Monday, April 18, 2011

Kritik sa PPW - Ikasampung Bahagi

Ito ang IKASAMPUNG BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.


A Vulgarized Type of Protracted War 

Isang Bulgarisadong Tipo ng Matagalang Digma

Let us now study Mao's protracted war theory and see if Sison, the Great Pretender, is really faithful to the principles of the Great Helmsman. Let us see how Sison understood Mao's protracted war theory and how he applied it to the Philippine revolution. 

Pag-aralan natin ngayon ang teorya ng matagalang digma ni Mao at tingnan kung si Sison, ang Dakilang Mapagpanggap, ay tunay na tapat sa mga prinsipyo ng Dakilang Timonero. Tingnan natin kung paano nauunawaan ni Mao ang teorya ng matagalang digma at paano niya ito ilalapat sa rebolusyong Pilipino.

Mao's protracted war is a three-act drama. It consists of three successive strategic stages with the war advancing from the countryside to the cities The first stage is the strategic defensive. The second stage is the strategic stalemate. The third stage is the strategic offensive (strategic counter-offensive, to be more exact, according to Mao). 

Ang matagalang digma ni Mao ay isang "tatlong aktong dula". Binubuo ito ng tatlong magkakasunod na istratehikong yugto kung saan sumusulong ang digmaan mula sa kanayunan patungong kalunsuran. Ang unang yugto ay ang istratehikong depensiba. Ang ikalawang yugto ay ang istratehikong pagkakapatas. Ang ikatlong yugto ay ang istratehikong opensiba (na sa eksakto, ayon kay Mao, ay istratehikong kontra-opensiba).

These three stages are essentially a question of balance of forces. The revolutionary forces will move from inferiority to parity and then to superiority and the enemy will move from superiority to parity and then to inferiority. The revolutionary forces will move from the defensive to the stalemate and then to the counter-offensive. The enemy will move from the offensive to the stalemate (in a national war, to the safeguarding of his gains) and then to retreat. Such will be the course of the war and its inevitable trend. 

Ang tatlong yugtong ito ang talagang usapin ng balanse ng pwersa. Ang mga rebolusyonaryong pwersa ay kikilos mula sa imperyoridad tungo sa pagkakapantay, saka tutungo sa superyoridad, at ang kaaway naman ay kikilos mula sa superyoridad tungo sa pagkakapantay at saka sa imperyoridad. Ang rebolusyonaryong pwersa ay kikilos mula sa depensiba tungo sa pagkakapatas, sunod ay sa kontra-opensiba. Ang kaaway ay kikilos mula sa opensiba tungo sa pagkakapatas (sa isang pambansang digmaan, tungo sa pangangalaga ng kanyang mga ganansya) at saka aatras. Ito ang magiging takbo ng digmaan at di maiiwasang kalakaran.

According to Mao: "By strategic defensive we mean our strategic situation and policy when the enemy is on the offensive and we are on the defensive; by strategic offensive we mean our strategic situation and policy when the enemy is on the defensive and we are on the offensive." This applies to the war situation as a whole as well as to its parts. 

Ayon kay Mao: "Sa istratehikong depensiba, ibig nating sabihin ay ang ating istratehikong sitwasyon at patakaran pag ang kaaway ay nasa depensiba at tayo ang nasa opensiba." Ito'y mailalapat sa buong kalagayan ng digmaan, gayundin sa mga bahagi nito.

The basic question is how will this strategic changes in relative strength and position be achieved? Meaning how to advance the war as whole as well as in its parts in a protracted way from the defensive to the stalemate and finally to the offensive. Here, Mao is quite clear and categorical in his basic operational principles. 

Ang batayang usapin ay paano makakamit ang mga istratehikong pagbabagong ito na may relatibong kalakasan at posisyon? Ibig sabihin, paano isusulong ng ganap ang digmaan, pati na mga bahagi nito sa paraang matagalan mula sa depensiba tungo sa pagkakapatas, at sa huli'y sa opensiba. Dito, maliwanag at tiyak ang mga paliwanag ni Mao sa kanyang batayang prinsipyong operasyunal.

The only thing that Sison copied from Mao is to assert that our people's war will be a protracted war encircling the cities from the countryside passing through three strategic stages. In how to conduct this protracted war, specially in the strategic defensive so as to advance to the higher strategic stages, i.e., achieve strategic changes in the balance of forces-Sison completely deviated from Mao's protracted war theory, completely negating and vulgarizing this war strategy. For Sison, protracted war is just a war of prolonged duration warped in a time dimension. It is essentially a war of attrition and not a war of annihilation which is the principal nature of Mao's protracted war. 

Ang tanging kinopya ni Sison kay Mao ay ang paggigiit na ang ating digmaang bayan ay magiging matagalang digmaan ng pagkubkob ng kalunsuran mula sa kanayunan na daraan sa tatlong istratehikong yugto. Kung paano gagawin ang matagalang digmaang ito, lalo na sa istratehikong depensiba upang umabante sa mas mataas na istratehikong yugto, hal., makamit ang mga istratehikong pagbabago sa balansa ng pwersa - lubusan nang lumihis si Sison sa teorya ng matagalang digma ni Mao, lubusang iwinaksi at binulgarisa ang istratehiyang ito ng digma. Para kay Sison, ang matagalang digmaan ay isa lang digmaang pinatagal na nakakulong sa isang panahon. Ito talaga'y isang digmaang atrisyon at hindi digmaang anihilasyon na siyang pangunahing katangian ng matagalang digmaan ni Mao.

Before proceeding to the basic operational principles of Mao in conducting protracted war, let us first study how Mao characterized this protracted war specially in the period of the strategic defensive. 

Bago dumako sa batayang prinsipyong operasyunal ni Mao sa paglulunsad ng matagalang digma, pag-aralan muna natin kung paano inilalarawan ni Mao ang matagalang digmang ito lalo na sa yugto ng istratehikong opensiba.

According to Mao, enemy "encirclement and suppression" and the Red Army's counter-campaign against it is the main pattern of China's civil war. He said: "For ten years this pattern of warfare has not changed, and unless the civil war gives place to a national war, the pattern will remain the same till the day the enemy becomes the weaker contestant and the Red Army the stronger." 

Ayon kay Mao, ang "pagkubkob at paniniil" ng kaaway at ang kontra-kampanya ng Pulang Hukbo laban dito ang siyang pangunahing padron ng digmaang sibil ng Tsina. Sabi niya: "Sa loob ng sampung taon, ang padrong ito ng digmaan ay hindi nagbago, maliban kung ang digmaang sibil ay magiging pambansang digmaan, mananatili ang padron hanggang sa araw na manghina ang kaaway at lumakas ang Pulang Hukbo."

When will this pattern of repeated "encirclement and suppression" campaigns come to an end? Mao is very clear in this regard: first, "when a fundamental change takes place in the balance of forces", i.e. the Red Army has passed through the stage of the strategic defensive, or second, "the civil war gives place to a national war". In a national war, it will be "a war of jigsaw pattern" which according to Mao, "is a marvelous spectacle in the annals of war, a heroic undertaking of the Chinese nation, a magnificent and earth-shaking feat." This jigsaw pattern manifests itself : Interior and exterior line operations, possession and non-possession of a rear area, encirclement and counter-encirclement, big areas and small areas for both the enemy and the Red Army.

Kailan matatapos ang padrong ito ng paulit-ulit na kampanyang “pagkubkob at paniniil”? Malinaw ang sinabi ni Mao hinggil dito: una, “Kung may batayang pagbabago sa balanse ng pwersa”, hal., nilandas na ng Pulang Hukbo ang yugto ng istratehikong depensiba, o ikalawa, “kung ang digmaang sibil ay magiging pambansang digmaan”. Sa isang pambansang digmaan, ito'y isang "digmaan ng lagaring padron" na ayon kay Mao "ay isang kahanga-hangang tanawin sa mga salaysay ng digmaan, isang magiting na pagkilos ng bansang Tsino, isang napakahusay at nakayayanig na tagumpay." Inilantad ng lagaring padron na ito ang sarili: ang mga panloob at panlabas na linya ng operasyon, ang pagkakaroon at kawalan ng tagong pook, ang pagkubkob at kontra-pagkubkob, malalaking pook at maliliit na poor para sa kaaway at sa Pulang Hukbo.

Since our protracted war is a civil war, the main pattern, theoretically, will be the repeated "campaign and counter-campaign" cycle or spiral which Mao considered a "law" of a protracted civil war in his Problems of Strategy. In elaborating Mao's basic operational principles in such a protracted war, we will use as reference this article although it should be stressed that these were not validated in a consummated revolutionary practice and were superseded by the principles developed by Mao during the more successful national war against Japan. In fact, the chapters on the strategic offensive, political work and other problems were left undone and only five chapters of this Problems of Strategy were completed. 

Dahil ang ating matagalang digma ay digmaang sibil, ang pangunahing padron, sa teorya, ay ang pauli-ulit na “kampanya at kontra-kampanyang” pag-inog (cycle) o papaikot (spiral) na itinuring ni Mao na “batas” ng matagalang digmaang sibil sa kanyang "Suliranin sa Istratehiya". Sa pagpapaliwanag natin sa batayang operasyunal na prinsipyo ni Mao sa naturang matagalang digmaan, gagamitin nating gabay ang akdang ito bagamat dapat linawin na ito'y hindi napatunayan sa isang lubos na praktikang rebolusyonaryo at natabunan na ito ng mga prinsipyong pinaunlad ni Mao sa panahon ng matagumpay na pambansang digmaan laban sa Hapon. Sa katunayan, ang mga kabanata hinggil sa istratehikong opensiba, gawaing pampulitika at iba pang suliranin ay di na natapos at limang kabanata lamang nitong “Suliranin sa Istratehiya” yaong natapos.

No comments: