Friday, January 28, 2011

Counter Thesis 1 (PPDR) - Ika-2 Bahagi

Ito ang isa sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. Hindi pa tapos ang pagsasalin ng PPDR at ang sumusunod ang IKA-2 BAHAGI pa lang nito. Binabalak matapos agad ang bersyong Tagalog ng PPDR upang ganap itong mai-launch bilang aklat sa Pebrero 6 (sa 10th death anniversary ni Ka Popoy). Susunod na poproyektuhin ang pagsasalin ng counter thesis sa PSR at PPW. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.

PPDR: Class Line vs. Mass Line -

Characterizing Philippine Society Without Its Bourgeois, Capitalist Features

Ang Katangian ng Lipunang Pilipino Nang Wala ang Burgis, Kapitalistang Aspeto Nito


What should be a cardinal point in a Party program? It should be a statement, from a consistent proletarian class viewpoint, of the basic character of the economic development of society.

Ano ba dapat ang kardinal na punto sa isang programa ng Partido? Ito'y dapat na isang pahayag, alinsunod sa makauring pananaw ng proletaryado, ng batayang katangian ng ekonomikong pag-unlad ng lipunan.


To paraphrase Lenin, this should bring into the foreground and emphasize more strongly the process of economic development that is engendering the material and spiritual conditions for the socialist working-class movement, and the class struggle of the proletariat which the Party sets itself the aim of organizing.

Batay kay Lenin, dapat dalhin sa pinakamahalagang katayuan at mas malakas na ipagdiinan ang proseso ng ekonomikong pagsulong na nagsasapanganib sa materyal at ispiritwal na kalagayan para sa sosyalistang kilusan ng uring manggagawa, at ang makauring pakikibaka ng proletaryado na itinalaga ng Partido ang sarili sa layuning mag-organisa.


Now, what "characterization" of the economic development of Philipine society did Sison formulate in the Party program? What "process of economic development" did he "bring into the foreground and emphasize more strongly"? What is this "process of economic development" that "engenders" the material and spiritual conditions fo the class struggle of the proletariat?

Ngayon, anong "pagsasalarawan" ng ekonomikong pag-unlad ng lipunang Pilipino ang binalangkas ni Sison sa programa ng Partido. Anong "proseso ng ekonomikong pag-unlad" ang kanyang "dinala sa pinakamahalagang katayuan at mas malakas na ipinagdiinan"? Ano itong "proseso ng ekonomikong pag-unlad" na "nagsasapanganib" sa materyal at ispiritwal na kalagayan para sa makauring pakikibaka ng proletaryado?


This "process of economic development" is none other than capitalism. Did Sison make any "characterization" of this process in Philippine society in our Party program? No, nothing of this sort. What he characterized in the first two paragraphs of the Party program was the "semicolonial and semifeudal" basic condition -- or more precisely, particular features -- of the Philippines, and nothing more.

Ang "proseso ng ekonomikong pag-unlad" na ito ay walang iba kundi kapitalismo. Nagsagawa ba si Sison ng anumang "paglalarawan" ng prosesong ito ng lipunang Pilipino sa ating programa ng Partido? Hindi, wala ng ganitong paraan. Ang inilalarawan niya sa unang dalawang talata ng programa ng Partido ay ang batayang kalagayang "malakolonyal at malapyudal" - o mas eksakto, mga partikular na katangian - ng Pilipinas, at wala na.


This is what he "brought into the foreground" and "emphasized more strongly" -- the colonial and the agrarian questions of the Party program -- not the "material and spiritual conditions" for the class struggle of the proletariat.

Ito ang kanyang "harapang dinala sa pinakamahalagang katayuan" at "mas malakas na ipinagdiinan" - ang usaping kolonyal at agraryo ng programa ng Partido - hindi ang "materyal at ispiritwal na kalagayan" para sa makauring pakikibaka ng proletaryado.

