpakan ng pampulitikang estratehiya at taktika nito, kung nakita ng malawak na masa, na mula sa kanilang karanasan, na sila’y tumpak. Kung wala ang mga kondisyong ito, ang disiplina ng rebolusyonaryong partido na may kakayanang maging partido ng abanteng uri, na ang misyon ay ang pagpapatalsik sa burgesya at itransporma ang buong lipunan, ay hindi makakamtan. Kung wala ang mga kondisyong ito, lahat ng pagtatangkang itatag ang disiplina ay di maiiwasang bumagsak at magwakas sa tsismisan at pagpapatawa. Sa kabilang bansa, ang mga kondisyong ito ay hindi agad-agad lilitaw. Nililikha lamang ito ng mahabang pagsisikap at karanasang kaytinding naipagwagi. Ang kanilang nilikha ay pinadaloy ng tamang rebolusyonaryong teorya, na pag tiningnan, ay hindi isang dogma, kundi nagkakahugis lamang sa mahigpit na ugnayan sa praktikal na aktibidad ng isang tunay na pangmasa at tunay na rebolusyonaryong kilusan.

The fact that, in 1917–20, Bolshevism was able, under unprecedentedly difficult conditions, to build up and successfully maintain the strictest centralisation and iron discipline was due simply to a number of historical peculiarities of Russia.

Ang katotohanang, noong 1917-20, nagawang maitatag ng Bolshevismo, sa kabila ng walang patumanggang mahirap na kalagaayan, at matagumpay na napanatili ang pinakaistriktong sentralisasyon at disiplinang bakal dahil na rin sa ilang makasaysayang kaibahan ng Rusya.

On the one hand, Bolshevism arose in 1903 on a very firm foundation of Marxist theory. The correctness of this revolutionary theory, and of it alone, has been proved, not only by world experience throughout the nineteenth century, but especially by the experience of the seekings and vacillations, the errors and disappointments of revolutionary thought in Russia. For about half a century—approximately from the forties to the nineties of the last century—progressive thought in Russia, oppressed by a most brutal and reactionary tsarism, sought eagerly for a correct revolutionary theory, and followed with the utmost diligence and thoroughness each and every “last word” in this sphere in Europe and America. Russia achieved Marxism—the only correct revolutionary theory—through the agony she experienced in the course of half a century of unparalleled torment and sacrifice, of unparalleled revolutionary heroism, incredible energy, devoted searching, study, practical trial, disappointment, verification, and comparison with European experience. Thanks to the political emigration caused by tsarism, revolutionary Russia, in the second half of the nineteenth century, acquired a wealth of international links and excellent information on the forms and theories of the world revolutionary movement, such as no other country possessed.

Sa isang banda, sumikad ang Bolshevismo noong 1903 sa isang napakatatag na pundasyon ng teoryang Marxista. Ang katumpakan ng ating teoryang rebolusyonaryo, at tanging yaon lamang, ay nagpapatunay, hindi lamang ng pandaigdigang kasaysayan sa buong ikalabingsiyam nasiglo, ngunit pati na ang karanasan ng mga naghahanap at nag-aalangan, ang mga kamalian at kabiguan ng mga rebolusyonaryong kaisipan sa Rusya. Sa loob ng kalahating siglo – tinatayang mula sa ika-40 hanggang ika-90 ng nakaraang siglo – ang mga progresibong kaisipan sa Rusya, na siniil ng napakalupit at reaksyong Tsarismo, na agarang ninais para sa tumpak na rebolusyonaryong teorya, at sinundan ng ganap na pagsisikap at pag-iingat sa bawat “huling kataga” sa ganitong saklaw sa europa at Amerika. Nakamit ng Rusya ang Marxismo – ang tanging tumpak na rebolusyonaryong teorya – sa pamamagitan ng dusang kanyang naranasan sa loob ng kalahating siglo ng di matingkalang dusa’t pagsasakripisyo, ng di matingkalang rebolusyonaryong kabayanihan, di mapaniwalaang enerhiya, tutok sa paghahanap, pag-aaral, praktikal na pagsubok, kabiguan, pagsisiyasat, at paghahalintulad sa karanasang Europeano. Salamat sa pandarayuhang pulitikal dahil sa tsarismo, rebolusyonaryong Rusya, sa ikalawang hati ng ikalabingsiyan na siglo, nakamtan ang mayamang ugnayang pandaigdigan at napakahusay na impormasyon sa mga porma at teorya ng pandaigdigang kilusang rebolusyonaryo, na walang ganito sa ibang bansa.

On the other hand, Bolshevism, which had arisen on this granite foundation of theory, went through fifteen years of practical history (1903–17) unequalled anywhere in the world in its wealth of experience. During those fifteen years, no other country knew anything even approximating to that revolutionary experience, that rapid and varied succession of different forms of the movement—legal and illegal, peaceful and stormy, underground and open, local circles and mass movements, and parliamentary and terrorist forms. In no other country has there been concentrated, in so brief a period, such a wealth of forms, shades, and methods of struggle of all classes of modern society, a struggle which, owing to the backwardness of the country and the severity of the tsarist yoke, matured with exceptional rapidity, and assimilated most eagerly and successfully the appropriate “last word” of American and European political experience.

Sa kabilang banda, ang Bolshevismo, na lumitaw sa matigas na pundasyong ito ng teorya, ay tumngo sa labinlimang taon ng pkraktikal na teorya (1903-17) na walang kapantay saanman sa daigdig sa yaman sa karanasan. Sa loob ng labinlimang taong iyon, walang ibang bansang nakakaalam kahit humigit-kumulang sa rebolusyonaryong karanasang iyon, ang mabilis at sar-saring pagkakasunud-sunod ng iba’t ibang anyo ng kilusan – ligal at iligal, mapayapa at magulo, tago’t lantad, lokal na sirkulo at kilusang masa, at parlyamentaryo’t teroristang porma. Sa ibang bansa’y walang konsentrado, sa maiksing panahon, ng mayamang porma, anino, at pamamaraan ng pakikibaka ng lahat ng uri sa modernong lipunan, isang pakikibakang nahinog sa pambihirang bilis, dahil sa kaatrasaduhan ng bansa at kalupitan ng tsraristang pang-aalipin, at agarang malagom at matagumpay ang akmang “huling kataga” ng pampulitikang karanasan ng mga Amerikano at Europeano.

No comments: