Monday, April 25, 2011

Kritik sa PPW - Ikalabindalawang Bahagi

Ito ang IKALABINDALAWANG BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.


To bring about victory or defeat in a defensive campaign, according to Mao, "a decisive battle between the two armies is necessary". He added that: "Only a decisive battle can settle the question as to which army is the victor and which the vanquished. This is the sole task in the stage of the strategic counter-offensive. The counter-offensive is a long process, the most fascinating, the most dynamic and also the final stage of a defensive campaign. What is called active defense refers chiefly to this strategic counter-offensive, which is in the nature of a decisive engagement." 

Upang makamit ang tagumpay o kabiguan sa isang kampanyang depensiba, ayon kay Mao, “kinakailangan ng isang mapagpasyang labanan sa pagitan ng dalawang hukbo”. Idinagdag pa niya: “Tanging isang mapagpasyang labanan ang mag-aayos sa usapin kung aling hukbo ang magtatagumpay at alin ang masusupil. Ito ang tanging tungkulin sa yugto ng istratehikong kontra-opensiba. Mahabang proseso ang kontra-opensiba, ang pinaka-nakakaakit, ang pinakadinamiko at siya ring panghuling yugto ng istratehikong kontra-opensiba. Ang tinatawag na aktibong depensa aykaraniwang tumutukoy sa istratehing kontra-opensibang ito, na nasa kalikasan ng isang mapagpasyang paghaharap.”

In all the preceding discussion, Mao is using the term "strategic" to refer to the "campaign situation as a whole" and sometimes to the "war situation as a whole," to the nationwide protracted war. Let us sum-up the discussion up to this point in their logical sequence.

Sa mga nakaraang pagtalakay, ginagamit ni Mao ang terminong “istratehiko” sa pagtukoy sa “kalagayan ng kampanya sa kabuuan” at paminsan-minsan ay tumutukoy sa “kalagayan ng digmaan sa kabuuan”, sa pambansang matagalang digmaan. Buodin natin ang talakayan hanggang dito ayon sa lohikal na pagkasunud-sunod nito.

First: Mao characterized the repeated alternation of "campaign and counter-campaign" in a long period of time as the main pattern of China's civil war in the period of the strategic defensive. This essentially constitutes protracted war. 

Una: Inilarawan ni Mao ang paulit-ulit na halinhinan ng “kampanya at kontra-kampanya” sa mahabang panahon sa batayang padron ng digmaang sibil sa tsina sa panahon ng istratehikong depensiba. Ito ang esensyal na bumubuo ng matagalang digmaan.

Second: This main pattern is also the repeated alternation of the two forms of warfare-the defensive and the offensive. In every enemy campaign, the Red Army in its counter-campaign, meets the enemy's offensive with its defensive in the first stage of the counter-campaign, and in the second stage, meets the enemy's defensive with its offensive. 

Ikalawa: Ang batayang padrong ito rin ang paulit-ulit na halinhinan ng dalawang anyo ng labanan – ang depensiba at ang opensiba. Sa bawat kampanya ng kaaway, ang Pulang Hukbo sa kanyang kontra-kampanya, sinasalubong ang opensiba ng kaaway ng depensiba nito sa unang yugto ng kontra-kampanya at sa ikalawang yugto, sinasalubong naman ang depensiba ng kaaway ng opensiba nito.

The counter-campaign is essentially a defensive campaign because, in the war situation as a whole, the enemy is still in the strategic offensive and the Red Army is still in the strategic defensive, and this pattern of "campaign and counter-campaign" occurs only in the strategic defensive. 

Ang kontra-kampanya sa esensya ay isang kampanyang depensiba dahil, sa kabuuang kalagayan ng digmaan, naroon pa rin ang kaaway sa istratehikong opensiba at ang Pulang Hukbo ay naroon pa rin sa istratehikong depensiba, at ang padrong ito ng “kampanya at kontra-kampanya” ay nangyayari lang sa istratehikong depensiba.

Third: In pursuing the policy of the strategic defensive in every enemy campaign, the Red Army employs active defense and rejects passive defense. This strategic defensive, in its first stage, employs the policy of strategic retreat to conserve its strength and bide its time for its counter-offensive in the second stage. The aim of strategic retreat, essentially, is to switch over to the counter-offensive when the favorable situation for it is achieved through the strategic retreat. 

Ikatlo: Sa pagsusulong ng patakaran sa istratehikong opensiba sa bawat kampanya ng kaaway, ginagamit ng Pulang Hukbo ang aktibong depensa at iwinawaksi ang pasibong depensa. Ang istratehikong depensibang ito, sa unang yugto nito, ay ginagamit ang patakaran ng istratehikong pag-atras upang maipon ang lakas nito at maghintay ng panahon para sa kontra-opensiba nito sa ikalawang yugto. Ang layunin ng istratehikong pag-atras, sa esensya, ay tumungo agad sa kontra-opensiba pag nakamit na ang paborableng kalagayan sa pamamagitan ng istratehikong pag-atras.

Fourth: The sole aim of the strategic defensive in every counter-campaign is to defeat the strategic offensive of the enemy's "encirclement and suppression" campaign. This necessitates a "decisive battle" in the second stage of the counter-campaign, in the period of the counter-offensive. This counter-offensive is in the nature of a "decisive engagement" in the sense of decisively smashing and defeating the enemy campaign and ending this particular campaign. Active defence refers chiefly to this counter-offensive-the smashing of the enemy offensive in each repeated "encirclement and suppression" campaigns. This is the meaning of the Red Army taking the strategic defensive against the enemy's strategic offensive in the repeated alternation of "campaign and counter-campaign"-an active defense warfare in the form of a counter-offensive in a defensive campaign! 

Ikaapat: Ang tanging layunin ng istratehikong depensiba sa bawat kontra-kampanya ay ang paggapi sa istratehikong opensiba ng kampanyang “pagkubkob at paniniil” ng kaaway. Nangangailangan ito ng “mapagpasyang labanan” sa ikalawang yugto ng kontra-kampanya, sa panahon ng kontra-opensiba. Ang kontra-opensibang ito ay nasa katangian ng “mapagpasyang sagupaan” na nangangahulugan ng mapagpasyang pagdurog at paggapi sa kampanya ng kaaway at pagtapos sa partikular na kampanyang ito. Kalimitang tumutukoy ang aktibong depensa dito sa kontra-opensiba – pagdurog sa opensiba ng kaaway sa bawat paulit-ulit na kampanyang “pagkubkob at paniniil”. Ito ang kahulugan na nakuha ng Pulang Hukbo ang istratehikong depensiba laban sa istratehikong opensiba ng kaaway sa paulit-ulit na halinhinan ng “kampanya at kontra-kampanya” – isang aktibong depensang labanan sa anyo ng kontra-opensiba sa isang kampanyang depensiba!

This is what constitutes Mao's protracted war theory. A small and weak Red Army against a big and strong White Army gradually advancing from inferiority to superiority in prolonged warfare characterized by the repeated alternation of campaign and counter-campaign and accumulating strength through a policy of a strategic defensive against the enemy's strategic offensive-a policy of active defense warfare chiefly in the form of a counter-offensive in a strategically defensive counter-campaign. This is the essential meaning of the strategic defensive, not only as a stage of development of the protracted war reflecting a given balance of forces but as a definite military strategy in advancing this protracted war and shifting the relation of strength to our favor. 

Ito ang bumubuo ng teyorya ng matagalang digmaan ni Mao. Ang isang maliit ang mahinang Pulang Hukbo laban sa isang malaki at malakas na Puting Hukbo na unti-unting sumusulong mula imperyoridad tungong superyoridad sa isang matagalang labanan na kinatatangian ng pauli-ulit na halinhinang kampanya at kontra-kampanya at pag-iipon ng lakas sa pamamagitan ng isang patakarang istratehikong depensiba laban sa istratehikong opensiba ng kaaway – isang patakaran ng aktibong labanang depensiba na karaniwang nasa anyo ng kontra-opensiba sa isang istratehikong depensibang kontra-kampanya. Ito ang mahalagang kahulugan ng istratehikong depensiba, hindi lamang bilang yugto ng pag-unlad ng matagalang digmaan na sumasalamin sa isang takdang balanse ng pwersa kundi bilang isang depinidong istratehiyang militar sa pagsusulong ng matagalang digmaang ito at paglipat ng ugnayan ng lakas pabor sa atin.

Mao's basic idea is for the Red Army to grow in strength while weakening the enemy in the repeated alternation of "campaign and counter-campaign" by accumulating victories in counter-offensives in defensive counter-campaigns and the enemy accumulating decisive defeats in his offensive campaigns all through a policy of active defense and never by a policy of passive defense until it reaches a point that a shift in the strategic balance is achieved and this pattern of "campaign and counter-campaign" comes to an end. 

Ang batayang ideya ni Mao ay ang paglakas ng Pulang Hukbo habang pinahihina ang kaaway sa paulit-ulitin na halinhinang “kampanya at kontra-kampanya” sa pamamagitan ng pag-iipon ng tagumpay sa mga kontra-opensiba sa mga depensibang kontra-kampanya at ang kaaway ay nag-iipon ng mapagpasyang pagkatalo sa kanilang kampanyang opensiba sa pamamagitan ng patakaran ng aktibong depensa at hindi bilang isang patakaran ng pasibong depensa hanggang sa marating nito ang antas na magaganap ang paglipat ng istratehikong balanse at ang magwakas na ang padrong ito ng “kampanya at kontra-kampanya”.

The most fundamental question here is how to conduct this active defense form of warfare, this strategy of the strategic defensive and this is of utmost importance in criticizing Sison's vulgarization of protracted war. Mao's "sixteen character" formula plus the principle of "luring the enemy in deep" constitutes the basic operational principles in combating "encirclement and suppression. According to Mao, it covers the two stages of the strategic defensive and the strategic offensive, and within the defensive, it covers the two stages of the strategic retreat and the strategic counter-offensive. What came later was only a development of this formula.

Ang pinakabatayang usapin dito ay kung paano isasagawa itong aktibong depensang anyo ng labanan, ang istratehiyang ito ng istratehikong depensiba at napakahalaga nito sa pagpuna sa bulgarisasyon ni Sison sa matagalang digmaan. Ang tuntuning “labing-anim na karakter” ni Mao dagdag ang prinsipyo ng “pagbitag sa kaaway sa kailaliman” ang bumuubo ng batayang operasunal na prinsipyo ng paglaban sa pagkubkob at paniniil. Ayon kay Mao, sinasaklaw nito ang dalawang yugto ng istratehikong depensiba at istratehikong opensiba, at sa loob ng depensiba, sinasaklaw nito ang dalawang yugto ng istratehikong pag-atras at istratehikong kontra-opensiba. Ang mga sumunod na pagbabago ay pagpapaunlad lamang ng ganitong tuntunin.

In Mao's Problems of Strategy, he developed the Red Army's basic operational principles by tackling the basic questions involved in the counter-offensive, chiefly the questions of (1) starting the counter-offensive; (2) the concentration of troops; (3) mobile warfare; (4 ) war of quick decision; and (5) war of annihilation. Mao's ideas on these questions are of fundamental importance because they basically answer and clarify how the protracted war will advance through the strategic defensive towards the strategic offensive and these questions expose Sison's ignorance and distortion of Mao's protracted war theory, and confirm the impossibility of our people's war advancing from the strategic defensive towards the strategic offensive guided by Sison's vulgarized ideas on military strategy. 

Sa akdang “Suliranin sa Istratehiya” ni Mao, pinaunlad niya ang batayang operasyunal na prinsipyo ng Pulang Hukbo sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga batayang usaping kasama sa kontra-opensiba, karaniwang usapin ng (1) pagsisimula ng kontra-opensiba; (2) konsentrasyon ng hukbo; (3) labanang makilos; (4) ang digmaan ng mabilisang pagpapasya; at (5) ang digmaang ubusan. Ang mga ideya ni Mao hinggil sa mga usaping ito ay napakahalaga dahil sinasagot nito at ipinaliliwanag kung paano susulong ang matagalang digmaan sa pamamagitan ng istratehikong depensiba tungo sa istratehikong opensiba at ang mga usaping ito ang naglantad sa kamangmangan ni Sison at ang pagbaluktot sa teoryang matagalang digmaan ni Mao, at mapatunayan ang imposibilidad ng ating digmaang bayan na sumusulong mula sa istratehikong depensiba tungo sa istratehikong opensiba na ginagabayan ng bulgarisadong ideya ni Sison sa istratehiyang militar.

We will not deal much with the first point because although it is of utmost importance to the question of winning the counter-offensive, it has no direct relevance on the subject at hand, i.e., comparing Mao's protracted war with Sison's protracted guerrillaism. This first point of point of Mao deals directly with the problem of the "initial battle" or prelude, how to select this first battle which has "a tremendous effect upon the entire situation, all the way to the final engagement." 

Hindi na tayo gaanong magpapalawig pa sa unang punto dahil bagamat napakahalaga ng usaping ipagtagumpay ang kontra-opensiba, wala itong direktang halaga sa ating paksa, hal., ang pagkumpara ng matagalang digmaang ni Mao sa matagalang gerilyaismo ni Sison. Ang unang puntong ito sa punto ni Mao ay direktang pumapatungkol sa suliranin ng “panimulang labanan” o pasakalye, paano piliin ang unang labanan ito na may” matinding epekto sa buong kalagayan, hanggang sa huling sagupaan.”

No comments: