Wednesday, February 2, 2011

Counter Thesis 1 (PPDR) - Ika-4 Bahagi

Ito ang IKA-4 BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPDR.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. Binabalak matapos agad ang bersyong Tagalog ng PPDR upang ganap itong mai-launch bilang aklat sa Pebrero 6 (sa 10th death anniversary ni Ka Popoy). Susunod na poproyektuhin ang pagsasalin ng counter thesis sa PSR at PPW. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.


A Vulgarized, Totally Non-Marxist, Non-Leninist Concept Of a People's Democratic Revolution

Isang Bulgarisado, Ganap na Di-Marxista, Di-Leninistang Konsepto ng Demokratikong Rebolusyon ng Bayan


We have discussed above how Sison obscured in the Party program the class struggle of the proletariat in his people's democratic revolution, submerging it in the purely national democratic struggle of the whole people.

Tinalakay natin sa itaas kung paano itinago ni Sison sa programa ng Partido ang makauring pakikibaka ng proletaryado sa kanyang demokratikong rebolusyon ng bayan, inilubog lamang ito sa pambansang demokratikong pakikibaka ng buong sambayanan.


After detaching the independent class struggle of the Filipino working class from the democratic revolution, he proceeded to present a totally distorted concept of revolution alien to the basic tenets of Marxism-Leninism. Here is Sison's concept of revolution as expounded in the Party program:

Matapos baklasin ang independenteng makauring pakikibaka ng uring manggagawang Pilipino mula sa demokratikong rebolusyon, nagpatuloy siya upang ipresenta ang isang lubusang baluktot na konsepto ng rebolusyon na hindi saklaw ng batayang aral ng Marxismo-Leninismo. Narito ang konsepto ng rebolusyon ni Sison na ipinaliwanag sa programa ng Partido:


"There is only one road which the working class under the leadership of the CPP must take. It is the road of armed revolution to smash the armed counterrevolution that preserves foreign and feudal oppression in the Philippines. In waging armed revolution, the working class must rely mainly on the mass support of its closest ally, the peasantry. The peasantry is the main force of the people's democratic revolution. Without the peasantry's struggle for land, no genuine and formidable People's Army can be built and no revolutionary base area can be established. The peasant struggle for land is the main democratic content of the present stage of the Philippine revolution."

"IIsa lang ang daang dapat tahakin ng uring manggagawa sa ilalim ng pamumuno ng CPP. Iyon ang daan ng armadong rebolusyon upang durugin ang mga armadong kontrarebolusyon na nagpapanatili sa mga dayuhan at pyudal na pang-aapi sa Pilipinas. Sa paglulunsad ng armadong rebolusyon, dapat pangunahing umasa ang uring manggagawa sa malawakang suporta ng pinakamalapit na alyado nito, ang magsasaka. Ang mga magsasaka ang pangunahing pwersa sa demokratikong rebolusyon ng bayan. Kung wala ang pakikibaka ng magsasaka para sa lupa, walang tunay at mahirap taluning Hukbong Bayan ang maitatayo at walang rebolusyong baseng lugar ang maitatatag. Ang pakikibaka ng magsasaka para sa lupa ang pangunahing demokratikong nilalaman sa kasalukuyang yugto ng rebolusyong Pilipino."


He then proceeds to an exposition of his war strategy:

Pagkatapos nito'y tumungo siya sa paglalantad ng kanyang istratehiyang pandigma:


"From the countryside, the people's democratic forces encircle the cities. It is in the countryside that the enemy forces are first lured in and defeated before the capture of the cities from the hands of the exploiting classes. It is from the countryside that the weakest links of the reactionary state are to be found and these can be surrounded by the people's democratic forces tactically before strategically defeating them. It is in the countryside that the People's Army can accumulate strength among the peasants by combining agrarian revolution, armed struggle and the building of revolutionary base areas. The Party and the People's Army must turn the backward villages into advanced military, political, economic and cultural bastions of the people's democratic revolution."

"Mula sa kanayunan, palilibutan ng demokratikong hukbo ng bayan ang mga lungsod. Sa kanayunan unang naaakit at matatalo ang mga pwersa ng kaaway bago ang pagkubkob sa mga lungsod mula sa kamay ng mga mapagsamantalang uri. Sa kanayunan matatagpuan ang pinakamahinang kawing ng reaksyunaryong estado at ito'y mapapalibutan ng demokratikong pwersa ng bayan sa pamamagitan ng maneobrahan bago estratehikong matalo sila. Sa kanayunan makukuha ng Hukbong Bayan ang lakas mula sa mga magsasaka sa pamamagitan ng magkakasamang rebolusyonaryong agraryo, armadong pakikibaka at pagtatayo ng mga rebolusyonaryong baseng lugar. Dapat pihitin ng Partido at ang Hukbong Bayan ang mga atrasadong kanayunan upang maging abanteng tanggulang pangmilitar, pampulitika, pang-ekonomya at pangkultura sa demokratikong rebolusyong bayan."


Next, is his "third magic weapon", the united front:

Sumunod ay ang kanyang "ikatlong mahiwagang sandata", ang nagkakaisang prente:


"A true national united front exists only if it is founded on the alliance of the working class and the peasantry and such alliance has been strongly welded by armed struggle, by the creation of a People's Army mainly among the peasants by the working-class party. A true united front is one for carrying armed struggle. The urban petty bourgeoisie can participate in this united front. The national bourgeoisie can also lend direct and indirect support although it always carries its dual character, the contradicting progressive and reactionary aspects. In a national united front of workers, peasants, urban petty bourgeoisie and the national bourgeoisie, the revolutionary proletarian party can fully guarantee its leadership, independence and initiative only by having the People's Army firmly at its command."

"Ang tunay na pambansang nagkakaisang prente ay umiiral lamang kung ito'y itinatag ng alyansa ng uring manggagawa at magsasaka at ang mga tulad ng alyansang ito ay matinding pinag-ugpong ng armadong pakikibaka, sa paglikha ng isang Hukbong Bayan pangunahin mula sa mga magsasaka ng partido ng uring manggagawa. Ang tunay na nagkakaisang prente ay yaong nagdadala ng armadong pakikibaka. Ang petiburgesya ng kalunsuran ay maaring sumama sa nagkakaisang prenteng ito. Makapagbibigay din ng direkta at indirektang suporta ang pambansang burgesya bagamat lagi nitong dala ay dalawang mukha, ang magkasalungat na aspetong progresibo at reaksyunaryo. Sa pambansang nagkakaisang prente ng manggagawa, magsasaka, petiburgesya sa kalunsuran at ang pambansang burgesya, tinitiyak ng proletaryadong partido ang kanyang pamumuno, kalayaan at insiyatiba kung ang Hukbong Bayan ay matatag na pinamumunuan niya."



(Criticism on the "war revolution" of Sison up to this point will be concentrated or limited to its programmatic context and will be dealt with more thoroughly on the particular section on Protracted People's War.)

(Ang kritisismo sa "digmaang rebolusyon" ni Sison sa puntong ito ay magtutuon o limitado lang sa programatikong konteksto nito at tatalakayin ng mas masinsinan sa partikular na seksyon hinggil sa Matagalang Digmang Bayan.)


From these statements, the following major conclusions can be drawn that define Sison's concept of revolution:

Mula sa mga pahayag na ito, ang mga sumusunod na mayor na kongklusyong makukuha na magbibigay linaw sa konsepto ni Sison sa rebolusyon:


1. Absolute reliance on armed struggle which have been transformed into a war strategy, transforming the "people's revolution" into "people's war".

1. Ganap na pagsandal sa armadong pakikibaka na natransporma tungo sa istratehiyang pandigma, pagtransporma sa "rebolusyong bayan" tungo sa "digmaang bayan".


2. Absolute reliance on the peasantry as the main force of the democratic revolution, as the "vehicle" of the revolutionary movement.

2. Ganap na pagsandal sa mga magsasaka bilang pangunahing pwersa ng demokratikong rebolusyon, bilang "sasakyan" ng rebolusyonaryong kilusan


3. Absolute fixation on a "strategy of seizure" in the democratic revolution by absolutizing "war revolution".

3. Ganap na pagkahumaling sa "istratehiya ng pag-agaw" sa demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng paglubos-lubos sa "digmaang rebolusyon".


4. Absolute fixation of the path of development (from the countryside to the cities) based on its war strategy.

4. Ganap na pagkahumaling sa landas ng pag-unlad (mula sa mga kanayunan tungo sa mga lungsod) batay sa kanyang istratehiyang pandigma.


5. Absolute reliance on armed struggle even on the question of united front and Party leadership.

5. Ganap na pagsandal sa armadong pakikibaka kahit sa usapin ng nagkakaisang prente at liderato ng Partido.


Approaching it first from the theoretical aspect, the most basic question that should be asked of Sison's concept of revolution is: Are these "absolutes" consistent with the basic principles of Marxism-Leninism or are they purely Maoist dogma completely alien to the ideas of Marx, Engels and Lenin?

Inatupag muna ito sa aspetong teoretikal, ang pinakabatayang usaping dapat itanong hinggil sa konsepto ni Sison ng rebolusyon ay: Ang mga "absoluto" bang ito ay alinsunod sa mga batayang prinsipyo ng Marxismo-Leninismo o ito'y purong Maoistang paniniwalang ganap na dayuhan sa mga kaisipan nina Marx, Engels at Lenin?


What is Sison's theoretical explanation for his "absolutes"? No theoretical explanation whatsoever in the program. Perhaps, for Sison, its truth is self-evident and self-explanatory, a case of simple common sense, and no need to drag Marx or Lenin to confirm their absolute correctness.

Ano ang teoretikal na paliwanag ni Sison sa kanyang mga "pagkaabsoluto"? Walang anumang teoretikal na paliwanag sa programa. Marahil, para kay Sison, ang katotohanan nito ay halata at madaling ipaliwanag, isang simpleng sentido komon, at di na kailangang hilahin pa sina Marx o Lenin para kumpirmahin ang kanilang lubos na kawastuhan.


Why armed struggle as the only road? Because "only armed revolution can smash armed counterrevolution". Why rely on the peasantry? Because, the "peasantry is the main force of the revolution," their "demand for land is the main democratic content of the revolution." Why from the countryside to the cities? Because "its in the countryside that you can find the weakest link of the reactionary state."

Bakit armadong pakikibaka lang ang daan? Dahil "armadong pakikibaka lang ang dudurog sa armadong kontra-rebolusyon". Ngunit bakit aasahan ay magsasaka? Dahil, ang "magsasaka ang pangunahing pwera ng rebolusyon," ang kanilang "kahilingan para sa lupa ang pangunahing demokratikong nilalaman ng rebolusyon." Bakit mula sa kanayunan tungong kalunsuran? Dahil "nasa kanayunan mo makikita ang pinakamahinang kawing ng reaksyunaryong estado."


The logic is quite clean and simple, isn't it? For his "strategy of seizure" and "united front for armed struggle", he did not even offer a word of explanation because its logic follows from all the given assumptions.

Medyo malinis at simple ang lohika niya, di kaya? Para sa kanyang "estratehiya ng panlulupig" at "nagkakaisang prente para sa armadong pakikibaka", ni hindi man lang siya nagbitiw ng anumang paliwanag dahil ang lohika niya'y sumunod lang sa mga ibinigay niyang haka-haka.


Sison has achieved the level of perfect ingenuity, unreached by the likes of Marx, Engels and Lenin, but armed of course by the acme of proletarian ideology -- Mao Ze Dong Thought -- that he is now capable of blueprinting a revolution in the form of a definite war plan -- the invincible strategy of protracted people's war. The key to Sison's concept is his idea of armed struggle reduced and transformed into war revolution.

Nakamtan ni Sison ang antas ng perpektong pagkamalikhain, na di kaya ng mga tulad nina Marx, Engels at Lenin, ngunit syempre'y armado ng rurok ng ideolohiyang proletaryado - Kaisipang Mao Zedong - na may kakayahan siya ngayong balangkasin ang rebolusyon sa anyo ng isang depenidong plano ng digmaan - ang di-malulupig na estratehiya ng matagalang digmang bayan. Ang susi sa konsepto ni Sison ay ang kanyang paniniwala sa armadong pakikibaka na pinasimple niya at trinansporma sa digmaang rebolusyon.


It is universally accepted that armed struggle is a means of struggle, a firm of struggle, a question of tactics. What is the principle that makes it acceptable as a means of struggle of the revolutionary proletariat?

Tinatanggap sa pandaigdigan na ang armadong pakikibaka ay isang paraan ng pakikibaka, isang pirmes na pakikibaka, isang usapin ng taktika. Ano ang prinsipyong tangan nito para tanggapin ito bilang paraan ng pakikibaka ng rebolusyonaryong proletaryado?


It lies in the theory of class struggle, in the antagonistic nature of the struggle between the oppressor and the oppressed, between the exploiter and the exploited.

Nakasalalay ito sa teorya ng tunggalian ng uri, ang magkasalungat na katangian ng pakikibaka sa pagitan ng mapang-api at inaapi, sa pagitan ng mapagsamantala at pinagsasamantalahan.


"Force", in the words of Marx, "is the midwife of every old society pregnant with a new one", and for Engels, "is the instrument with the aid of which the social movement forces its way through and shatters the dead, fossilized political forms."

"Ang pwersa," ayon sa pananalita ni Marx, "ang siyang kumadrona ng bawat lumang sistemang mag-aanak ng bagong sistema", at para kay Engels, " ay isang instrumento na pantulong upang ang mga panlipunang kilusan ay pwersahang tumungo at wasakin ang patay na't kalansay na pormang pulitikal."


As for Lenin, "in the final analysis, great historic issues are decided only by force." But Lenin hastened to add: "Social-Democracy has not advanced the slogan of insurrection on the spur of the moment. It has always fought, and continues fight, against revolutionary phrase-mongering, and it will always demand a sober estimation of forces and an analysis of the given situation."

Para kay Lenin, "sa huling pagsusuri, ang mga dakilang makasaysayang isyu ay pinagpapasyahan lang sa pamamagitan ng lakas. Ngunit agarang idinagdag ni Lenin: "Hindi isinulong ng Sosyal-Demokrasya ang panawagang insureksyon ng pabigla-bigla. Ito'y laging ipinaglalaban, at patuloy na nakikibaka, laban sa nagpapakalat ng mga sabi-sabing rebolusyonaryo


It is very clear, that for Lenin, armed struggle is a means of struggle that demands a sober estimation of forces and an analysis of the given situation. He said: "The working class would, of course prefer to take power peacefully,... but to renounce the revolutionary seizure of power would be madness on the part of the proletariat, both from the theoretical and practical-political point of view; it would mean nothing but a disgraceful retreat in the face of the bourgeoisie and all other propertied classes. It is very probable--even most probable--that the bourgeoisie will not make peaceful concessions to the proletariat and at the decisive moment will resort to violence for the defense of its privileges. In that case, no other way will be left to the proletariat for the achievement of its aim but that of revolution. This is the reason the program of 'working-class socialism' speaks of the winning of political power in general without defining the method, for the choice of method depends on a future which we cannot precisely determine."

Napakalinaw, na para kay Lenin, ang armadong pakikibaka ay isang pamamaraan ng pakikibaka na nangangailangan ng matinong kalkulasyon ng pwersa at isang pagsusuri sa nakalatag na kalagayan. Aniya: "Syempre, mas nanaisin ng uring manggagawang kunin ng mapayapa ang kapangyarihan,... ngunit ang talikuran ang rebolusyonaryong pag-agaw ng kapangyarihan ay kabaliwan na sa bahagi ng proletaryado, parehong mula sa teoretikal at praktikal-pulitikal na punto de bista; wala itong ibang kahulugan kundi isang kahiya-hiyang pag-atras sa harap ng burgesya at sa lahat ng uring may pag-aari. Malamang mangyari - at maaaring mangyari - na ang burgesya'y di mapayapang magbibigay-daan sa proletaryado at sa mapagpasyang pagkakataon ay magiging marahas para depensahan ang mga pribilehiyo nito. Sa kasong to, walang ibang paraang nalalabi para sa proletaryado para makamtan ang kanilang layunin kundi sa pamamagitan ng rebolusyon. Ito ang dahilan kung bakit ang programang 'sosyalismo ng uring manggagawa' ay nagsasalitang maipapanalo ang kapangyarihang pampulitika sa kabuuan nang hindi inililinaw ang pamamaraan, dahil ang pagpili ng pamamaraan ay nakasandig sa hinaharap na di pa natin eksaktong mababatid.


In drafting the Party program, Lenin said: "...we believe that the program of a working-class party is no place for indications of the means of activity ...The program should leave the questions of means open, allowing the choice of means to the militant organizations and to Party congresses that determine the tactics of the party. Questions of tactics, however, can hardly be introduced into the program (with the exceptions of the most important questions, of principle, such as our attitude to other fighters against the autocracy. Questions of tactics will be discussed by the Party newspaper as they arise and will eventually be decided at Party congresses."

Sa pagbalangkas sa programa ng Partido, sinabi ni Lenin: "... naniniwala kami na ang programa ng partido ng uring manggagawa ay walang puwang para sa nagbabadyang pamamaraan ng pagkilos... Dapat iwanang bukas ng programa ang usapin ng pamamaraan, na nagpapahintulot sa mga militanteng organisasyon ang pagpili ng pamamaraan at sa mga kongreso ng Partido na magpasya kung ano ang mga taktika ng partido. Gayunpaman, ang usapin ng taktika ay bahagyang naipapakilala sa programa (ng bukod ang mga napakahahalagang usapin, prinsipyo, tulad ng ating pakikitungo sa iba pang mga nakikibaka laban sa awtokrasya. Ang usapin ng taktika ay tatalakayin sa pahayagan ng Partido kung sakaling pag-usapan ito at ito'y pagpapasyahan sa mga kongreso ng Partido."


Indeed, according to Lenin, to attempt to draw a hard and fast line between program and tactics can only result in scholasticism and pedantry. However, it should be made clear that program defines the general and basic relations between the working class and other classes while tactics define particular and temporary relations.

Sa katunayan, ayon kay Lenin, ang pagtatangkang gumuhit ng mahirap at mabilis na linya sa pagitan ng programa at mga taktika ay maari lang magresulta sa eskolastisismo at pagmamarunong. Gayunman, dapat maging malinaw na ipinapaliwanag ng programa ang pangkalahatan at batayang ugnayan sa pagitan ng uring manggagawa at iba pang uri habang ang mga taktika'y nagpapaliwanag ng mga partikular at pansamantalang ugnayan.


Sison obviously does not subscribe to Lenin, yet he calls himself a Leninist!

Halatang di sumasang-ayon si Sison kay Lenin, gayunpaman tinatawag niya ang kanyang sarili na Leninista!


For Lenin, the program should "leave the question of means of struggle open", the program "is no place for indications of the means of activity", that "questions of tactics can hardly be introduced into the program" and all these because the "choice of method depends on a future we cannot precisely determine". For Sison, armed struggle is not just a means of activity or a question of tactics or a choice of method. It is the revolution itself!

Para kay Lenin, dapat "iwanang bukas ng programa ang usapin ng pamamaraan", ang programa'y "walang puwang para sa nagbabadyang pamamaraan ng pagkilos", na ang "usapin ng taktika ay bahagyang naipapakilala sa programa at lahat ng ito'y dahil "ang pagpili ng pamamaraan ay nakasandig sa hinaharap na di pa natin eksaktong mababatid." Para kay Sison, ang armadong pakikibaka ay hindi lamang pamamaraan ng pagkilos o usapin ng taktika o pagpili ng pamamaraan. Ito mismo ang rebolusyon!


For Leninists, armed struggle is a question of tactics. But for Sison, it is a question of "strategy", a line question, a matter of principle that is not open to alteration in the entire historical period. For Sison, revolutionary violence determines the difference between revolutionism and reformism. Form is substance, the medium is the message.

Para sa mga Leninista, ang armadong pakikibaka ay usapin ng taktika. Ngunit para kay Sison, iyon ay usapin ng "estratehiya", isang usapin ng linya, isang prinsipyong di bukas sa pagbabago sa buong kasaysayan. Para kay Sison, ang rebolusyonaryong karahasan ang magtatakda ng kaibahan ng rebolusyonismo at repormismo. Ang anyo ang sustansya, ang medyum ang mensahe.


Here lies the difference between Lenin's and Sison's understanding of the revolutionary process wherein, for Lenin, "the choice of method depends on a future we cannot precisely determine", while for Sison, "there is only one road, and it is the path of armed struggle".

Narito nakasalalay ang kaibahan nina Lenin at Sison hinggil sa pag-unawa sa rebolusyonaryong proseso kung saan, para kay Lenin, "ang pagpili ng pamamaraan ay nakasandig sa hinaharap na di pa natin eksaktong mababatid", ngunit para kay Sison, "iisa lang ang tanging daan, at ito'y ang landas ng armadong pakikibaka".


For Lenin, revolution is an objective, historical process, the movement of class forces in the dynamic process of social change. It is a situation wherein the ruling classes can no longer rule in the old way while the oppressed classes no longer want to live in the old way, not as a historical view but a political fact.

Para kay Lenin, ang rebolusyon ay isang obhetibo at makasaysayang proseso, isang kilusan ng pwersa ng uri sa dinamikong proseso ng pagbbagong panlipinan. Isa iyong kalagayan kung saan ang mga naghaharing uri'y di na makapaghari sa lumang paraan habang ang mga aping uri naman ay ayaw nang manatili sa lumang paraan, hindi bilang pananaw na pangkasaysayan kundi isang pulitikal na katotohanan.


As a social revolution, it is a historical situation wherein the forces of production of society are ruined by the existing moribund relations and struggle to liberate themselves from these old relations. As a political revolution, it is a concrete situation wherein the struggle for political power among the contending class forces come to a head to resolve the internal crisis of society with the overthrow of the oppressive state relations or the subjugation of the forces that seek its overthrow.

Bilang rebolusyong panlipunan, isa iyong makasaysayang sitwasyon kung saan ang mga pwersa ng produksyon sa lipunan ay winasak ng umiiral ngunit mamamatay nang relasyon at pakikibaka upang palayain ang kanilang sarili mula sa mga lumang relasyon. Bilang rebolusyong pulitikal, isa iyong kongkretong kalagayan kung saan ang pakikibaka para sa pampulitikang kapangyarihan ng mga naglalabanang pwersa ng uri ay nagsusulputan upang lutasin ang panloob na krisis ng lipunan sa pamamagitan ng pagpapabagsak sa mapang-aping ugnayang pang-estado o ang pagkasupil ng mga pwersang humihingi ng pagbagsak nito.


In short, it is a dynamic, creative process following closely the continuing alignment and antagonism of class forces in society, its concrete and exact forms and means of struggle forged and "manufactured " by the masses themselves in the process of their revolutionary awakening, and not only by their conscious, vanguard elements in their plenary meetings.

Sa madaling salita, yaon ay isang dinamiko't mapanlikhang proseso na matamang sinusubaybayan ang patuloy na pagkakahanay at pagsasalungatan ng mga makauring pwersa ng lipunan, ang kongkreto't eksaktong anto at pamamaraan ng pakikibaka na hinubog at "nilikha" ng mismong mga tao sa proseso ng kanilang rebolusyonaryong pagkamulat, at hindi lang ng kanilang malay at talibang elemento sa kanilang mga pulong plenaryo.


But for Sison, revolution is a subjective, conspiratorial, deliberate process, created by the conscious, advance elements of society which have declared society as moribund, in a state of constant, chronic crisis. The revolutionary situation is always excellent. The only thing needed is to build the subjective forces of revolution.

Ngunit para kay Sison, ang rebolusyon ay pansarili, masabwat, sinasadyang proseso, na nilikha ng mga malay at abanteng elemento ng lipunan na nagdeklarang ang lipunan ay mamamatay, sa kalagayang palagian at talamak na krisis. Ang rebolusyonaryong kalagayan ay laging maganda. Ang tanging bagay na kailangan ay ang pagtatayo ng mga subhetibong pwersa ng rebolusyon.


For Sison, it is the armed struggle that makes a revolution, it is the revolution. But for Lenin, it is the revolution that leads to armed struggle, the class struggle developing to its sharpest form.

Para kay Sison, ang armadong pakikibaka ang lumilikha ng rebolusyon, iyon ang rebolusyon. Ngunit para kay Lenin, ang rebolusyon ang magtutulak sa armadong pakikibaka, at ang makauring pakikibaka ay susulong sa pinakamatalas na anyo nito.


How come in drafting his party program, Lenin, with all his dialectical genius, his treasury of knowledge, his mastery of theory, his tactical brilliance, his materialist foresight, cannot decide beforehand his "choice of methods", his "means of struggle", saying simply that it depends on a future which he cannot precisely determine!

Paanong sa pagbabalangkas ng kanyang programa ng partido, si Lenin, sa kabila ng kanyang dyalektikong pagkahenyo, ang kanyang yaman ng kaalaman, ang kanyang pagkabihasa sa teorya, ang kanyang kahusayan sa taktika, ang kanyang pananaw na materyalista, ay di antimanong makapagpasya ng kanyang "pagpili ng pamamaraan", ang kanyang "paraan ng pakikibaka", sa simpleng pagsasabing ito'y nakasandig sa hinaharap na di pa niya eksaktong batid!


But here comes Sison with his program, with all his superfluous verbosity, unfolding his "blueprint" for a people's democratic revolution, announcing with absolute certainty that there can only be one road -- the road of armed struggle, one hope -- the revolutionary peasantry and a peasant army , one line of advance -- from the countryside to the cities -- and he calls this the invincible strategy of protracted people's war, the "body and soul" of his people's democratic revolution.

Ngunit narito si Sison sa kanyang programa, sa lahat ng kanyang sobra-sobrang kaliguyan, paglalahad ng kanyang "balangkas" para sa isang demokratikong rebolusyon ng bayan, pagpapahayag ng may lubos na katiyakan na meron lang iisang landas - ang landas ng armadong pakikibaka, isang pag-asa - ang rebolusyonaryong magsasaka at ang hukbo ng magsasaka, isang linya ng pagsulong - mula sa kanayunan tungong kalunsuran - at tinawag niya itong di-malulupig na estratehiya ng matagalang digmang bayan, ang "katawan at kaluluwa" ng kanyang demokratikong rebolusyon ng bayan.


Shame on Lenin's admonitions against predetermined tactics, shame on Lenin's reliance on the dynamics of the class struggle! We only have to dissect Sison's logic to see how his "genius" operates.

Kahihiyan sa paalala ni Lenin laban sa mga pinangungunahang taktika, kahihiyan sa inaasam ni Lenin na dinamismo ng makauring tunggalian! Kailangan nating suriing mabuti ang buto't laman ng lohika ni Sison para makita kung paano tumatakbo ang kanyang "pagkahenyo".


He begins with his thesis that "armed counterrevolution can only be smashed by armed revolution". How do we launch an armed revolution? By building a people's army. How do we build a people's army? By organizing the peasantry. Why the peasantry? Because the countryside is the weakest link of the enemy. How do we win over the peasantry? By upholding the peasant demand for land as the main content of the revolution. How do we advance this armed struggle? From the countryside to the cities in a protracted war.

Nagsimula siya sa kanyang kuro-kurong ang "armadong kontrarebolusyon ay madudurog lang ng armadong rebolusyon". Paano ba natin ilulunsad ang armadong rebolusyon. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng hukbong bayan. Paano natin itatayo ang hukbong bayan? Sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng mga magsasaka. Bakit ang mga magsasaka? Dahil ang kanayunan ang pinakamahinang kawing ng kaaway. Paano natin maipapanalo ang mga magsasaka? Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kahilingang lupa para sa magsasaka bilang pangunahing nilalaman ng rebolusyon. Paano natin isusulong ang armadong pakikibaka? Mula sa kanayunan tungo sa kalunsuran sa isang matagalang digmaan.


The logic is very neat. Everything falls into place, the revolutionary design is complete and perfect.

Napakalinis ng lohika. Ang lahat ay nakapwesto na, ang rebolusyonaryong disenyo ay kumpleto at perpekto.


But there is one dangling question. Why a protracted war? Why start immediately the armed struggle? Why not build first the mass forces for this armed revolution and let the conditions mature for this is the internal law of revolution, its process of development?

Ngunit may isang usaping nakabitin. Bakit matagalang digmaan? Bakit agarang sisimulan ang armadong pakikibaka? Bakit hindi unagin muna ang pwersa ng masa para sa armadong rebolusyong ito at pabayaan nating huminog ang sitwasyon dahil ito ang panloob na batas ng rebolusyon, ang proseso ng pagsulong?


If such will be the case, this will no longer be a protracted war, but the tactics of insurrection, the tactics of armed uprising.

Kung ganito ang kaso, hindi na ito isang matagalang digmaan, kundi taktika ng insureksyon, taktika ng armadong pag-aalsa.


Back to the first question. Why protracted war? Why not use Lenin's materialist approach to revolution, relying mainly on the development of the objective conditions, of the class struggle?

Balik tayo sa unang tanong. Bakit matagalang digmaan? Bakit hindi gamitin ang pamamaraang materyalista ni Lenin sa rebolusyon, ng pagsandig pangunahin sa pagsulong ng obhetibong kalagayan, ng makauring pakikibaka?


Again, Sison did not answer this in the Party program. He just makes his assertions and he expects everybody to just take his word for it.

Muli, hindi ito sinagot ni Sison sa programa ng Partido. Gumagawa lang siya ng kanyang mga pahayag at inaasahan niya ang lahat na basta lulunukin lang ang kanyang mga sinabi.


Why protracted war?

Bakit matagalang digmaan?


Because Philippine society is "semicolonial and semifeudal"? This determines the class nature of the revolution, its national democratic character. But not the means of revolution, its "protracted war" form of development.

Dahil ang lipunang Pilipino ay "malakolonyal at malapyudal"? Tinutukoy nito ang makauring kalikasan ng rebolusyon, ang pambansa demokratikong katangian nito. Ngunit hindi ang pamamaraan ng rebolusyon, ang "matagalang digmaang" anyo ng pagsulong.


Because of the armed counterrevolution? This determines the armed nature of the revolution. But, again, not the definite form of this violent revolution which could take the form of armed uprisings or a "protracted war".

Dahil sa armadong kontrarebolusyon? Tinutukoy nito ang katangiang armado ng rebolusyon. Ngunit, muli, hindi ang depenidong anyo ng marahas na rebolusyong ito na maaaring mag-anyong armadong pag-aalsa o isang "matagalang digmaan".


There can be only one explanation for this grotesque type of revolution: Based on the concrete conditions of the Philippines, we cannot proceed with the revolution, engage in revolution, gradually build revolutionary strength except by immediately launching armed struggle. And if such is the case, this armed struggle cannot but take the form of protracted war.

Maaaring may isang paliwanag para sa kakatwang tipong ito ng rebolusyon: Batay sa kongkretong kalagayan ng Pilipinas, hindi tayo makakatuloy sa rebolusyon, makisangkot sa rebolusyon, unti-unting buuin ang rebolusyonaryong lakas kundi sa pamamagitan ng paglulunsad ng armadong pakikibaka. Kung ganito ang kaso, ang armadong pakikibakang ito ay walang patutunguhan kundi sa anyo ng matagalang digmaan.


But the fundamental point is: Did such conditions exist in the Philippines in 1968 so that we cannot proceed with the revolution except through armed struggle?

Ngunit ang pangunahing punto ay: Umiral ba ang ganyang kalagayan sa Pilipinas noong 1968 kaya hindi tayo makapagpatuloy sa rebolusyon maliban lang sa armadong pakikibaka?


Meaning, can we not advance the workers' movement except through armed struggle? Can we not advance the student movement except through armed struggle? Can we not advance a nationalist movement of the national bourgeoisie except through armed struggle? Can we not advance broad democratic movements and united front work except through armed struggle? But most of all, can we not advance the peasant movement except through armed struggle?

Ibig sabihin, hindi ba natin maaaring isulong ang kilusang manggagawa kundi sa pamamagitan ng armadong pakikibaka? Hindi ba natin maaaring isulong ang kilusang estudyante kundi sa pamamagitan ng armadong pakikibaka? Hindi ba natin maaaring isulong ang kilusang nationalista ng pambansang burgesya kundi sa pamamagitan ng armadong pakikibaka? Hindi ba natin maaaring isulong ang malawak na kilusang demokratiko kundi sa pamamagitan ng armadong pakikibaka? At higit sa lahat, hindi ba natin maaaring isulong ang kilusang magsasaka kundi sa pamamagitan ng armadong pakikibaka?



For Sison, armed struggle pertains principally to the peasant movement. In PSR, he declared: "There is no solution to the peasant problem but to wage armed struggle, conduct agrarian revolution and build revolutionary base areas."

Para kay Sison, pangunahing pumapatungkol ang armadong pakikibaka sa kilusang magsasaka. Sa PSR, idineklara niya: "Walang ibang solusyon sa suliranin ng magsasaka kundi maglunsad ng armadong pakikibaka, magsagawa ng rebolusyong agraryo, at magtayo ng mga rebolusyonayong baseng lugar.


This statement may be historically correct, but is definitely theoretically unsound. Even Lenin did not make such an absolute formulation on the peasant question of the Russian revolution although the survivals of serfdom were more prevalent in Russia even after its formal abolition by Tsarism and considering that it is a more brutal form of feudal oppression than what persisted in the Philippines in 1968.

Ang pahayag na ito'y maaaring tumpak sa kasaysayan, ngunit tiyak na di maaasahan sa usaping teoretikal. Kahit si Lenin ay di gumawa ng absolutong pormulasyon hinggil sa usaping magsasaka ng rebolusyong Ruso bagamat ang kaligtasan ng kaalipinan ay mas laganap sa Rusya kahit matapos ang pormal na pagpawi nito ng Tsarismo at isaalang-alang pang mas marahas itong anyo ng kaapihang pyudal kaysa sa mga naganap sa Pilipinas noong 1968.


We may and we must "incite" the peasantry to rebellion in our practical calls, using historical experience and social injustice as our material for agitation. This is principled. But theoretical demagoguery and trickery is unacceptable in a Marxist-Leninist Party.

Maaari natin at dapat nating "sulsulan" ang mga magsasaka na magrebelde sa pamamagitan ng ating mga praktikal na panawagan, gamit ang mga karanasan sa kasaysayan at panlipunang inhustisya bilang mga materyales natin sa ahitasyon. Ito'y prinsipyado. Ngunit ang demagogikong teoretikal at panlalansi ay hindi katatanggap-tanggap sa isang Partidong Marxista-Leninista.


It has been proven in the experience of many countries under imperialist domination or intervention that the reactionary bourgeois state can make decisive political decisions regarding land reform and resolving their peasant problem, at least, to the level that the armed option in agrarian struggle becomes unviable.

Napatunayan na sa karanasan ng maraming bansang napailalim sa imperyalistang pananakop o pakikialam na ang reaksyunaryong burgis na estado ay makagagawa ng mapagpasyang desisyong pulitikal hinggil sa reporma sa lupa at paglutas sa problema ng mga magsasaka, kahit papaano'y sa antas na ang pumiling mag-armas sa pakikibakang agraryo'y di maisasakatuparan.


Moreover, even assuming that in a given situation, armed struggle is the only viable option for the peasantry due to the extreme reactionariness and conservatism of the ruling class on the question of land reform, it does not automatically follow that this must take the form of a protracted war. It may take the form of spontaneous and sporadic peasant armed uprisings which in fact is its more universal form in world history and even here in the Philippines.

Bukod dito, kahit ipagpalagay nating sa isang latag na kalagayan, ang armadong pakikibaka ang tanging mapagpipiliang opsyon para sa mga magsasaka dahil sa sukdulang pagkareaksyunaryo at konserbatismo ng naghaharing uri sa usapin ng reporma sa lupa, di kaagad-agad na kasunod nito'y gagamiting anyo ay matagalang digmaan. Maaaring gamiting anyo nito ay kusa at manaka-nakang armadong pag-aalsa ng magsasaka na sa katotohanan ay siyang mas pandaigdigang porma sa kasaysayan ng daigdig at kahit dito sa Pilipinas.


Under what conditions then, can we correctly say, that the revolution can not proceed and advance, at the outset, except through the path of immediate armed struggle which inevitably must take the form of protracted war?

Sa ilalim ng mga anong kalagayan masasabi nating tama na ang rebolusyon ay hindi makapagpapatuloy at makasusulong, sa simula, kundi sa pamamagitan ng landas ng agarang armadong pakikibaka kung saan di maiiwasang nasa anyo ng matagalang digmaan?


This can occur if the prevailing political conditions in a country is a total military situation, when class struggle objectively is transformed into a generalized armed conflict as in colonial occupations or wars of aggression, and in extreme cases, fascist rule.

Magaganap ito kung ang lumalaganap na kalagayang pampulitika ng isang bansa ay isang buong kalagayang militar, kung kailan ang makauring tunggalian ay natatransporma tungo sa pangkalahatang armadong sagupaan tulad ng kolonyal na pananakop o digmaang agresyon, at sa sukdulang kaso, ay pasistang paghahari.


But even conditions of open terrorist rule like the Marcos fascist dictatorship do not necessarily mean a protracted war-type of revolution though the positive factors for the armed struggle is extremely intensified by such conditions. Tsarist absolutism, a political system more ruthless and barbaric than Marcos fascism, was not reason enough for Lenin to design his revolution in the mold of a protracted war struggle.

Ngunit kahit ang kalagayang lantaran ang paghahari ng lagim tulad ng pasistang diktadurya ni Marcos ay hindi nangangahulugang isang matagalang tipong-gerang rebolusyon sa pamamagitan ng mga positibong salik para sa armadong pakikibaka na sukdulang pinatindi ng nasabing kalagayan. Ang Tsaristang absolutismo, isang sistemang pulitikal na mas marahas at barbariko kaysa pasismo ni Marcos, ay hindi sapat na dahilan para kay Lenin na disenyuhin ang kanyang rebolusyon sa anyo ng matagalang digmaang pakikibaka.


Conditions in Lenin's Russia in 1900 were perfect for "protracted war", much better for "protracted war" than Sison's Philippines in 1968.

Ang mga kalagayan sa Rusya ni Lenin noong 1900 ay perpekto para sa "matagalang digmaan", na mas mabuti pa sa "matagalang digmaan" ng Pilipinas ni Sison noong 1968.


The overwhelming majority of Russia were peasants engaged in sporadic, spontaneous armed uprisings. The remnants of the old serf-owning system were still extremely numerous in Russia's countryside. Corvee and bondage, the peasants' inequality as a social-estate and as citizens, their subjection to the privileged landowners who still have the right to flog them, and their degrading living conditions which virtually turn the peasants into barbarians -- all this, according to Lenin, is not the exception but the rule in Russian countryside. This is all a direct survival of the serf-owning system, the classic form of feudalism. These relics of serfdom are more prevalent in Lenin's capitalist Russia than in Sison's "semifeudal'' Philippines. In fact, Lenin even had Tsarism -- the bulwark of reaction in Europe -- while Sison only had Marcos fascism. The Philippines is a small archipelagic country while Russia is a huge solid mass bigger and more mountainous than China.

Ang nakapananaig na mayorya ng Rusya ay mga magsasakang kasama sa kalat-kalat, ispontanyong armadong pag-aalsa. Ang mga labi ng lumang sistemang pag-aari ng alipin ay lubha pa ring marami sa kanayunan ng Rusya. Ang takdang araw ng pagtatrabahong walang bayad at pagkaalipin, ang di pagkakapantay-pantay ng magsasaka bilang estadong panlipunan at bilang mamamayan, ang kanilang pagpapasakop sa mga pribilehiyong panginoong maylupa na meron pa ring karapatang hagupitin sila, at ang kanilang kaawa-awang kalagayan ng pamumuhay, kung saan ginawang barbaro ang mga pesante - lahat ng ito, ayon kay Lenin, ay hindi pagpupwera kundi kalakaran sa kanayunang Ruso. Ito ang lahat ng direktang pananatili ng sistemang pag-aari ng alipin, ang klasikong anyo ng pyudalismo. Ang mga labing ito ng kaalipinan ay mas palasak sa kapitalistang Rusya ni Lenin kay sa "malapyudal" na Pilipinas ni Sison. Sa katunayan, may Tsarismo si Lenin - ang balwarte ng reaksyon sa Europa - habang si Sison ay may pasismo ni Marcos. Ang Pilipinas ay isang maliit at pulu-pulong bansa habang ang Rusya ay napakalaking solidong bansang mas malaki at mas maraming kabundukan kaysa Tsina.


What prevented Lenin from opting for a protracted war "strategy", for calling at the very outset for armed struggle in the Party's program instead of "concentrating all the Party's energy on organization and the regular delivery of literature" almost exclusively among the Russian working class?

Ano ang pumigil kay Lenin upang pagpasyahan ang isang "estratehiyang" matagalang digmaan, para manawagan sa mismong simula ng armadong pakikibaka sa programa ng Partiso imbes na "ikonsentra ang lahat ng lahat ng Partido sa organisasyon at sa regular na paghahatid ng panitikan" na halos natatangi lang sa uring manggawang Ruso?


The answer is simple, and it is not because Russia is capitalist as Sison's fanatics have been trained to answer. It is because Lenin did not share Sison's grotesque notion of revolution.

Simple lang ang sagot, at ito'y di dahil kapitalista ang Rusya tulad ng mga panatiko ni Sison na sinanay sumagot ng ganito. Ito'y dahil hindi kabahagi si Lenin sa kakatwang paniwala ni Sison.


Lenin insisted in organizing and directing the revolution through a party vanguard against the tailists and economists who worship spontaneity. Not in the sense of undermining, disregarding, distorting the objective laws of development of revolution and the dynamics of the class struggle but by grasping its internal motion, never imposing his will and wishes based on preconceived plans and venerated dogmas, never hesitating to discard old ideas that no longer fit to fast changing conditions.

Iginiit ni Lenin ang pag-oorganisa at paggiya sa rebolusyon sa pamamagitan ng taliba ng partido laban sa mga puta at ekonomistang sumasamba sa pagiging ispontanyo. Hindi sa kamalayang parupukin, ipagwalang-bahala, baluktutin ang layunin ng mga batas sa pagsulong ng rebolusyon at ang dinamismo ng makauring tunggalian kundi sa pag-arok sa panloob na pagkilos nito, nang hindi iginigiit ang kanyang sariling kagustuhan at inaasam batay sa binalangkas na plano at sinasambang paniniwala, hindi urong-sulong na pawiin ang mga lumang kaisipang hindi na aakma sa mabilis na pagbabago ng kalagayan.


Lenin's brilliance and success he owes to his strict and incisive materialist approach to revolution, integrating creatively his profound grasp of Marxist theory and the dynamics of the revolutionary struggle. To Lenin, the revolution is a "living organism" in a state of constant development corresponding to the development of the internal contradictions in society, and not as something mechanically concatenated, not as something artificially advancing along a preconceived, predesigned, prefabricated strategic line and therefore permitting all sorts of arbitrary impositions by some vanguard spiritual force.

Ang katalinuhan at tagumpay ni Lenin ay utang niya sa kanyang istrikto at tumatagos na materyalistang pamamaraan sa rebolusyon, na malikhaing pinagsama ang kanyang malalim na paggagap sa teoryang Marxista at dinamiko ng rebolusyonaryong pakikibaka. Para kay Lenin, ang rebolusyon ay isang "buhay na organismo" sa kalagayan ng palagiang pagsulong na umaangkop sa pagsulong ng panloob na salungatan sa lipunan, at hindi isang bagay na awtomatikong dugtong-dugtong, hindi isang bagay na artipisyal na isinulong kaagapay ang estratehikong linyang di pa nabalangkas, di pa dinisenyo, at di pa nabuo at samakatwid pinapahintulutan ang lahat ng uri ng pabigla-biglang paggigiit ng ilang talibang sagradong pwersa.


Sison's protracted war-type of revolution is the exact opposite of Lenin's approach to revolution. His ideological stock-in-trade is pure voluntarism and reductionism. To a protracted war-type of revolutionist, the advance of the revolution is determined by the armed struggle, its power source is the armed struggle. An armed struggle launched by the vanguard and its army, advancing independent of socio-economic developments for it is something given and constant ("chronic crisis theory"), advancing on the basis of the laws of war ("strategy and tactics of protracted war") and not the laws of class struggle, and as the center of gravity, all revolutionary work must conform to and serve its needs.

Ang matagalang digmaang-tipo ng rebolusyon ni Sison ang eksaktong kabaligtaran ng pamamaraan ni Lenin sa rebolusyon. Ang kanyang ideolohikal na palitan-ng-kalakal ay purong boluntarismo at reduksyonismo. Para sa isang matagalang digmaang-tipo ng rebolusyonista, ang pagsulong ng rebolusyon ay pinagpapasyahan sa pamamagitan ng armadong pakikibaka, ang pinanggagalingan ng lakas nito ay ang armadong pakikibaka. Isang armadong pakikibakang inilunsad ng taliba at hukbo nito, isinusulong ang independenteng sosyo-ekonomikong pag-unlad dahil ito'y isang bagay na lantad at palagian ("teorya ng pangmatagalang krisis"), pagsulong sa batayan ng mga batas ng digmaan ("estratehiya at taktika ng matagalang digmaan") at hindi ang mga batas ng tunggalian ng uri, at bilang sentro ng grabidad, lahat ng rebolusyonaryong gawain ay dapat umayon at magsilbi sa pangangailangan nito.


Hence, the stress in peasant work, the fixed line of advance from countryside to the cities, first in the hinterlands, next to the foothills and then down to plains, advancing wave upon wave on the basis of the requirements and limitations of guerilla warfare and not on the dynamism of class warfare, the advance of the struggle dictated by the tempo of the war comforted by the belief that, anyway, this is a people's war, this is for our "people".

Kaya, ang pagdiin sa gawaing magsasaka, ang nakapirming linya ng pagsulong mula sa kanayunan tungo sa kalunsuran, una mula sa mga liblib na pook, sunod ay sa mga burol sa paanan ng bundok at sunod ay pababa sa kapatagan, sumusulong ng pumapagaspas sa batayan ng mga rekisitos at limitasyon ng pakikidigmang gerilya at hindi sa dinamismo ng makauring pakikidigma, pagsulong ng pakikibakang idinidikta ng kalakaran ng digmaan sa tulong ng paniniwalang, sa anu't anuman, ito ay digmaang bayan, ito'y para sa ating "mamamayan".


The problem with this type of revolution is not only its un-Marxist approach to revolution. It also taught us to become un-Marxist. We accepted the given premises laid down by Sison as "absolute truths", primarily his "armed counterrevolution" thesis, as if there's something profound in such a formulation.

Ang problema sa ganitong tipo ng rebolusyon ay hindi lang ang di-Marxistang pamamaraan ng rebolusyon. Itinuturo rin nito sa ating maging di-Marxista. Tinanggap natin ang inilatag na argumento ni Sison bilang "absolutong katotohanan", pangunagin ang kanyang paniniwalang "armadong kontrarebolusyon", na para bang merong malalim sa tulad ng kanyang ibinalangkas.


From here, we easily swallowed "hook, line and sinker" his concept of armed revolution, the principality of the armed struggle, his distinction of revolutionism and reformism, etc. And then we embraced "lock, stock and barrel" his invincible strategy of "protracted people's war".

Mula rito, madali nating lunukin ng "kawit, linya at pabato" ang kanyang konsepto ng armadong rebolusyon, ang mga pamunuan ng armadong pakikibaka, ang kaibahan ng rebolusyonismo at repormismo, atbp. At pagkatapos ay pagyakap natin sa "seradura, stock at pampulitika" ang kanyang di-malulupig na estratehiya ng “matagalang digmaang bayan.”

Actually, to the question of "Why start the war immediately?", Sison had an answer in his "Specific Characteristics of Our People's War." According to Sison: "the more time we have for developing our armed strength from practically nothing the better for us in the future." This is the convoluted logic of Sison's grotesque concept of revolution in its most vulgar form.

Sa totoo lang, sa katanungang "Bakit agarang sisimulan ang digmaan?", may sagot si Sison sa kanyang "Ispesipikong Katangian ng Ating Digmaang Bayan." Ayon kay Sison: "ang mas maraming panahong meron tayo para paunlarin ang ating armadong lakas mula sa wala, mas mabuti para sa atin sa hinaharao." Ito ang pilipit na lohika ni Sison sa kanyang kakatwang konsepto ng rebolusyon sa lubusang kabulgaran nito.


SUSUNOD: The CPP'S Agrarian Policy: From Whose Class Viewpoint?

No comments: