Thursday, April 28, 2011

Kritik sa PPW - Ikalabintatlong Bahagi

Ito ang IKALABINTATLONG BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.


We proceed directly to Mao's second point, the question of "concentration of troops" which is of decisive importance in conducting the strategic defensive, in the question of gaining the initiative in defensive warfare and developing active defense. 

Dumirekta tayo sa ikalawang punto ni Mao, ang usapin ng konsentrasyon ng hukbo na siyang mapagpasyang importansya sa pagsasagawa ng istratehikong depensiba, sa usapin ng pagkuha ng inisyatiba sa labanang depensiba at pagpapaunlad ng aktibong depensa.

The strategic defensive is defensive warfare and according to Mao, it is easy to fall into a passive position because of its defensive character, which gives it far less scope for the full exercise of initiative than does offensive warfare. However, Mao stresses that "defensive warfare, which is passive in form can be active in content, and can be switched from the stage in which it is passive in form to the stage in which it is active in form and content." 

Ang istratehikong depensiba ay labanang depensiba at ayon kay Mao, mas madaling bumagsak sa pasibong posisyon dahil sa depensibong katangian nito, na nagbibigay ng mas maliit na saklaw para sa lubusang ehersisyo ng inisyatiba kaysa nagagawa ng labanang opensiba. Gayunman, binigyang-diin ni Mao na ang “labanang depensiba, na pasibo sa anyo ay maaring maging aktibo sa nilalaman, at maaaring lumipat mula sa yugto kung saan pasibo ito sa anyo tungo sa yugto kung saan aktibo ito sa anyo at nilalaman.”

Mao added: "In appearance a fully planned strategic retreat is made under compulsion, but in reality it is effected in order to conserve our strength and bide our time to defeat the enemy, to lure him in deep and prepare our counter-offensive." Here at this stage, defensive warfare is passive in form but active in content. In the stage of the counter-offensive, defensive warfare is active both in form and content. According to Mao: "Not only is a strategic counter-offensive active in content, but in form, too, it discards the passive posture in the period of retreat. In relation to the enemy, our counter-offensive represents our effort to make him relinquish the initiative and put him in a passive position." 

Idinagdag ni Mao: “Sa itsura, ang isang lubusang planadong istratehikong pagkatalo ay ginawa sa ilalim ng pamimilit, ngunit sa reyalidad, ito’y isinagawa upang matipon ang ating lakas at maghintay tayo ng panahon upang matalo ang kaaway, pagbitag sa kanya sa kailaliman at paghahanda ng ating kontra-opensiba.” Dito sa yugtong ito, ang labanang depensiba ay pasibo sa anyo ngunit aktibo sa nilalaman. Sa yugto ng kontra-opensiba, ang labanang depensiba ay aktibo sa anyo at nilalaman. Ayon kay Mao: “Hindi lang aktibo sa nilalaman ang istratehikong kontra-opensiba, kundi sa anyo rin, itinatapon nito ang pasibong postura sa panahon ng pag-atras. Kaugnay sa kaaway, ang ating kontra-opensiba ay kumakatawan sa pagsisikap nating isantabi niya ang inisyatiba at madala siya sa pasibong posisyon.”

Hence, if the enemy attacks or is in the offensive, and we just retreat and engage in evasion or flight to avoid the enemy's blows and do not have any definite plan to defeat the offensive by a counter-offensive and rest content in frustrating the enemy by just exhausting him by punching the air, this defensive warfare is not only passive in form but also in content. If we do not plan and launch a counter-offensive to precisely smash and defeat the enemy campaign, if we do not consciously maneuver and engage in battle to put the enemy in the defensive and actually take the offensive and achieve a victorious decisive engagement in a counter-campaign, we cannot reach the stage wherein our defensive warfare is both active in form and content. In relation to the enemy, the counter-offensive in defensive warfare represents the effort of the Red Army to make the enemy relinquish the initiative and put him in a passive position. 

Kaya, kung sumalakay ang kaaway o nasa opensiba, at tayo’y aatras lamang at iiwas o tatalilis tayo upang maiwasan ang dagok ng kaaway at walang aumang depinidong plano na matalo ang opensiba ng isang kontra-opensiba at magkakasya na lang na biguin ang kaaway at pagurin ito sa pamamagitan ng pagsuntok sa hangin, ang labanang depensibag ito ay hindi lang pasibo sa anyo kundi sa nilalaman din. Kapag di tayo nagplano at naglunsad ng kontra-opensiba upang eksaktong madurog at matalo ang kampanya ng kaaway, kapag di tayo malay na magmaniobra at makipaglaban upang ilagay ang kaaway sa depensiba at sa aktwal ay makuha ang opensiba at makamit ang mapagpasyang tagumpay sa labanan sa isang kontra-kampanya, hindi natin mararating ang yugto kung saan ang ating labanang depensiba ay kapwa aktibo sa anyo at sa nilalaman. Kaugnay sa kaaway, ang kontra-opensiba sa labanang depensiba ay kumakatawan sa pagsisikap ng Pulang Hukbo na bitiwan ng kaaway ang inisyatiba at mailagay ito sa pasibong posisyon.

What are the necessary conditions for the strategic defensive or for defensive warfare to become active defense in both form and content and thus advance the protracted war? According to Mao: "Concentration of troops, mobile warfare, war of quick decision and war of annihilation are all necessary conditions for the full achievement of this aim. And of these, concentration of troops is the first and most essential." 

Ano ang mga kinakailangang kondisyon para sa istratehikong depensiba o para sa labanang depensiba upang maging aktibong depensa kapwa sa anyo at nilalaman at sa gayon ay sumulong sa matagalang digmaan? Ayon kay Mao: “Konsentrasyon ng hukbo, makilos na pakikipaglaban, digmaan ng mabilisang pagpapasya at digmaang ubusan ay lahat nang kinakailangang kondisyon para sa ganap na pagkakamit ng ganitong hangarin. At sa lahat ng ito, ang konsentrasyon ng hukbo ang una at pinakamahalaga.”

Before we proceed to the discussion of the purpose and logic of this "concentration of troops" which according to Mao is the "first and most essential" in defensive warfare and "victory in the strategic defensive depends basically on this measure," it should be made clear that this "concentration of troops" is not a question of tactics but a question of strategy and is decisive in attaining the initiative in warfare, in both defense and offense, and which, in military struggle, can spell the difference between victory and defeat. 

Bago tayo tumungo sa pagtalakay sa layunin at lohika ng ganitong “konsentrasyon ng hukbo” na ayon kay Mao ay siyang “una at pinakamahalaga” sa labanang depensiba at sa “tagumpay ng istratehikong depensiba ay pangunahing nakasalalay sa ganitong aksyon”, dapat mailinaw na itong “konsentrasyon ng hukbo” ay hindi usapin ng taktika kundi usapin ng istratehiya at mapagpasya sa pagkakamit ng inisyatiba sa pakikipaglaban, kapwa sa depensa at sa opensa, at kung saan, sa pakikibakang militar, ay magtakda ng kaibahan sa pagitan ng tagumpay at kabiguan.

According to Mao: "The concentration of troops seems easy but is quite hard in practice. Everybody knows that the best way is to use a large force to defeat a small one, and yet many people fail to do so and on the contrary often divide their forces up. The reason is that such military leaders have no head for strategy and are confused by complicated circumstances; hence, they are at the mercy of these circumstances, lose their initiative and have recourse to passive response." 

Ayon kay Mao: “Ang konsentrasyon ng hukbo ay mukhang madali ngunit napakahirap sa aktwal na praktika. Alam ng lahat na ang pinakamabuting paraan ay ang paggamit ng malaking pwersa upang matalo yaong maliit, datapwat maraming tao ang di ito nagagawa at sa kabila nito’y kadalasang nahahati ang kanilang pwersa. Ang dahilan nito’y ang mga pinunong militar ay walang ulo para sa istratehiya at nalilito sa mga kumplikadong pangyayari; kaya, lagi silang nasa awa ng ganitong mga pangyayari, nawawala ang kanilang inisyatiba at natutuon sa pasibong pagtugon.”

Our failure to achieve this "concentration of troops" after 25 years of "protracted war" proves that Sison has no "head for strategy" and this is not simply because he is no military leader, and does not read well and understand his idol's military writings. The basic reason is because Sison is just a plain and simple demagogue, a pseudo-intellectual and pseudo-theoretician, and above all, a rabid phrase-monger and war-monger of the Guzman and Pol Pot-type. 

Ang kabiguan nating makamit itong “konsentrasyon ng hukbo” matapos ang 25 taon ng matagalang digmaan ay nagpapatunay na “walang ulo sa istratehiya” si Sison at ito’y hindi lang simpleng dahil siya’y hindi isang pinunong militar, at hindi naunawaan at nabasang mabuti ang sulating militar ng kanyang idolo. Ang batayang dahilan ay dahil si Sison ay isang payak at simpleng matamis magsalita (demagog), isang kunwaring-intelektwal at kunwaring-teyoretisyan, at higit sa lahat, isang di-kanais-nais na panatikong daldalero at tagalako ng digmaan na katipo nina Guzman at Pol Pot.

In the beginning, he actually tried to imitate Mao's protracted war by attempting to build a Chingkang-type of "armed independent regime" or "central base area in Northern Luzon" during those "Isabela days" and immediately formed "three Red companies" in the area geared for "regular mobile warfare". He even tried to smuggle a shipload of armaments from abroad enough to arm thousands of revolutionary fighters and he actually created an artificial condition just to produce the necessary number of revolutionaries that will carry those arms. 

Sa simula, talagang sinubukan niyang gayahin ang matagalang digmaan ni Mao sa pagtatangka niyang buuin ang isang tipong-Chingkang na “armadong independenteng rehimen” o “sentrong baseng pook sa Hilagang Luzon” sa “panahong iyon sa Isabela” at agarang pagbubuo ng “tatlong Pulang kumpanya” sa lugar na inakma para sa isang “regular na labanang makilos”. Tinangka rin niyang magpasok ng isang barkong armas mula sa ibang bansa na sapat para armasan ang libu-libong rebolusyonaryong mandirigma at sa katunayan ay nalikha niya ang artipisyal na kondisyon para magkaroon ng kinakailangang bilang ng rebolusyonaryong tatangan ng mga armas na yaon.

But when the enemy began its massive "encirclement and suppression" campaign and the people's army failed to smash this campaign, Sison got confused and overwhelmed, and decided to deviate fundamentally from Mao's basic principles in protracted war. Confused by the complicated circumstances, particularly the archipelagic character of the country, he shifted to a strategy of protracted guerrillaism, which after 25 years, he wants to be "reaffirmed" by the Party as a basic, absolute and universal Maoist truth. 

Ngunit nang simulan ng kaaway ang malawakang kampanyang “pagkubkob at paniniil” nito at mabigo ang hukbong bayan na durugin ang kampanyang ito, nalito na at nalamon si Sison, at nagpasyang lumihis sa mga batayang prinsipyo ni Mao sa matagalang digmaan. Nalilito sa mga kumplikadong pangyayari, partikular sa katangiang pulo-pulo ng bansa, lumipat siya sa istratehiya ng matagalang gerilyaismo, na matapos ang 25 taon, nais niyang “muling pagtibayin” ito ng Partido bilang isang batayan, ganap at pangkalahatang Maoistang katotohanan.

We will return later to this most important quote from Mao regarding the difficulty of the "concentration of troops" for people who have no "head for strategy" and are confused by "complicated circumstances". But first, we must clarify Mao's purpose for the "concentration of troops" as a basic operational principle in protracted war and its direct relation or crucial role to mobile warfare, war of quick decision and war of annihilation which are all necessary conditions for advancing the strategic defensive. 

Babalikan natin itong napakahalagang sinabi ni Mao hinggil sa kahirapan ng “konsentrasyon ng hukbo” para sa bayan ng “walang ulo para sa istratehiya’ at may kalituhan sa mga “kumplikadong pangyayari’. Ngunit una, dapat nating ilinaw ang layunin ni Mao sa “konsentrasyon ng hukbo” bilang batayang prinsipyong operasyunal sa matagalang digmaan at ang direktang relasyon nito o mahalagang papel nito sa labanang makilos, digmaan ng mabilisang pagpapasya at digmaang ubusan na pawang mga kinakailangang kondisyon para sa pagsulong ng istratehikong depensiba.

According to Mao, this concentration is necessary for reversing the situation between the enemy and ourselves. First, reverse the situation with regard to advance and retreat. Second, reverse the situation with regard to attack and defense. Third, reverse the situation with regard to interior and exterior lines. This is how crucial the "concentration of troops" is to the entire strategy and tactics of protracted war. Hence, according to Mao: "The winning of victory in the strategic defensive depends basically on this measure-concentration of troops."

Ayon kay Mao, ang konsentrasyong ito’y kinakailangan upang mabaligtad ang kalagayan sa pagitan natin at ng kaaway. Una, baligtarin ang sitwasyon hinggil sa pagsulong at pag-atras. Ikalawa, baligtarin ang sitwasyon hinggil sa pag-atake at depensa. Ikatlo, baligtarin ang sitwasyon hinggil sa mga panloob at panlabas na linya. Ganito kahalaga ang “konsentrasyon ng hukbo” kaugnay sa kabuuang istratehiya at taktika ng matagalang digmaan. Kaya, ayon kay Mao: “Ang pagkakamit ng tagumpay sa istratehikong depensiba ay nakasalalay pangunahin sa ganitong aksyon – ang konsentrasyon ng hukbo.”

On the first purpose, Mao said: "Previously it was the enemy who was advancing and we who are retreating; now we seek a situation in which we advance and he retreats. When we concentrate our troops and win a battle, then in that battle we gain the above purpose and this influences the whole campaign." Without concentration, we cannot truly advance and force the enemy to retreat. 

Sa unang layunin, sinabi ni Mao: “Sa una, ang kaaway ang umaabante at tayo ang umaatras; ngayon, hinahanap natin ang sitwasyon kung saan tayo ang aabante at siya ang aatras. Kapag nakatutok ang ating hukbo at nanalo tayo sa labanan, nakukuha natin sa labanang iyo ang ating layunin at naiimpluwensyahan nito ang buong kampanya”. Kapag walang konsentrasyon, hindi talaga tayo makaaabante at mapupwersa ang kaaway na umatras.

On the second purpose, Mao said: "In defensive warfare the retreat to the prescribed terminal point belongs basically to the passive or "defence" stage. The counter-offensive belongs to the active, or "attack" stage... it is precisely for the purpose of the counter-offensive that troops are concentrated." Without concentration, we cannot effectively attack and force the enemy into a defensive position in a counter-campaign. 

Sa ikalawang layunin, sinabi ni Mao: “Sa labanang depensiba ang pag-atras sa itinakdang hangganan ay pangunahing kasama sa pasibo o yugtong “depensiba”. Ang kontra-opensiba ay kasama sa aktibo, o yugto ng “pag-atake”... ito’y tiyak na para sa layuning kontra-opensibang tinututukan ng mga hukbo. Kapag walang tutok, hindi natin epektibong maaatake at mapupwersa ang kaaway sa depensibong posisyon sa isang kontra-kampanya.

On the third purpose, Mao said: "We can put the enemy who is in a strong position strategically into a weak position in campaigns and battles. At the same time we can change our own strategically weak position into a strong position in campaigns and battles. This is what we call exterior-line operations within interior-line operations..." Again, without concentration, we cannot reverse the strategic advantage of the enemy operating on exterior lines and the disadvantage of the Red Army operating on strategically interior lines. 

Sa ikatlong layunin, sinabi ni Mao: “Mailalagay natin ang kaaway na nasa malakas na istratehikong posisyon tungo sa mahinang posisyon sa mga kampanya at mga labanan. Kasabay nito, mababago natin ang ating sariling istratehikong mahinang posisyon tungo sa isang malakas na posisyon sa mga kampanya at mga labanan. Ito ang tinatawag nating operasyong panlabas-na-linya sa loob ng operasyong panloob-na-linya...” Sa muli, kapag walang tutok, hindi natin mababaligtad ang istratehikong bentahe ng kaaway na kumikilos sa mga panlabas na linya at ang disbentahe ng Pulang Hukbo sa pagkilos nito sa istratehikong panloob na linya.

No comments: