Si Lenin Hinggil sa Usaping Kababaihan
Ni Clara Zetkin
Mula sa "My Memorandum Book"
Pinagmulan: The Emancipation of Women: From the Writings of V.I. Lenin;
Tagapaglathala: International Publishers;
Lagi kaming nag-uusap ni Kasamang Lenin hinggil sa usaping kababaihan. Ang panlipunang pagkakapantay para sa kababaihan, syempre, ay isang prinsipyong di na kinakailangang talakayin ng mga komunista. Sa malawakang pag-aaral ni Lenin noong taglagas ng 1920 sa Kremlin nang una kaming magkaroon ng mahabang talakayan hinggil sa paksa.
“Dapat tayong makalikha ng makapangyarihang pandaigdigang kilusang kababaihan, sa isang malinaw na teyoretikal na batayan”, umpisa ni Lenin. “Walang magandang praktis kung walang Marxistang teyorya, malinaw iyan. Ang pinakamalinaw na prinsipyo ay kinakailangan nating mga komunista sa usaping ito. Dapat na may matalas na pagkakaiba sa pagitan natin at ng iba pang Partido. Sa kasamaang palad, di pinag-usapan sa ating Ikalawang Pandaigdigang Kongreso ang usaping ito. Ito’y isinulong, ngunit hindi napagpasiyahan. Ang bagay na ito’y nasa komisyon pa, na dapat magpalabas ng resolussyon, tesis, direksyon. Hanggang sa kasalukuyan, gayunma, hindi sila nakalayo. Dapat kayong tumulong.”
Nababatid ko na kung ano ang sinabi ni Lenin at ipinahayag ko ang aking pagkabigla sa mga ugnayan ng bansa. Napuno ako ng sigla hinggil sa mga ginawa ng mga kababaihang Ruso sa rebolusyon at ginagawa pa nila para sa depensa nito at higit pang pagsulong. At hinggil sa posisyon at gawain ng mga kababaihang kasama sa Bolshevik na Partido, nakikita kong iyan ang modelong Partido. Tanging iyon ang nagtatag ng pandaigdigang kilusan ng komunistang kababaihan na naaasahan, may kakayahan at may karanasang pwersa at isang pangkasaysayang halimbawa.
Kilusan ng Manggagawang Kababaihan
“Tama iyan, tunay lahat ng iyan at maayos”, ani Lenin, ng may matipid na ngiti. “Sa Petrograd, ditto sa Moscow, sa ibang mga bayan at sentrong industriyal, kahanga-hanga ang mga nagawa ng kababaihang manggagawa sa panahon ng rebolusyon. Kung wala sila’y hindi tayo magtatagumpay. O kaya’y bahagya lamang. Iyan ang aking palagay. Napakagiting nila noon, napakagiting pa rin nila ngayon! Isipin na lang ang mga sakripisyo at hirap na dinanas nila. At nagpapatuloy sila dahil nais nila ng kalayaan, nais nila ng komunismo. Oo, an gating kababaihang proletaryado’y napakahuhusay na uring mandirigma. Nararapat silang hangaan at mahalin. Bukod doon, dapat ninyong tandaan na kahit ang mga babae ng “konstitusyonal na demokrasya” sa Petrograd ay napatunayang mas matapang laban sa atin kaysa sa mga patapon. Totoo iyan. Nasa Partido natin ang mga maaasahan, may kakayahan at walang pagod na aktibong kababaihang kasama. Maitatalaga natin sila sa maraming mahahalagang pwesto sa Sobyet at Lupong Tagapagpaganap, sa Komisaryat ng Taumbayan at sa kahit anong pampublikong serbisyo. Marami sa kanila ang nagtrabaho araw at gabi sa Partido o kasama ang masa ng proletaryado, ang mga pesanet, ang Pulang Hukbo. Iyan ay napakahalaga sa atin. Napakahalaga rin niyan sa lahat ng kababaihan sa buong daigdig. Ipinakit nito ang kakayahan ng mga kababaihan, ang kanilang kahalagahan sa lipunan. Ang unang diktadurya ng proletaryado ang totoong nanguna sa pagtatayo ng panlipunang pagkakapantay-pantay para sa kababaihan. Inilalayo nito ang masasamang palagay kaysa dami ng panitikan ng kababaihan. Ngunit kahit sa lahat ng iyan wala pa rin tayong daigdigang kilusan ng kababaihan, at dapat magkaroon tayo. Dapat umpisahan agad nating malikha ito. Kung wala iyan, ang gawain ng ating Internasyunal at ng mga Partido nito ay hindi kumpletong trabaho, at hindi magiging kumpleto. Ngunit ang ating gawain sa rebolusyon ay nararapat makumpleto. Turan nyo kung paano nangyayari ang gawaing komunista sa labas ng bansa.”
Matamang nakinig si Lenin, ang kanyang katawan ay bahagyang nakahilig sa harap, nang walang bahid ng pagkainip, pagkayamot o pagkapagod, kahit na sa mga bagay na nagkakataon lamang.
“Hindi masama, hindi na masamang lahat”, ani Lenin. “Ang enerhiya, kahandaan at kasigasigan ng mga kasamang kababaihan, ang kanilang giting at dunong sa panahon ng ilegalidad o semilegalidad ay nagpapahiwatig ng magandang pagkakataon para sa pagsulong ng ating gawain. Ito’y mga mahahalagang salik sa pagpapalawig ng Partido at pagpapalakas nito, sa pagkabig sa masa at pagpapatuloy ng ating mga aktibidad. Ngunit paano ang mga pagsasanay at kalinawan ng prinsipyo ng mga lalaki at babaeng kasama? Ito’y mahalagang batayan ng gawain sa masa. Ito’y malaking impluwensya ng kung anong pinagmamalasakitan ng masa, paano sila makakabig, paano sila mapapasigla. Nakalimutan ko sa ngayon kung sinong nagsabi: ‘Ang isang tao’y dapat masigla upang magawa ang mga dakilang bagay.’ Tayo at ang mga manggagawa ng buong mundo ay tunay na maraming dakilang bagay na magagawa. Kaya anong nagpapasigla sa inyong mga kasama, ang mga kababaihang proletaryado ng Alemanya? Paano naman ang kanilang proletaryadong kamalayan sa uri; ang kanila bang interes, kanilang aktibidad ay nakakonsentra sa agarang kahilingang pulitikal? Ano ang pinakamahalagang motibo ng kanilang mga ideya?
“Narinig ko ang ilang kakatwang bagay hinggil dito mula sa mga kasamang Ruso at Aleman. Sinasabi ko sa inyo. May nagsabi sa akin na isang matalinong babaeng komunista sa Hamburg ang naglalathala ng isang papel para sa mga puta at nais niya itong organisashin para sa rebolusyonaryong pakikibaka. Kumilos si Rosa at nadama ang pagiging komunista nang sa isang artikulo’y ipinagtanggol niya ang kapakanan ng mga puta na ikinulong dahil sa anumang paglabag sa mga regulasyon ng kapulisan sa pagpapatuloy nila ng kanilang nakayayamot na trabaho. Sila’y sawimpalad na dobleng pinagsasakripisyo ng lipunang burgis. Una, sa pamamagitan ng isinumpang sistemang pag-aari nito, at ikalawa, sa pamamagitan ng isinumpang moral na pagpapaimbabaw nito. Hindi ito mapag-aalinlanganan. Yaon lang brutal o malapitan ang nakikita ang makakalimot nito. Gayunpaman, ito sa pangkalahatan ay di pareho ng pagturing sa mga puti – paano ko ba sasabihin ito? – na maging isang ispesyal na rebolusyonaryong militanteng seksyon, sa pag-oorganisa sa kanila at paglalathala ng pahayagan sa trabaho para sa kanila. Wala na bang iba pang manggagawang kababaihan sa Alemanya na maoorganisa, kung saan maibibigay ang isang pahayagan, na mahahatak sa inyong pakikibaka? Ang isa’y sakit lang na tumutubo sa balat. Naaalala ko ang pampanitikang moda ng pagpipinta sa bawat puta bilang kaaya-ayang Madonna. Ang pinagmulan noon ay malusog din: damayang panlipunan, rebelyon laban sa walang bahid-dungis na pagpapaimbabaw ng kagalang-galang na burgis. Ngunit ang malusog na bahagi ay napasamâ at lumubha.
“Bukod diyan, maraming nagsulputang mga seryosong problema rito ang usapin ng mga puta. Ibalik sila sa produktibong gawain, dalhin sila tungo sa panlipunang ekonomya. Ito ang dapat nating gawin. Ngunit ito’y mahirap at kumplikadong tungkuling dapat gampanan sa kasalukuyang kalagayan ng ating buhay pang-ekonomya at sa lahat ng umiiral na kalagayan. Doon may isang aspekto ka ng problema ng kababaihan kung saan, matapos ang pagsunggab ng proletaryado sa kapangyarihan, na lumitaw bigla sa atin at humihiling ng isang praktikal na solusyon. Magbibigay ito ng malaking trabaho sa atin dito sa Sobyet Rusya. Para balikan ang posisyon mo sa Alemanya. Sa anumang pagkakataon, hindi dapat tumunganga lamang at manood ang Partido sa ganitong gawi sa bahagi ng mga kasapian nito. Lumilikha ito ng pagkalito at nanghahati ng pwersa. At ikaw, ano ang ginawa mo laban dito?”
Seks at Kasal
Bago ako makasagot, nagpatuloy si Lenin: “Ang talaan ng mga kasalanan mo, Clara, ay mahaba pa rin. Sinabi sa aking ang usapin ng seks at kasal ang mga pangunahing paksang tumatalakay sa pagbabasa at talakayan sa gabi ng mga kababaihang kasama. Sila ang pangunahing paksa ng pagmamalasakit, ng aral na pulitikal at edukasyon. Halos di mapaniwalaan ng aking tainga nang marinig ko iyon. Ang unang bansa ng diktadurya ng proletaryado na pinalilibutan ng mga kontra-rebolusyonaryo sa buong mundo, ang mismong kalagayan sa Alemanya ay nangangailangan ng pinakamaraming kakayaning konsentrasyon ng lahat ng proletaryado, rebolusyonaryong pwersa upang talunin ang lumalago at papalaking kontra-rebolusyon. Ngunit tinatalakay ng mga manggagawang kababaihang kasama ang mga problemang sekswal at ang usapin ng mga porma ng kasal sa nakaraan, sa kasalukuyan at sa hinaharap. Iniisip nilang ito ang kanilang pinakamahalagang tungkulin upang maliwanagan ang mga kababaihang proletaryado sa mga paksang ito. Naniniwala akong pinakabinabasang polyeto ay ang polyeto hinggil sa isang bata pang kababaihang kasamang Viennese hinggil sa problemang sekswal. Sayang! Kung ano mang katotohanan mayroon sa mga manggagawa ay nabasa na noon pa sa Bebel. Hindi nga lang nakababagot, hindi mabigat ang pagkakasulat tulad ng nasa polyeto, ngunit isinulat ng matindi, malupit, matapang, laban sa lipunang burgis.
“Ang ekstensyon ng Freudianong pagpapalagay ay tila ‘edukado’, at syentipiko, ngunit ito’y ignorante, pamali-mali. Ang teyoryang Freudiano ay isang modernong moda. Hindi ako nagtitiwala sa mga teyoryang sekswal ng mga artikulo, disertasyon, polyeto, atbp., sa madaling sabi, sa katulad noong uri ng panitikang lumalago ng magarbo sa maduming lupa ng lipunang burgis. Hindi ako nagtitiwala sa mga laging nagmumuni ng iba’t ibang usapin, tulad ng pusod ng santong Indian. Sa tingin ko ang mga lumalagong teyoryang sekswal na ito na pangunahin ay pag-aakala lamang, at madalas ganap pabigla-biglang pagpapalagay, ay pumailanlang mula sa personal na pangangailangang bigyang katwiran ang personal na abnormalidad o hipertropyo sa buhay sekswal bago ang burgis na moralidad, at upang pagsumamuan ang pasensya nito. Gaano man kabangis at rebolusyinaryo ang pag-uugaling yaon, yaon pa rin naman ay burgis. Sa pangunahin, gayon ang gawi ng mga intelektwal at ng mga seksyong malapit dito. Walang lugar para rito sa loob ng Partido, sa makauring kamalayan, palabang proletaryado.”
(Kalahati pa lang ito ng kabuuang akda. Di pa tapos ang buong pagsasalin. Tinatapos pa.)

No comments:
Post a Comment