Ito ang IKALABINLIMANG BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PPW.
Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. – greg
Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.
Since Mao's Red Army was a regular army from the very beginning, its mode of operation was regular mobile warfare, and Mao opposed any tendency to transform it mainly into guerrilla warfare or positional warfare.
Yamang ang Pulang Hukbo ni Mao ay isang regular na hukbo mula pa sa simula, ang paraan ng operasyon nito ay regular na labanang makilos, at salungat si Mao sa anumang tendensiyang baguhin ito para maging labanang gerilya o labanang posisyunal.
Why mobile warfare and not positional warfare? According to Mao, "one of the outstanding characteristics of the Red Army's operations, which follows from the fact that the enemy is powerful while the Red Army is deficient in technical equipment, is the absence of fixed battle line... The Red Army's battle lines are determined by the direction in which it is operating. As its operational direction often shifts, its battle lines are fluid... In a revolutionary civil war, there cannot be fixed battle lines... Fluidity of battle lines leads to fluidity in the size of our base areas... This fluidity of territory is entirely the result of the fluidity of the war." This absence of fixed battle lines, this fluidity of the war, determines the mobile character of the Red Army's basically regular warfare.
Bakit labanang makilos at hindi labanang posisyunla? Ayon kay Mao, “isa sa namumukod-tanging katangian ng mga operasyon ng Pulang Hukbo, na sumunod sa katotohanang makapangyarihang ang kaaway habang salat sa kagamitang teknikal ang Pulang Hukbo, ay ang kakapusan ng pirmis na talatag ng labanan... Ang mga talatag ng labanan ay tinatakda ng direksyon kung nasaan ito kumikilos. Habang nagpapalit ito ng direksyon sa pagkilos, pabagu-bago ito ng talatag ng labanan... Sa isang rebolusyonaryong digmaang sibil, di mangyayari ang pirmis na talatag ng labanan... Ang pagbabagu-bagu ng talatag ng labanan ay tutungo sa pagbabagu-bagi ng laki ng ating mga baseng pook... Ang pagbabagu-bago ng teritoryo ay resulta sa kabuuan ng pagbabagu-bago ng digmaan.” Ang kawalan nitong pirmis na talatag ng labanan, itong pagbabagu-bago ng digmaan, ang nagtatakda ng katangiang makilos ng batayang regular na labanan ng Pulang Hukbo.
This mobile nature of the Red Army's regular warfare lends it a guerrilla character. According to Mao: "... we should not repudiate guerrillaism in general terms but should honestly admit the guerrilla character of the Red Army. It is no use being ashamed of this. On the contrary, this guerrilla character is precisely our distinguishing feature, our strong point, and our means of defeating the enemy. We should be prepared to discard it, but we cannot do so today. In the future this guerrilla character will definitely become something to be ashamed of and to be discarded, but today it is invaluable and we must stick to it."
Ang katangiang makilos ng labanang regular ng Pulang Hukbo ay nagdudulot dito ng katangiang gerilya. Ayon kay Mao: “.. hindi natin dapat tanggihan ang gerilyaismo sa pangkalahatan ngunit dapat may katapatan nating tanggapin ang katangiang gerilya ng Pulang Hukbo. Wala tayong mapapala kung ikahihiya ito. Sa kabilang banda, ang katangiang gerilyang ito ang tiyak na kakaiba nating katangian, ang ating kalakasan, at ang ating pamamaraan ng pagtalo sa kaaway. Dapat handa tayong iwaksi ito, ngunit di natin ito magagawa ngayon. Sa hinaharap, ang katangiang gerilyang ito ang siyang bagay na tiyak na ikakahiya at dapat iwaksi, ngunit sa ngayon, ito’y napakahalaga at dapat panghawakan natin ito.”
What is this guerrilla character of the Red Army that does not negate the regular character of the Red Army and its operations, a "guerrillaism" that is its "distinguishing feature" yet does not reduce the Red Army into a guerrilla army? The guerrilla character of the Red Army is its mobility determined by the fluidity of the war. According to Mao: "'Fight when you can win, move away when you can't win'-this is the popular way of describing our mobile warfare today... All our 'moving' is for the purpose of 'fighting', and all our strategy and tactics are built on 'fighting'." This "fighting" nature of the Red Army constitutes its "regular" character as an army. Mao then cited four situations when it is inadvisable for the Red Army to fight and he said: "In any one of these situations, we are prepared to move away. Such moving away is both permissible and necessary. For our recognition of the necessity of moving away is based on our recognition of the necessity of fighting. Herein lies the fundamental characteristic of the Red Army's mobile warfare."
Ano itong katangiang gerilyang ito ng Pulang Hukbo na hindi maiwaksi ang katangiang regular ng Pulang Hukbo at ang mga gawain nito, isang “gerilyaismo” na may “kakaibang katangian” ngunit di nagbaba sa Pulang Hukbo sa kalagayan bilang hukbong gerilya? Ang katangiang gerilya ng Pulang Hukbo ay ang kanyang pagkamakilos na itinatakda ng pagbabagu-bagong kalikasan ng digmaan. Ayon kay Mao: “‘Lumaban ka kung kailan ka mananalo, umiwas ka kung hindi ka mananalo’ – ito ang kilalang paraan ng pagsasalarawan ng ating labanang makilos ngayon... Ang lahat ng ating ‘pagkamakilos’ ay para sa layunin ng ‘pakikipaglaban’, at ang lahat ng ating istratehiya at taktika ay binuo ng ‘pakikipaglaban’.” Ang katangiang “pakikipaglaban” ng Pulang Hukbo ang bumubuo ng katangiang “regular” nito bilang isang hukbo. Agad na tinukoy ni Mao ang apat na sitwasyon kung kailan hindi tanggap ang Pulang Hukbo para lumaban at kanyang sinabi: “Sa alinmang sitwasyong naririto, handa tayong tumalilis. Ang pagtalilis na ito’y pinapayagan at kinakailangan. Ang ating pagkilala sa pangangailangan ng pagtalilis ay nakabatay sa pagkilala natin sa pangangailangang lumaban. Narito nakasalalay ang mga batayang katangian ng labanang makilos ng Pulang Hukbo.”
In the ten years' civil war, the guerrilla character of the Red Army and the fluidity of the war underwent great changes. The period from the days of the Chingkang Mountains to the first counter-campaign in Kiangsi was the first stage in which the guerrilla character and fluidity were very pronounced, the Red Army being in its infancy and the base areas still being guerrilla zones. In the second stage, comprising the period from the first to the third counter-campaign, both the guerrilla character and fluidity were considerably reduced, the First Front Army of the Red Army was formed and base areas with a population of several millions established. In the third stage, which comprised the period from the end of the third to the fifth counter-campaign, the guerrilla character and the fluidity were further reduced, and a central government and a revolutionary military commission had already been set up. The fourth stage was the Long March. The mistaken rejection of guerrilla warfare and fluidity had led to guerrilla warfare and fluidity on a great scale. The period after the Long March was the fifth stage.
Sa sampung taon ng digmaang sibil, ang katangiang gerilya ng Pulang Hukbo at ang pagbabagu-bago ng digmaan ay sumailalim sa malalaking pagbabago. Ang panahon mula sa mga araw sa Kabundukan ng Chingkang sa unang kontra-kampanya sa Kiangsi ang unang yugto kung saan ang katangiang gerilya ay pagbabagu-bago ay napakabigkasin, ang Pulang Hukbo sa kanyang kamusmusan at ang mga baseng pook bilang mga sonang gerilya pa rin. Sa ikalawang yugto, na binubuo ng panahon mula sa una hanggang sa ikatlong kontra-kampanya, kapwa sa katangiang gerilya at pagpapabagu-bago ay naturingang bawas, ang Unang Prenteng Hukbo ng Pulang Hukbo ay binuo at naitatag ang mag baseng pook na may populasyong ilang milyon. Sa ikatlong yugto, na binubuo ng panahon mula sa katapusan ng ikatlo at ikalimang kontra-kampanya, mas lalong nabawasan ang katangiang gerilya at pagpapabagu-bago, at naitayo ang isang sentrong pamahalaan at isang rebolusyonaryong komisyong militar. Ang ikaapat na yugto ay ang Mahabang Martsa. Ang maling pag-ayaw sa labanang gerilya at pagpapabagu-bago ay tumungo sa mas malawak na antas ng labanang gerilya at pagpapabagu-bago. Ang panahon matapos ang Mahabang Martsa ang ikalimang yugto.
It took only ten years for the Red Army to develop and undergo such changes in its guerrilla character and mobile warfare, and considering that the central leadership of the CCP was then dominated by people like Li Li-san, Wang Ming, Chang Kou-tao, etc. In the Philippines, with Sison and his fanatics in command all the time, we have already consumed 25 years of protracted war, and still not a single, little sign of our guerrilla warfare developing into regular mobile warfare, and in fact, we are being pushed back to the early substage of dispersed roving guerrilla units and operations.
Sampung taon lamang ang ginugol ng Pulang Hukbo para mapaunlad at mapasailalim sa mga ganoong pagbabago sa katangiang gerilya at labanang makilos nito, at kung tutuusin ang sentrong liderato ng CCP ay dominado pa ng mga taong tulad nina Li Li-san, Wang Ming, Chang Kou-tao, atbp. Sa Pilipinas, kung saan si Sison at ang kanyang mga panatiko ang nagmamando sa lahat, nakonsumo na natin ang 25 taon ng matagalang digmaan, at hanggang ngayon, wala pang isang maliit na senyales na ang ating labanang gerilya ay umuunlad patungong regular na labanang makilos, at sa katunayan, naitutulak tayo pabalik sa unang yugto ng kalat-kalat na makilos na pulutong ng gerilya at mga operasyon.
Guerrillaism, according to Mao, has two aspects. One is irregularity, that is decentralization, lack of uniformity, absence of strict discipline, and simple methods of work. These features stemmed from the Red Army' s infancy, and some of them were just what was needed at the time. As the Red Army reaches a higher stage, according to Mao, "we must gradually and consciously eliminate them so as to make the Red Army more centralized, more unified, more disciplined and more thorough in its work-in short, more regular in character. In the directing of operations we should also gradually and consciously reduce such guerrilla characteristics as are no longer required at a higher stage. Refusal to make progress in this respect and obstinate adherence to the old stage are impermissible and harmful, and are detrimental to large-scale operations." In the Philippines, our People's Army is a 25 year-old infant, we are still in the period of infancy in building our People's Army because of Sison's infatuation with "guerrillaism", his refusal to advance from this "guerrillaism" and obstinate adherence to this "guerrillaism".
Ang gerilyaismo, ayon kay Mao, ay mayroong dalawang aspeto. Ang una ay iregularidad, ito’y desentralisasyon, kakulangan sa unipormidad, kawalan ng istriktong disiplina at simpleng paraan ng paggawa. Ang mga katangiang ito’y sumibol mula sa kasanggulan ng Pulang Hukbo, at ilan sa mga iyon ang kinakailangan sa panahong iyon. Nang marating ng Pulang Hukbo ang mas mataas na yugto, ayon kay Mao, “dapat na unti-unti at mulat nating tanggalin sila upang ang Pulang Hukbo’y maging mas sentralisado, mas nagkakaisa, mas disiplinado at mas mabusisi sa mga gawain nito – sa madaling sabi, mas maraniwan ang katangian. Sa pangangasiwa ng operasyon dapat din nating unti-unti at mulat na bawasan yaong mga katangiang gerilya na hindi na kinakailangan sa mas mataas na yugto. Ang pagtangging gawin ang pag-unlad sa ganitong punto at matigas na pagsunod sa lumang yugto na di mapapahintulutan at mapanganib, at nakasisira sa mga malalaking operasyon.” Sa Pilipinas, ang Hukbong Bayan natin ay isang sanggol na 25 taon, tayo’y nasa panahon pa rin ng kasanggulan sa pagtatayo ng ating Hukbong Bayan dahil sa pagkahibang ni Sison sa “gerilyaismo”, ang kanyang pagtangging umabante mula sa “gerilyaismo” ito at matigas na pagsunod sa “gerilyaismong” ito.
The other aspect of guerrillaism, according to Mao, "consists of the principle of mobile warfare, the guerrilla character of both strategic and tactical operations which is still necessary at present, the inevitable fluidity of our base areas, flexibility in planning the development of the base areas, and the rejection of the premature regularization in building the Red Army. In this connection, it is equally impermissible, disadvantageous and harmful to our present operations to deny the facts of history, to oppose what is useful, and rashly leave the present stage in order to rush blindly towards a "new stage", which as yet is beyond reach and has no real significance." Here, the "guerrillaism" that Mao is referring is not guerrilla warfare as a distinct form of warfare from mobile warfare, or "roving guerrilla actions" as we are familiar with in the Philippines. Mao is speaking of "mobile warfare", taking what is useful in "guerrillaism"-its extreme mobility and fighting without fixed battle lines-while maintaining the Red Army's regular character. Mao's rejection of the "premature regularization" of the Red Army has nothing in common with Sison's rejection of "premature regularization" in his Reaffirm. What is referred to as "premature regularization" in Mao's Problems of Strategy is "positional warfare" as opposed to "mobile warfare". What he is criticizing are those "exponents of the strategy of 'regular warfare'" which dominated the fifth counter-campaign, i.e., the exponents of the "point-by-point defence of the base areas" which is a form of positional warfare. What Mao is referring to as rushing blindly "towards a 'new stage', which as yet is beyond reach and has no real significance" is positional warfare.
Ang ibang aspeto ng gerilyaismo, ayon kay Mao, “ay binubuo ng prinsipyo ng labanang makilos, ang katangiang gerilya sa bawat istratehiko at taktikal na operasyon na kinakailangan pa rin sa kasalukuyan, ang hindi mapigilang pagbabagu-bago ng ating mga baseng pook, pleksibilidad sa pagpaplano ng pag-unlad ng mga baseng pook, at ang pagtanggi sa masyadong maagang regularisasyon sa pagtatayo ng Pulang Hukbo. Kaugnay nito, ito’y parehong di mapahihintulutan, disbentahe at mapanganib sa ating kasalukuyang mga pagkilos upang ipagkait ang katotohanan sa kasaysayan, upang tutulan kung anong may pakinabang, at maagap na iwan ang kasalukuyang yugto upang sumugod ng walang paghahanda tungo sa isang “bagong yugto”, na sa ngayon ay di kayang abutin at walang tunay na halaga.” Dito, ang “gerilyaismong” tinutukoy ni Mao ay hindi labanang gerilya bilang kaibang anyo ng labanan kaysa labanang makilos, o “makilos na aksyong gerilya” na pamilyar tayo sa Pilipinas. Sinasabi ni Mao ay “labanang makilos”, na kinukuha kung ano ang kapaki-pakinabang sa “gerilyaismo” – ang sukdulang mobilidad nito at pakikipaglaban ng walang pirmis na talatag ng labanan – habang pinanatli ang karaniwang katangian ng Pulang Hukbo. Ang pagtutol ni Mao sa “masyadong maagang regularisasyon” ng Pulang Hukbo ay walang pagkakapareho sa pagtutol ni Sison sa “masyadong maagang regularisasyon” sa kanyang Reaffirm. Ang tinutukoy na “masyadong maagang regularisasyon” ni Mao sa kanyang akdang “Suliranin ng Istratehiya” ay “labanang posisyunal” na salungat sa “labanang makilos”. Ang kanyang pinununa ay yaong “mga nagtataguyod ng ‘labanang gerilya’” na nangibabaw sa ikalimang kontra-kampanya, hal., ang mga nagtataguyod ng “punto-per-puntong depensa sa mga baseng pook” na isang anyo ng labanang posisyunal. Ang tinutukoy ni Mao na pagsugod ng walang paghahanda “tungo sa ‘bagong yugto’, na sa ngayon ay di kayang abutin at walang tunay na halaga” ay labanang posisyunal.
We now proceed to Mao's principle of "campaigns and battles of quick decision" of which the principles of concentration of troops and the primacy of regular mobile warfare are crucial and basic requisites. According to Mao: "A strategically protracted war, and campaigns or battles of quick decision are two aspects of the same thing, two principles which should receive equal and simultaneous emphasis in civil wars and which are also applicable in anti-imperialist wars."
Tumungo naman tayo sa prinsipyo ng “mga kampanya at labanan ng mabilisang pagpapasya” kung saan ang prinsipyo ng konsentrasyon ng hukbo at ng pangunguna ng regular na labanang makilos na mahalaga at batayang rekisito. Ayon kay Mao: “Ang istratehikong matagalang digmaan, at mga kampanya o labanan ng mabilisang pagpapasya ay dalawang aspeto ng magkaparehong bagay, dalawang prinsipyong makatatanggap ng magkapareho at sabay-sabay na pagdidiin sa mga digmaang sibil at aplikable rin sa mga digmaang anti-imperyalista.”
Here, Mao had synthesized two contradictory aspects into one integral whole-the elements of a long drawn-out war and the series of short-term battles, the elements of gradual strategic advance and quick tactical victories into his protracted war theory. It is a war of quick decision-referring to campaigns and battles- within a war of prolonged duration-referring to the war situation as a whole-to the strategic balance of forces.
Dito, pinagsama ni Mao ang dalawang magkasalungat na aspeto sa isang kabuuan – mga salik ng isang mahabang naganap na digmaan at serye ng maiiksing labanan, mga salik ng unti-unting istratehikong pagsulong at mga mabilisang taktikal na tagumpay tungo sa kanyang teyorya ng matagalang digmaan. Ito’y isang digmaan ng mabilisang pagpapasya – na tumutukoy sa kampanya at mga labanan – sa loob ng digmaan ng malawig na panahon – na tumutukoy sa sitwasyon ng digmaan sa kabuuan – tungo sa istratehikong balanse ng pwersa.
According to Mao: "Because the reactionary forces are very strong, revolutionary forces grow only gradually, and this fact determines the protracted nature of our war. Here impatience is harmful and advocacy of "quick decision" is incorrect." Although this is only one aspect of Mao's protracted war theory, this is the most important and is the starting point of all his operational principles. But not everything in protracted war is protracted. The campaigns and battles that constitute this protracted war are resolved through quick decision. In this campaigns and battles are found the vibrancy, the dynamism, the swiftness of this protracted war. According to Mao: "The reverse is true of campaigns and battles-here the principle is not protractedness but quick decision. Quick decision is sought in campaigns and battles, and this is true at all times and in all countries."
Ayon kay Mao: “Dahil napakalakas ng mga reaksyunaryong pwera, lumalago lang ng unti-unti ang mga rebolusyonaryong pwersa, at ang katotohanang ito ang nagtatakda ng matagalang kalikasan ng ating digmaan. Dito, mapanganib ang kawalang tiyaga at mali ang pagtataguyod ng ‘mabilisang pagpapasya’.” Bagamat isa lang itong aspeto ng teyorya ng matagalang digmaan ni Mao, ito ang pinakamahalaga at panimulang punto ng lahat ng kanyang prinsipyong operasyunal. Ngunit hindi lahat sa matagalang digmaan ay matagalan. Ang mga kampanya at labanan na bumubo ng matagalang digmaang ito ay nilulutas sa pamamagitan ng mabilisang pagpapasya. Matatagpuan sa mga kampanya’t labanang ito ang kasiglahan, ang dinamismo, ang kabilisan ng matagalang digmaang ito. Ayon kay Mao: “Ang kabaligtaran ay totoo sa mga kampanya at labanan - dito ang prinsipyo ay hindi pangmatagalan kundi mabilisang pagpapasya. Hinahanap ang mabilisang pagpapasya sa mga kampanya at labanan, at wasto ito sa lahat ng panahon at sa lahat ng bansa.”
No comments:
Post a Comment