The Housing Question by
Frederick Engels
Part One
ANG USAPING PABAHAY
ni Friedrich Engels
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
UNANG BAHAGI
How Proudhon Solves the
Housing Question
Kung Paano Nilutas ni Proudhon ang Usaping Pabahay
In No. 10 and the following numbers of the Volksstaat appears a series
of six articles on the housing question. These articles are only worthy of
attention because, apart from some long-forgotten would-be literary writings of
the ‘forties, they are the first attempt to transplant the Proudhonist school
to Germany. This represents such an enormous step backward in comparison with
the whole course of development of German socialism, which delivered a decisive
blow particularly to the Proudhonist ideas as far back as twenty-five years
ago, [In Marx: Misère de la Philosophie, etc., Bruxelles et Paris, 1847 (The
Poverty of Philosophy, etc.). – Note by F. Engels.] that it is worth while
answering it immediately.
Sa Blg. 10 at sa sumunod pang bilang ng Volkstaat ay lumitaw ang serye
ng anim na artikulo hinggil sa usaping pabahay. Marapat lamang pag-ukulan ng
pansin ang mga artikulong ito sapagkat, bukod sa ilang mga limot nang magiging
akdang pampanitikan ng 1840s, ang mga ito ang unang pagtatangkang ihasik ang
paaralang Proudhonista sa Alemanya. Kinakatawan nito ang gayong malaking
hakbang paurong kung ikukumpara sa buong larangan ng pag-unlad ng sosyalistang
Aleman, na naghatid ng matinding upak lalo na sa mga ideyang Proudhonista, sa
nakaraang dalawampu't limang taon, [Mula sa akda ni Marx na Ang Karukhaan ng
Pilosopopiya, atbp., Bruxelles at Paris, 1847] kaya nararapat lamang na sagutin
ito agad.
The so-called housing shortage, which plays such a great role in the
press nowadays, does not consist in the fact that the working class generally
lives in bad, overcrowded and unhealthy dwellings. This shortage is not
something peculiar to the present; it is not even one of the sufferings
peculiar to the modern proletariat in contradistinction to all earlier
oppressed classes. On the contrary, all oppressed classes in all periods
suffered more or less uniformly from it. In order to make an end of this housing
shortage there is only one means: to abolish altogether the exploitation and
oppression of the working class by the ruling class. — What is meant today by
housing shortage is the peculiar intensification of the bad housing conditions
of the workers as the result of the sudden rush of population to, the big
towns; a colossal increase in rents, a still further aggravation of
overcrowding in the individual houses, and, for some, the impossibility of
finding a place to live in at all. And this housing shortage gets talked of so
much only because it does not limit itself to the working class but has
affected the petty bourgeoisie also.
Ang tinatawag na kakapusan sa pabahay, na may malaking papel sa
pamahayagan ngayon, ay hindi naglalaman ng katotohanang ang uring manggagawa sa
pangkalahatan ay nabubuhay sa masama, nagsisikip sa tao at nakapanghihinang
tahanan. Ang kakapusang ito'y hindi isang bagay na tangi sa kasalukuyan; hindi
rin ito isa sa mga pagdurusang tangi sa modernong proletaryado na salungat at
kaiba sa mga naunang aping uri. Sa kabaligtaran, lahat ng aping uri sa lahat ng
yugto ay pantay-pantay na nagdurusa humigit-kumulang mula roon. Upang mawakasan
na ang kakapusang ito sa pabahay, may isang paraan lamang: ang sabay-sabay na
pawiin ang pagsasamantala at pang-aapi ng naghaharing uri sa uring manggagawa.
- Ang kahulugan ngayon ng kakapusan sa pabahay ang kakaibang paglala ng
masamang kalagayan ng pabahay ng mga manggagawa bilang resulta ng biglaang
pagdagsa ng populasyon sa malalaking bayan; ang napakalaking pagtaas ng upa, na
mas nagpalubha pa sa pagdami ng tao sa bawat bahay, at para sa iba, ang
imposibilidad na makakita pa ng lugar na matitirhan. At lagi lamang
mapag-uusapan ang kakapusang ito sa pabahay dahil hindi lamang ito limitado sa
uring manggagawa kundi apektado na rin ang petiburgesya.
The housing shortage from which the workers and part of the petty
bourgeoisie suffer in our modern big cities is one of the numerous smaller,
secondary evils which result from the present-day capitalist mode of
production. It is not at all a direct result of the exploitation of the worker
as a worker by the capitalists. This exploitation is the basic evil which the
social revolution strives to abolish by abolishing the capitalist mode of
production. The cornerstone of the capitalist mode of production is, however,
the fact that our present social order enables the capitalists to buy the
labour power of the worker at its value, but to extract from it much more than
its value by making the worker work longer than is necessary in order to
reproduce the price paid for the labour power. The surplus value produced in
this fashion is divided among the whole class of capitalists and landowners
together with their paid servants, from the Pope and the Kaiser, down to the
night watchman and below. We are not concerned here as to how this distribution
comes about, but this much is certain: that all those who do not work can live
only from fragments of this surplus value which reach them in one way or
another. (See Marx’s Capital where this was worked out for the first time.)
Ang kakapusan sa pabahay kung saan nagdurusa ang mga manggagawa at
bahagi ng petiburgesya sa ating mga masamang lungsod ay isa sa mga bilang na
maliliit, sekundaryong kasmaan na nagresulta mula sa kasalukuyang kapitalistang
moda ng produksyon. Hindi rin ito direktang resulta ng pagsasamantala ng
kapitalista sa manggagawa bilang manggagawa. Ang pagsasamantalang ito ang
pangunahing kasamaan na pinagsisikapang pawiin ng panlipunang rebolusyon sa
pamamagitan ng pagpawi sa kapitalistang moda ng produksyon. Ang unang bato ng
kapitalistang moda ng produksyon, gayunman, ay ang katotohanang ang ating
kasalukuyang kaayusang panlipunan ang dahilan upang bilhin ng mga kapitalista
ang lakas-paggawa ng manggagawa sa halaga nito, ngunit ang pigain pa ito ng
higit pa sa halaga nito sa pamamagitan ng mas mahabang oras ng pagpapatrabaho
sa manggagawa kaysa kinakailangan upang gawing muli ang presyong nabayaran na
para sa lakas-paggawa. Ang labis na halagang nagawa sa kaayusang ito ang
hinahati ng buong uring kapitalista at panginoong maylupa kasama ang kanilang
mga bayarang lingkod, mula sa Santo Papa hanggang sa Kaiser, pababa sa mga
tagapagbantay sa gabi at nakapailalim dito. Hindi natin inaalala rito kung
paano ang mga ito'y maipamamahagi, ngunit ito ang tiyak: na lahat ng hindi
nagtatrabaho ay mabubuhay lamang mula sa mga tira-tira ng labis na halagang ito
na kahit paano'y nakararating sa kanila. (Tingnan ang akdang Das Kapital ni
Marx kung saan ito'y ipinaliwanag sa unang pagkakataon.)
The distribution of this surplus value, produced by the working class
and taken from it without payment, among the non-working classes proceeds amid
extremely edifying squabblings and mutual swindling. In so far as this
distribution takes place by means of buying and selling, one of its chief
methods is the cheating of the buyer by the seller, and in retail trade, particularly
in the big towns, this has become an absolute condition of existence for the
sellers. When, however, the worker is cheated by his grocer or his baker,
either in regard to the price or the quality of the commodity, this does not
happen to him in his specific capacity as a worker. On the contrary, as soon as
a certain average level of cheating has become the social rule in any place, it
must in the long run be leveled out by a corresponding increase in wages. The
worker appears before the small shopkeeper as a buyer, that is, as the owner of
money or credit, and hence not at all in his capacity as a worker, that is, as
a seller of labour power. The cheating may hit him, and the poorer class as a
whole, harder than it hits the richer social classes, but it is not an evil
which hits him exclusively or is peculiar to his class.
Ang pamamahagi ng labis na halagang ito, na nilikha ng manggagawa at
kinuha sa kanila ng walang bayad, ng mga uring hindi lumilikha, ay nagpapatuloy
sa kabila ng matitinding ipinapakitang bangayan at pandaraya sa isa't isa.
Habang nagaganap ang pamamahaging ito sa pamamagitan ng pagbili at pagbenta,
isa sa pangunahing paraan nito ay ang pandaraya ng nagbebenta sa bumibili, at
sa mga kalakalang tingi, lalo sa malalaking bayan, ito'y naging isa nang ganap
na batayan ng pag-iral ng mga nagbebenta. Gayundin naman, kapag ang
manggagawa'y nilinlang ng nagbebenta ng tingi o ng panadero, hindi iyon
nangyayari sa kanya sa ispesipiko niyang kakayahan bilang manggagawa. Sa
kabaligtaran, kapag naging patakaran na ang isang kainamang antas ng
panlilinlang sa isang lugar, sa kalaunan ay di na ito aabot sa kinakailangang
pagtaas ng sahod. Isang mamimili ang isang manggagawa para sa isang maliit na
negosyante, sila bilang may-ari ng salapi o kredito, at kaya hindi na sa
kakayahan niya bilang manggagawa, sila bilang tagabenta ng lakas-paggawa.
Maaaring tamaan siya ng pandaraya, at ang buong naghihirap na uri, mas matindi
pa sa pagtama sa mas mayayamang uri sa lipunan, ngunit hindi iyon isang
kasamaang tumama lamang sa kanya o sa kanyang uri lamang.
And it is just the same with the housing shortage. The growth of the
big modern cities gives the land in certain areas, particularly in those which
are centrally situated, an artificial and often colossally increasing value;
the buildings erected on these areas depress this value, instead of increasing
it, because they no longer correspond to the changed circumstances. They are
pulled down and replaced by others. This takes place above all with workers’
houses which are situated centrally and whose rents, even with the greatest
overcrowding, can never, or only very slowly, increase above a certain maximum.
They are pulled down and in their stead shops, warehouses and public buildings are
erected. Through its Haussmann in Paris, Bonapartism exploited this tendency
tremendously for swindling and private enrichment. [Haussmann was Prefect of
the Seine Department in the years 1853-70 and carried on big building
alterations in Paris in the interests of the bourgeoisie. He did not fail to
profit himself also. -Ed.]
Katulad din iyon ng kakapusan sa pabahay. Ang pag-unlad ng malalaking
modernong industriya ay nagbigay ng isang artipisyal at sa tuwina'y patuloy na
lumalaking halaga ng lupa sa ilang lugar, lalo na doon sa mga nasa sentro; ang
mga gusaling nakatayo sa mga lupang ito ay nagpapahina sa halaga nito, imbes na
palakasin ito, dahil hindi na ito nakasasabay sa nagbabagong kalagayan. Ang mga
ito'y hinihilang pababa at pinapalitan na ng iba. Pangunahing nangyayari ito sa
bahay ng mga manggagawa na nakapwesto sa sentro at ang upa, bagamat dumarami
ang tao, ay hindi, kundi man dahan-dahan, tumataas sa itinakdang presyo.
Hinihilang pababa ang mga ito at itinatayo kapalit nito ang mga pagawaan,
bodega at mga pampublikong gusali. Sa pamamagitan ng Haussman nito sa Paris,
malawakang sinamantala ng Bonapartismo ang kaugaliang ito para sa panloloko at
pribadong pagpapayaman. [Si Haussman ang Prefect ng Kagawaran ng Seine sa mga taon
ng 1853-70 at nagsagawa ng malalaking pagbabago sa gusali ng Paris para sa
interes ng burgesya. Pinagtubuan din niya ang mga ito. - Patnugot]
But the spirit of Haussmann has also been abroad in London, Manchester
and Liverpool, and seems to feel itself just as much at home in Berlin and
Vienna. The result is that the workers are forced out of the centre of the
towns towards the outskirts; that workers’ dwellings, and small dwellings in
general, become rare and expensive and often altogether unobtainable, for under
these circumstances the building industry, which is offered a much better field
for speculation by more expensive houses, builds workers’ dwellings only by way
of exception.
Ngunit ang diwa ni Haussman ay nakarating din sa ibang lugar sa London,
Manchester at Liverpool, at tila ba dama nitong nasa bahay lang siya sa Berlin
at Vienna. Ang resulta'y naitulak ang mga manggagawa palabas ng sentro ng mga
bayan; na ang tirahan ng mga manggagawa at ng maliliit na tirahan sa
pangkalahatan, ay naging bihira at napakamahal at karaniwang di nila kayang
makamtan, na sa ilalim ng ganitong kalagayan ay industriya ng mga gusali, na
inaalok ang mas magandang larangan ng ispekulasyon ng mas napakamahal na mga
bahay, ay nagtatayo lamang ng mga tirahan ng manggagawa sa pamamagitan ng mga
esksepsyon.
This housing shortage therefore certainly hits the worker harder than
it hits any more prosperous class, but it is just as little an evil which
burdens the working class exclusively as the cheating of the shopkeeper, and it
must, as far as the working class is concerned, when it reaches a certain level
and attains a certain permanency similarly find a certain economic adjustment.
Kaya tiyak ang matinding pagtama sa manggagawa ang kakapusang ito sa
pabahay kaysa pagtama ng anumang mauunlad na uri, subalit maliit din itong
kabuktutan na nagpapahirap lamang sa manggagawa tulad ng tagabenta, na dapat,
basta't tungkol sa manggagawa, kapag narating na nito ang isang tiyak na antas
at nakamit ang isang tiyak na pamamalagi tulad ng isang tiyak na pagkakataon sa
usaping ekonomiko.
It is with just such sufferings as these, which the working class
endures in common with other classes, and particularly the petty bourgeoisie,
that petty-bourgeois socialism, to which Proudhon belongs, prefers to occupy
itself. And thus it is not at all accidental that our German Proudhonist
occupies himself chiefly with the housing question, which, as we have seen, is
by no means exclusively a working class question; and that, on the contrary, he
declares it to be a true, exclusively working class question.
Sa mga ganitong pagdurusa, na pinagtitiisan ng uring manggagawa tulad
ng iba pang uri, at lalo na ng petiburgesya, na ang petiburgis na sosyalismong
kinabibilangan ni Proudhon, ang mas laging iniisip. Kaya hindi na aksidenteng
ang ating mga Alemang Proudhonista ay inaabala ang kanilang sarili pangunahin
sa usaping pabahay, na nakita nating natatanging usapin ang uring manggagawa,
at sa kabila noon, idineklara niyang tunay na natatanging usapin ng uring
manggagawa.
“As the wage worker in relation to the capitalist, so is the tenant in
relation to the house owner.” [Mülberger in Der Volkstaat February 10 1872]
"Ang relasyon ng sahurang manggagawa sa kapitalista, ay gayundin
naman ang relasyon ng nangungupahan sa may-ari ng tirahan." [Si Mulberger
sa Der Volkstaat, Pebrero 10, 1872]
This is totally untrue.
Ito'y walang katotohanan.
In the housing question we have two parties confronting each other: the
tenant and the landlord or house owner. The former wishes to purchase from the
latter the temporary use of a dwelling; he has money or credit, even if he has
to buy this credit from the house owner himself at a usurious price as an
addition to the rent. It is simple commodity sale; it is not an operation
between proletarian and bourgeois, between worker and capitalist. The tenant –
even if he is a worker – appears as a man with money; he must already have sold
his own particular commodity, his labour power, in order to appear with the
proceeds as the buyer of the use of a dwelling, or he must be in a position to
give a guarantee of the impending sale of this labour power. The peculiar
results which attend the sale of labour power to the capitalist are completely
absent here. The capitalist causes the purchased labour power firstly to
produce its own value and secondly to produce a surplus value which remains in
his hands for the time being, subject to its distribution among the capitalist
class. In this case therefore an extra value is produced, the total sum of the
existing value is increased. In the rent transaction the situation is quite
different. No matter how much the landlord may overreach the tenant it is still
only a transfer of already existing, previously produced value, and the total
sum of values possessed by the landlord and the tenant together remains the
same after as it was before. The worker is always cheated of a part of the
product of his labour, whether that labour is paid for by the capitalist below,
above, or at its value.
Sa usaping pabahay, may dalawa tayong partidong naglalaban: ang
nangungupahan at ang panginoong maylupa o may-ari ng bahay. Nais bilhin ng una
sa huli ang pansamantalang paggamit ng isang tirahan; may salapi siya o
kredito, kahit na bilhin niya ng kreditong ito mula mismo sa may-ari ng bahay
sa isang presyong labis sa pagpapatubo bilang dagdag sa upa. Ito'y simpleng
pagbenta ng kalakal; hindi ito kalakaran sa pagitan ng proletaryado at burgis,
sa pagitan ng manggagawa at kapitalista. Ang nangungupahan - kahit na siya'y
manggagawa - ay mukhang isang taong masalapi; naibenta na niya ang kanyang
tanging kalakal, ang kanyang lakas-paggawa, upang makita ng pinagbilhan bilang
bumili ng paggamit ng tirahan, o kaya'y nasa posisyon siyang magbigay ng
garantiya sa napipintong pagbebenta ng kanyang lakas-paggawa. Ganap na wala
rito ang kakaibang resulta ng pagbenta ng lakas-paggawa sa kapitalista. Ang
kapitalista ang dahilan ng biniling lakas-paggawa pangunahin upang lumikha ng
sarili niyang halaga at ikalawa ay lumikha ng labis na halagang nananatili
mismo sa kanyang kamay, batay sa pamamahagi nito sa buong uring kapitalista.
Kaya sa kasong ito, may madaragdag pang labis na halaga, at ang kabuuang suma
ng umiiral na halaga ay lumaki. Sa transaksyon sa upa, iba naman ang sitwasyon.
Gaano man lamangan ng panginoong maylupa ang nangungupahan, ito'y pagsasalin
lamang ng umiiral nang dating nalikhang halaga, at ang kabuuang suma ng
halagang nakuha ng panginoong maylupa at nangungupahan ay mananatling pareho
tulad ng dati. Ang manggagawa ang laging nalilinlang ng isang bahagi ng
produkto ng kanyang paggawa, ang paggawa mang iyan ay nabayaran ng kapitalista
ng mababa, mataas, o sa halaga nito.
The tenant, on the other hand, is cheated only when he is compelled to
pay for the dwelling above its value. It is, therefore, a complete
misrepresentation of the relation between landlord and tenant to attempt to
make it equivalent to the relation between worker and capitalist. On the
contrary, we are dealing here with a quite ordinary commodity transaction
between two citizens, and this transaction proceeds according to the economic
laws which govern the sale of commodities in general and in particular the sale
of the commodity, land property. The building and maintenance costs of the
house, or of the part of the house in question, enters first of all into the
calculation; the land value, determined by the more or less favourable situation
of the house, comes next; the state of the relation between supply and demand
existing at the moment is finally decisive. This simple economic relation
expresses itself in the mind of our Proudhonist as follows:
Sa kabilang banda, nalilinlang lamang ang nangungupahan kapag pinilit
siyang bayaran ang tirahan ng mataas sa halaga nito. Kaya ganap na maling
paglalarawan na subukang iparehas ang ugnayan ng panginoong maylupa at
nangungupahan sa ugnayan ng manggagawa't kapitalista. Sa kabila nito, pinag-uusapan
natin dito ang karaniwang transaksyon ng kalakal sa pagitan ng dalawang
mamamayan, at ang transaksyong ito'y tumungo batay sa batas-pang-ekonomya na
namamahala sa bentahan ng kalakal sa pangkalahatan, ang pag-aari ng lupa. Ang
presyo ng pagtatayo at pagpapanatili ng bahay, o ng bahagi ng bahay na
pinag-uusapan, ang pangunahing pumapasok sa kalkulasyon; susunod ang halaga ng
lupa, na pinagpasyahan sa mas mainam o hindi ng kalagayan ng bahay; pinal na
magpapasya ang kalagayan ng ugnayan sa pagitan ng panustos at pangangailangan.
Ang simpleng ugnayang pang-ekonomyang ito'y naipaliwanag mismo sa isipan ng
ating mga Proudhonista tulad ng sumusunod:
“The house, once it has been built, serves as a perpetual legal title
to a definite fraction of social labour although the real value of the house
has already long ago been more than paid out in the form of rent to the owner.
Thus it comes about that a house that, for instance, was built fifty years ago,
during this period covers the original cost two, three, five, ten and more
times over in its rent yield.”
"Ang bahay, kapag naitayo na, ay nagsisilbing isang
walang-katapusang ligal na titulo sa isang tiyak na bahagi ng panlipunang
paggawa bagamat ang tunay na halaga ng bahay ay matagal nang nabayaran ng labis
sa anyo ng upa sa may-ari. Kaya halimbawang ang bahay ay naitayo na limampung
taon na ang nakararaan, sa mga panahong ito'y sinaklaw na ang orihinal na
halaga ng dalawa, tatlo, lima, sampu, o higit pang ulit sa larangan ng paupa
nito."
Here we have at once the whole Proudhon. Firstly, it is forgotten that
the rent must not only pay the interests on the building costs, but must also
cover repairs and the average sum of bad debts, unpaid rents, as well as the
occasional periods when the house is untenanted, and finally pay off in annual
sums the building capital which has been invested in a house which is
perishable and which in time becomes uninhabitable and worthless. Secondly, it
is forgotten that the rent must also pay interest on the increased value of the
land upon which the building is erected and that therefore a part of it
consists of ground rent. Our Proudhonist immediately declares, it is true, that
this increase of value does not equitably belong to the landowner, since it
comes about without his co-operation, but to society as a whole. However, he
overlooks the fact that with this he is in reality demanding the abolition of
landed property, a point which would lead us too far if we went into it here.
And finally he overlooks the fact that the whole transaction is not one of
buying the house from its owner, but of buying its use for a certain time.
Proudhon, who never bothered himself about the real and actual conditions under
which any economic phenomenon occurs, is naturally also unable to explain how
the original cost price of a house is paid back ten times over in the course of
fifty years in the form of rent. Instead of examining and establishing this not
at all difficult question economically, and discovering whether it is really in
contradiction to economic laws, and if so how, Proudhon rescues himself by a
bold leap from economics into legal talk: “The house, once it has been built,
serves as a perpetual legal title” to a certain annual payment. How this comes
about, how the house becomes a legal title, on this Proudhon is silent. And yet
– that is just what he should have explained. Had he examined it, he would have
found that not all the legal titles in the world, no matter how perpetual,
could give a house the power of obtaining its cost price back ten times over in
the course of fifty years in the form of rent, but that only economic
conditions (which may have social recognition in the form of legal titles) can
accomplish this. And with this he would again be as far as at the start.
