Thursday, March 26, 2009

Ang Elepante at ang Langgam - ni Fidel Castro

Ang Elepante at ang Langgam
Mga Pagninilay ni Kasamang Fidel

Isinalin mula sa Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.

Isang makapangyarihang diwang internasyunalista, na mauugat sa malawak na pangkat ng mandirigmang Cubano na lumahok sa pakikibakang anti-pasista ng mga Kastila at inari ang nagawang magagandang tradisyon ng kilusang manggagawa, ang sumulong sa Cuba sa mga unang taon ng Rebolusyon.

Hindi natin ugaling ipagyabang ang ating pagtutulungan sa ibang tao, ngunit minsan ay imposibleng mapigilan ang media sa pagbanggit nito. Ang ating pagtutulungan ay nagmumula sa marubdob na damdamin, at di dahil gusting magpasikat.

Tinatanong ng ilan ang kanilang sarili kung paanong ang isang maliit na bansang kakaunti ang likas-yaman ay makagampan ng malalaking tungkulin tulad sa edukasyon at kalusugan, na di maisip ngayon ng kasalukuyang lipunan.

Ang sangkatauhan ang lumilikha ng mga produkto at serbisyong kinakailangan upang mabuhay mula pa nang maitatag ang unang lipunan, at ang huli’y sumulong mula sa pinakapayak hanggang sa pinaka-sopistikadong mga anyo sa loob ng libu-libong taon.

Ang pagsasamantala ng tao sa tao ay di maihihiwalay sa kanyang pagsulong, tulad ng alam o malalaman pa natin.

Ang iba’t ibang paraan upang maunawaan ang katotohanang ito ay nakasalalay lagi sa lugar natin sa lipunan. Sa mahabang panahon, ipinagpalagay na natural lang ang pagsasamantala at ang di ito nalalaman ng malawak na mayorya.

Sa panahon ng kapitalistang pagsulong sa Inglatera, na nangunguna sa daigdig, sunod sa Estados Unidos at iba pang bansa sa Europa, sa daigdig na namamayani ang kolonyalismo at ekspansyonismo, isang dakilang palaisip sa kasaysayan at iskolar ng ekonomya, si Karl Marx, ang lumitaw. Batay sa mga ideya ng tulad nina Hegel, Adam Smith at David Ricardo, na pawang palaisip at ekonomistang Aleman, na di sinasang-ayunan ni Marx, ipinaliwanag ng mabuti, sinulat at inilathala ni Marx ang kanyang mga ideya hinggil sa relasyon sa produksyon at pagpapalitan sa kapitalismo sa kanyang akdang “Ambag sa Kritik sa Pampulitikang Ekonomya” noong 1859. Noong 1867, inilathala niya ang kanyang ideya sa unang tomo ng pinakamahalaga niyang gawa, na nagpasikat sa kanya: Ang Kapital. Ang kabuuan ng aklat, na batay sa mga tala at komento ni Marx, ay pinatnugutan ni Engels, na nagsusulong din ng sulatin ni Marx. At tulad ng propeta, ipinalaganap ni Engels ang sulatin ni Marx pagkamatay nito noong 1883.

Ang inilathala ni Marx ang nagbuo ng pinakaseryosong pagsusuri na nasulat hinggil sa lipunang may uri at ang pagsasamantala ng tao sa tao. Kaya isinilang ang Marxismo, bilang pundasyon ng mga partido at kilusang rebolusyonaryo na nagbabando ng sosyalismo bilang kanilang layunin, kasama ang halos lahat ng partidong sosyal-demokrata, na nang pumutok ang Unang Daigdigang Digmaan, ay ipinagkanulo ang islogang ipinahayag nina Marx at Engels sa Manipesto ng Komunista, na nalathala ngong 1848: “Manggagawa sa lahat ng bansa, magkaisa!”

Isa sa mga katotohanang ipinahayag ng dakilang gurong ito sa payak na pananalita ay ito: “Sa panlipunang produksyon habang nabubuhay sila, itinatag ng mga tao ang kinakailangang relasyong di nakaasa sa kanilang kagustuhan, ang mga relasyon sa produksyon na angkop sa takdang yugto ng pag-unlad, ang materyal na produktibong pwersa ng lipunan ay naging salungat sa umiiral na relasyon sa produksyon… Mula sa anyo ng pag-unlas ng produktibong pwersa, ang mga relasyong ito’y naging balakid sa huli at nagsimula ang panahon ng panlipunang himagsikan… Walang naglahong panlipunang pormasyon bago pa umunlad ang mga produktibong pwersa nito at walang bago at mas abanteng relasyon sa produksyon ang lumitaw bago ang materyal na kalagayan sa kanilang pag-iral ay nahinog sa loob ng lumang lipunan.”

Wala akong mahagilap na naaangkop na salita upang mas maliwanag at malinaw na maipahayag ang mga kaisipang ipinaliwanag na mabuti ni Marx, mga kaisipang sa esensya’y mauunawaan, sa tulong ng isang guro, ng kahit isang kabataang Cubanong sumapi sa Liga ng Komunistang Kabataan nitong Sabado, Hulyo 14.

Upang isalarawan ang kongkretong pag-unlad ng makauring tunggalian, isinulat ni Marx ang “Ang Makauring Tunggalian sa Pransya” mula 1848 hanggang 1850, at ang “ika-18 Brumaire ni Loius Bonaparte”, dalawang pinakamahusay na makasaysayang pagsusuri na ikalulugod ng sinumang mambabasa. Siya’y iang tunay na pantas.

Isinulat ni Lenin, na isang marubdob na tagapagpatuloy ng kaisipang diyalektiko at ng mga pananaliksik ni Marx, ang dalawang susing gawa: “Ang Estado at Rebolusyon” at IMperyalismo: Pinakamataas na Yugto ng Kapitalismo”. Ang mga ideya ni Marx, na isinakatuparan ni Lenin sa pamamagitan ng Rebolusyong Oktubre, ay pinaunlad din nina Mao Zedong at ng iba pang punong rebolusyonaryo ng Ikatlong Daigdig. Kung wala sila, baka hindi nangyari ang Rebolusyong Cubano sa bakuran ng Estados Unidos.

Ang kaisipang Marxista ba ay simpleng limitado lang sa ideyang “ Walang naglahong panlipunang pormasyon bago pa umunlad ang mga produktibong pwersa nito”, ang kapitalistang teyoretisyan na sa Francis Fukuyama ay maaaring tama sa pagsasabing ang pagbagsak ng Unyong Sobyet ang tanda ng wakas ng kasaysayan at mga ideyolohiya at ang lahat ng lumalaban sa kapitalistang sistema ng produksyon ay titigil na.

Nang inilathala ng tagapagtatag ng syentipikong sosyalismo ang kanyang mga ideya, ang mga produktibong pwersa ng lipunan ay malayo pang umunlad ng lubusan. Hindi pa nagdudulot ang teknolohiya ng mga nakamamatay na armas ng pangwasak sa lahatna kayang burahin ang lahi ng tao; di pa umiiral ang sakop sa kalawakan, ni ang di mapigilang pagtatapon ng mga hydrocarbon at mga non-renewable fossil fuels; di pa nalalaan ang pagbabago ng klima sa natural na mundong ang kakayahan ay tila walang katapusan sa sangkatauhan, o kaya’y ang daigdigang krisis sa pagkain, na makakayanan ng di-mabilang na makinang kombustyon at ang populasyon ng mundong anim na beses ang laki kaysa nang ipanganak si Marx (na isang bilyonh tao na noon), na nalalaman lang ngayon.

Ang sosyalistang karanasan ng Cuba ay naganap habang ang imperyal na paghahari ay lumalawak sa buong daigdig.

Pag nagsasalita ako hinggil sa kamalayan, hindi ko tinutukoy ang isang hangaring kayang baguhin ang reyalidad kundi, sa kabaligtaran nito, ang kaalaman sa obhetibong reyalidad na tutukoy sa susundan nating daan.

Milyun-milyong tao ang namatay sa digmaang naganap sa kalagitnaan ng ika-20 siglo dahil sa pasismo, isang kaisipang bago noong panahong iyon, na isinilang sa isang anti-Marxistang kaibuturan ng umuunlad na kapitalistang daigdig na ipinahayag ni Lenin.

Sa Cuba, tulad din ng mga bansa sa Ikatlong Daigdig, ang pakikibaka para sa pambansang kalayaan, sa ilalim ng pamumuno ng panggitnang uri at petiburgesya, at ang pakikibaka para sa sosyalismo ng pinakaabanteng sektor ng uring manggagawa at magsasaka na inilunsad ng ilang taon na, ang nagbuklod at nagpalakas sa bawat isa. Dumami rin ang ideyolohikal at makauring salungatan. Ang mga salik na obhetibo at suhetibo ay nagkakaiba-iba batay sa iba’t ibang prosesong dinaanan.

Ang Nagkakaisang Bansa (UN) at iba pang mga pandaigdigang samahan, kung saan nagisnan ng marami na nagsimula ng bago at pandaigdigang kamalayan, na sumulpot pagkatapos ng huling daigdigang digmaan. Ang mga pag-asang ito’y ipinagkanulo.

Isinilang ang pasismo, na ang instrumento ni Hitler ay tinawag na Pambansang Sosyalistang Partido, na mas makapangyarihan at mas matinding banta noon.

Ipinakalat at pinananatili ng imperyo ang mga tagakarga ng eroplano sa lahat ng karagatan sa mundo, na handa sa pakikialam militar. Anong pinagpapasyahan nito upang makipagpaligsahan sa Cuba sa ating paligid? Ang magpakalat ng malaking barko na naging lumulutang na ospital na nagtatrabaho ng sampung araw sa bawat bansa. Matutulungan nito araw-araw ang maraming tao ngunit hindi nito masusulusyunan ang suliranin ng bansa. Hindi nito matutumbasan ang pagkawala ng matatalino, at hindi nito masasanay ang mga espesyalistang kinakailangan upang ang tunay na serbisyong medikal ay maihandog sa anumang araw ng bawat linggo at taon. Ang lahat ng mga tagakarga ng eroplano sa mundo, na ngayon ay instrumento ng pakikialam militar na ipinakalat sa karagatan sa iba’t ibang panig ng mundo, na nagsisilbing pagamutan, ay di maihandog ang mga serbisyong iyon sa milyong kataong ginagamot ng mga Cubanong manggagamot sa bawat liblib na sulok ng planeta, kung saan nagtatrabaho ang mga kababaihan, isinilang ang mga sanggol, at maraming mga maysakit na dapat agarang bigyang atensyon.

Ipinakita ng ating bansa na kaya nitong tumindig sa lahat ng panggigipit at matulungan ang ibang tao.

Pinag-iisipan ko ang ating pakikipagtulungan, hindi lang sa Bolivia, kundi pati sa Haiti, sa Caribbean, sa ilang bansa sa Gitnang Amerika, Katimugang Amerika, Aprika at maging sa malayong Oceania, dalawampung libong kilometro ang layo. Muli kong naalala ang mga misyong isinagawa ni Henry Reeve Brigade, na tumugon sa mga seryosong kagipitan, na naglakbay gamit ang ating eroplano, na nagkarga ng mga tao at iba pang tulong.

Hindi malayo na maabot natin ang pagtulong sa isang milyong tao kada taon upang magamot ang problema sa mata, nang walang gastos. Kaya ba natalagang makipag-kumpetensya ng Estados Unidos sa Cuba?

Gagamitin natin ang mga kompyuter, hindi para lumikha ng mga armas na pangwasak at pumatay ng tao, kundi para iparating ang kaalaman sa maraming tao. Batay sa pang-ekonomyang pananaw, ang pag-unlad ng karunungan at budhi ng ating kapwa mamamayan, ay naganap dahil sa Rebolusyon, hinayaan kami hindi lang para tulungan ang mga nangangailangan ng wala kaming gastos, kundi para magpadala ng mga espesyalisadong serbisyo, kasama na ang serbisyong pangkalusugan, sa mga bansang mas marami pang kayamanan kaysa atin.

Magpapatuloy na maninindigan ang ating maliit na bansa.

Sa isang parirala: Pinatunayan ng langgam na mas matindi siya kaysa elepante!

Fidel Castro Ruz
June, 2008

No comments: