Ito ang IKA-5 BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPDR.
Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. Susunod na poproyektuhin ang pagsasalin ng counter thesis sa PSR at PPW. – greg
Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.
The CPP'S Agrarian Policy: From Whose Class Viewpoint?
Ang Patakarang Agraryo ng CPP: Mula Kaninong Makauring Pananaw?
What is an agrarian program of a Communist Party?
Ano ang programang agraryo ng Partido Komunista?
It is a definition of the guiding principles of the policy of the party of the class conscious proletariat on the agrarian question, i.e., policy in relation to agriculture and the various classes, sections and groups of the rural population.
Ito ay isang depinisyon ng gabay na prinsipyo ng polisiya ng partido ng mulat-sa-uring proletaryado sa usaping agraryo, hal., polisiya sa relasyon ng agrikultura at ng iba't ibang uri, seksyon, grupo ng populasyon sa kanayunan.
Big landowners, agricultural wage-workers, and peasants -- these are the three main components of our rural population. But since ours is a "peasant" country, the Party's agrarian program is chiefly a proletarian program defining our attitude towards the peasant question, a proletarian program in a peasant revolution that is directed against the survivals of feudalism, against all that is feudal in our agrarian system.
Ang mga malalaking panginoong maylupa, sahurang manggagawang-bukid, at magsasaka - ito ang tatlong pangunahing salik ng ating populasyon sa kanayunan. Ngunit dahil bansa ng "magsasaka" ang sa atin, ang programang agraryo ng Partido higit sa lahat ay programang proletaryado na naglilinaw ng ating tindig hinggil sa usaping magsasaka, isang programang proletaryado sa rebolusyong magsasaka na nakatuon laban sa pananatili ng pyudalismo, laban sa lahat ng pyudal sa ating sistemang agraryo.
According to Sison, our people's democratic revolution, in the main, is a "peasant revolution", a "peasant war". Although the "leading force" is the proletariat, the "main force" of this revolution is the "peasantry". Peasant demand for land is the "main democratic content" of our people's revolution.
Ayon kay Sison, ang ating demokratikong rebolusyon ng bayan, sa pangunahin, ay isang "rebolusyong magsasaka", isang "digmaang magsasaka". Bagamat ang "namumunong pwersa" ay ang proletaryado, ang "pangunahing pwersa" ng rebolusyong ito ay ang "magsasaka". Ang kahilingang lupa para sa magsasaka ang "pangunahing demokratikong nilalaman" ng ating rebolusyong bayan.
This is how important, how crucial the peasant question is to our revolution. Many revolutions met their "Waterloo" on this question. Hence, the need for an agrarian Party program that is consistent in principle and politically expedient. Here lies the biggest challenge to the Party of the revolutionary proletariat, drafting a proletarian program that is "consistent" with the fundamentals of Marxism-Leninism and at the same time "expedient" in developing the countryside as a bulwark of the revolution.
Ganito kahalaga, kakritikal ang usaping magsasaka sa ating rebolusyon. Maraming rebolusyon ang umabot sa kanilang "Waterloo" sa usaping ito. Kaya, may pangangailangan para sa programang agraryo ng Partido na umaayon sa prinsipyo at kaangkupang pulitikal. Narito nakasalalay ang pinakamalaking hamon sa Partido ng rebolusyonaryong proletaryado, pagbalangkas ng programang proletaryado na "umaalinsunod" sa saligan ng Marxismo-Leninismo at kasabay nito'y "umaangkop" sa pagsulong ng kanayunan bilang balwarte ng rebolusyon.
Contrary to what Sison would like us to believe, as he obviously believed, the "peasant question" is a most difficult and most complicated question. It has no simple formulations and simple solutions that address an agrarian situation warped in a three dimensional development of history -- its feudal, capitalist and socialist elements interwoven in a complex web of relations.
Kabaligtaran sa nais ipapaniwala sa atin ni Sison, na lantaran niyang pinaniniwalaan, ang "usaping magsasaka" ang pinakamahirap at pinakamasalimuot na usapin. Walang simpleng pormulasyon at simpleng solusyon na tumutugon sa isang kalagayang agraryong nakapilipit sa tatlong dimensyunal na pagsulong ng kasaysayan - ang kanyang pyudal, kapitalista at sosyalistang elementong tumatahi sa kumplikadong sapot ng mga relasyon.
But first, on questions of principles, mainly on the attitude of the proletariat toward the peasantry, which again will push into the forefront the class viewpoint of the Party in drafting its agrarian program, the class position of the Party on the peasant question.
Ngunit una, hinggil sa usapin ng prinsipyo, pangunahin sa pakikitungo ng proletaryado sa mga magsasaka, na muli'y magtutulak sa dulong harapan ng makauring pananaw ng Partido sa pagbalangkas ng programang agraryo, ang makauring tindig ng Partido sa usaping magsasaka.
It should be made clear at the outset that not because we are presenting a "peasant program" we will formulate it from the class position of the peasantry instead of from the class viewpoint of the proletariat.
Dapat maliwanag sa simula pa lang na hindi dahil nagpi-presenta tayo ng "programa ng magsasaka" magbabalangkas na tayo ng makauring tindig ng magsasaka sa halip na mula sa makauring pananaw ng proletaryado.
PPDR made categorical theoretical formulations on its attitude towards the peasantry. It considers the peasantry as the "closest ally" of the proletariat, as "the main force of the people's democratic revolution." According to Sison, "the peasant's struggle for land is the main content of the people's democratic revolution." In launching the armed revolution, the working class, according to Sison, "should principally rely on the mass support of its closest ally, the peasantry." But in building the revolutionary antifeudal united front, the working class "must rely mainly on the poor peasants and farm workers, then win over and unite with the middle peasants and neutralize the rich peasants." As formulated in PPDR, the relationship of the working class with the farm workers is one of alliance ("In its close alliance with the poor peasants and farm workers...).
Nilikha ng PPDR ang tiyakang teoretikal na pormulasyon sa asta nito hinggil sa mga magsasaka. Itinuturing nito ang mga magsasaka bilang "pinakamalapit na alyado" ng proletaryado, bilang "pangunahing pwersa ng demokratikong rebolusyon ng bayan." Ayon kay Sison, "ang pakikibaka ng manggagawa para sa lupa ang pangunahing nilalaman ng demokratikong rebolusyon ng bayan." Sa paglulunsad ng armadong rebolusyon, ang uring manggagawa, ayon kay Sison, "ay dapat pangunahing umasa sa suportang masa ng pinakamalapit nitong alyado, ang mga magsasaka." Ngunit sa pagtatatag ng rebolusyonaryong antipyudal na nagkakaisang prente, ang uring manggagawa'y "dapat pangunahing umasa sa mga mahihirap na magsasaka at mga manggagawang bukid, kabigin sila at makipagkaisa sa mga panggitnang magsasaka at nyutralisahin ang mga mayayamang magsasaka." Sa pagbalangkas sa PPDR, ang ugnayan ng uring manggagawa sa mga manggagawang bukid ay isang alyansa ("Sa mahigpit na alysan nito sa mga mahihirap na magsasaka at manggagawang bukid...).
Let us analyze the meaning of all these formulations in their "consistency in principle", i.e, in relation to Marxism-Leninism.
Suriin natin ang kahulugan ng lahat ng mga pormulasyong ito sa kanilang "pagkakaayon sa prinsipyo". hal., kaugnay sa Marxismo-Leninismo.
What is the Marxist-Leninist attitude, in terms of theory with regards to the peasantry?
Ano ang pakikitungo ng Marxista-Leninista, sa usapin ng teorya hinggil sa mga magsasaka?
In present-day society, the peasantry no longer constitutes an integral class. The differentiation within the peasantry is relentlessly sharpened, its ruin as a class of small-scale producers is intensified as a result of the continuing inroads of capitalism in agriculture, specifically, the dominance of commodity production, and the continuing decay of the old feudal mode.
Sa kasalukuyang lipunan, hindi na binubuo ng magsasaka ay buong uri. Ang kaibhan sa mga magsasaka ay walang patumanggang hinahasa, ang pagkadurog nito bilang isang uri ng mga maliitang tagalikha ay pinasisidhi bilang resulta ng patuloy na pakikialam ng kapitalismo sa agrikultura, partikular, ang pangingibabaw ng produksyon ng kalakal, at ang mga patuloy na pagkabulok ng lumang modang pyudal.
In the struggle against the survivals of feudalism, in "instances and relationships where this system still prevails, and insofar as it still prevails, its enemy is the peasantry as a whole." In the struggle against feudalism and the state that serves in preserving its remnants, the peasantry still stands as a class, a class not of capitalist but of feudal society.
Sa pakikibaka laban sa pananatili ng pyudalismo, sa "mga pagkakataon at mga ugnayan kung saan nananaig ang sistemang ito, at hanggang ito'y patuloy na nananaig, ang kaaway nito'y ang mga magsasaka sa kabuuan." Sa pakikibaka laban sa pyudalismo at sa estadong nagsisilbi para ipreserba ang mga labi nito, ang mga magsasaka'y tumitindig pa rin bilang isang uri, isang uri hindi ng kapitalista kundi ng pyudal na lipunan.
According to Lenin, "inasmuch" as this class antagonism between the "peasantry" and the landlords, so characteristic of feudal society, still survives in our countryside, "insomuch" a working class party must undoubtedly be on the side of the "peasantry", support its struggle and urge it on to fight against all remnants of feudalism."
Ayon kay Lenin, "yayamang" ang makauring salungatang ito sa pagitan ng "mga magsasaka" at mga panginoong maylupa, na siyang katangian ng lipunang pyudal, na patuloy na nabubuhay sa kanayunan, "anupa't" ang partido ng uring manggagawa ay dapat walang dudang nasa panig ng "mga magsasaka", tumulong sa pakikibaka nito at pilitin itong labanan ang lahat ng labi ng pyudalismo."
But he adds that, "inasmuch" as feudalism is being eliminated by 'present day' (bourgeois) society, "insomuch" the peasantry ceases to be a class and becomes divided into the rural proletariat and the rural bourgeoisie (big, middle, petty, and very small). "Inasmuch" as feudal relationships still exist, "insomuch" the peasantry still continues to be a class, a class of feudal society rather than of bourgeois society.
Ngunit idinagdag niyang, "yayamang" ang pyudalismo ay iwinawaksi ng 'kasalukuyang' (burgis) na lipunan, "anupa't" napapawi bilang uri ang mga manggagawa at nahahati na sa proletaryado sa kanayunan at sa burgesya sa kanayunan (malaki, gitna, peti, at lubhang maliit). "Yayamang" ang ugnayang pyudal ay umiiral pa rin, "anupa't" ang magsasaka'y magpapatuloy bilang uri, isang uri sa pyudal na lipunan sa halip na sa burgis na lipunan.
To Lenin: "This 'inasmuch--insomuch' exists in real life in the form of an extremely complex web of serf-owning and bourgeois relationships in the Russian countryside today. To use Marx terminology, labor rent, in kind, money rent and capitalist rent are all most fantastically interlinked in our country."
Para kay Lenin: "Itong 'yayamang-anupa't" ay umiiral sa tunay na buhay sa anyo ng sukdulang masalimuot na sapot ng pag-aari ng alipin at burgis na relasyon sa kanayunan ng Ruso ngayon. Sa paggamit ng terminolohiya ni Marx, ang upa sa paggawa, sa uri, upa sa salapi at upa ng kapitalista ang lahat ng pinakakamangha-manghang nag-uugnayan sa ating bansa."
This is the reason why Lenin sometimes put the word "peasantry" in quotation marks in order to emphasize the existence of an absolutely indubitable contradiction with regards to the status of the peasantry as a class. This, according to Lenin, is not a contradiction in a doctrine but a contradiction in life itself.
Ito ang dahilan kung bakit minsan nilalagyan niya ng mga panipi ang salitang "magsasaka" upang ipagdiinan ang pag-iral ng lubusan at walang dudang kontradiksyon hinggil sa kalagayan ng magsasaka bilang uri. Ito, ayon kay Lenin, ay hindi kontradiksyon sa doktrina kundi isang kontradiksyon sa mismong buhay nito.
Hence, the inevitability of a complex solution of the agrarian question, and the task is not to look for a "simple solution to such tangled problems. It is our duty to fight against all remnants of feudal relations -- that is beyond doubt -- but since these are intricately interwoven with bourgeois relations, "we are obliged to penetrate into the very core, undeterred by the complexity of the task."
Kaya, ang di-maiiwasang masalimuot na solusyon ng usaping agraryo, at ang gawain ay di ang maghanap ng "simpleng solusyon sa mga sala-salabat na problemang tulad nito. Tungkulin nating labanan lahat ng labi ng pyudal na relasyon - nang walang duda - ngunit dahil ito'y masalimout na tahi-tahi ng burgis na relasyon, "naoobliga tayong pasukin ang kaibuturan nito, na di mapipigil ng pagkakumplikado ng tungkulin."
Sison, obviously, did not heed Lenin's advice. He simplified the Party's "agrarian problem" with a simple solution -- "Land to the Landless!" But before we tackle Sison's fighting slogan, we must first clarify the Marxist-Leninist guiding principles on how the proletariat should support "peasant" demands, on how the Party defines the nature of the proletariat's "peasant" demands.
Halatang hindi sinunod ni Sison ang payo ni Lenin. Pinasimple niya ang "problemang agraryo" ng Partido ng isang simpleng solusyon - "Lupa para sa mga walang lupa!" Ngunit bago natin talakayin ang palabang panawagan ni Sison, dapat muna niyang ilinaw ang Marxista-Leninistang gabay na prinsipyo kung paano susuportahan ng proletaryado ang mga kahilingan ng "magsasaka", kung paano pinaliliwanag ng Partido ang kalikasan ng kahilingang "magsasaka" ng proletaryado.
The class-conscious Party of the proletariat should make "two highly circumscribed conditions" in the inclusion of the "peasant" demands in its program. According to Lenin: "We make the legitimacy of "peasant demands" in a Social-Democratic program dependent, firstly, on the condition that they lead to the eradication of remnants of the serf-owning system, and secondly, that they facilitate the free development of the class struggle in the countryside."
Ang mulat-sa-uring Partido ng proletaryado ay dapat gumawa "dalawang mataas na takdang kalagayan" sa pagsama sa kahilingan ng "magsasaka" sa programa nito. Ayon kay Lenin: "Ginagawa natin ang pagiging lehitimo ng "kahilingan ng magsasaka" sa Sosyal-Demokratang programang umaasa, una, sa kalagayang tumungo sa pagpawi ng mga labi ng sistema ng pag-aari ng alipin, ang ikalawa, pinabibilis nila ang malayang pagsulong ng makauring pakikibaka sa kanayunan."
Why these "two highly circumscribed conditions"? Because, for Lenin, the "fundamental criterion" of what we can and must demand (in the minimum program) for the wage-workers and for the peasants is "absolutely different".
Bakit itong "dalawang mataas na takdang kalagayan"? Dahil, para kay Lenin, ang "batayang pamantayan" ng mahihiling natin at dapat hilingin (sa minimum na programa) para sa mga sahurang manggagawa at para sa mga magsasaka ay "lubos na magkaiba".
According to Lenin: "For the workers, we demand such reforms as would 'safeguard them from physical and moral degeneration and raise their fighting capacity'; for the peasants, however, we seek only such changes as would help 'to eradicate the remnants of the old serf-owning system and facilitate the free development of the class struggle in the countryside'. Hence, it follows that our demands in favor of the peasants are far more restricted, that their terms are much more moderate and presented in a smaller framework."
Ayon kay Lenin: "Para sa mga manggagawa, hinihiling namin na iyang mga reporma na ''mangangalaga sa mga ito mula sa pisikal at moral na pagkabulok at iangat ang kanilang kakayahang lumaban; para sa mga magsasaka, gayunpaman, hinahanap namin ang mga tulad na pagbabago na makakatulong 'upang puksain ang mga labi ng lumang pamusabos-aari ng sistema at mapadali sa malayang pagpapaunlad ng mga labanan ng mga klase sa kanayunan'.
Why this class difference, why this "class bias"? Here is Lenin's explanation: "With regard to the wage-workers, we undertake to defend their interests as a class in present-day society. We do this because we consider their class movement as the only truly revolutionary movement... and strive to organize this particular movement, to direct it, and bring the light of socialist consciousness into it."
Bakit makauring kaibahang ito, bakit "makauring pagkiling" na ito? Ito ang paliwanag ni Lenin: "Hinggil sa mga manggagawang sahuran, ginagawa naming ipagtanggol ang kanilang interes ilang uri sa kasalukuyang lipunan. Ginagawa namin ito dahil itinuturing namin ang kanilang makauring kilusan bilang natatanging tunay na rebolusyonaryong kilusan... at magsikap na organisahin ang partikular na kilusang ito, ang gabayan ito, at dalhin ang liwanag ng sosyalistang kamalayan sa mga ito."
How about the peasantry, do we defend them as a class? According to Lenin, no, "we do not by any means undertake to defend its interest as a class of small landowners and farmers in present-day society. Nothing of the kind."
Paano naman ang mga magsasaka, ipagtatanggol ba natin sila bilang uri? Ayon kay Sison, hindi, "sa anupamang paraan hindi namin ipinagtatanggol ang kanyang interes bilang uri ng mga maliliit na may-ari ng lupa at magbubukid ng kasalukuyang lipunan. Walang ganyan."
"The emancipation of the workers must be the act of the working class itself -- and for this reason, Lenin insists that, "Social-Democracy represents -- directly and wholly -- the interest of the proletariat alone, and seeks indissoluble organic unity with its class movement alone." For Lenin, "all the other classes of present-day society stand for the preservation of the foundations of the existing economic system, and that is why Social-Democracy can undertake to defend the interests of those classes only under certain circumstances and on concrete and strictly defined conditions."
"Ang paglaya ng uring manggagawa ay pagkilos ng uring manggagawa mismo - at sa kadahilanang iyan, iginiit ni Lenin, "Nirerepresenta ng Sosyal-Demokrasya - nang lubusan at ganap - ang interes lang ng proletaryado, at naghahanap ng di-masisirang kaisahang organiko sa makauring kilusan lang nito." Para kay Lenin, "lahat ng iba pang uri ng kasalukuyang lipunan ay tumayo para sa pangangalaga ng mga pundasyon ng umiiral na pang-ekonomiyang sistema, at ito ang dahilan kung bakit nagagawang ipagtanggol ng Sosyal-Demokrasya ang interes ng mga uring iyon sa ilalim ng ilang pangyayari at sa kongreto at istriktong tukoy na kalagayan."
This is how Lenin views the peasantry and other class forces from his unswerving proletarian standpoint. He fully subscribes to the entire spirit of Marx teachings. The Communist Manifesto declares outright that "of all the classes that stand face to face with the bourgeoisie... the proletariat alone is a really revolutionary class... The small manufacturer... the artisan, the peasant... are not revolutionary, but conservative. Nay more, they are reactionary... If by chance they are revolutionary, they are so only in view of their impending transfer into the proletariat... they desert their own standpoint to place themselves at that of the proletariat."
Ganito tinitingnan ni Lenin ang mga magsasaka at iba pang makauring pwersa mula sa kanyang walang-kinikilingang proletaryong paninindigan. Ganap siyang sumasang-ayon sa buong diwa ng mga aral ni Marx. Walang atubiling idineklara ng Manipesto ng Komunista na "sa lahat ng uring nakakatindig ng harapan sa burgesya... ang proletaryado lamang ang tunay na rebolusyonaryong uri... Ang mga maliliit na may-ari ng pabrika... artisano, magsasaka... ay hindi rebolusyonaryo, kundi konserbatibo. Hindi pa, sila ay mga reaksyunaryo... Kung dahil sa pagkakataon sila'y mga rebolusyonaryo, ganuon lang sila dahil sa nakikitang napipintong paglipat nila bilang proletaryado... iiwan nila ang kanilang sariling paninindigan upang palitan ito ng sa proletaryado."
Lenin insisted that in a party program, we must point in positive form to the conservatism of the petty bourgeoisie, referring to the peasantry. And only in conditional form should we point to its revolutionary spirit. Only such a formulation will coincide in full with the entire spirit of Marx teachings.
Iginiit ni Lenin na sa isang programa ng partido, dapat matumbok natin sa positibong anyo ang konserbatismo ng petiburgesya, na tumutukoy sa magsasaka. At tanging sa may pasubaling anyo lamang na matutumbok natin ang rebolusyonaryong diwa nito. Tanging ang pormulasyong ito lang ang makakatulad ng ganap sa buong diwa ng mga aral ni Marx.
Sison and his cabal of fanatics must not be allowed again to swindle Filipino communists with their stock-in-trade theoretical trickery that Marx' declaration in the Communist Manifesto and Lenin's teachings do not apply to the Philippines because we are "semifeudal".
Si Sison at ang kanyang mga intrigerong panatiko ay hindi dapat payagan muling lokohin ang mga komunistang Pilipino sa kanilang palitan-ng-kalakal na teoretikal na panloloko na ang deklarasyon ni Marx sa Manipesto ng Komunista at ang mga aral ni Lenin ay hindi aplikable sa Pilipinas dahil tayo ay "malapyudal".
Lenin's Russia is more "semifeudal" and he described Russia as such -- "semifeudal"! Mao was not the originator of such term. In fact Lenin's Russian countryside of 1902 was more backward than Sison's semifeudal countryside of 1968. Russia was ruled by Tsardom and what survived and predominated in its countryside are the relics of the worst kind of feudalism -- serfdom! But more important than this "comparative" argument is the fact that Marx' and Lenin' analysis of the peasantry as a differentiated and disintegrating class conforms to the concrete realities of Philippine countryside.
Ang Rusya ni Lenin ay mas "malakolonyal" at isinalarawan ang Rusya tulad ng - "malapyudal"! Hindi si Mao ang nag-umpisa ng ganuong termino. Sa katunayan, ang kanayunang Ruso ni Lenin noong 1902 ay mas atrasado pa kaysa malapyudal na kanayunan ni Sison noong 1968. Pinaghaharian ng Tsardom ang Rusya at ang mga umiral at nangibabaw sa kanayunan nito ay mga labi ng pinakamasamang klase ng pyudalismo - kaalipinan! Ngunit ang mas mahalaga kaysa sa "pagtutulad" na argumentong ito ay ang katotohanang ang pagsusuri nina Marx at Engels hinggil sa mga magsasaka bilang paiba-iba at palusaw na uri ay umaayon sa kongkretong kalagayan ng kanayunan sa Pilipinas.
The demand for the eradication of feudal remnants is common to all democratic elements. Where lies our fundamental difference with all the rest? It is by demanding that the "free development of the class struggle be ensured", the second of Lenin's two preconditions for a correct presentation of the peasant demands in the proletarian program. This is of utmost importance both for the principled presentation of the agrarian question in general, and for an appraisal of individual agrarian demands in particular.
Ang pangangailangang mapawi ang mga labi ng pyudalismo ay karaniwan sa lahat ng demokratikong elemento. Saan nakasalalay ang saligang pagkakaiba-iba sa lahat ng ito? Ito'y sa pamamagitan ng paghiling na "matiyak ang malayang pagsulong ng makauring tunggalian", ang ikalawa sa dalawang prekondisyones ni Lenin para sa tamang presentasyon ng usapng agraryo sa kabuuan, at para sa pagtantya sa indibidwal na pangangailangang agraryo sa partikular.
This condition is the fundamental and focal point in the theory of Marxism on the agrarian question.
Ang kalagayang ito ang saligan at klarong punto ng teorya ng Marxismo sa usaping agraryo.
For Lenin, "To acknowledge this condition means recognizing that, despite all its confusion and complexity, despite all the diversity of its forms, the evolution of agriculture is also capitalist evolution, that (like the evolution of industry) it also engenders the proletariat's class struggle against the bourgeoisie, that precisely this struggle must be our prime and fundamental concern, the touchstone for both questions of principle and political tasks, as well as methods of propaganda, agitation and organization."
Para kay Lenin, "Ang tanggapin ang kalagayang ito ay nangangahulugang kilalaning, sa kabila ng lahat ng pagkalito at pagkakumplikado nito, sa kabila ng pagkakaiba ng mga anyo nito, ang ebolusyon ng agrikultura ay ebolusyong kapitalista rin, na (tulad ng ebolusyon ng industriya) magbubunga rin ito ng makauring pakikibaka ng proletaryado laban sa burgesya, na ang pakikibakang ito'y tiyak na dapat saligan at pangunahin nating pakialam, ang sukatan patra sa kapwa usapin ng prinsipyo at pulitikal na tungkulin, pati na rin ang pamamaraang propaganda, ahitasyon at organisasyon."
And Lenin further emphasized: "To acknowledge this condition means undertaking to abide unswervingly by the class viewpoint also in the very painful question of the participation of the small peasants in the Social-Democratic movement, means sacrificing nothing of the proletariat's standpoint in favor of the interests of the petty bourgeoisie, but, on the contrary, demanding that the small peasant, who is being oppressed and ruined by all modern capitalism, should desert his own class standpoint and place himself at the standpoint of the proletariat."
At binigyang-diin pa ni Lenin: ""Ang tanggapin ang kalagayang ito ay nangangahulugang gawin upang tumalimang walang kinikilingan sa pamamagitan din ng makauring papanaw sa napakasakit na usapin ng pakikilahok ng mga maliliit na magsasaka sa Sosyal-Demokratikong kilusan, na nangangahulugang walang isinasakripisyo sa paninindigan ng proletaryado pabor sa interes ng petiburgesya, ngunit, sa kabaligtaran, hinihiling na ang maliit na magsasaka, na laging pinagsasamantalahan ay winawasak ng lahat ng modernong kapitalismo, ay dapat nang iwan ang sarili nitong makauring paninindigan at ilagay ang sarili sa paninindigan ng proletaryado."
And just to show how far Sison had abandoned the class line, let us quote furthermore from Lenin on this question: "By setting this condition, we are providing a guiding principle that will enable any Social-Democrat, even if he finds himself in some out-of-the-way village, even if he is faced with the most tangled web of agrarian relationships, which bring general democratic tasks into the foreground, to apply and stress his proletarian standpoint when he is tackling those tasks -- just as we remain Social-Democrats when we tackle general-democratic, political problems."
At upang ipakita kung gaano iniwan ni Sison ang linyang makauri, sumipi pa tayo kay Lenin sa usaping ito: "Sa pagtatakda ng ganitong kalagayan, naglalahad tayo ng gabay na prinsipyo upang maarmasan ang sinumang Sosyal-Demokrata, kahit mapunta pa siya sa nayong di kasama sa kanyang plano, kahit makaharap niya ang pinakamasalimuot na relasyong agraryo, na nagbibigay ng pangkalahatang demokratikong tungkulin sa pinakamahalagang katayuan, upang gamitin at bigyang-diin ang paninindigang proletaryado kapag tinatalakay niya ang mga tungkuling yaon - tulad ng pananatili nating Sosyal-Demokrata kapag tinalakay natin ang pangkalahatang demokratikong problemang pulitikal."
It's as if Lenin had in mind people like Sison, who in their eagerness for the people's revolution, in their over-indulgence to the "revolutionariness" of the peasantry, forgot their proletarian standpoint, forgot socialism, forgot Marxism, and transformed themselves into "national democrats of the new-type", meaning Communists who transformed themselves into national democrats.
Ito'y tila ba nasa isip ni Lenin ang mga taong tulad ni Sison, na dahil sa kanilang pagkasabik sa rebolusyon ng bayan, sa kanilang lubusang pagkapabor sa "pagkarebolusyonaryo" ng magsasaka, ay nakalimutan ang kanilang paninindigang proletaryado, nakalimutan ang sosyalismo, nakalimutan ang Marxismo, at binago ang kanilang sarili tungo sa "bagong tipong pambansang demokrata" na nangangahulugang mga Komunistang naging mga pambansang demokrata.
Lenin even affixed the following point as a footnote: "The more 'indulgence' we show, in the practical part of our program, towards the small producer (e.g., to the peasant), the 'more strictly' must we treat these unreliable and double-faced social elements in the theoretical part of the program, without sacrificing one iota of our standpoint..." With this kind of class attitude to the "peasantry", no wonder a petty bourgeois revolutionist like Sison would prefer a Mao than a Lenin in worshiping the "revolutionariness" of the peasantry in "armed struggle" to appropriate the landholding of the landlord for themselves as small producers.
Ikinabit din ni Lenin ang mga sumusunod na punto bilang talababa: "Habang ipinakikita natin ang higit na 'kapaboran', sa praktikal na bahagi ng ating programa, hinggil sa mga maliliit na tagagawa (hal. ng magsasaka), 'mas istrikto' nating inaasikado ang mga di-maaasahan at doble-karang elementong panlipunan sa bahaging teoretikal ng ating programa, nang walang isinasakripisyong kahit isang katiting sa ating paninindigan..." Sa ganitong klase ng makauring saloobin sa "magsasaka", di nakapagtatakang ang petiburgis na rebolusyonistang si Sison ay mas pipiliin si Mao kaysa kay Lenin sa pagsamba sa "pagkarebolusyonaryo" ng magsasaka sa "armadong pakikibaka" upang iakma ang pamamahala sa lupa ng mga panginoong maylupa para sa kanilang sarili bilang maliliit na tagalikha.
Does it mean, because of these Leninist convictions with regards to the peasant question, a Communist should not provide the strongest support for the antifeudal struggle of the peasantry? On the contrary, he can and he must.
Nangangahulugan ba itong, dahil sa mga paniniwalang Leninistang ito hinggil sa usaping magsasaka, hindi na dapat magbigay ng matinding suporta ang isang Komunista para sa pakikibakang antipyudal ng mga magsasaka? Sa kabaligtaran naman, magagawa niya at dapat niyang gawin.
Without betraying our convictions in the slightest, but, rather, because of those convictions, Lenin insists that "the working-class party should inscribe on its banner support for the peasantry (not by any means as a class of small proprietors or small farmers), insofar as the peasantry is capable of revolutionary struggle against the survivals of serfdom in general and against the autocracy in particular... If support for the liberal demands of the big bourgeoisie does not mean support of the big bourgeoisie, then support for the democratic demands of the petty bourgeoisie does not mean support of the petty bourgeoisie; on the contrary, it is precisely this development which political liberty will make possible in Russia that will, with particular force, lead to the destruction of small economy under the blows of capital."
Nang hindi natin ipinagkakanulo ang ating paninindigan sa pinakamababa, kundi manapa'y dahil sa ganitong mga paninindigan, iginiit ni Lenin na "dapat isatitik ng partido ng uring manggagawa sa kanilang bandila ang pagsuporta sa mga magsasaka (hindi sa pamamagitan ng ibang pamamaraan bilang uri ng maliliit na mangangalakal o maliliit na magsasaka), hangga't may kakayahan ang magsasaka sa rebolusyonaryong pakikibaka laban sa pananatili ng kaalipinan sa pangkalahatan at laban sa awtokrasya sa partikular... Kung ang suporta para sa kahilingang liberal ng malalaking burgesya ay hindi nangangahulugang pagsuporta sa malalaking burgesya, samakatwid ang suporta para sa mga demokratikong kahilingan ng petiburgesya ay hindi nangangahulugang pagsuporta sa malalaking petiburgesya; sa kabaligtaran naman, tiyak na ang pagsulong na ito ng kalayaang pampulitika ay maaaring maganap sa Rusya, na tutungo, nang may partikular na pwersa, sa pagkawasal ng maliliit na ekonomya sa ilalim ng dagok ng kapital."
Lenin identified two basic forms of the class struggle intertwined in the Russian countryside: 1) the struggle of the peasantry against the privileged landed proprietors and against the remnants of serfdom; 2) the struggle of the emergent rural proletariat against the rural bourgeoisie.
Tinukoy ni Lenin ang dalawang batayang anyo ng makauring tunggaliang nakapulupot sa kanayunang Ruso: 1) ang pakikibaka ng mga magsasaka laban sa may pribilehiyong may-ari ng lupa at laban sa mga labi ng kaalipinan; 2) ang pakikibaka ng papasulpot na proletaryado sa kanayunan laban sa burgesya ng kanayunan.
And he declared categorically: "For Social Democrats the second struggle, of course, is of greater importance; but they must also indispensably support the first struggle to the extent that it does not contradict the interests of social development."
At ipinahayag niya ng may katiyakan: "Para sa mga Sosyal-Demokrata, ang ikalawang pakikipagtunggali syempre ang mas mahalaga; kailang din nilang suportahan ang unang pakikipagtunggali sukdulan mang di ito sumasalungat sa interes ng kaunlarang panlipunan."
This is how unswerving and consistent Lenin is on his class line. First, he considers the struggle of the farm workers more important than the antifeudal struggle of the peasantry though it should be supportive of the latter. Second, support for the antifeudal struggle of the peasantry should advance not contradict social progress. Meaning, as he always insists, support for the antifeudal struggle is not because the proletariat is supportive of the peasantry as a class, but, rather, because this peasant antifeudal struggle conforms to the interest of social progress and the class struggle of the proletariat. By social progress in agrarian struggle, Lenin is primarily refering to the development of the productive forces, to the economic basis of the proletarian agrarian program.
Ganyan kawalang-kinikilingan at palaging maaasahan si Lenin sa kanyang linyang makauri. Una, isinasaalang-alang niya ang pakikibaka ng mga manggagawang bukid na mas mahalaga kaysa antipyudal na pakikibaka ng mga magsasaka bagamat dapat na sumuporta ito sa magsasaka. Ikalawa, ang pagsuporta sa antipyudal na pakikibaka ng mga magsasaka ay dapat magsulong ng di salungat sa kaunlarang panlipunan. Ibig sabihin, na palagi niyang iginigiit, ang pagsuporta sa antipyudal na pakikibaka ay hindi dahil ang proletaryado'y sumusuporta sa mga magsasaka bilang uri, kundi dahil ang pakikibakang antipyudal ng magsasaka ay umaayon sa interes ng kaunlarang panlipunan at sa makauring pakikibaka ng proletaryado. Sa pamamagitan ng kaunlarang panlipunan sa pakikibakang agraryo, pangunahing tinutukoy ni Lenin dito ay ang pagsulong ng produktibong pwersa, sa ekonomikong batayan ng agraryong programa ng proletaryado.
Lenin never underestimated or doubted the existence of revolutionary elements among the peasantry, their "revolutionariness" in the antifeudal and antitsarist struggle. But he did not in the least exaggerate the strength of the peasantry, he did not forget the political backwardness and ignorance of the peasants. He did not in the least forget the endless means which the government has at its disposal for the political deception and demoralization of the peasantry.
Hindi minaliit o pinagdudahan ni Lenin ang pag-iral ng mga rebolusyonaryong elementong kabilang sa mga magsasaka, ang "pagkarebolusyonaryo" nila sa pakikibakang antipudal at antitsarista. Ngunit kahit papaano'y hindi niya pinalaki ang lakas ng mga magsasaka, hindi niya nakalimutan ang pampulitikang pagkaatrasado at pagkaignorante ng mga magsasaka. Kahit papaano'y hindi niya nakalimutan ang walang katapusang pamamaraan ng gobyerno na nasa imbakan nito para sa pulitikal na panlalansi at demoralisasyon ng mga magsasaka.
From all these there follows only one thing, according to Lenin: "It would be senseless to make the peasantry the vehicle of the revolutionary movement, that a party would be insane to condition the revolutionary character of its movement upon the revolutionary mood of the peasantry. There can be no thought of proposing anything of the sort to the Russian Social-Democrats. We say only that a working-class party cannot, without violating the basic tenets of Marxism and without committing a tremendous political mistake, overlook the revolutionary elements that exist among the peasantry and not afford those elements support..."
Mula sa lahat ng ito'y kasunod ang isang bagay lang, ayon kay Lenin: "Magiging walang katuturan na ang magsasaka'y gawing behikulo ng rebolusyonaryong kilusan, na ang partido'y magiging hibang na ikundisyon ang katangiang rebolusyonaryo ng kilusan nito sa rebolusyonaryong pakiramdam ng mga magsasaka. Walang dapat isiping maglatag ng anuman sa mga Rusong Sosyal-Demokarata. Sinasabi lang nating ang partido ng uring manggagawa, nang walang paglabag sa batayang aral ng Marxismo at walang paggawa ng matinding pulitikal na pagkakamali, ay hindi makaligtaan ang mga rebolusyonaryong elemento na umiiral sa mga magsasaka at di kayanin ang suporta ng mga elementong iyon..."
And Lenin was not in the least worried that the revolution will fail if he does not make the peasantry the vehicle of the revolution, if he does not exalt with full indulgence the revolutionariness of the peasantry, if he does not absolutely rely on their revolutionary capacity, for if the peasantry "prove themselves incapable, the Social-Democrats will have lost nothing as far as their good name or their movement is concerned, since it will not be their fault if the peasantry does not respond (may not have the strength to respond) to their revolutionary appeal. The working-class movement is going its own way and will continue to do so, despite all the betrayals of the big bourgeoisie or the petty bourgeoisie."
At hindi gaanong nangangamba si Lenin na mabigo ang rebolusyon kung hindi niya gagawing behikulo ng rebolusyon ang mga magsasaka, kung hindi pa pinatampok ng may lubusang kaluwagan ang pagkarebolusyonaryo ng magsasaka, kung hindi siya lubusang umaasa sa kanilang rebolusyonaryong kapasidad, dahil kung ang magsasaka'y "napatunayan sa kanilang mga sariling wala silang kakayahan, walang mawawala sa mga Sosyal-Demokrata kung pag-uusapan ay ang kanilang magandang pangalan o ang kanilang kilusan, dahil hindi na nila kasalanan kung hindi tumugon ang mga magsasaka (hindi maaaring magkaroon ng lakas na tumugon) sa kanilang rebolusyonaryong apila. Magpapatuloy at magpapatuloy ang kilusan ng uring manggagawa, sa kabila ng lahat ng pagtataksil ng malalaking burgesya o ng petiburgesya."
No comments:
Post a Comment