Kaya narito ngayon ang isang buong Proudhon. Una, nakalimutan nang ang
upa ay hindi dapat bayaran lang ang interes ng presyo ng pagtatayo, kundi
saklawin din ang presyo ng pag-aayos ng mga sira at ng kainamang sama ng
masamang utang, di bayad na upa, at maging ng pana-panahong walang
nangungupahan sa bahay, at sa wakas ay mabayaran din ang taunang sama ng
pagpapalago ng kapital na ipinuhunan sa isang bahay na maaaring mawala at sa
takdang panahon ay di na matirhan at wala nang silbi. Ikalawa, nakalimutan nang
ang upa ay dapat bayaran ng interes ng lumaking halaga ng lupang kinatirikan ng
gusali at kaya bahagi nito'y ang upa sa lupa. Ang ating Proudhonista'y agad na
nagdeklara, sadyang tunay, na ang paglaki ng halaga ay hindi makatwirang
pag-aari ng may-ari ng lupa, dahil nangyari ito nang wala siyang kooperasyob,
kundi sa lipunan sa pangkalahatan. Gayunpaman, di niya nakitang dahil dito siya
sa katunayan ay nananawagan ng pagpawi ng pag-aari ng lupa, isang puntong
nagdadala na ng malayo sa atin kung tutungo tayo rito. At sa kalaunan, hindi
niya nakita ang katotohanang ang buong transaksyon ay hindi ang pagbili ng
bahay ng may-ari, kundi ang pagbili ng paggamit nito sa takdang panahon. Si
Proudhon, na hindi nababahala sa tunay at aktwal na kalagayan kung saan nangyayari
ang anumang di-karaniwang usaping pang-ekonomya, ang natural lamang na hindi
rin maipaliwanag kung paano ang orihinal na presyo ng bahay ay nabayaran ng
sampung ulit sa loob ng limampung taon sa anyo ng upa. Imbes na suriin at
patunayang hindi ito mahirap na usaping pang-ekonomya, at matuklasang ito ba'y
tunay ngang salungat sa batas-pang-ekonomya, at kung gayon, paano nasagip ni
Proudhon ang sarili sa tahasang paglundag mula sa ekonomya tungo sa ligal na
usapin: "Ang bahay, kapag ito'y naitayo na, ay magsisilbing walang
katapusang ligal na titulo" sa isang tiyak na taunang kabayaran. Kung
paano nangyari ito, kung paano naging ligal na titulo ang pabahay, sa mga ito'y
tahimik si Proudhon. At iyon mismo ang dapat niyang ipaliwanag. Kung sinuri
niya iyon, matutuklasan niyang hindi lahat ng ligal na titulo sa daigdig, ito
man ay walang katapusan, ang magbibigay sa bahay ng kapangyarihang makuha ang
presyo nito ng sampung ulit sa loob ng limampung taon sa anyo ng upa, kundi
tanging ang kalagayang pang-ekonomya lamang (na may kinikilalang lipunan sa
anyo ng ligal na titulo) ang makagagawa nito. At sa pamamagitan nito, siya'y
muling babalik tulad sa simula.
The whole Proudhonist teaching rests on this saving leap from economic
reality into legal phraseology. Every time our good Proudhon loses the economic
hang of things – and this happens to him with every serious problem – he takes
refuge in the sphere of law and appeals to eternal justice.
Ang buong turong Proudhonista ay nakasalalay sa mapanligtas na landas
na ito mula sa reyalidad na pang-ekonomya tungo sa ligal na pananalita. Sa
tuwing ang ating magaling na Proudhon ay matalo sa mga pang-ekonomyang bagay na
lutang - at nangyayari ito sa kanya sa bawat seryosong suliranin -
nanganganlong siya sa kalipunan ng batas at pagsamo ng walang maliw na
hustisya.
“Proudhon begins by taking his ideal of justice, of ‘justice
eternelle,’ from the juridical relations that correspond to the production of
commodities: thereby, it may be noted, he proves, to the consolation of all
good citizens, that the production of commodities is a form of production as
everlasting as justice. Then he turns round and seeks to reform the actual
production of commodities, and the actual legal system corresponding thereto,
in accordance with this ideal. What opinion should we have of a chemist, who,
instead of studying the actual laws of the molecular changes in the composition
and decomposition of matter, and on that foundation solving definite problems,
claimed to regulate the composition and decomposition of matter by means of the
‘eternal ideas,’ of ‘naturalite and affinite’? Do we really know any more about
‘usury,’ when we say it contradicts ‘justice kernel,’ ‘equite eternelle,’
‘mutualite eternelle,’ and other ‘verites eternelles’ than the fathers of the
church did when they sad it was incompatible with ‘grace eternelle,’ ‘foi
eternelle,’ and ‘la volonte eternelle de Dieu’?” [Marx, Capital, Vol. 1, Kerr
edition, footnote, pp. 96-97. - Ed.]
"Nagsisimula si Proudhon sa pamamagitan ng mithi niyang hustisya,
sa 'hustisyang walang-maliw', mula sa huridikal na relasyong tumutugon sa
paglikha ng mga kalakal: sa gayon, maitatala natin, pinatunayan niya, bilang
pampalubag-loob sa lahat ng mabubuting mamamayan, na ang paglikha ng mga
kalakal ay isang anyo ng paglikha na walang-hanggan tulad ng hustisya. At agad
siyang tatalikod at maghahanap na repormahin ang aktwal na paglikha ng kalakal,
at ng aktwal na ligal na sistemang kasunod nito, batay sa ganitong mithiin.
Anong palagay natin sa isang kemista, na imbes na pag-aralan ang totoong batas
ng pagbabago ng mga molekula sa pagbubuo nito at pagkabulok ng bagay, at sa
pundasyong iyon ay nalutas ang mga tiyak na suliranin, ang nagsasabing
naisasaayos ang pagkabuo at pagkaagnas ng bagay sa pamamagitan ng mga 'ideyang
walang katapusan' ng 'pagiging likas at pagkakaugnay-ugnay'? May higit pa ba
tayong alam hinggil sa 'labis na pagpapatubo' kapag sinabi nating ito'y
salungat sa 'hustisya kernel', 'equite eternelle', 'mutualite eternelle', at
iba pang 'veritas eternelles' kaysa sa mga ginawa ng mga ama ng simbahan nang
sinabi nilang hindi ito nababagay sa 'grace eternelle', 'foi eternelle', at 'la
volonte eternelle de Dieu'? [sa akda ni Marx na Das Kapital, Tomo I, edisyong
Kerr, talababa, mp. 96-97. - patnugot]
Our Proudhonist does not fare any better than his lord and master:
Ang ating Proudhonista ay hindi naging magaling kaysa kanyang panginoon
at amo:
“The rent agreement is one of the thousand exchanges which are as
necessary in the life of modern society as the circulation of the blood in the
bodies of animals. Naturally, it would be in the interests of this society if
all these exchanges were pervaded by a conception of justice, that is to say,
if they took place always according to the strict demands of justice. In a
word, the economic life of society must, as Proudhon says, raise itself to the
heights of economic justice. In reality, as we know, exactly the opposite takes
place.”
"Ang kasunduan sa upa ang isa sa libu-libong pagpapalitan na
kinakailangan sa buhay sa modernong lipunan bilang daluyan ng dugo ng mga
katawan ng hayop. Mangyari pa, para sa kabutihan ng lipunang ito kung ang lahat
ng pagpapalitang ito kung laganap ay pagkaunawa sa hustisya, na masasabing,
kung lagi itong magaganap batay sa istriktong panawagan ng hustisya. Sa isang
salita, dapat na ang buhay pang-ekonomya ng lipunan, tulad ng sabi ni Proudhon,
ay naiaangat sa antas ng pang-ekonomyang hustisya. Sa katunayan, sa pagkakaalam
natin, ang nangyayari'y ang kabaligtaran nito."
Is it credible that, five years after Marx had characterised
Proudhonism so summarily and convincingly precisely from this decisive angle,
it should be possible to print such confused stuff in the German language. What
does this rigmarole mean? Nothing more than that the practical effects of the
economic laws which govern present-day society run contrary to the author’s
sense of justice and that he cherishes the pious wish that the affair might be
so arranged that this would then no longer be the case. — Yes, but if toads had
tails they would no longer be toads! And is then the capitalist mode of
production not “pervaded by a conception of justice,” namely, that of its own
right to exploit the workers? And if the author tells us that that is not his
idea of justice, are we one step further?
Kapani-paniwala ba na, limang taon matapos ilarawan ni Marx ang
Proudhonismo sa maikli at nakahihikayat ng husto mula sa mapagpasyang anggulong
ito, dapat kayang malathala ang ganitong alanganing bagay sa wikang Aleman?
Anong kahulugan ng mga walang kabuluhang salitang ito? Wala kundi ang praktikal
na epekto ng mga batas pang-ekonomyang gumagabay sa kasalukuyang lipunan ay
kabaligtaran sa diwa ng hustisya ng may-akda at kanyang pinahahalagahan ang
banal na mithiing maayos na ang mga pangyayari na ito'y hindi na siyang usapin.
- Oo, ngunit kung may buntot ang mga palaka ay di na sila mga palaka! At ito
bang kapitalistang moda ng produksyon ay hidni 'laganap ang pagkaunawa sa
hustisya' tulad ng karapatan nitong pagsamantalahan ang mga manggagawa? At kung
sasabihan ng may-akda na hindi ito kanyang ideya ng hustisya, mas nakahihigit
ba tayo sa paghakbang?
But let us go back to the housing question. Our Proudhonist now gives
his “conception of justice” free rein and treats us to the following moving
declamation:
Ngunit balikan natin ang usaping pabahay. Ngayon ay ibinibigay ng ating
Proudhonista ang kanyang 'pagkaunawa sa hustisya' ng kalayaang umiral at
pakitunguhan kami sa sumusunod na nakapagpapasiglang talumpati:
“We do not hesitate to assert that there is no more terrible mockery of
the whole culture of our lauded century than the fact that in the big cities 90
per cent and more of the population have no place that they can call their own.
The real key point of moral and family existence, hearth and home, is being
swept away by the social whirlpool.... In this respect we are far below the
savages. The troglodyte has his cave, the Australian aborigine has his clay
hut, the Indian has his own hearth – the modern proletarian is practically suspended
in mid air,” etc.
"Hindi kami mag-aalinlangang igiit na wala nang kahindik-hindik na
pagkutya ng buong kultura ng aming kapuri-puring siglo kundi ang katotohanang
sa mga malalaking lungsod, siyamnapung bahagdad at higit pa ng populasyon ay
walang lugar na matatawag nilang kanila. Ang totoong susing punto ng pag-iral
ng moral at pamilya, tirahan at tahanan, ay itinataboy ng panlipunang
alimpuyo... Sa ganitong dahilan, napakalayo natin sa mga taong gubat. Ang mga
troglodita ay may kanyang yungib, ang mga aborihinong Australyano ay may luwad
na barungbarong, ang mga Indyano ay may sariling tahanan - ang modernong
proletaryado ay sadyang nakalutang sa hangin," atbp.
In this jeremiad we have Proudhonism in its whole reactionary form. In
order to create the modern revolutionary class of the proletariat it was
absolutely necessary to cut the umbilical cord which still bound the worker of
the past to the land. The hand weaver who had his little house, garden and
field along with his loom, was a quiet, contented man “in all godliness and
respectability” despite all misery and despite all political pressure; he
doffed his cap to the rich, to the priests and to the officials of the state;
and inwardly was altogether a slave. It is precisely modern large-scale
industry, which has turned the worker, formerly chained to the land, into a
completely propertyless proletarian, liberated from all traditional fetters and
free as a [jail-]bird; it is precisely this economic revolution which has
created the sole conditions under which the exploitation of the working class
in its final form, in the capitalist mode of production, can be overthrown. And
now comes this tearful Proudhonist and bewails the driving of the workers from
hearth and home as though it were a great retrogression instead of being the
very first condition for their intellectual emancipation.
Sa ganitong pananaghoy, may Proudhonismo tayong ganap na nasa anyong
reaksyunaryo. Upang malikha ang modernong rebolusyonaryong uri ng proletaryado,
kinakailangang lubos na mapatid ang pusod na nakadugtong pa rin sa manggagawa
ng nakaraan sa lupa. Ang manghahabing kamay na may maliit na bahay, taniman at
bukirin kasama ang kanyang panghabi, ay isang tahimik, nakalulugod na tao 'ng
buong kabanalan at kagalang-galang' sa kabila ng lahat ng kahirapan at sa
kabila ng lahat ng pulitikal na panggigipit; hinuhubad niya ang kanyang
sumbrero sa mayayaman, sa kaparian at sa mga opisyal ng pamahalaan; at sa loob
ay kasabay na alipin. Ito ang hustong modernong malawakang industriya, na
naglagay sa manggagawa, mula sa pagkatanikala sa lupa tungo sa proletaryadong
walang pag-aari na lumaya mula sa lahat ng tradisyunal na tanikala at malaya
tulad ng ibon; ito mismong rebolusyong pang-ekonomyang ito ang lumikha ng mga
natatanging kondisyon kung saan ang pagsasamantala sa uring manggagawa sa
huling anyo nito, sa kapitalistang moda ng produksyon, ay nalupig. At ngayon ay
narito ang napapaluhang Proudhonista at idinaraing ang pagtaboy sa mga
manggagawa mula sa tirahan at tahanan na animo ito'y isang malaking pag-atras
imbes na ituring itong pinakaunang kondisyon para sa kanilang intelektwal na
paglaya.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment