Monday, February 14, 2011

Counter Thesis 1 (PPDR) - Ika-6 Bahagi

Ito ang IKA-6 BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPDR.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. Susunod na poproyektuhin ang pagsasalin ng counter thesis sa PSR at PPW. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.


In the light of all these guiding principles of Marxism-Leninism, and most specially the last point cited from Lenin, how should we now evaluate Sison's platform on the peasant question? How should we now understand in terms of consistency in principle and political expediency Sison's formulation that the "peasantry is the main force of the people's democratic revolution", the "peasant struggle for land is the main content of the people's democratic revolution", and his preaching, his advocacy (and not only "support") of the "Land to the Landless" peasant slogan in our program?

Sa kaliwanagan ng lahat ng prinsipyong gabay na ito ng Marxismo, Leninismo, at lalo na ang huling puntong binanggit mula kay Lenin, paano natin susuriin ang plataporma ni Sison sa usaping magsasaka? Paano natin ngayon uunawain sa terminong pagkakaayon ng prinsipyo at pulitikal na kaangkupan ang pormulasyon ni Sison na "ang magsasaka ang pangunahing pwersa sa demokratikong rebolusyon ng bayan", ang "pakikibaka ng magsasaka sa lupa ang pangunahing nilalaman ng demokratikong rebolusyon ng bayan", at ang kanyang turo, ang kanyang adbokasya (at hindi lang "suporta") ng islogan ng magsasakang "Lupa para sa mga Walang Lupa" sa ating programa?


The peasantry as the main force? What "peasantry" is Sison talking about? The peasantry no longer stands as an integral class, it is differentiated into poor, middle and rich peasants, each developing its own class tendencies. A "main force", therefore, that is not an integral whole. What kind of "strategy" is this! A divided main force, each section having its own distinct tendencies.

Ang magsasaka ang pangunahing pwersa? Ano ang sinasabi ni Sison na "magsasaka"? Hindi na nakatindig bilang mahalagang uri ang magsasaka, pinag-iiba na ito sa mahihirap, panggitna at mayayamang magsasaka, ang bawat isa'y bumuo ng kanilang sariling makauring katangian. Ang "pangunahing pwersa", kung gayon, ay hindi isang mahalagang kabuuan. Anong klaseng "estratehiya" ito! Isang hati-hating pangunahing pwersa, na bawat seksyon ay merong sariling kakaibang katangian.


Maybe, Sison is referring to the peasantry standing as a class in the antifeudal struggle. Still, its duality, this objective weakness, remains as described in Lenin's "inasmuch-insomuch" scenario. This "split character" of the peasantry is a simultaneous situation, an "indubitable contradiction" that is not imaginary but exists in real life.

Marahil, ang tinutukoy ni Sison ay ang mga magsasakang nakatindig bilang uri sa pakikibakang antipyudal. Gayunpaman, ang kadalawahan nito, ang obhetibong kahinaang ito, ay nananatili na isinalarawan sa senaryong "yayamang-anupa" ni Lenin. Ang "hating katangiang" ito ng magsasaka ay isang magkaagapay na sitwasyon, isang "siguradong kabaligtaran" na hindi haka-haka ngunit umiiral sa tunay na buhay.


Maybe, Sison is referring not to the entire peasantry but to a particular section of it. But he should be reminded that in strict Marxist usage, the word peasantry pertains principally to the middle peasant. Among the three strata of the peasantry, by its objective position, it is the genuine carrier of peasant class interest.

Marahil, ang tinutukoy ni Sison ay hindi ang buong magsasaka kundi isang partikular na seksyon nito. Ngunit dapat siyang paalalahanan na sa istriktong Marxistang paggamit, ang salitang magsasaka ay pangunahing tumutukoy sa mga panggitnang magsasaka. Kabilang sa tatlong saray ng magsasaka, sa pamamagitan ng obhetibong posisyon nito, ito ang tunay na nagdadala ng makauring interes ng magsasaka.


But its "conditional revolutionariness" is very conditional! Its basic interest is its stability as a middle peasant. But on the one hand, it aspires to become a rich peasant, while on the other hand, it resists the stronger pull of bankruptcy and falling into the ranks of the poor peasants. Actually, when Lenin talks of the peasantry as the closest ally of the working class in the democratic revolution, he is referring to the rural petty bourgeoisie, which are principally the middle peasants. But Lenin will never consider the middle peasants, meaning the rural petty bourgeoisie as the "main force" of the democratic revolution in the sense, in the "absolute revolutionary" sense given by Sison.

Ngunit ang "may pasubaling pagkarebolusyonaryo" ay napaka-kundisyunal! Ang batayang interes nito ay ang katatagan nito bilang panggitnang magsasaka. Ngunit sa kabilang dako, naghahangad itong maging mayamang magsasaka, habang sa kabilang dako naman, pinipigilan nito ang malakas na hatak ng pagkabangkarote at lumagpak sa antas ng mahihirap na magsasaka. Sa totoo lang, kapag nagsalita si Lenin na ang mga magsasaka ang pinakamalapit na alyado ng uring manggagawa sa demokratikong rebolusyon, ang tinutukoy niya'y ang petiburges ng kanayunan, kung saan pangunahin ang panggitnang magsasaka. Ngunit hindi ikukunsidera ni Lenin ang mga panggitnang magsasaka, ibig sabihin ang petiburgesya ng kanayunan bilang "pangunahing pwersa" ng demokratikong rebolusyon na sa pakahulugan, sa "absolutong rebolusyonaryong" pakahulugan ni SIson.


Definitely Sison is not referring to the rich peasant which he himself identified as a force that should be neutralized. (Note: Sison never mentioned a policy of expose and oppose against the rich peasants inasmuch as they exploit the farm workers and poor peasants.)

Tiyak hindi tinutukoy ni Sison ang mga mayayamang magsasaka na kinilala niya mismo bilang isang pwersang dapat nyutralisahin. (Paunawa: Hindi nagbanggit si Sison ng polisiya ng paglalantad at paglaban sa mga mayayamang magsasaka tulad ng pagsasamantala nila sa mga manggagawang bukid at mahihirap na magsasaka.)


If Sison is referring to the poor peasants, alone, as the "main force", then it is ridiculous. First, the working class -- meaning the factory and farm workers -- are much bigger than the poor peasants in terms of share in the population and definitely are a much better fighting force of the people's democratic revolution. Secondly, they can no longer be considered strictly as part of the peasantry which is basically petty bourgeois in character. They are semi-proletarians in character than petty bourgeois and are fast falling into the ranks of the working class as part-time wage earners.

Kung tinutukoy ni Sison na ang mga mahihirap na magsasaka lang ang "pangunahing pwersa", nakakatawa iyon. Una, ang uring manggagawa - ibig sabihin ang mga manggagawa sa pabrika at bukid - ay mas malaki kaysa mga mahihirap na magsasaka kung pag-uusapan ang bahagi nito sa populasyon at tiyak na mas mahusay na pwersa ng pakikibaka sa demokratikong rebolusyon ng bayan. Ikalawa, hindi na sila istriktong itinuturing na bahagi ng magsasaka na sa batayan ay petiburgis ang katangian. Sila'y mala-manggagawa sa katangian at mabilis bumulusok sa antas ng uring manggagawang sumasahod ng takdang oras lamang.


If Sison is referring to the poor peasants plus the middle peasants, this is a big force but still not comparable to the real strength of the combined force of the factory and farm workers. But this combination of poor and middle peasants will still leave us with a heterogenous main force, a big section of which is not that reliable. Why not consider the combined force of the factory and farm workers instead as the leading and at the same time the main force of the democratic revolution and lend the people's revolution a distinctly proletarian "character"?

Kung tinutukoy ni Sison ay ang mga mahihirap na magsasaka kasama ang panggitnang magsasaka, ito'y isang malaking pwersa ngunit hindi pa rin maikukumpara sa totoong pwersa ng pinagsamang pwersa ng mga manggagawa sa pabrika at bukid. Ngunit ang kumbinasyong ito ng mahihirap at panggitnang magsasaka ay mag-iiwan pa rin sa atin ng may pangunahing pwersang labas sa katawan, isang malaking seksyong hindi naman gaanong maaasahan. Bakit hindi ikunsidera ang pinagsamang pwersa ng manggagawa sa pabrika at bukod bilang namumunong pwersa at kasabay nito'y pangunahing pwersa ng demokratikong rebolusyon at idagdag sa rebolusyong bayan ang namumukod na proletaryadong "katangian"?


If Sison is referring to the poor peasants plus the farm workers, then this is trickery. Why attach the farm workers to the peasantry when they have more in common with the working class? To reinforce his "peasant revolution", to justify his "peasant as main force"? Is Sison planning to revert the farm workers, those proletarianized elements of the countryside, back into the fold of the peasantry, into the rural petty bourgeoisie?

Kung tinutukoy ni Sison ay ang mga mahihirap na magsasaka kasama ang mga manggagawang bukid, ito kung gayon ay panlilinlang. Bakit ikakabit ang manggagawang bukid sa magsasaka gayong mas marami silang pagkakatulad ng uring manggagawa? Upang ayudahan ang kanyang "rebolusyong magsasaka", upang bigyang-katwiran ang kanyang "magsasaka bilang pangunahing pwersa"? Binabalak ba ni Sison na ibalik ang mga manggagawang bukid, yaong proletaryadong elemento sa kanayunan, bilang mga magsasaka, sa petiburgesya ng kanayunan?


We can actually cast aside all these "speculative" interpretation of Sison's "main force" of the revolution in his PPDR (In PSR, Sison clarified that when he speaks of the "peasantry as the main force", he refers primarily to the poor peasants plus the small and middle peasants). The fundamental point, however, is this:

Maaari naman talaga nating isaisantabi lahat ng mga "pinag-isipang" paliwanag sa "pangunahing pwersa" sa rebolusyon ni Sison sa kanyang PPDR (Sa PSR, ipinaliwanag ni Sison na pag sinasabi niyang "magsasaka bilang pangunahing pwersa", pangunahin niyang tinutukoy dito ay ang mga mahihirap na magsasaka kasama ang mga maliliit at panggitnang magsasaka). Gayunman, ang mga batayang punto'y ang mga ito:


Is it consistent in principle for Sison to "make the peasantry the vehicle of the revolutionary movement" since he considers it as the main force of the revolution? Lenin has a word for this -- "senseless".

Palagi bang umaayon sa prinsipyo si Sison upang "gawing behikulo ng rebolusyonaryong kilusan ang magsasaka" yayamang itinuturing niya ito bilang pangunahing pwersa ng rebolusyon? May tawag si Lenin dito - "walang kwenta".


Is it politically expedient for Sison to "condition the revolutionary character of its movement upon the revolutionary mood of the peasantry", since for Sison, this revolution absolutely relies on the revolutionariness of the peasantry, this revolution is a peasant revolution and its victory hinges on the success of his peasant army and peasant war? Lenin has a word for this -- "insane".

Angkop bang pampulitika para kay Sison upang "ikundisyon ang rebolusyonaryong katangian ng kilusan nito sa rebolusyonaryong pakiramdam ng magsasaka", yayamang para kay Sison, ganap na nakasalalay ang rebolusyong ito sa pagkarebolusyonaryo ng magsasaka, ang rebolusyong ito'y isang rebolusyon ng magsasaka at ang tagumpay nito'y nakabatay sa pagwawagi ng kanyang hukbong magsasaka at digmaang magsasaka? May tawag si Lenin dito - "hibang".


How about Sison's formulation that the "main content of the people's democratic revolution is the peasant struggle for land"? Again, what is the meaning of this very "profound" formulation typically Maoist in its simplicity?

Paano naman ang pagbalangkas ni Sison na ang "pangunahing nilalaman ng demokratikong rebolusyon ng bayan ay ang pakikibaka ng magsasaka para sa lupa"? Gayundin naman, ano ang ibig sabihin nitong "napakalalim" na balangkas na karaniwang Maoista sa kasimplehan nito?


It is theoretically correct to state that the antifeudal struggle is the main element or main content of the democratic aspect of the people's revolution. But to reduce it further, reduce the antifeudal movement into a "struggle for land" and then exaggerate this "struggle " out of proportion as the main content, not only of the democratic aspect, but of the entire people's revolution, is nothing but revolutionary sensationalism.

Teoretikal na tumpak na sabihing ang pakikibakang antipyudal ang pangunahing salik o pangunahing nilalaman ng demokratikong aspeto ng rebolusyong bayan. Ngunit ang paliitin pa itong lalo, paliitin ang kilusang antipyudal sa "pakikibaka para sa lupa" at palakihin ang "pakikibakang" ito ng wala sa balanse bilang pangunahing nilalaman, hindi lang sa demokratikong aspeto, kundi sa kabuuang rebolusyong bayan, ay wala kundi rebolusyonaryong sensasyonalismo.


Such a formulation implies that between the anti-imperialist and the anti-feudal aspects of the people's revolution, between the struggle against imperialist oppression and the struggle against feudal exploitation the latter is more important and more decisive as the "main content of the revolution". To be more precise, what is most important and decisive in the entire people democratic revolution is the peasants' struggle for land since he is not even referring to the entire antifeudal struggle as the "main content" of the revolution. As a testimony to what kind of a Marxist theoretician Sison is, it should be emphasized that he presented this "main content" formulation in a programmatic, orientational and theoretical way and not as tactical proposition expressing a particular, temporary and concrete situation in the entire historical process of the democratic revolution. Again, Sison has theorized and absolutized his view (or what he plagiarized from Mao) that the "pivot" of the people's revolution -- and not only of the agrarian revolution -- for the entire historical stage of the democratic revolution is the peasants' "struggle for land" for this is the meaning of the "main content" proposition.

Ang mga balangkas tulad niyon ay nagpapahiwatig na sa pagitan ng anti-imperyalista at antipyudal na aspeto ng rebolusyong bayan, sa pagitan ng pakikibaka laban sa pang-aaping imperyalista at ang pakikibaka laban sa pyudal na pananamantala, ang huli ang mas mahalaga at mas mapagpasya bilang "pangunahing nilalaman ng rebolusyon". Upang maging mas eksakto, ang pinakamahala at mapagpasya sa buong demokratikong rebolusyon ng bayan ay ang pakikibaka ng magsasaka para sa lupa, gayong hindi naman niya tinutukoy ang buong pakikibakang antipyudal bilang "pangunahing nilalaman" ng rebolusyon. Bilang patotoo kung anong klaseng Marxistang teoretisyan si Sison, dapat bigyang diin na ipinresenta niya itong pormulasyong "pangunahing nilalaman" sa isang pamamaraang programatiko, oryentasyunal at teoretikal at hindi bilang isang taktikal na mungkahing nagpapahayag ng partikular, pansamantala at kongkretong sitwasyon sa isang buong makasaysayang proseso ng demokratikong rebolusyon. Sa muli, tineorya at nilubos ni Sison ang kanyang pananaw (o yaong mga kinopya niya kay Mao) na ang "pinakabuod" ng rebolusyong bayan - at hindi lang ng rebolusyong agraryo - para sa buong makasaysayang yugto ng demokratikong rebolusyon ay ang "pakikibaka para sa lupa" dahil ito ang ibig sabihin ng mungkahing "pangunahing nilalaman".


But Sison's logic is this: The main content of the antifeudal struggle is the struggle for land. Since we agree that the antifeudal movement is the main element of the democratic aspect of the people's revolution, therefore, the struggle for land is the main democratic content of the people's revolution. Wrong. Theoretically, the struggle for land is not the main content of the antifeudal struggle. The struggle to overthrow the landlord class -- economically and politically -- is its main content although the struggle to overthrow the landlord class expresses itself generally in the struggle for land.

Ngunit ito ang lohika ni Sison: Ang pangunahing nilalaman ng antipyudal na pakikibaka ay ang pakikibaka para sa lupa. Yayamang nagkakaisa tayo na ang kilusang antipyudal ang pangunahing nilalaman ng demokratikong aspeto ng rebolusyong bayan, samakatwid, ang pakikibaka para sa lupa ang pangunahing demokratikong nilalaman ng rebolusyong bayan. Mali. Sa usaping teoretikal, hindi ang pakikibaka para sa lupa ang pangunahing nilalaman ng pakikibakang antipyudal. Ang pakikibaka para patalsikin ang uring panginoong maylupa - sa pang-ekonomya at pampulitika - ang siyang pangunahing nilalaman bagamat ang pakikibaka para patalsikin ang uring panginoong maylupa ay isang pagpapahayag mismo sa kabuuan sa pakikibaka para sa lupa.


What is the class nature of this "struggle for land" whose practical expression in PPDR is the slogan "Land to the Landless!"? What is the economic and political basis of this slogan which was formulated and presented by Sison as a programmatic position and a declaration of principle in the democratic revolution and not merely as a tactical proposition? How does Sison justify the consistency of this slogan to the basic theoretical principles of Marxism-Leninism? To all this fundamental questions of utmost programmatic and tactical importance, Sison has no answer in his PPDR, and even in all his subsequent writings, and failing in this, he cannot but be accused of revolutionary demagoguery.

Ano ang makauring katangian ng "pakikibaka para sa lupang" ito" na ang praktikal na ekspresyon sa PPDR ay ang panawagang "Lupa para sa mga walang Lupa!"? Ano ang batayang pang-ekonomya't pampulitika ng panawagang ito na binalangkas at ipinresenta ni Sison bilang mungkahing programatiko at isang deklarasyon ng prinsipyo sa isang demokratikong rebolusyon at hindi lang bilang mungkahing taktikal? Paano pinapangatwiranan ni Sison ang pagkakaayon ng panawagang ito sa mga batayang teoretikal na prinsipyo ng Marxismo-Leninismo? Sa lahat ng batayang usaping ito ng pinakaprogramatiko at taktikal na kahalagahan, walang sagot si Sison sa kanyang PPDR, at kahit sa lahat ng kanyang mga kasunod na sulatin, at sa pagkabigo niya rito, siya'y naakusahan ng rebolusyonaryong pagkademagoga (taong matamis manalita).


This is how Sison formulated in PPDR his simple resolution of the agrarian question and we quote in full the section entitled The Land Problem: "The main content of the people's democratic revolution is the struggle for land among the peasants. The people's democratic revolution must satisfy the basic demand of the peasants and farm workers for land. The agrarian revolution is the necessary requirement for the vigorous conduct of the armed struggle and the creation and consolidation of revolutionary base areas. Land shall be distributed free to the landless. Usury and all other feudal evils shall be wiped out. Plantations and estates already efficiently operated on a mechanized basis shall be converted into state farms where the agricultural workers shall establish proletarian power and provide themselves with better working and living conditions. In the whole countryside, mutual aid teams and mutual labor exchange systems shall be created as the initial step toward higher forms of agricultural cooperation. Through agricultural cooperation, production shall be raised and well planned, the sale of produce shall be assured at the best price possible and welfare services guaranteed. The higher purchasing power of the peasantry shall enable the ceaseless expansion of industrial production. The basis of the national economy shall be agriculture because it fulfils the food and raw materials requirement of expanding industrialization and mainly the peasantry absorbs the products of industrialization."

Ganito binalangkas ni Sison sa kanyang PPDR ang kanyang simpleng kapasyahan sa usaping agraryo at sisipiin natin ng buo ang seksyong pinamagatang Ang Suliranin sa Lupa: "Ang pangunahing nilalaman ng demokratikong rebolusyon ng bayan ay ang pakikibaka para sa lupa ng mga magsasaka. Dapat tiyakin ng demokratikong rebolusyon ng bayan ang mga batayang kahilingan ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa lupa. Ang rebolusyong agraryo ang kinakailangang rekisito para sa malusog na paglulunsad ng armadong pakikibaka at sa pagbubuo at pagkokonsolidang rebolusyonaryong baseng erya. Ang mga lupain ay dapat ipamahagi ng libre sa mga walang lupa. Dapat mapawi ang usurya at lahat ng iba pang kasamaang pyudal. Ang mga plantasyon at lupaing mahusay na pinamamahalaan sa isang batayang mekanisado ay dapat gawing sakahan ng estado kung saan maitatatag ng mga manggagawang agriklutural ang kanilang proletaryadong kapangyarihan at bigyan ang sarili nila ng mas magandang kalagayan sa pagtatrabaho at pamumuhay. Sa buong kanayunan, dapat likhain ang mga pangkating magkaugnay ang tulong at sistema sa magkaugnay na palitan ng paggawa bilang unang hakbang tungo sa mas mataas na anyo ng kooperasyong agrikultural. Sa pamamagitan ng kooperasyong agrikultural, dapat pataasin ang produksyon at planuhing mabuti, dapat tiyakin na ang pinagbentahan ng kalakal ay nasa wastong presyong posible atmatiyak ang serbisyong pangkapakanan. Ang mas mataas na kapangyarihang bumili ng magsasaka ay dapat kayang mapagana ang walang humpay na pagpapalawak ng produksyong industriyal. Ang batayan ng pambansang ekonomya ay dapat agrikultura dahil tinutupad nito ang mga rekisitos ng pagkain at hilaw na materyales sa pagpapalawak ng industriyalisasyon at sa pangunahin ang magsasaka ang nakakakuha ng produkto ng industriyalisasyon."


Sison titled this section as The Land Problem but the range of his elaboration extended to his vision of the new agrarian system. But, anyway, what did he say about the land problem?

Pinamagatan ni Sison ang seksyong ito na Ang Problema sa Lupa ngunit ang lawak ng kanyang pagpapaliwanag ay pinalawig tungo sa pananaw niya hinggil sa bagong sistemang agraryo. Ngunit gayunpaman, anong sinabi niya tungkol sa problema sa lupa?


Three points. First, "the people's democratic revolution must satisfy the basic demand of the poor peasants and farm workers for land." Second, "land shall be distributed free to the landless." And third, "plantations and estates already efficiently operated on a mechanized basis shall be converted into state farms..." This is all he said about the "main content" of our revolution, the "pivot" of the democratic revolution.

Tatlong punto. Una, "ang demokratikong rebolusyon ng bayan ay dapat makasapat sa batayang pangangailangan ng mahihirap na magsasaka at manggagawang bukid para sa lupa." Ikalawa, ang lupa'y dapat ipamahagi ng libre sa mga walang lupa." At ikatlo, "ang mga plantasyon at lupaing pinamamahalaan na ng mahusay sa mekanisadong batayan ay dapat gawing sakahan ng estado..." Ito ang lahat ng kanyang sinabi hinggil sa "pangunahing nilalaman" ng ating rebolusyon, ang "pinakabuod" ng demokratikong rebolusyon.


What do we get from this?

Anong makukuha natin dito?


First. According to Sison, land is not only a basic demand of the poor peasants but a basic demand also of the farm workers. Must Sison be reminded that the poor peasants are the semiproletarians (Lenin even goes to the extent of considering them as rural proletarians) and the farm workers are the proletarians in the countryside. Is this what Sison means of the peasant struggle for land -- the demand for land of the landless semiproletarians and proletarians in the countryside. Since they are the only ones mentioned as demanding land and the revolution must meet this demand, the party of the class conscious proletariat -- the party that is fighting for the abolition of private property -- in its agrarian program, in its declaration of principles, deliberately intends and commits itself to transform the proletariat and semiproletariat in the countryside -- the propertyless masses of the countryside -- into middle peasants, into petty bourgeois small-property owners, into petty bourgeois small-commodity producers!

Una. Ayon kay Sison, ang lupa'y di lang batayang pangangailangan ng mahihirap na magsasaka kundi pangangailangan din ng manggagawang bukid. Dapat paalalahanan si Sison na ang mga mahihirap na magsasaka ay malaproletaryado (tumungo pa nga si Lenin sa sukdulang ikunsidera ang mga ito bilang proletaryado sa kanayunan) at ang mga manggagawang bukid ang mga proletaryado sa kanayunan. Ito ba ang ibig sabihin ni Sison na pakikibaka ng magsasaka para sa lupa - ang kahilingang lupa ng mga walang lupang malaproletaryado at proletaryado sa kanayunan. Yayamang sila lang ang sinabing humihiling ng lupa at dapat umayon ang rebolusyon sa kahilingang ito, ang partido ng mulat-sa-uring proletaryado - ang partidong nakikibaka para sa pagpawi ng pribadong pag-aari - sa programang agraryo nito, sa deklarasyon nito ng mga prinsipyo, sadyang ninanais at naninindigan itong baguhin ang proletaryado at malaproletaryado sa kanayunan - ang mga walang pag-aaring masa sa kanayunan - tungo sa pagiging panggitnang magsasaka, tungo sa pagiging petiburgis na maliliit na nagmamay-ari, tungo sa pagiging petiburges na maliitang tagalikha ng kalakal!


So, this is Sison's agrarian revolution -- reverting the rural propertyless masses into property owners. The party of the class conscious proletariat is concentrating its forces and attention in the countryside, abandoning the industrial proletariat in the cities, enduring extreme sacrifices in a bloody protracted war to advance a "struggle for land" as the "main content" of the revolution that seeks to revert the propertyless semiproletarian and proletarian masses in the countryside into petty bourgeois property owners and commodity producers! So, this is Sison's idea of social progress, of developing the productive forces in the countryside and developing the class struggle of the proletariat in the democratic revolution -- the bourgeoisification of the countryside.

Kaya, ito ang rebolusyong agraryo ni Sison - ang gawing may pag-aari ang mga walang pag-aaring masa sa kanayunan. Kinokonsentra ng ng partido ng mulat-sa-uring proletaryado ay ang pwersa nito at atensyon sa kanayunan, iniwan ang industriyal na proletaryado sa mga lungsod, tinitiis ang matinding sakripisyo sa madugong matagalang digmaan upang isulong ang "pakikibaka para sa lupa" bilang "pangunahing nilalaman" ng rebolusyon na sinusubukang ibalik ang walang pag-aaring malaproletaryado at proletaryadong masa sa kanayunan tungo sa petiburgis na nagmamay-ari at tagagawa ng mga kalakal! Ito pala ang ideya ni Sison sa kaunlarang panlipunan, sa pagsulong ng produktibong pwersa sa kanayunan at pagsulong ng makauring pakikibaka ng proletaryado sa demokratikong rebolusyon - ang pagiging burgesya ng kanayunan.


Sison specifically cited the farm workers as demanding land but did not mention the middle peasants and the rich peasants. Are they not also basically demanding land or more land for their small-scale agricultural economy so as to become more viable, productive and competitive in a commodity economy? Are they not economically affected to a considerable degree by landlordism, by the land monopoly of the landlord class? Are they not also after the vast landholdings of the landlords in the countryside? Are they not the real beneficiaries, in the economic sense, of a bourgeois agrarian revolution in the countryside? But since they are not the "landless" masses in the countryside, and since they are not mentioned as "demanding land", they shall not benefit from Sison's "Land to the Landless" slogan, they shall not receive free land from Sison because they are not landless and are not demanding land. But the problem is, they are the real peasants and farmers in the countryside, and in the economic sense, they are the real class forces that are after the landlords' vast landholdings for their individualist class interests.

Partikular na binanggit ni Sison ang mga manggagawang bukid na humihiling ng lupa ngunit di binanggit ang mga panggitnang magsasaka at mayayamang magsasaka. Hindi ba sila humihiling din ng lupa o mas maraming lupa para sa kanilang maliitang ekonomyang agrikultural upang maging mas nabubuhay, produktibo at kompetitibo ang ekonomya ng kalakal? Hindi ba sila apektado sa pang-ekonomya sa isang malaki-laking antas ng lanlordismo, sa pamamagitan ng monopolyo sa lupa ng uring panginoong maylupa? Hindi ba nila hinahabol ang malawakang hawak na lupa ng mga panginoong maylupa sa kanayunan. Hindi ba sila ang tunay na benepisyaryo, sa pang-ekonomyang kahulugan, ng burgis na rebolusyong agraryo sa kanayunan? Ngunit yayamang hindi sila ang "walang lupang" masa sa kanayunan, at yayamang hindi sila binabanggit na "humihiling ng lupa", hindi sila makikinabang sa panawagang "Lupa para sa Walang Lupa" ni Sison, hindi sila makatatanggap ng libreng lupa mula kay Sison dahil hindi sila mga walang lupa at hindi humihiling ng lupa. Ngunit ang problema, sila ang totoong magsasaka at magbubukid sa kanayunan, at sa pang-ekonomyang kahulugan, sila ang tunay na makauring pwersang hahabol sa malawakang hawak na lupa ng mga panginoong maylupa para sa kanilang indibidwalistang makauring interes.


Second. Sison began discussing all sorts of things in the section regarding the land problem but forgot to clarify where he will get the land that he will distribute "free" to all the landless and the principles that shall guide the redistribution of land. He clarified this in his Revolutionary Guide To Land Reform. But as it is, Sison's program, with all its superfluous verbosity, declaring that the "struggle for land" is the main content of the people's revolution but failing to clarify the "target of this struggle" in its section regarding the land problem, cannot pass as a party program.

Ikalawa. Sinimulang talakayin ni Sison ang lahat ng uri ng bagay sa seksyon hinggil sa problema sa lupa ngunit nakalimutang ipaliwanag kung saan niya kukunin ang lupang "libre" niyang ipamamahagi sa lahat ng walang lupa at ang mga prinsipyong gagabay sa pamamahagi ng lupa. Ipinaliwanag niya ito sa kanyang Rebolusyonaryong Gabay sa Reporma sa Lupa. Gayunpaman, ang programa ni Sison, sa lahat ng kanyang sobra-sobrang kaliguyan, na idinedeklarang ang "pakikibaka para sa lupa" ang pangunahing nilalaman ng rebolusyong bayan ngunit nabigong ipaliwanag na ang "puntirya ng pakikibakang ito" sa seksyon nito hinggil sa problema sa lupa, ay hindi papasa bilang isang programa ng partido.


But since Sison said that even "plantations and estates already efficiently operated on a mechanized basis shall be converted into state farms", it is implied that all vast landholdings will be confiscated (even this confiscatory policy is not mentioned which is a most crucial question in any agrarian program). The question is: What types of confiscated lands will be redistributed free to the landless and what types will be exempted from this redistribution? Since Sison mentioned only one type -- those already "efficiently operated on a mechanized basis" -- that shall be "converted into state farms", again it is implied that all the rest will be redistributed, even those that are "mechanized" but are not "efficiently operated" or those that are "efficiently operated" along capitalist lines but are not "mechanized", for what is the sense of affixing this qualification. If this "efficiently operated on a mechanized basis" qualification is merely "superfluous verbosity", then Sison must admit that he does not even know how to write a program.

Ngunit dahil sinabi ni Sison na kahit ang "Ang mga plantasyon at lupaing mahusay na pinamamahalaan sa isang batayang mekanisado ay dapat gawing sakahan ng estado", ipinahihiwatig nitong ang lahat ng malalawak na hawak na lupa ay iilitin (kahit ang patakaran ng pag-ilit na ito ay hindi binanggit gayong isang pinakamahalagang usapin sa kahit anong programang agraryo). Ang usapin ay: Anong tipo ng inilit na lupa ang muling ipamamahagi sa mga walang lupa at anong tipo ang dapat ipwersa mula sa muling pamamahaging ito? Yayamang isang tipo lang ang binanggit ni Sison - yaong "mahusay na pinamamahalaan sa isang batayang mekanisado" - iyon ay dapat "gawing sakahan ng estado", sa muli, pinahihiwatig nito na ang lahat ng natitira ay ipamudmod muli, kahit na yaong "mekanisado" ngunit hindi "mahusay na pinamamahalaan" o yaong "mahusay na pinamamahalaan" kasama ang linyang kapitalista ngunit hindi "mekanisado", kaya ano ang kahulugan ng paglapi ng kwalipikasyong ito. Kung itong kwalipikasyong "mahusay na pinamamahalaan sa isang batayang mekanisado" ay isa lang "sobra-sobrang kaliguyan", dapat aminin ni Sison na hindi rin pala siya marunong magsulat ng programa.


We cannot but take at face value what Sison wrote in our program for in reality it is nothing but phrase-mongering and pedantry. So if we take Sison seriously, his agrarian program aims to redistribute and subdivide into small parcels all vast holdings in the countryside including those big farms operating along capitalist lines and even those that are "mechanized" but are not "efficiently operated". This is consistent to his idea of transforming even those landless farm-workers, the rural proletariat, into middle peasants, into petty bourgeois small property owners because their basic problem is the "demand for land". This is the meaning of the slogan "Land to the Landless" -- all those that do not have land and wish to till the land will be provided with land! If this is not petty bourgeois revolutionism, anarchism and utopianism, what shall we call this mess that Sison intend to do via a bloody protracted war?

Hindi natin dapat kunin ng basta na lang kung anong sinulat ni Sison sa ating programa dahil sa reyalidad, wala ito kundi pagkakalat ng tsismis at pamimilosopo. Kaya kung seseryosohin natin si Sison, nilalayon ng kanyang programang agraryo na muling ipamudmod at hatiin sa maliliit na parsela ang lahat ng malawakang hawak na lupa sa kanayunan kasama ang malalaking bukid na pinamamahalaan sa linyang kapitalista at kahit na yaong "mekanisado" ngunit hindi "mahusay na pinamamahalaan". Ito'y kaalinsunod sa kanyang ideya ng pagbabago ng kahit yaong walang lupang manggagawang bukid, ang proletaryado sa kanayunan, tungo sa panggitnang magsasaka, tungo sa petiburgis na maliliit na nagmamay-ari dahil ang kanilang batayang problema ay "kahilingang lupa". Ito ang kahulugan ng panawagang "Lupa para sa mga Walang Lupa" - lahat ng walang lupa at nagnanais magsaka ng lupa ay bibigyan ng lupa! Kung hindi ito petiburgis na rebolusyonismo, anarkismo at utopyanismo, ano ang itatawag natin sa kaguluhang ito na nais gawin ni Sison sa pamamagitan ng madugong matagalang digmaan?


Third. Sison's "Land to the Landless" slogan falls into the category of a "General Redistribution" policy or what Lenin calls as a "divisionist" line. In principle, a proletarian party does not reject the admissibility of such an agrarian policy which in form, seems to deviate from the demands of social progress and class struggle because it promotes small-scale production rather than large-scale production and private ownership rather than public ownership of the land. But for a proletarian party to support, and not only support but preach such a policy, and moreover, to include it in its proletarian party program -- its consistency in theory and expediency in practice must be clearly justified, and its economic and political basis expounded. On this account, Sison miserably failed, he provided not a grain of thought, not an ounce of wisdom on why he opted for a "General Redistribution" policy rather than, for example, a "Nationalization of the Land" for the agrarian revolution in our country. He presented it in our program as something given and apparent, indisputable and indubitable, something self-explanatory and self-evident in its absolute correctness for all times in a democratic revolution. Proof of such an attitude: after 25 years, he does not even bother to review the correctness in theory or expediency in practice of such an agrarian policy in the light of more than two decades of peasant work and the current developments in the countryside. Like his protracted war strategy, his semifeudal theory, and all his other absolutes, Sison's agrarian program is for all seasons.

Ikatlo. Ang panawagang "Lupa para sa Walang Lupa" ni Sison ay bumagsak sa kategorya ng patakarang "Pangkalahatang Muling Pamumudmod" o yaong tinatawag ni Lenin na "dibisyonistang" linya. Sa prinsipyo, hindi ipinagkakait ng proletaryadong partido ang pagtanggap sa tulad ng isang patakarang agraryo kung saan ang anyo, ay tila humihilis mula sa pangangailangan ng kaunlarang panlipunan at makauring pakikibaka dahil nagtataguyod ito ng maliitang produksyon imbes na malakihang produksyon at pribadong pag-aari imbes na pampublikong pag-aari ng lupa. Ngunit para sumuporta ang proletaryadong partido, at hindi lamang suporta kundi ipangaral ang tulad na patakaran, at dagdag pa, isama ito sa programa ng partido ng proletaryado - ang pagkakaayon ng teorya at kaangkupan sa praktika ay dapat malinaw na mabigyang-katwiran, at maipaliwanag ang batayang pang-ekonomya at pampulitika nito. Sa ganitong pangyayari, kaawa-awang nabigo si Sison, nagbigay siya hindi ng butil ng kaisipan, hindi katiting na kaalaman kung bakit nagpasya siya para sa patakarang "Pangkalahatang Muling Pamumudmod" imbes na, halimbawa'y,ang "Pagsasabansa ng Lupa" para sa rebolusyong agraryo sa ating bansa. Ipinresenta niya iyon sa ating programa bilang isang bagay na ibinigay at malinaw, hindi mapapasubalian at kitang-kita, bagay na madaling maipaliwanag at patunayan sa ganap na katumpakan nito para sa lahat ng panahon sa isang demokratikong rebolusyon. Ang patunay ng ganitong kaugalian: makalipas ng 25 taon, hindi man siya nag-abalang repasuhin ang katumpakan ng teorya at kaangkupan sa praktika ng sinasabing patakarang agraryo sa kaliwanagan ng mahigit dalawang dekada ng gawaing magsasaka at ang kaunlaran ngayon sa kanayunan. Tulad ng kanyang estratehiyang matagalang digmaan, ang kanyang malapyudal na teorya, at lahat ng kanyang iba pang kaganapan, ang programang agraryo ni Sison ay panglahatang panahon.


What is the theoretical, economic and political basis of this "Land to the Landless" slogan of Sison, of this "General Redistribution" land policy, of this "divisionist" line in solving the agrarian question in the Philippines? To answer this question, we must first clarify the character, the class nature of the agrarian revolution in the Philippines of which, Sison again failed to clarify categorically and theoretically in PPDR and even in all his subsequent writings.

Ano ang batayang teoretikal, ekonomiko at pulitikal nitong panawagang "Lupa para sa Walang Lupa" ni Sison, sa "Pangkalahatang Pamumudmod" na ito ng patakaran sa lupa, ng "dibisyonistang" linyang ito ng paglutas sa usaping agraryo sa Pilipinas? Para sagutin ang katanungang ito, dapat muna nating linawin ang katangian, ang makauring kalikasan ng rebolusyong agraryo sa Pilipinas kung saan, muling nabigo si Sison na ipaliwanag ng lubusan at teoretikal sa PPDR at kahit sa lahat ng kanyang mga kasunod na sulatin.


All are agreed that the peasants' struggle for land is an antifeudal struggle, a struggle to eradicate the feudal survivals in our agricultural system. What is the character of this struggle? Undoubtedly and obviously, this is a bourgeois-democratic struggle, a bourgeois agrarian revolution. Meaning, its aim is to accelerate bourgeois development in our agricultural system by eradicating the survivals of feudalism in the countryside. Sison cannot argue that he is taking a "non-capitalist path" in the agricultural development of the country because his "divisionist" agrarian line promotes an out-and-out private ownership of the land and an extreme program of small-scale commodity production in the countryside. Again Sison tries to evade and obscure the capitalist path of development by keeping mum on the character of his agrarian program, hiding it behind his non-capitalist, non-socialist "national-democratic" slogans. Sison's "Land to the Landless" slogan and Lenin's "Nationalization of the Land" slogan are both bourgeois slogans which cannot go beyond the bounds of bourgeois progress and will establish nothing more than a bourgeois agricultural system in the countryside.

Sumang-ayon ang lahat na ang pakikibaka ng magsasaka sa lupa ay isang pakikibakang antipyudal, isang pakikibakang papawi sa pyudal na pananatili sa ating sistemang agrikultural. Ano ang katangian ng pakikibakang ito? Walang duda at kitang-kita, ito'y isang burgis-demokratikong pakikibaka, isang burgis na rebolusyong agraryo. Ibig sabihin, layunin nitong mapabilis ang burgis na pag-unlad sa ating sistemang agrikultural sa pamamagitan ng pagpawi ng pananatili ng pyudalismo sa kanayunan. Hindi maitatanggi ni Sison na tumutungo siya sa isang "di-kapitalistang landas" sa pag-unlad ng agrikultura sa bansa dahil ang kanyang "mapanghating" linyang agraryo ay nagtataguyod ng walang pasubaling pribadong pagmamay-ari ng lupa at ng isang matinding programa ng maliitang produksyon ng kalakal sa kanayunan. Sa muli, tinangka ni Sison na iwasan at itago ang kapitalistang landas ng pagsulong sa pamamagitan ng pananahimik hinggil sa katangian ng kanyang programang agraryo, itinatago ito sa likod ng kanyang di-kapitalista, di-sosyalistang panawagang "pambansang demokratiko". Ang panawagang "Lupa para sa Walang Lupa" ni Sison at ang panawagang "Pagsasabansa ng Lupa" ni Lenin ay kapwa burgis na panawagan na di lalampas sa kaunlarang burgis at magtatatag ng walang iba kundi isang burgis na sistemang agrikultural sa kanayunan.


Ever since they founded their party, the Russian Social-Democrats, according to Lenin have maintained the following three propositions: "First. The agrarian revolution will necessarily be a part of the democratic revolution in Russia. The content of this revolution will be the liberation of the countryside from the relations of semifeudal bondage. Second. In its social and economic aspect, the impending agrarian revolution will be a bourgeois-democratic revolution; it will not weaken but stimulate the development of capitalism and capitalist class contradictions.Third. The Social-Democrats have every reason to support this revolution most resolutely, setting themselves immediate task, but not tying their hands by assuming commitments, and by no means refusing to support even a 'general redistribution'."

Mula nang maitatag nila ang partido, ang Rusong Sosyal-Demokrata, ayon kay Lenin ay nagpanatili sa sumusunod na tatlong mungkahi: "Una. Kinakailangang ang rebolusyong agraryo'y maging bahagi ng demokratikong rebolusyon sa Rusya. Ang nilalaman ng rebolusyong ito ay ang paglaya ng kanayunan mula sa ugyanan sa malapyudal na pagkabusabos. Ikalawa. Sa panlipunan at pang-ekonomyang aspeto nito, ang napipintong rebolusyong agraryo ay magiging burgis-demokratikong rebolusyon; hindi nito pahihinain kundi pupukawin ang pag-unlad ng kapitalismo at makauring salungatang kapitalista. Ikatlo. Maraming mga dahilan ng Sosyal-Demokrata na suportahan ang rebolusyong ito ng matatag, nagtatakda sa sarili ng agarang tungkulin, ngunit hindi itinatali ang kanilang kamay sa inaakalang paninindigan, at sa anumang paraan ay tumatangging sumuporta kahit na 'pangkalahatang muling pamumudmod'."


According to Lenin, "the agrarian question is the basis of the bourgeois revolution in Russia and determines the specific national character of this revolution. The essence of this question is the struggle of the peasantry to abolish landlordism and the survivals of serfdom in the agricultural system of Russia, and consequently, also in her social and political institutions." For Lenin, "the pivot of the struggle is the feudal latifundia which are the most conspicuous embodiment and the strongest mainstay of the survivals of serfdom in Russia."

Ayon kay Lenin, "ang usaping agraryo ang batayan ng burgis na rebolusyon sa Rusya at tumutukoy sa ispesipikong pambansang katangian ng rebolusyong ito. Ang esensya ng usaping ito ay ang pakikibaka ng mga magsasaka upang mapawi ang landlordismo at ang pananatili ng kaalipinan sa sistemang agrikultural sa Rusya, at dahil dito, sa kanyang panlipunan at pampulitikang institusyon din." Para kay Lenin, "ang pinakabuod ng pakikibaka ay ang pyudal na latipundya (malalaking lupain) na siyang pinakakapuna-punang diwa at pinakamalakas na inaasahan sa pananatili ng kaalipinan sa Rusya."


Ten and a half million peasant households in European Russia own 75 million dessiatins of land. Thirty thousand landlords each own over 500 dessiatins -- altogether 70 million dessiatins. For the information of Sison's "semifeudal" fanatics, this is Lenin's capitalist Russia. This is "the main background of the arena on which the peasants' struggle for land" was developing in Russia at that time. This is the main reason "for the predominance of feudal landlords in the agricultural system in Russia and, consequently, in the Russian state generally, and in the whole of Russian life."

Sampu't kalahating milyong magsasakang sambahayan sa Europeanong Rusya ang nagmamay-ari ng 75 milyong dessiatin (ang isang dessiatin ay katumbas ng 2.702 English acres or 10,900 metro kwadrado) ng lupa. Tatlumpung libong panginoong maylupa ang nag-aari bawat isa ng higit sa 500 dessiatin - na sa kabuuan ay 70 milyong dessiatin. Para sa kaalaman ng mga panatikong "malapyudal" ni Sison, ito ang kapitalistang Rusya ni Lenin. Ito ang "pangunahing sanligan ng larangan kung saan nakibaka para sa lupa ang mga magsasaka" ay sumusulong sa Rusya noong panahong iyon. Ito ang pangunahing dahilan "para sa pamamayani ng mga pyudal na panginoong maylupa sa sistemang agrikultural sa Rusya at, dahil diyan, ang estadong Ruso sa pangkalahatan, at sa buong buhay Ruso."


Lest Sison's "semifeudal" fanatics will again question this reference to Lenin's Russia on the agrarian question, let us quote Lenin's definition of landlordism: "The owners of the latifundia are feudal landlords in the economic sense of the term: the basis of the landownership was created by the history of serfdom, by the history of landgrabbing by the nobility through the centuries. The basis of their present methods of farming is the labour-service system, i.e., a direct survival of the corvee, cultivation of the land with the implements of the peasants and the virtual enslavement of the small tillers, in an endless variety of ways: winter hiring, annual leases, half-share metage, leases based on labor rent, bondage for debt, bondage for cut-off lands, for the use of forests, meadows, water, and so on and so forth, ad infinitum."

Baka muling tanungin ng mga "malapyudal" na panatiko ni Sison ang sangguniang ito sa Rusya ni Lenin hinggil sa usaping agraryo, sipiin natin ang pakahulugan ni Lenin sa landlordismo: "Ang mgamay-ari ng latifundia o malalawak na lupain ay mga pyudal na panginoong maylupa sa pang-ekonomikong kahulugan ng salita: nalikha ang batayan ng pag-aari ng lupa sa pamamagitan ng kasaysayan ng kaalipinan, sa pamamagitan ng kasaysayan ng pang-aagaw ng lupa ng mga nobilidad sa nagdaang mga siglo. Ang batayan ng kanilang kasalukuyang pamamaraan sa pagsasaka ay ang sistemang paggawa-serbisyo, ibig sabihin, direktang pananatili ng takdang araw ng pagtatrabahong walang bayad, pagbubungkal ng lupa ng may pagpapatupad ng mga magsasaka at ang katumbas na pambubusabos sa mga maliliit na magbubungkal, sa walang katapusang sari-saring paraan; pagpapaupa sa taglamig, pagpaparenta, kalahating-bahagi ng pagtitimbang, pautang batay sa paupa sa paggawa, pagkaalipin sa utang, pagkaalipin sa mga lupang tinanggal, dahil sa paggamit ng kagubatan, pastulan, tubig at iba't iba pa, ad infinitum."


No comments: