Thursday, April 21, 2011

Kritik sa PPW - Ikalabingisang Bahagi

Ito ang IKALABINGISANG BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.


It should be noted that there were major differences in Mao's ideas of the warfare in the three strategic stages of a national war compared to a civil war, particularly, on guerrilla warfare and on the strategic stalemate, and these ideas were the ones consummated and validated in revolutionary practice and proven brilliantly correct in a national war. 

Dapat itala na maraming mga mayor na kaibahan sa mga naiisip ni Mao hinggil sa pakikidigma sa tatlong istratehikong yugto ng pambansang digmaan kumpara sa digmaang sibil, lalo na, hinggil sa pakikidgmang gerilya at sa istratehikong pagkatabla, at ang mga kaisipang ito yaong mas nagagawang lubos at napapatunayan sa rebolusyonaryong praktika at napatunayang napakagaling at wasto sa isang pambansang digmaan.

Our main thrust here is how Mao envisioned the development of protracted war strategy in a civil war through this repeated pattern of campaign and counter-campaign in the period of the strategic defensive until a fundamental change in the balance of forces is achieved and the war advances to a higher strategic stage. In short, the operational principles of Mao in defeating the enemy in the strategic defensive so as to advance to the strategic offensive. In Problems of Strategy, Mao does not talk of a strategic stalemate. 

Ang pangunahing nag-uudyok sa atin dito ay kung paano nakikinita ni Mao ang pag-unlad ng istratehiya ng matagalang digmaan sa isang digmaang sibil sa pamamagitan ng ganitong pauli-ulit na kampanya at kontra-kampanya sa yugto ng istratehikong depensiba hanggang sa makamit ang isang batayang pagbabago sa balanse ng pwersa at tumungo ang digmaan sa mas mataas na istratehikong yugto. Sa maikling sabi, ang prinsipyong operasyunal ni Mao upang magapi ang mga kaaway sa istratehikong depensiba ay ang pag-abante sa istratehikong opensiba. Sa kanyang “Suliranin sa Istratehiya”, hindi tinalakay ni Mao ang istratehikong pagkatabla. 

In the enemy's campaign and the Red Army's counter-campaign, the two forms of fighting-offensive and defensive-are both employed, and here, according to Mao, "there is no difference from any other war, ancient or modern, in China or elsewhere." The special characteristic of China's civil war, however, is "the repeated alternation of the two forms over a long period of time." By repeated alternation over a long period, Mao meant the repetition of this pattern of warfare and these forms of fighting, and this is what constitutes "protracted war" and not the simple prolongation of the war. 

Sa kampanya ng kaaway at kontra-kampanya ng Pulang Hukbo, ang dalawang anyo ng pakikipaglaban – ang opensiba at ang depensiba – ay parehong ginagamit, at dito, ayon kay Mao, “walang pinagkaiba ito sa iba pang digmaan, sa lumang panahon man o sa modernong panahon, sa Tsina o saan pa man”. Gayunpaman, ang ispesyal na katangian ng digmaang sibil ng Tsina ay “ang paulit-ulit na halinhinan ng dalawang anyo sa loob ng mahabang panahon”. Sa pamamagitan ng paulit-ulit na halinhinan sa loob ng mahabang panahon, ang kahulugan ni Mao sa ganitong padron ng pakikidigma at ng mga anyong ito ng pakikipaglaban, at ito ang bumubuo ng “matagalang digmaan” at hindi ang simplang katagalan ng digmaan.

According to Mao: "In each campaign, the alternation in the forms of fighting consists of the first stage in which the enemy employs the offensive against our defensive and we meet his offensive with our defensive, and of the second stage in which the enemy employs the defensive against our offensive and we meet his defensive with our offensive." 

Ayon kay Mao: “Sa bawat kampanya, ang paghahalinhinan sa mga anyo ng pakikipaglaban ay binubuo ng unang yugto kung saan ginagamit ng kaaway ang opensiba laban sa ating depensiba at sinasalubong natin ang kanyang opensa ng ating depensa, at ng ikalawang yugto kung saan ginagamit ng kaaway ang depensiba laban sa ating depensiba at sinasalubong natin ang kanyang depensa ng ating opensa.”

As for the content of a campaign or a battle, it does not consist of mere repetition but is different each time. As a rule, with each campaign and counter-campaign, the scale becomes larger, the situation more complicated and the fighting more intense. But this does not mean that there are no ups and downs. 

Hinggil sa nilalaman ng kampanya o ng isang labanan, hindi ito binubuo ng pag-uulit lamang kundi magkakaiba ito sa bawat panahon. Bilang batas, sa bawat kampanya at kontra-kampanya, lumalaki ang talasukatan, nagiging kumplikado ang sitwasyon at nagiging mas maigting ang labanan. Ngunit hindi ibig sabihin nito na walang pag-angat at pagbagsak.

The basic question here is how to conduct the defensive when the enemy is on the offensive (the first stage of the campaign and counter-campaign) and how to conduct the offensive when the enemy is already in the defensive (the second stage of the campaign and counter-campaign) both in the period of the strategic defensive in the war situation as a whole. This question resolves itself into how to advance the protracted war through this repeated pattern of campaign and counter-campaign, the enemy getting weaker and the people's army getting stronger; from a position of superiority the enemy becomes inferior, and from a position of inferiority, the people's army becomes superior through the repeated pattern of campaign and counter-campaign until the war situation as a whole reaches a strategic change in the relations of strength. 

Ang pangunahing usapin dito ay kung paano isasagawa ang pagdepensa kung ang kaaway ay nasa opensiba (ang unang yugto ng kampanya at kontra-kumpanya) at kung paano isasagawa ang opensa kung ang kaaway ay nasa depensiba (ang ikalawang yugto ng kampanya at kontra-kumpanya) kapwa sa yugto ng istratehikong depensiba sa kalagayan ng digmaan sa kabuuan. Nalutas nito ang usapin kung paano isusulong ang matagalang digmaan sa pamamagitan ng paulit-ulit na padron ng kampanya at kontra-kampanya, napapahina ang kaaway at napapalakas ang hukbo ng mamamayan; mula sa posisyon ng superyoridad ng kaaway na maging imperyor, at mula sa posisyon ng imperyoridad, ang hukbo ng mamamayan ay nagiging superyor sa pamamagitan ng paulit-ulit na padron ng kampanya at kontra-kampanya hanggang sa ang kalagayan ng digmaan sa kabuuan ay tumungo sa istratehikong pagbabago kaugnay sa lakas nito.

This question of how to conduct the defensive and the offensive in the period of the strategic defensive characterized by the repeated pattern of campaign and counter-campaign is what Mao tried to resolve in his Problems of Strategy with the main objective of how to put an end to this pattern and reach a higher strategic stage of warfare. This is where Sison deviated completely from Mao's theory of protracted war and developed his contraband theory of "protracted guerrillaism" smuggling it as Maoist protracted war and using the Maoist stamp to pass it off as genuine. 

Ang usaping ito hinggil sa kung paano isasagawa ang depensa at opensa sa yugto ng istratehikong depensiba na kinatatangian ng paulit-ulit na kampanya at kontra-kampanya ang siyang sinusubukang lutasin ni Mao sa kanyang “Suliranin sa Istratehiya” ng may pangunahing layunin kung paano wawakasan ang padrong ito at tumungo sa mas mataas na yugto ng istratehikong pakikidigma. Dito lubusang lumayo si Sison sa teoryang matagalang digmaan ni Mao at paunlarin ang kanyang kontrabandong teorya ng “matagalang gerilyaismo” na ipinuslit ito bilang Maoistang matagalang digmaan at ginamit ang Maoistang selyo upang palabasing ito’y orihinal.

First on the question of defence. In Problems of Strategy, regarding this question, Mao tackled the problems of (1) active and passive defence; (2) preparations for combatting "encirclement and suppression campaigns"; and (3) strategic retreat. According to Mao: "The defensive continues until an 'encirclement and suppression' campaign is broken, whereupon the offensive begins, these being but two stages of the same thing; and one such enemy campaign is closely followed by another. Of the two stages, the defensive is more complicated and the more important. It involves numerous problems of how to break the "encirclement and suppression". The basic principle here is to stand for active defense and oppose passive defense."

Una ang usapin ng depensa. Sa “Suliranin sa Istratehiya”, hinggil sa usaping ito, tinalakay ni Mao ang suliranin ng (1) aktibo at pasibong depensa; (2) paghahanda para labanan ang kampanya ng “pagkubkob at paniniil”; at (3) istratehikong pag-atras. Ayon kay Mao: “Nagpapatuloy ang depensiba hanggag sa madurog ang kampanya ng ‘pagkubkob at paniniil’, kung saan nagsisimula ang opensiba, ang mga bagay na ito’y dalawang yugto ng parehong mga bahay; at ang isang tulad nitong kampanya ng kaaway ay mahigpit na sinusundan ng isa pa. Sa dalawang yugtong ito, mas kumplikado at mas mahalaga ang depensiba. Kabilang dito ang maraming suliranin kung paano mababali ang ‘pagkubkob at paniniil’. Ang batayang prinsipyo rito ay ang paninidigan para sa aktibong depensa at pagtutol sa pasibong depensa”.

What is active defense in protracted war and why is it the only correct form of defense? What is passive defense and why should we absolutely reject it? 

Ano ang aktibong depensa sa matagalang digmaan at bakit ito lang ang tanging tamang anyo ng depensa? Ano ang pasibong depensa at bakit dapat natin itong lubusang itakwil?

Active defense is inseparable to the concept of strategic retreat, which in Kiangsi was called "luring the enemy in deep" and in Szechuan "contracting the front." According to Mao, no previous theorist or practitioner of war has ever denied that this is the policy a weak army fighting a strong army must adopt in the initial stage of a war. The object of strategic retreat is to conserve military strength and prepare for the counter-offensive. Retreat is necessary because not to retreat a step before the onset of a strong enemy inevitably means to jeopardize the preservation of one's own forces. 

Ang pasibong depensa ay di maihihiwalay sa konsepto ng istratehikong pag-atras, kung saan sa Kiangsi ay tinawag na “pagbitag sa kaaway sa kailaliman” at sa Szechuan na “salungat sa harapan.” Ayon kay Mao, wala pang teyorista o nagsasagawa ng pakikidigma ang nagkaila na ito ang patakaran ng isang mahinang hukbong lumalaban sa malakas na hukbo na dapat pairalin sa mga unang yugto ng isang digmaan. Ang layon ng istratehikong pag-atras ay para imbakin ang lakas-militar at maghanda para sa kontra-opensiba. Ang pag-atras ay kailangan dahil ang di pag-atras isang hakbang bago ang paglusob ng isang malakas na hukbo ay di-maiiwasang mangahulugang pagsasapanganib na mapangalagaan ang sariling pwersa.

But what makes a strategic retreat a form of active and not passive defense? A strategic retreat, according to Mao, "is a planned strategic step by an inferior force for the purpose of conserving strength and biding its time to defeat the enemy, when it finds itself confronted with a superior force whose offensive it is unable to smash quickly." What distinguishes it from a "headlong flight" and "passive defense" is that, first, its a well-planned withdrawal with all the elements of a trap, hence, it is essentially a policy of "luring the enemy in deep." Second, it is a policy of withdrawing in order to attack, in order to defeat the enemy's offensive. According to Mao: "Strategic retreat is aimed solely at switching over to the counter offensive and is merely the first stage of the strategic defensive. The decisive link in the entire strategy is whether victory can be won in the stage of the counter-offensive which follows." 

Ngunit anong dahilan bakit ang isang istratehikong pag-atras ay isang anyo ng aktibo at di pasibong depensa? Ang isang istratehikong pag-atras, ayon kay Mao, ay “isang planadong istratehikong hakbang ng isang mas mahinang pwersa para sa pag-iipon ng lakas at a paghihintay ng panahong matalo ang kaaway, kapag nakaharap na nito ang mas malakas na pwersa kung saan ang opensiba’y di agad-agad madudurog”. Ang ikinaiba nito sa “pabugso-bugsong pagtakas” at “pasibong depensa” ay, una, ito’y isang planadong pag-urong kung saan maraming sangkap ng bitag, kaya, napakahalaga ng patakarang “pagbitag sa kaaway sa kailaliman.” Ikalawa, isa itong patakaran ng pag-urong upang sumalakay, upang madurog ang opensiba ng kaaway. Ayon kay Mao: “Nakatutok lang ang istratehikong pag-atras sa paglipat tungo sa kontra-opensiba at isa lang unang yugto ng istratehikong opensiba. Ang mapagpasyang ugnayan ng buong istratehiya ay kung ang tagumpay ay maipapanalo sa yugto ng susunod na kontra-opensiba.”

Therefore, the aim of the Red Army in a particular defensive campaign is to defeat this offensive. To defeat this offensive, the Red Army relies on the situation created during the retreat. It takes many elements to make up such a situation. But the presence of this situation does not mean the enemy's offensive is defeated. It only provides the condition for victory of the Red Army and defeat for the reactionary army, but do not constitute the reality of victory or defeat. 

Kung gayon, ang layunin ng Pulang Hukbo sa isang partikular na kampanyang depensiba ay ang matalo ang opensibang ito. Upang matalo ang opensibang ito, umaasa ang Pulang Hukbo ang kalagayang nalikha sa panahon ng pag-atras. Subalit ang pag-iral ng ganitong kalagayan ay di nangangahulugang madudurog ang opensiba ng kaaway. Naglalatag lang ito ng kalagayan ng pagtatagumpay ng Pulang Hukbo at ang pagkatalo ng reaksyunaryong hukbo, ngunit hindi naglalaman ng reyalidad ng tagumpay o kabiguan.

No comments: