Tuesday, April 12, 2011

Kritik sa PPW - Ikasiyam na Bahagi

Ito ang IKASIYAM NA BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.


Mao opted to continue with the Long March towards northern China rather than maneuver and attempt to recover the Red areas. This was because: First, he was aware that the situation in these parts of southern China was already untenable if not irreversible and Chiang Kai-shek's strategic offensive in these areas had reached a stage that it can no longer be smashed and defeated. Second, since the situation in southern China is already lost, the only option was to make a strategic shift to northern China were Chiang Kai-shek was relatively weak and will be weakened by his strategic pursuit of the Long March, and reposition the Red Army for the war of resistance against Japan (the northern part of China were the areas threatened by Japan). 

Mas pinili ni Mao ang pagpapatuloy ng Mahabang Martsa patungong hilagang Tsina kaysa magmaniobra at tangkaing irekober ang mga Pulang Pook dahil: Batid niya na ang sitwasyon sa bahaging timog ng Tsina ay hindi na maaaring mabago o maagaw at ang istratehikong opensiba ni Chiang Kai-shek sa mga pook na ito'y umabot na sa yugtong di na ito maaari pang madurog o magapi. Ikalawa, dahil ang sitwasyon sa timog Tsina ay natalo na, ang natitirang opsyon ay ang istratehikong paglipat sa hilagang Tsina kung saan relatibong mahina si Chiang Kai-shek at mapapahina pa dahil sa istratehikong pagtugis niya sa Mahabang Martsa, at maiposisyong muli ang Pulang Hukbo para sa digmaan ng pagtutol laban sa Hapon (ang hilagang bahagi ng Tsina ang mga pook na may banta ng pananakop ng Hapon).

By the end of the Long March, 90% of the party membership, of the armed forces and of the base areas were lost. The second period of the Chinese revolution ended in defeat although Mao preferred to call it "a temporary and partial defeat". To sum-up, Mao began the second period of the Chinese revolution still adhering to the "insurrectionist" line of the Sixth Party Congress of 1928. But at the latter part of this second period, he shifted to a protracted war strategy in advancing China's revolutionary civil war.

Sa pagtatapos ng Mahabang Martsa, naubos ang siyamnapung bahagdan (90%) ng kasapian ng partido, ng armadong hukbo at ng mga baseng pook. Bigo ang ikalawang yugto ng rebolusyong Tsino, bagamat nais tawagin ito ni Mao na "pansamantala at di-buong pagkagapi". Bilang pagsusuma, sinimulan ni Mao ang ikalawang yugto ng rebolusyong Tsino na sumusunod pa rin sa linyang "insureksyunista" ng Ikaanim na Kongreso ng Partido ng 1928. Ngunit sa huling bahagi ng ikalawang yugto, lumipat siya sa istratehiya ng matagalang digma sa pagsusulong ng rebolusyonaryong digmaang sibil ng Tsina.
We now return to our main point-the universality and absoluteness of protracted war in a semicolonial and semifeudal country. What caused the defeat of China's second revolutionary civil war is beside the point and highly debatable as Mao's account and the available materials regarding the fifth "encirclement and suppression" campaign are quite inadequate. The essential point is this: There is no positive revolutionary practice that proves that an agrarian civil war can succeed along the path of protracted war even in China for the second revolutionary war ended in defeat!

Balik na tayo sa ating pangunahing punto - ang unibersalidad at pagiging absoluto ng matagalang digma sa isang malakolonyal at malapyudal na bansa. Kung ano ang naging sanhi ng pagkatalo ng ikalawang rebolusyonaryong digmaang sibil ay labas sa punto, at dapat pang pagtalunan dahil ang inilahad ni Mao at ang mga materyal hinggil sa ikalimang kampanyang "pagkubkob at paniniil" ay hindi sapat. Ito ang mahalagang punto: Walang positibong rebolusyonaryong praktikang magpapatunay na magtatagumpay ang agraryong digmaang sibil sa landas ng matagalang digma kahit sa Tsina sapagkat bigo ang ikalawang rebolusyonaryong digmaan!

But the Maoists will argue: The Chinese national democratic revolution or Mao's protracted people's war succeeded in the fourth period which was a revolutionary civil war! 

Ngunit idadahilan ng mga Maoista: Ang pambansang demokratikong rebolusyong Tsino o ang matagalang digmang bayan ni Mao ay nagtagumpay sa ikaapat na yugto na isang rebolusyonaryong digmaang sibil!

The basic point, however, is this: Could it have succeeded without the victorious national war of liberation, the heroic war of resistance against Japan? 

Ang batayang punto, gayunpaman, ay ito: Nagtagumpay kaya ito kung wala ang matagumpay na pambansang digmaan para sa kalayaan, ang dakilang digmaan ng pagtutol laban sa Hapon?

The fourth period of the Chinese revolution or the third revolutionary civil war began with Mao already in command of more than 1 million revolutionary troops against Chiang's 4 million. The Guomintang began its offensive in the middle of 1946. By late 1947, the Red Army which had grown into 2 million troops launched its counter-offensive. By 1948, Chiang Kai-shek began his strategic retreat and by October 1, 1949, Mao announced the establishment of the People's Republic of China. 

Ang ikaapat na yugto ng rebolusyong Tsino o ang ikatlong rebolusyonaryong digmang sibil ay nagsimula nang si Mao na ang siyang namumuno sa mahigit isang milyong rebolusyonaryong hukbo laban sa apat na milyong hukbo ni Chiang. Sinimulan ng Kuomintang ang opensiba nito sa gitnang bahagi ng 1946. Sa huling bahagi ng 1947, inilunsad ng Pulang Hukbo, na lumago sa dalawang milyon, ang kanilang kontra-opensiba. Pagpasok ng 1948, sinimulan ni Chiang Kai-shek ang kanyang istratehikong pag-atras at noong Oktubre 1, 1949, ipinahayag ni Mao ang pagtatatag sa Republika ng Mamamayan ng Tsina.

This civil war in the fourth period took only three years to achieve total victory! Is this the historical proof that an agrarian war can succeed through a protracted war strategy, a revolutionary civil war that took only three years to achieve complete victory? A revolutionary civil war that started with a million revolutionary troops and tens of millions of revolutionary masses in liberated areas? 

Ang digmaang sibil na ito sa ikaapat na yugto ay inabot lang ng tatlong taon upang makamit ang ganap na tagumpay! Ito ba ang imakasaysayang patunay na ang digmaang agraryo ay magtatagumpay sa pamamagitan ng istratehiya ng matagalang digma, isang rebolusyonaryong digmaang sibil na inabot lang ng tatlong taon upang makamit ang ganap na tagumpay? Isang rebolusyonaryong digmaang sibil na nag-umpisa sa isang milyong rebolusyonaryong kawal at milyun-milyong rebolusyonaryong masa sa mga pinalayang pook?

The real and essential historical practice of protracted people's war was the War of Resistance Against Japan in the third period of the Chinese revolution (1937-45). It must be stressed that this was a national war and not a civil war. The total victory achieved by the three years of civil war in the fourth period (1945-49) cannot be detached and cannot be understood apart from the victorious eight years of national war in the third period. 

Ang tunay at esensyal na makasaysayang praktika ng matagalang digmang bayan ay ang Digmaan ng Pagtutol Laban sa Hapon sa ikatlong yugto ng rebolusyong Tsino (1937-45). Dapat idiin na ito'y isang pambansang digmaan at hindi isang digmaang sibil. Ang ganap na tagumpay na nakamit ng tatlong taong digmaang sibil sa ikaapat na yugto (1945-49) ay hindi maihihiwalay at hindi mauunawaan ng hiwalay mula sa matagumpay na walong taon ng pambansang digmaan sa ikatlong yugto.

The historical validity of protracted war based on the Chinese experience is essentially a question of national war. If we are to consider the Vietnamese experience as a validation of a protracted war strategy, it is also essentially a national war of liberation. These two revolutions are the only historical experiences in protracted war strategy and both succeed on the basis of successful national wars of liberation. 

Ang makasaysayang patotoo ng matagalang digma batay sa karanasang Tsino ay mahalaga sa usapin ng pambansang digmaan. Kung isasaalang-alang natin ang karanasan ng mga Byetnames bilang balidasyon ng istratehiya ng matagalang digmaan, ito'y isa ring pambansang digmaan para sa kalayaan. Ang dalawang himagsikag ito ang tanging mga makasaysayang karanasan sa istratehiya ng matagalang digmaan at kapwa ito nananalo batay sa matagumpay na pambansang digmaan para sa kalayaan.

Revolutionary movements, proletarian led or influenced, in several countries throughout the world have assumed political power through democratic revolutions and they succeeded by various means peculiar to their national conditions. In all these people's revolutions, only China succeeded by means of a strategy of protracted war. Even Vietnam refuses to call its revolution a protracted war strategy and prefer to call it a political-military strategy. 

Ang mga kilusang rebolusyonaryo, pinamumunuan man o impluwensyado ng proletaryado, sa iba't ibang bansa sa buong daigdig na umako ng kapangyarihang pulitikal sa pamamagitan ng mga demokratikong himagsikan at nagtagumpay sila sa pamamagitan ng paggamit ng sari-saring pamamaraang pekulyar sa kanilang pambansang kalagayan. Sa lahat ng mga rebolusyong bayang ito, tanging ang Tsina ang nagtagumpay sa pamamagitan ng istratehiya ng matagalang digma. Kahit ang Byetnam ay tumangging tawagin ang kanilang rebolusyon na istratehiya ng matagalang digma at mas pinili pang tawagin itong istratehiyang pulitikal-militar.

So many Maoist revolutionary movements in Third World countries have attempted to duplicate the Chinese experience. Not a single one have so far succeeded for the past 44 years since the Chinese victory. Most have suffered terrible defeats. Only three major Maoist parties are persevering in protracted war: the Shining Path in Peru, the Khmer Rouge in Kampuchea, and our very own the New People's Army. And all are engaged, not only in a vulgarized type of Marxist-Leninist revolution, but a vulgarized type of Maoist protracted war and all are in the decline after decades of bloody warfare. Their ideological leaders are all like Mao's "frog in the well". To them, the universe is no bigger than the mouth of the well, and that universe is their Chinese paradigm of protracted war.

Kaya maraming rebolusyonaryong kilusang Maoista sa mga bansa sa Ikatlong Daigdig ang nagtangkang kopyahin ang karanasang Tsino. Wala isa man sa ngayon ang nagtagumpay sa nakaraang 44 taon mula nang magtagumpay ang Tsina. Halos lahat ay nakaranas ng matinding pagkatalo. Tatlong mayor na Maoistang partido lamang ang nagsusumigasig sa matagalang digma: ang Shining Path sa Peru, ang Khmer Rouge sa Kampuchea, at ang ating New People's Army. At lahat sila'y nakikipaglaban, hindi lamang sa bulgarisadong tipo ng Marxista-Leninistang himagsikan, kundi bulgarisadong tipo ng Maoistang matagalang digmaan at lahat ng ito'y padausdos na matapos ang ilang dekada ng madugong labanan. Ang kanilang mga ideyolohikal na pinuno ay tulad ng "palaka sa balon" ni Mao. Para sa kanila, ang sanlibutan ay di mas malaki kaysa bunganga ng balon, at ang sanlibutang ito ang kanilang Tsinong paradigmo ng matagalang digma.

No comments: