Ito ang IKALABING-APAT NA BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.
Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg
Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.
The principle of concentration is opposed to military equalitarianism. In China, this equalitarianism occurred under the slogan of "attacking on all fronts" or "striking with two fists". According to Mao: "The Chinese Red Army, which entered the arena of civil war as a small and weak force, has since repeatedly defeated its powerful antagonist and won victories that have astonished the world, and it has done so by relying largely on the employment of concentrated strength. Any one of its great victories can prove this point... Whether in counter-offensives or offensives, we should always concentrate a big force to strike at one part of the enemy forces. We suffered every time we did not concentrate our troops... Our strategy is "pit one against ten" and our tactics are "pit ten against one"-this is one of our fundamental principles for gaining mastery over the enemy."
Ang prinsipyo ng konsentrasyon ay salungat sa egalitaryanismong militar. Sa Tsina, ang egalitaryanismong naganap sa ilalim ng panawagang “pag-atake sa lahat ng prente” o “pagbira gamit ang dalawang kamao”. Ayon kay Mao: “ang Pulang Hukbong Tsino, na pumasok sa arena ng digmaang sibil ay isang maliit at mahinang pwersa, na mula noon ay paulit-ulit na tinatalo ang makapangyarihang antagonista nito at nagkamit ng maraming tagumpay na ikinabigla ng mundo, at nagawa ito sa pagsandig ng malaki sa paggamit ng konsentradong lakas. Ang alinmang mga dakilang tagumpay na ito’y makapagpapatunay dito... Maging ito man ay mga kontra-opensiba o opensiba, dapat nating laging ituon ang malaking pwersa upang birahin ang maliit na bahagi ng pwersa ng kaaway. Nagdurusa tayo sa bawat sandaling hindi nakakonsentra ang ating mga hukbo... ang ating istratehiya ay ‘isagupa ang isa laban sa sampu’ at ang ating taktika ay ‘isagupa ang sampu laban sa isa’ – ito ang isa sa ating batayang prinsipyo upang mapangibabawan ang kaaway.”
Military equalitarianism reached its extreme point in the fifth counter-campaign in 1934. It was thought that the Red Army could beat the enemy by "dividing the forces into six routes" and "resisting on all fronts", but instead they were beaten and the reason was fear of losing territory. According to Mao: "Naturally one can scarcely avoid loss of territory when concentrating the main forces in one direction while leaving only containing forces in others. But this loss is temporary and partial and is compensated by victory in the place where the assault is made. After such a victory is won, territory lost in the area of the containing forces can be recovered. The enemy's first, second, third and fourth campaigns of "encirclement and suppression" all entailed the loss of territory-particularly the third campaign, in which the Kiangsi base area of the Red Army was almost completely lost-but in the end we not only recovered but extended our territory."
Narating ng egalitaryanismong militar ang kasukdulan nito sa ikalimang kontra-kampanya noong 1934. Inakala noon na matatalo ng Pulang Hukbo ang kaaway sa pamamagitan ng “paghahati ng pwersa sa anim na ruta” at “paglaban sa lahat ng prente”, sa halip ay natalo sila at ang dahilan ay ang pagkatakot na mawalan ng teritoryo. Ayon kay Mao: “Mangyari pa, halos hindi na maiiwasan ang pagkawala ng teritoryo kapag itinuon na ang pangunahing pwersa sa isang direksyon habang naiiwan lang sa iba ay pangsuportang pwersa. Ngunit ang pagkawalang ito’y pansamantala at maliit na bahagi lang at matatapatan ng tagumpay sa lugar kung saan isinagawa ang paglusob. Matapos makamit ang gayong tagumpay, ang mga nawalang lugar ng mga suportang pwersa ay mababawi. Ang una, ikalawa, ikatlo’t ikaapat na kampanyang “pagkubkob at paniniil” ng kaaway ay hahantong lahat sa pagkawala ng teritoryo, lalo na sa ikatlong kampanya, kung saan ang baseng pook ng Pulang Hukbo sa Kiangsi ay halos ganap na nawala – ngunit sa dulo, di lang natin ito nabawi kundi napalaki pa ang ating teritoryo.”
Debunking the idea that it is impossible to operate with concentrated forces against blockhouse warfare and all the Red Army can do is to divide up its forces for defence and for short swift thrusts, Mao said: "The enemy's tactics of pushing forward 3, 5, 8, or 10 li at a time and building blockhouses at each halt were entirely the result of the Red Army's practice of fighting defensive actions at every successive point. The situation would certainly have been different if our army had abandoned the tactics of point-by-point defence on interior lines and, when possible and necessary, had turned and driven into the enemy's interior lines. The principle of concentration of troops is precisely the means for defeating the enemy's blockhouse warfare."
Ang pagdurog sa ideyang imposibleng kumilos ng mga konsentradong pwersa laban sa labanang kuta-kuta at ang magagawa lang ng Pulang Hukbo ay ang hatiin ang pwersa nito para sa depensa at sa maikli ay ang mabilisang pagsulong, sinabi ni Mao: “Ang taktika ng kaaway na pagsugod ng 3, 5, 8, o 10 li (ang 1 li ay katumbas ng 1.55122934926. kilometro) sa bawat saglit at ang pagtatayo ng kuta-kuta sa bawat paghinto, sa kabuuan ay resulta ng praktika ng Pulang Hukbo sa paglaban sa depensibang aksyon sa bawat magkakasunod na labanan. Ang sitwasyon ay pihadong magiging iba kapag iniwan ng ating hukbo ang taktika ng punto-per-puntong depensa sa panloob na linya at, kung posible at kailangan, ay nabaling at natulak patungo sa panloob na linya ng kaaway. Ang prinsipyo ng konsentrasyon ng hukbo ay tiyak na pamamaraan para matalo ang labanang kuta-kuta ng kaaway.”
Obviously, Sison did not review Mao's Problems of Strategy when he wrote Reaffirm. He said that the AFP's "gradual constriction" strategy is basically "blockhouse warfare". But this rabid Maoist prescribed the dispersal of the NPA units into small formations against this "blockhouse warfare" while in Mao's protracted war , the concentration of forces is precisely the means for defeating the enemy's blockhouse warfare! What he wants us to "reaffirm" is not Mao's strategy and tactics in protracted war but Li Li-san's and Wang Ming's line of military equalitarianism and guerrillaism.
Maliwanag na hindi inaral ni Sison ang “Suliranin sa Istratehiya” ni Mao nang kanyang sulatin ang Reaffirm (Muling Pagtibayin). Sinabi niyang ang istratehiya ng kaaway na “unti-unting pagpapakitid” sa pangunahin ay “labanang kuta-kuta”. Ngunit ang panatikong Maositang ito’y nagrereseta ng pagpapakalat ng mga pangkat ng NPA sa maliliit na pormasyon laban dito sa “labanang kuta-kuta” habang sa matagalang digmaan ni Mao, ang konsentrasyon ng pwersa ay tiyak na pamamaraan para matalo ang labanang kuta-kuta ng kaaway! Ang nais niyang “muling pagtibayin” natin ay hindi ang istratehiya at taktika ni Mao sa matagalang digmaan kundi ang linyang Li Li-san at Wang Ming na egalitaryanismo at gerilyaismo.
Concentration of forces does not mean the abandonment of guerrilla warfare. According to Mao: "Considering the revolutionary war as a whole, the operations of the people's guerrillas and those of the main forces of the Red Army complement its other like a man's right arm and left arm, and if we have only the main forces of the Red Army without the people's guerrillas, we would be like a warrior with only one arm. In concrete terms, and specially with regard to military operations, when we talk of the people in the base area as a factor, we mean that we have an armed people. This is the main reason why the enemy is afraid to approach our base area."
Ang konsentrasyon ng pwersa ay hindi nangangahulugang pag-iwan sa pakikidigmang gerilya. Ayon kay Mao: “Kung isasaalang-alang ang kabuuan ng rebolusyonaryong digmaan, ang pagkilos ng mga gerilyang bayan at yaong pangunahing pwersa ng Pulang Hukbo ay kapwa magkabagay tulad ng kanang bisig at kaliwang bisig ng isang tao, at kung mayroon lang tayong pangunahing pwersa ng Pulang Hukbo ng wala ang mga gerilyang bayan, tayo’y katulad ng mandirigmang isa lang ang bisig. Sa kongkreto, at lalo na hinggil sa operasyong militar, kapag nagsalita tayo hinggil sa mamamayan sa baseng pook bilang isang salik, nais nating ipakahulugang mayroon tayong armadong mamamayan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit natatakot ang kaaway na pasukin ang ating baseng pook.”
Concentration of forces does not also mean that all the forces of the Red Army should be concentrated. Red Army detachment should also be employed for operations in secondary directions. The kind of concentration Mao is advocating "is based on the principle of guaranteeing absolute or relative superiority in the battlefield. To cope with a strong enemy or to fight on a battlefield of vital importance, we must have an absolutely superior force... To cope with a weaker enemy or to fight in a battlefield of no great importance, a relatively superior force is sufficient."
Ang konsentrasyon ng pwersa ay hindi rin nangangahulugang ang lahat ng pwersa ng Pulang Hukbo ay dapat nakatutok. Ang mga detakamento ng Pulang Hukbo ay dapat ding gamitin para sa mga operasyon sa mga sekundaryong direksyon. Ang tipo ng konsentrasyong itinataguyod ni Mao “ay batay sa prinsipyo ng paggarantiya ng ganap o relatibong superyoridad sa pook ng labanan. Upang makasabay sa malakas na kaaway o sumagupa sa pook ng labanan na napakahalaga, dapat tayong magkaroon ng ganap na superyor na pwersa... Upang makasabay sa mas mahinang kaaway o sumagupa sa pook ng labanan na walang malaking kahalagahan, ang relatibong superyor na pwersa ay sapat na.”
Concentration of forces does not also mean that numerical superiority is always required in every occasion. In certain circumstances, the Red Army may go into battle with a relatively or absolutely inferior force. In this condition, a surprise attack on a segment of the enemy flank is of vital importance. According to Mao: "In our surprise attack on this segment of the enemy flank, the principle of using a superior force against an inferior force, of using the many to defeat the few, still applies."
Ang konsentrasyon ng pwersa ay hindi rin nangangahulugang ang kalakihan ng bilang (superyoridad sa numero) ay laging rekisitos sa bawat okasyon. Sa ilang mga kaganapan, maaaring sumabak sa labanan ang Pulang Hukbo na may relatibo o ganap na mahinang pwersa. Sa ganitong kalagayan, napakahalaga ng sopresang atake sa isang bahagi ng gilid ng kaaway. Ayon kay Mao: “Sa ating sorpresang pag-atake sa isang bahagi ng gilid ng kaaway, nagagamit pa rin ang prinsipyo ng paggamit ng superyor na pwersa laban sa mahinang pwersa, sa paggamit ng marami upang talunin ang kaunti.”
After establishing the principle of concentration of forces as the most essential in the winning of victory in the strategic defensive, we must now proceed on how such a Red Army applying the principle of concentration conducts its warfare, particularly in the strategic defensive. This basically concerns the principles of mobile warfare, war of quick decision and war of annihilation, and all these basic principles should be welded into an integral whole as the mode of warfare in a protracted people's war specially in the strategic defensive so as to advance into the strategic offensive.
Matapos nating mapatunayan ang prinsipyo ng konsentrasyon ng pwersa bilang pinakamahalang bahagi ng pagkakamit ng tagumpay sa istratehikong depensiba, tumungo naman tayo kung papaano magagamit ng isang Pulang Hukbo ang prinsipyo ng konsentrasyon at pagsasagawa ng pakikipaglaban nito, lalo na sa istratehikong depensiba. Sa pangunahin, ito’y nakapatungkol sa prinsipyo ng labanang makilos, digmaan ng mabilisang pagpapasya at digmaang ubusan, at lahat ng mga batayang prinsipyong ito ay dapat nakahinang sa isang mahalagang kabuuan bilang moda ng labanan sa isang matagalang digmang bayan lalo na sa istratehikong depensiba nang sa gayon ay tumungo ito sa istratehikong opensiba.
Mao, in his military writings, used "mobile warfare" and "regular warfare" interchangeably. It is "mobile" warfare in contrast to "positional" warfare and it is "regular" warfare in contrast to "guerrilla" warfare. Hence, the term "regular mobile warfare".
Ginamit ni Mao sa kanyang mga sulating militar ng halinhinan ang “labanang makilos” at “labanang regular”. Yaong labanang “makilos” ay kabaligtaran ng labanang “posisyunal” at ang labanang “regular” na kabaligtaran naman ng labanang “gerilya”. Kaya, ang salitang “regular na labanang makilos".
In his Problems of Strategy, Mao stressed the primacy of mobile warfare over positional warfare. But he did not bother to formulate its primacy over guerrilla warfare in the strategic defensive nor contrast it with guerrilla warfare unlike in subsequent military writings. It is because in summing-up the second revolutionary civil war, the debate was more on mobile warfare versus positional warfare. The question of the primacy of mobile warfare over guerrilla warfare was never posed as a matter of dispute. In fact, mobile warfare, at that time, was criticized by the "Left" adventurists as "guerrillaism" while Mao called the advocates of positional warfare "exponents of the strategy of 'regular warfare'." The terms used should be understood in this context. Mao took a more positive and indulgent view on "guerrillaism" to emphasize his opposition to the tendency towards positional warfare (point-by-point defence during the fifth counter-campaign) and his advocacy of mobile warfare.
Sa kanyang akdang “Suliranin sa Istratehiya”, binigyang-diin ni Mao ang pagiging pangunahin ng labanang makilos kaysa labanang posisyunal. Ngunit hindi na siya nag-abalang likhain ang pagiging pangunahin nito kaysa labanang gerilya sa istratehikong depensiba, o kaya’y isalungat ito sa labanang gerilya di tulad ng mga sumunod niyang sulating militar. Ito’y dahil nang binuod ang ikalawang rebolusyonaryong digmaang sibil, ang pagtatalo’y mas pa sa labanang makilos kaysa labanang posisyunal. Ang usapin ng pagiging pangunahin ng labanang makilso kaysa labanang gerilya ay hindi naging banta bilang bagay na dapat pagtalunan. Sa katunayan, ang labanang makilos, nang panahong yaon, ay pinuna ng mga “Kaliwang” adbenturista bilang “gerilyaismo” habang tinawag ni Mao ang mga nagtataguyod ng labanang posisyunal na “tagapagtaguyod ng istratehiya ng ‘labanang regular’”. Ang mga salitang ginamit ay dapat maunawaan sa ganitong konteksto. Ginamit ni Mao ang mas positibo at mapagsaalang-alang na pananaw sa ”gerilyaismo” upang ipaliwanag ng maigi ang kanyang pagsalungat sa tendensiya patungo sa labanang posisyunal (punto-por-puntong depensa habang nagaganap ang ikalimang kontra-kampanya) at ang kanyang pagtataguyod sa labanang makilos.
Mao's indulgent view and positive use of the term "guerrillaism" in his Problems of Strategy should not be misconstrued as advocacy of such a tendency. As early as 1930 in his Single Spark article, Mao vehemently opposed the "guerrillaism" of Li Li-san's line that gave primacy to "roving guerrilla actions". In Li Li-san's view, to preserve the Red Army and arouse the masses, it should divide its forces into very small units, disperse them over the countryside and engage in the easier method of roving guerrilla actions.
Ang mapagsaalang-alang na pananaw ni Mao at ang positibong paggamit ng salitang “gerilyaismo” sa kanyang akdang “Suliranin ng Istratehiya” ay hindi dapat magkamaling akala bilang pagtataguyod ng gayong tendensiya. Sa kaagahan pa ng 1930 sa kanyang artikulong “Isang Sindi”, mariing tinutulan ni Mao ang gerilyaismo ng linyang Li Li-san na nagtakda sa mga “makilos na aksyong gerilya” bilang pangunahin. Sa pananaw ni Li Li-san, upang mapanatili ang Pulang Hukbo at mapukaw ang taumbayan, dapat nitong hatiin ang pwersa nito sa mga napakaliliit na pangkat, ikalat sila sa kanayunan at isama sa madaling pamamaraan ng mga makilos na aksyong gerilya.
According to Mao, "In the winter of 1927-28, we did plan to disperse our forces over the countryside, with each company or battalion operating on its own and adopting guerrilla tactics in order to arouse the masses while trying not to present a target for the enemy; we have tried this out many times, but have failed every time." This dispersal is precisely what Sison is advocating but in a more extreme form (companies and battalions to be dispersed into squads and platoons) in his Reaffirm. This is for also the very same reason as that of Li Li-san's-to arouse the masses while trying not to present a target for the enemy-which Mao had already criticized as early as 1930!
Ayon kay Mao, “Sa taglamig ng 1927-28, nagplano kaming ikalat ang ating pwersa doon sa kanayunan, na ang bawat kumpanya o batalyon ay kumikilos ng sarili at ginamit ang mga taktikang gerilya upang mapukaw ang taumbayan habang tinatangkang hindi magkaroon ng pupuntiryahin ang mga kaaway; sinubukan namin ito ng maraming ulit, ngunit lagi kaming nabibigo.” Ang pagpapakalat na ito ang lubusang itinataguyod ni Sison ngunit mas sa sukdulang anyo (ang mga kumpanya at batalyon ay ikakalat bilang kawan at pulutong) sa kanyang Reaffirm. Ito’y para rin sa katulad na dahilang gaya ng kay Li Li-san – upang mapukaw ang taumbayan habang tinatangkang hindi magkaroon ng pupuntiryahin ang mga kaaway – na matagal nang pinupuna ni Mao noon pang maagang yugto ng 1930!
For Mao, when faced by a strong enemy offensive or campaign, the correct policy and principle is to concentrate to be able to defend and counter-attack effectively and successfully. For Sison, his principle and policy is to divide and disperse into small units and merely frustrate the enemy by letting them "punch air".
Para kay Mao, kapag nakaharap ang malakas na kampanya o opensiba ng kaaway, ant tamang patakaran at prinsipyo ay mgkonsentra upang epektibo at matagumpay na makapagtanggol at makapag-kontra-atake. Para kay Sison, ang prinsipyo at patakaran ay ang hatiin at ikalat sa maliliit na pulutong at mabigo lang ang kaaway at ito’y “mapasuntok sa hangin”.
When Mao speaks of the Red Army, he always refers to the concentrated regular troops. When he talks of the Red Guards, he refers to the local guerrillas and militias in the locality dispersed and operating independently in wide areas. For Mao, "the principle for the Red Army is concentration, and that for the Red Guards dispersion." No wonder Sison advocates dispersal and knows nothing but dispersal and vehemently resists concentration because, after 25 years, we have failed to build a regular army conducting regular mobile warfare. What we were able to build in two and a half decades of ruthless war are small "roving guerrilla units" engaged solely in "roving guerrilla actions" inside and outside extremely fluid "guerrilla zones and bases." Even our companies and battalion which Sison wants dispersed are basically guerrilla in character and operations.
Kapag nagsalita si Mao hinggil sa Pulang Hukbo, lagi niyang tinutukoy ang konsentradong regular na hukbo. Kapag tinatalakay niya ang mga Pulang Bantay, ang tinutukoy niya’y ang mga lokal na gerilya at hukbong sibilyan sa mga lokalidad na nakakalat at kumikilos ng sarili sa malalawak na lugar. Para kay Mao, “ang prinsipyo para sa Pulang Hukbo ay konsentrasyon, at sa mga Pulang Bantay ay dispersyon (o kalat-kalat na pagkilos).” Di kataka-atakang tinataguyod ni Sison ang kalat-kalat na pagkilos at wala nang ibang alam kundi magpakalat at mariing nilabanan ang konsentrasyon dahil, matapos ang 25 taon, nabigo tayong magbuo ng isang regular na hukbong nagsasagawa ng regular na labanang makilos. Ang naitayo natin sa loob ng dalawa’t kalahating dekada ng malupit na digmaan ay mga maliliit na “makilos na pulutong ng gerilya” na ang ginagawa lang ay “mga makilos na gerilyang aksyon” sa loob at labas ng sukdulang nalulusaw na “mga sonang gerilya at base.” Kahit ang ating mga kumpanya at batalyon na nais ikalat ni Sison, sa batayan, ay gerilya sa katangian at mga pagkilos.
No comments:
Post a Comment