Sosyalismo at Relihiyon
Ni V. I. Lenin
Isinalin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.
Ni V. I. Lenin
Isinalin mula sa Ingles ni Greg Bituin Jr.
Mula sa Marxists Internet Archive
Nalatahala sa Novaya Zhizn, Blg. 28, Disyembre 3, 1905.
Nilagdaan ni: N. Lenin.
Pinaghalawan: Mga Tinipong Akda ni Lenin, Progress Publishers, 1965, Moscow, Tomo 10, pahina 83-87.
Nakabatay ang kasalukuyang lipunan sa pagsasamantala sa napakalaking bilang ng uring manggagawa ng minorya ng populasyon, ang uri ng mga panginoong maylupa at yaong mga kapitalista. Ito’y isang lipunang alipin, yayamang ang mga “malalayang” manggagawa, na sa buong buhay nila’y nagtatrabaho para sa mga kapitalista, ay “may karapatan” lamang sa gayong paraan ng ikinabubuhay na mahalaga para sa pagpapanatili ng mga aliping lumilikha ng tubo, para pangalagaan at panatilihin ang kapitalistang pang-aalipin.
Ang pang-ekonomyang pagmamalupit sa mga manggagawa ay walang salang nananawagan at nagbubunga ng iba’t ibang klase ng pulitikal na panunupil at panlipunang panghahamak, ang kagaspangan at pangingitim ng buhay ispiritwal at moral ng masa. Maaaring pagtibayin ng manggagawa sa malaki o munting antas ng kalayaang pulitikal upang lumaban para sa kanilang pag-ekonomyang kalayaan, ngunit walang dami ng kalayaan na sila’y makakaalpas sa kahirapan, kawalang trabaho, at panunupil hangga’t ang kapangyarihan ng kapital ay hindi naibabagsak. Ang relihiyon ay isa sa mga anyo ng pagsasamantalang ispiritwal na saanmang lupalop ay matinding dumadagan sa masa ng sambayanan, na lalong bumibigat dahil sa paulit-ulit nilang pagtatrabaho para sa iba, batay sa pangangailangan at pagkakabukod. Ang kawalang kakayahan ng inaaping uri sa kanilang pakikibaka laban sa mga mapanupil na hindi maiiwasang magpasikat sa paniniwala sa mabuting pamumuhay pagkamatay tulad ng kawalang kakayahan ng mga di-sibilisado sa kanyang pakikibaka sa kalikasan na nagpasikat sa paniniwala sa mga diyus-diyusan, demonyo, himala, at mga tulad nito. Yaong mga nagtatrabaho at nabubuhay sa paghihikahos sa buong buhay nila ay tinuturuan ng relihiyon na maging masunurin at pasensyoso habang narito sa lupa, at maaliw sa pag-asang gantimpala mula sa kalangitan. Ngunit yaong nabubuhay sa pinagpaguran ng iba ay tinuturuan ng relihiyon na maging mapagbigay habang narito sa lupa, na nagbibigay sa kanila ng murang paraan upang bigyang katwiran ang kanilang pananatili bilang mga mapagsamantala at pagbebenta nito sa murang halaga ng tiket sa kalangitan. Ang relihiyon ay opyo para sa mga tao. Ang relihiyon ay isang uri ng ispiritwal na pagkalasing, kung saan nilulunod ng mga alipin ng kapital ang kanilang pagkatao, ang kanilang kahilingang mabuhay humigit-kumulang bilang tao.
Ngunit ang aliping may kamalayan sa kanilang pagkaalipin at umangat sa pakikibaka para sa kanyang paglaya ay nawala na ng kalahati ang kanyang pagkaalipin. Ang makabagong may kamalayang manggagawa, na inaruga sa malawakang pabrikang industriya at tinanglawan ng pamumuhay sa lunsod, ay palait na ibinato ang pangrelihiyosong kiling, at ipinaubaya ang kalangitan sa mga pari at sa mga burgis na panatiko, at nagsisikap na magkaroon ng maalwang pamumuhay dito sa mundo. Ang proletaryado ngayon ay pumapanig sa sosyalismo, na kinatulong ang agham sa pakikibaka laban sa kalabuan ng relihiyon, at pinalaya ang mga manggagawa sa kanilang paniniwala sa buhay pagkamatay sa pamamagitan ng pagkakaisa upang lumaban sa kasalukuyan para sa maalwang pamumuhay sa daigdig.
Ang relihiyon ay dapat ideklarang pribadong usapin. Sa mga salitang ito karaniwang ipinahahayag ng mga sosyalista ang kanilang saloobin tungkol sa relihiyon. Ngunit ang kahulugan ng mga salitang ito’y dapat eksaktong pinapaliwanag upang maiwasan ang anumang di-pagkakaunawaan. Hinihiling naming ang relihiyon ay maging pribadong usapin kung pag-uusapan ang estado. Ngunit walang dahilang ikunsidera nating pribadong usapin ang relihiyon kung nag-uusap tayo sa Partido. Ang relihiyon ay di dapat pinakikialaman ng estado, at ang mga samahang relihiyoso ay dapat walang kaugnayan sa mga awtoridad sa pamahalaan. Ang lahat ay dapat na malayang ipahayag ang anumang relihiyong nais niya, o kaya’y wala nang relihiyon, hal, ang maging ateista, na dapat lahat ng sosyalista’y dapat maging, bilang patakaran. Ang diskriminasyon sa pagitan ng mamamayan nang dahil sa kanilang relihiyosong paniniwala ay lubusang di mapapagtiisan. Kahit man lang ang pagbanggit ng relihiyon ng maamayan sa mga opisyal na dokumento ay dapat walang tanung-tanong na alisin. Walang dapat ibigay na subsidyo sa mga establisadong simbahan o kaya’y alawans mula sa estado na para sa eklesyastiko at relihiyosong samahan. Ito’y dapat lubusang maging malayang samahan ng nagkakasundong mamamayan, at mga samahang malaya sa kontrol ng estado. Tanging ang lubusang katurapan ng mga kahilingang ito ang magwawakas sa kahiya-hiya at kasumpa-sumpang nakaraan nang ang simbahan ay nabubuhay sa pyudal at umaasa sa estado, at ang mga mamamayang Ruso ay nabubuhay sa pyudal at umaasa sa mga establisadong simbahan, nang ang medyebal at pansiyasat na mga batas (na hanggang ngayon ay nananatili pa sa ating mga kodigo penal at sa ating mga aklat-kautusan) na nananatili at ginagamit, na inuusig ang sinuman dahil sa kanilang paniniwala o di-paniniwala, na nilalapastangan ang budhi ng tao, at inuugnay ang maaalwang trabaho sa pamahalaan at mga kinita sa gobyerno sa pamamagitan ng pahintulot ng ganito o gayong apyan ng establisadong simbahan. Ang ganap na pagkahiwalay ng Simbahan at Estado ang siyang hinihiling ng sosyalistang proletaryado sa modernong estado at sa modernong simbahan.
Dapat gawing epektibo ng rebolusyong Ruso ang kahilingang ito bilang nararapat na salik ng kalayaang pulitikal. Sa ganitong batayan, ang rebolusyong Ruso ay nasa lubos na paborableng posisyon, mula pa nang naghihimagsik na opisyalismo ng mga walang kapulisang awtokrasyang pyudal na nagsaad ng pagkadiskontento, pagkabalisa at pagngingitngit kahit sa hanay ng kaparian. Gaano man kaaba-aba, gaano man kaignorante ang mga paring Rusong Orthodox, sila man mismo’y nagising ngayon dahil sa kulog ng pagbagsak ng luma’t kaayusang medyebal sa Rusya. Kahit sila’y nakikiisa sa panawagang kalayaan, nagpoprotesta laban sa mga burukratikong kaugalian at opisyalismo, laban sa pang-eespiya para sa mga pulis na iginiit sa mga “nagsisilbi sa Diyos”. Tayong mga sosyalista’y dapat sumuportsa sa kilusang ito, tangan ang mga kahilingan ng mga tapat at totoong kasapi ng kaparian sa kanilang pasiya, na nagtiyak na maging tapat sila sa kanilang mga sinabi hinggil sa kalayaan, na humihiling na dapat nilang putulin ang anumang kaugnayan sa pagitan ng relihiyon at pulis. Maaaring ikaw ay tapat, na sa kasong ito’y dapat kang manindigan para sa ganap na pagkakahiwalay ng Simbahan at Estado at ng Paaralan at Simbahan, upang ganap na maideklara ang relihiyon na isang pribadong buhay. O di mo tinatanggap ang mga di nagbabagong kahilingang ito para sa kalayaan, na sa kasong ito’y bihag ka pa ng tradisyon ng inkwisisyon, na sa kasong ito’y nakakapit ka pa rin sa maaalwan mong trabaho sa pamahalaan at mga kinita sa gobyerno, na sa kasong ito’y di ka naniniwala sa kapangyarihang ispiritwal ng iyong sandata at patuloy na tumatanggap ng suhol mula sa estado. At sa kasong iyon, ang mga manggagawang may makauring kamalayan sa buong Rusya ay nagdeklara ng walang awang digmaan sa iyo.
Sa pagtingin ng partido ng sosyalistang proletaryado, ang relihiyon ay hindi isang pribadong usapin. Ang ating Partido ay isang samahan ng abante’t may makauring kamalayang mandirigma para sa kalayaan ng uring manggagawa. Ang mga samahang tulad nito ay di dapat kaiba doon sa may kakulangan ng makauring kamalayan, kamangmangan at obskurantismo sa paghubog sa paniniwalang relihiyoso. Hinihiling namin ang ganap na pagkahiwalay ng Simbahan upang malabanan ang anumang relihiyosong tabing ng dalisay na ideyolohikal at tanging sandatang ideyolohikal, sa pamamagitan ng ating pamahayagan at ng mga usapan. Ngunit itinatag natin ang ating samahan, ang Lapian ng Manggagawang Rusong Sosyal-Demokrata (RSDLP), nang tiyak sa ganitong pakikibaka laban sa anumang relihiyosong panunuba sa manggagawa. At para sa atin, ang pakikibakang ideyolohikal ay hindi pribadong usapin, kundi usapin ng buong Partido, ng buong proletaryado.
Kung gayon, bakit hindi natin idinedeklara sa ating Programa na tayo’y mga ateista? Bakit hindi natin pinagbabawalan ang mga Kristyano at iba pang mananampalataya sa Diyos na sumapi sa ating Partido?
Ang sagot sa katanungang ito ay magsisilbi upang ipaliwanag ang pinakaimportanteng kaibahan sa paraang ang usaping relihiyon ay ipinahahayag ng mga burgis na demokrata at ng mga sosyal-demokrata.
Ang ating Programa ay buong nakabatay sa syentipiko, at higit pa’y sa materyalista’t pandaigdigang pananaw. Kung gayon, ang paliwanag sa ating Programa ay kinakailangang kasama ang paliwanag sa tunay na kasaysayan at pang-ekonomyang ugat ng relihiyosong tabing. Kinakailangang isama sa ating propaganda ang propaganda ng ateismo; ang paglalathala ng nararapat na panitikang syentipiko, kung saan mahigpit itong ipinagbabawal at pinag-uusig ng awtokratikong pyudal na gobyerno, ay dapat ngayong itatag ang isang batayan ng ating gawaing Pampartido. Nararapat na yata nating sundin ang payo minsan ni Engels sa mga Sosyalistang Aleman: na isalin at malawakang ipamahagi ang panitikan ng ikalabingwalong siglong Naliwanagang Pranses at mga ateista.
Ngunit walang anumang pagkakataong tayo’y mabitag sa kamaliang ipahayag ang usapin ng relihiyon sa isang abstrakto’t kaayusang ideyalistiko, bilang isang “intelektwal” na usapin na walang kaugnayan sa makauring pakikibaka, na palaging ginagawa ng mga radikal na demokrata na kabilang sa mga burgis. Napakatangang isipin na sa isang lipunang nakabatay sa walang katapusang pagmamalupit at pambabastos sa masang manggagawa, ang mga relihiyosong pagkiling ay maiwawaksi ng simpleng pamamaraang propaganda. Ito’y kakitiran ng isip ng burgesya na kalimutan ang kapangyarihan ng relihiyon na dumadagan sa sangkatauhan ay produkto’t repleksyon lamang ng pang-ekonomyang kapangyarihaan sa lipunan. Walang bilang ng polyeto o dami ng pangangaral ang makapagpapaliwanag sa proletaryado, kung ito’y di pinaliwanagan ng sarili nitong pakikibaka laban sa malalagim na pwersa ng kapitalismo. Mas mahalaga sa atin ang pagkakaisa sa rebolusyonaryong pakikibaka ng mga inaaping uri para likhain ang isang paraiso sa lupa kaysa sa proletaryadong haka-haka ng paraiso sa langit.
Iyan ang dahilan kung bakit hindi natin inilagay o dapat ilagay ang ating ateismo sa ating Programa; iyan ang dahilan kung bakit hindi natin pinagbabawalan ang mga proletaryado na pinananatili pa ang mga labi ng kanilang dating masasamang palagay na ikabit ang kanilang sarili sa ating Partido. Lagi nating ipangangaral ang syentipikong pandaigdigang paniniwala, at mahalaga sa atin na labanan ang mga pagsasalungatan ng sari-saring “Kristyano”. Ngunit hindi ito nangangahulugang sa pahapyaw na ang relihiyosong usapin ay pangunahing dapat isulong, kung saan hindi naman talaga ito kasama; o ito’y mangahulugan na pinapayagan natin ang mga totoong pang-ekonomya at pampulitikang pakikibaka na mahati dahil sa mga pangatlong opinyon o walang kwentang kaisipan, na agad nagpapawala sa lahat ng kahalagahang pulitikal, na agad tinatangay palayo bilang basura sa pagdatal ng pang-ekonomyang pagsulong.
Saanman, inaalala ng mga reaksyunaryong burgesya ang kanilang sarili, at ngayon ay nagsisimulang alalahanin ang sarili sa Rusya, ng may panunulsol ng relihiyosong alitan – upang ihilis ang pananaw ng masa mula sa mga totoong mahahalaga at mga pangunahing suliraning pang-ekonomya’t pampulitika, na ngayon ay nireresolba sa praktika ng lahat ng Rusong proletaryado sa pagkakaisa sa rebolusyonaryong pakikibaka. Ang reaksyunaryong patakarang ito ng pagbubukod ng pwersang proletaryado, na ngayon ay pangunahing makikita sa Itim-Daan-daang pogrom (organisadong pagpatay ng marami) ay maaaring manganak bukas ng mas tusong anyo. Sa anumang bilis, lalabanan natin ito sa pamamagitan ng mahinahon, patuloy at matiyagang pangangaral ng pagkakaisa ng proletaryado at ng syentipikong pandaigdigang pananaw – isang pangangaral na dayuhan sa anumang kaguluhan dahil sa di gaanong mahalagang kaibahan.
Magtatagumpay ang rebolusyonaryong proletaryado na gawin talagang pansariling usapin ang relihiyon, habang nababahala rito ang estado. At sa sistemang pulitikal na ito, na nilinis ng medyebal na amag, ang proletaryado ay magtataguyod ng malawak at lantarang pakikibaka para mapawi ang pang-ekonomyang pang-aalipin, ang tunay na pinanggalingan ng relihiyosong panloloko sa sangkatauhan.
No comments:
Post a Comment