No small wonder, Sison forgot the socialist maximum program of the Party! No small wonder, Sison forgot even a "workers section" in the minimum program of the Party!

Di nakapagtataka, nakalimutan ni Sison ang maksimum na sosyalistang programa ng Partido! Di nakapagtataka, nakalimutan din ni Sison kahit na isang "seksyon ng manggagawa" sa minimum na programa ng Partido!


Imagine, a working-class program without a separate section for the workers demands in the democratic revolution. Obviously, his concern is not the "worker's class struggle" but the peasant's agrarian struggle and the people's national struggle! He speaks not for the proletariat, but for the peasantry, for the Filipino people.

Isipin nyo, isang programa ng uring manggagawa nang walang nakahiwalay na seksyon para sa kahilingan ng manggagawa para sa demokratikong rebolusyon. Malinaw na ang kanyang pakialam ay hindi sa "makauring pakikibaka ng manggagawa" kundi sa pakikibakang agraryo ng pesante at ng pambansang pakikibaka ng sambayanan. Hindi siya nagsasalita para sa proletaryado, kundi para sa mga magsasaka, para sa sambayanang Pilipino.


In fact, in the first two paragraphs of the program that characterized the present conditions of the Philippines -- its semicolonial and semifeudal character -- Sison did not even give particular distinction to the plight, to the impoverishment, to the struggle of the Filipino working class.

Sa katunayan, sa unang dalawang talata ng programa na kinatatangian ng kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas - ang katangian nitong malakolonyal at - ni hindi nagbigay si Sison ng partikular na katangian sa kalagayan, sa kahirapan, sa pakikibaka ng uring manggagawang Pilipino.


According to Sison: "These vested interests mercilessly exploit the broad masses of the people", referring to US imperialism, the comprador bourgeoisie, the landlords and the bureaucrat capitalists. And his second paragraph: "It is US imperialism and domestic feudalism that are the main problems afflicting the whole nation and from which the masses of the people aspire to be liberated."

Ayon kay Sison: "Ang mga pansariling interes na ito'y walang awang pagsasamantala sa malawak na masa ng sambayanan", na tumutukoy sa imperyalismong Estados Unidos, burgesyang kumprador, panginoong maylupa at burukrata kapitalista. At sa kanyang ikalawang talata: "Ang imperyalismong Estados Unidos at ang domestikong pyudalismo ang mga pangunahing problemang nagpapahirap sa buong bayan at kung saan umaasang makalaya rito ang masa ng sambayanan."


The Party program, the program of the working-class party, talks about the "ruthless exploitation" of the masses of the people. But not a word about the "ruthless exploitation" of the masses of workers. It talks about the "impoverishment" of the entire country. But not a word about the "impoverishment" -- the growth of "the mass of misery, oppression, slavery, degradation, exploitation" -- of the working class.

Ang programa ng Partido, ang programa ng partido ng uring manggagawa, ay nagsasalita hinggil sa "walang awang pagsasamantala" sa masa ng sambayanan. Ngunit walang sinabi hinggil sa "walang awang pagsasamantala" sa masa ng manggagawa. Nagsasalita ito hinggil sa "kahirapan" ng buong bansa. Ngunit wala ni isang salita hinggil sa "kahirapan"– ang paglago ng "sanlaksang pagdurusa, pang-aapi, pang-aalipin, panloloob, pagsasamantala" – ng uring manggagawa


Perhaps, since the workers are part of the masses of people, and they reside in the country,there is no need to make a distinction. And in the first place, PPDR is a program not of the working class alone or even principally, but of the entire Filipino people, and mainly, of the peasantry, for this is primarily a peasant revolution.

Marahil, dahil ang mga manggagawa ay bahagi ng masa ng sambayanan, at sila'y naninirahan sa bansa, di na kailangang lumikhang pagkakaiba. At sa pangunahin, ang PPDR ay isang programa hindi lamang ng uring manggagawa o kahit sa pangunahin, kundi ng buong sambayanang Pilipino, at higit sa lahat, ng mga magsasaka, dahil ito sa pangunahin ay rebolusyong magsasaka.


The Party program, the program of the working-class party, writes about "US imperialism and domestic feudalism are the main problems afflicting the whole nation". But not a word in this "proletarian program" about wage-slavery, about the "affliction", the impoverishment of the masses of wage workers under the yoke of capital, as if capitalism is not a basic problem of the working class.

Ang programa ng Partido, ang programa ng partido ng uring manggagawa, ay nagsulat hinggil sa "imperyalismong Estados Unidos at ang domestikong pyudalismo ang mga pangunahing problemang nagpapahirap sa buong bayan". Ngunit walang anumang salita sa "programang proletaryado" na ito hinggil sa sahurang pang-aalipin, hinggil sa "pagpapahirap", ang kahirapan ng masa ng sahurang manggagawa sa ilalim ng singkaw ng puhunan, na tila ang kapitalismo'y hindi batayang suliranin ng uring manggagawa.


Perhaps, Sison is wary that once he indicts capitalism, it might arouse the class consciousness of the workers against capitalism and divert their attention from the "real" main problems, from the "real" main enemies. And instead of demanding a "people's democratic revolution", the working class might demand a socialist revolution!

Marahil, nag-iingat si Sison na pag inupakan niya ang kapitalismo, mapupukaw nito ang makauring kamalayan ng mga manggagawa laban sa kapitalismo at ibabaling nito ang kanilang atensyon mula sa "totoong" pangunahing problema, mula sa "totoong" pangunahing kaaway. At sa halip na hilingin ang isang "demokratikong rebolusyon ng sambayanan", ang hihilingin ng uring manggagawa ay isang sosyalistang rebolusyon!


Where in the world can you find a Communist who, in his program, is afraid of "indicting" capitalism and wage-slavery, afraid of arousing the socialist class consciousness and socialist class struggle of the proletariat because it might divert them from the people's revolution!!!

Saan sa mundo ka nakakita ng Komunistang, sa kanyang programa, ay takot "upakan" ang kapitalismo at sahurang pang-aalipin, takot pukawin ang makauring kamalayang sosyalista at makauring pakikibakang sosyalista ng proletaryado dahil ibabaling ang atensyon nila mula sa rebolusyon ng bayan!!!


Where in the world can you find a Communist, who is afraid of teaching the working class its ultimate socialist aim aware of the fact that this can only be accomplished by way of a democratic revolution!!!

Saan sa mundo ka nakakita ng Komunistang takot turuan ang uring manggagawa ng ultimong sosyalitang layunin nito nang malay sa katotohanang maisasakatuparan lang ito sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyon!!!


Where in the world can you find a Communist who is afraid of teaching the working class the evils of capitalism while at the same time clarifying that this is a "necessary" evil, that capitalism is a "halfway-house" to socialism, that capitalism creates the material and spiritual conditions for socialism!!!

Saan sa mundo ka nakakita ng Komunistang takot turuan ang uring manggagawa ng kasamaan ng kapitalismo habang kasabay nito'y inililinaw na ito'y "kinakailangang" kasamaan, na ang kapitalismo'y "kalahating-tahanan" patungong sosyalismo, na ang kapitalismo ang lumilikha ng materyal at ispiritwal na kalagayan para sa sosyalismo!!!


Must the proletariat be so utterly unselfish, so self-sacrificing that even in what should be its class program, its Party must give first place to the interest of the nation, to the interest of the peasants, and obscure its own class interest, its own class struggle and submerge it in the people's struggle, in the peasants' struggle?

Dapat bang ang proletaryado'y lubusang di sakim, na mapagparaya kahit sa kanyang dapat ay makauring programa, dapat pangunahin sa Partido ang interes ng bayan, ang interes ng pesante, at ikubli ang kanyang sariling makauring interes, ang sariling makauring pakikibaka at ilubog ito sa pakikibaka ng sambayanan, sa pakikibaka ng pesante?


But is this wrong? Is not our society "semicolonial and semifeudal"? Is not our revolution a national and a democratic revolution at the present stage and not a socialist revolution? What's wrong with giving emphasis to the national and agrarian questions rather than to the class struggle of the proletariat? Is this not a people's revolution, so it follows, that the interest of the people is paramount, and the interest of the proletariat is secondary or is "merged" with the interest and the struggle of the people?

Ngunit mali ba ito? Hindi ba ang lipunan natin ay "malakolonyal at malapyudal"? Hindi ba ang ating rebolusyon ay isang pambansa at demokratikong rebolusyon sa kasalukuyang yugto nito at hindi isang sosyalistang rebolusyon? Anong mali sa pagbibigay-diin sa mga usaping pambansa at agraryo imbes na makauring tunggalian ng proletaryado? Hindi ba ito isang rebolusyon ng bayan, kaya kasunod nito, pangunahin ang interes ng bayan, at ang interes ng proletaryado'y pangalawa lamang o "isinanib" sa interes at pakikibaka ng sambayanan?


Just because we are still engaged in a democratic revolution, we can forget for the time being the class struggle of the proletariat and their struggle for socialism as if they are of no consequence in the theoretical and practical questions of the "peoples revolution"? How can the proletariat preserve its independent class line and assert its class leadership in the democratic revolution if it artificially relegates the class struggle and the socialist aim to some distant future because this, anyway, is a two-stage revolution?

Dahil lang nasa demokratikong rebolusyon pa rin tayo, kalilimutan muna natin ang makauring pakikibaka ng proletaryado at ang kanilang pakikibaka para sa sosyalismo na tila walang epekto sa mga usaping teyoretikal at praktikal ng "rebolusyon ng bayan"? Paano mapapanatili ng proletaryado ang nagsasariling linyang makauri nito at maigiit ang makauring liderato sa demokratikong rebolusyon kung isinasantabi muna nito ang makauring pakikibaka at ang layuning sosyalista para sa malapit na hinaharap dahil ito naman ay isang dalawang-yugtong rebolusyon?


From the standpoint of the basic ideas of Marxism, only one thing stands higher than the interest of the proletariat -- and it is none other than the interests of social development, the interests of social progress. Scientific socialism represents the interests not only of the working class, but all social progress.

Mula sa pananaw ng batayang diwa ng Marxismo, isang bagay lang ang mas mataas kaysa interes ng proletaryado - at ito'y walang iba kundi ang interes ng panlipunang pagsulong, ang interes ng panlipunang pag-unlad. Kinakatawan ng syentipikong sosyalismo hindi lang yaong sa uring manggagawa, kundi lahat ng kaunlarang panlipunan.


The working class must actively participate and strive to take the leading role in the democratic revolution in the interest of its socialist struggle and in the interest of social progress as a whole. And not primarily because the proletariat stands for the interests of the peasantry as a class or stands for the interests of the people regardless of its class composition.

Dapat na aktibong lumahok ang uring manggagawa at magsikap na pangunahan ang demokratikong rebolusyon sa interes ng sosyalistang pakikibaka nito at sa interes ng kaunlarang panlipunan sa kabuuan. At lalong hindi dahil kumakatawan ang proletaryado sa interes ng magsasaka bilang uri o kumakatawan sa interes ng sambayanan nang di alintana ang sari-saring uring bumubuo nito.


The proletariat stands for the struggle of the peasants and the struggle of the whole people insofar as it corresponds to the interest of its socialist class struggle and to social progress as a whole. Support for the democratic demands of the peasantry that serve social progress and the class struggle certainly does not mean support of the petty bourgeoisie just as support for liberal demands does not mean support of the national bourgeoisie.

Kumakatawan ang proletaryado para sa pakikibaka ng magsasaka at sa pakikibaka ng buong sambayanan hangga't umaangkop ito sa interes ng sariling makauring sosyalistang pakikibaka at sa kaunlarang panlipunan sa kabuuan. Ang pagsuporta para sa mga demokratikong kahilingan ng magsasaka na magsisilbi sa kaunlarang panlipunan at sa makauring pakikibaka ay hindi nangangahulugang pagsuporta ng petiburgesya, tulad din ng ang pagsuporta para sa mga liberal na kahilingan ay hindi nangangahulugang pagsuporta sa pambansang burgesya.


This is basic, a most fundamental question for a Marxist-Leninist who knows his theory of class struggle. Now, how can the Filipino working class correctly understand this "people's democratic revolution" when, instead of presenting it from the strict class view of the proletariat, from its socialist perspective, it is presented exclusively from the national and democratic interest of the people? Is the working class suppose to participate and take a leading role in such a revolution, and put aside its own class struggle, because it understands the democratic and national interest of the people?

Ito ang batayan, ang pinakapangunahing usapin para sa isang Marxista-Leninista na alam ang kanyang teorya ng makauring tunggalian. Ngayon, paano mauunawaan ng tama ng uring manggagawang Pilipino itong "demokratikong rebolusyon ng bayan" kung, imbes na iharap ito mula sa istriktong makauring pananaw ng proletaryado, mula sa sosyalistang perspektiba nito, inihaharap ito ng natatangi mula sa pambansa at demokratikong interes ng sambayanan? Dapat bang lumahok at pangunahan ng uring manggagawa ang ganoong rebolusyon, at isantabi ang sarili nitong makauring pakikibaka, dahil nauunawaan nito ang demokratiko at pambansang interes ng sambayanan?


Must we be reminded that the daily oppression and exploitation of the proletariat by the bourgeoisie under capitalism in the Philippines and throughout the world is being committed under the slogan of "freedom" and "democracy" which are bourgeois slogans. The class conscious Filipino proletariat will be a vanguard fighter for freedom and democracy, not primarily because of a deep sense of patriotism and democratism (of which they have plenty) but mainly because only through political liberty can its class and its class struggle develop to the full and advance more freely towards socialism.

Dapat ba tayong paalalahanan na ang araw-araw na pang-aapi at pagsasamantala ng burgesya sa proletaryado sa ilalim ng kapitalismo sa Pilipinas at sa buong daigdig ay isinasagawa sa ilalim ng panawagang "kalayaan" at "demokrasya" na pawang islogang burgis. Ang malay-sa-uring proletaryadong Pilipino ang magiging talibang mandirigma para sa kalayaan at demokrasya, sa pangunahin hindi dahil sa malalim na kahulugan ng patriotismo at demokratismo (kung saan marami sila nito) kundi pangunahin dahil sa pamamagitan lang ng kalayaang pampulitika susulong ng ganap ang uri at ang makauring pakikibaka nito at susulong ng mas malaya tungo sa sosyalismo.


It is for this reason that the analysis and characterization of the economic developments in Philippine society -- in a Party program --should "bring to the foreground" and "emphasize more strongly" the material and spiritual conditions for the development of the class struggle of the Filipino proletariat.

Sa ganitong kadahilanan kaya ang pagsusuri at paglalarawan ng ekonomikong pag-unlad sa lipunang Pilipino - sa programa ng Partido - ay dapat "dalhin sa pinakamahalagang katayuan" at “mas malakas na ipagdiinan” ang materyal at ispiritwal na kalagayan para sa pagsulong ng makauring pakikibaka ng proletaryadong Pilipino.


Our program should begin with an understanding and definition of capitalism in the Philippines -- and if Sison subscribes to Marxist political economy, he must accept capitalism as the basic process in the socio-economic evolution of Philippine society unless he still ridiculously believes that it is feudalism. He must scientifically define it as capitalism while describing its specific features as "semicolonial and semifeudal".

Dapat magsimula ang ating programa sa pagkaunawa at sa pakahulugan sa kapitalismo sa Pilipinas - at kung sumasang-ayon si Sison sa Marxistang pulitikal na ekonomya, dapat niyang tanggapin ang kapitalismo bilang batayang proseso ng sosyo-ekonomikong ebolusyon ng lipunang Pilipino maliban kung kakatwang pinaniniwalaan niyang iyon ay pyudalisno. Dapat na syentipiko niyang ipaliwanag iyon bilang kapitalismo habang isinasalawaran ang mga ispesipikong katangian nito bilang "malakolonyal at malapyudal".


Beneath the "semicolonial and semifeudal" peculiarity of Philippine society is the basic process of capitalism. The process of development of capitalism in the Philippines has semicolonial and semifeudal features just like the development of capitalism in Russia was characterized by autocratic rule and the widespread survivals of serfdom.

Sa ilalim ng "malakolonyal at malapyudal" na pekyularidad ng lipunang Pilipino ang batayang proseso ng kapitalismo. Ang proseso ng pag-unlad ng kapitalismo sa Pilipinas ay may katangiang malakolonyal at malapyudal tulad ng pag-unlad ng kapitalismo sa Rusya ay kinatatangian ng pamamahalang awtokratiko at ang malawakang kaligtasan ng kaalipinan.


In its program, the revolutionary party of the proletariat is expected to formulate in the most unambiguous manner its indictment of Philippine capitalism and the world capitalist system. To dispense with this question by simply describing Philippine society as "semicolonial and semifeudal" and obscuring its capitalist basic process of socio-economic evolution is to evade a cardinal question in a working class program.

Sa programa nito, inaasahang magbabalangkas ang rebolusyonaryong partido ng proletaryado sa pamamaraang hindi alanganin ang pag-upak nito sa kapitalismong Pilipino at sa pandaigdigang sistemang kapitalista. Para makaalis sa usaping ito sa pamamagitan ng simpleng paglalarawan sa lipunang Pilipino bilang "malakolonyal at malapyudal" at pagtago sa batayang prosesong kapitalista nito ng sosyo-ekonomikong ebolusyon ay pag-iwas sa kardinal na usapin sa programa ng uring manggagawa.


The suspicious thing with Sison, he obscures and evades this question, this "capitalism", this wage-slavery, like the plague. Even if he believes that his "semicolonial and semifeudal" characterization of Philippine society, in itself, defines the prevailing mode of production -- if nevertheless, he still has the proletarian interest and not just the proletarian label in his heart -- he should have "brought into the foreground" and "emphasized more strongly" the capitalist factors engendering the development of the Filipino working class both in the cities and the countryside and outlined the fundamental tendency of capitalism--the splitting of the people into a bourgeoisie and a proletariat in the cities and the countryside, the growth of the "mass of misery, oppression, slavery, depredation, exploitation" in the cities and countryside creating the material and spiritual conditions for the class struggle of the proletariat for socialism.

Ang kahina-hinala kay Sison, pinalalabo at iniiwasan niya ang usaping ito, itong "kapitalismo", itong sahurang-pang-aalipin, tulad ng salot. Kahit na naniniwala siyang ang kanyang "malakolonyal at malapyudal" na paglalarawan sa lipunang Pilipino, sa kanyang sarili, ang nagpapaliwanag sa moda ng produksyon - magkagayunman, nasa kanya pa rin ang proletaryadong interes at hindi lang tatak proletaryado sa kanyang puso - dapat na kanyang "dinala sa pinakamahalagang katayuan" at "mas malakas na ipagdiinan" ang mga kapitalistang salik na nagbunga ng pag-unlad ng uring manggagawang Pilipino kapwa sa kalunsuran at kanayunan, ang paglago ng "sanlaksang pagdurusa, pang-aapi, pang-aalipin, panloloob, pagsasamantala" sa mga kalunsuran at kanayunan na lumilikha ng materyal at ispiritwal na kalagayan para sa makauring pakikibaka ng proletaryado para sa sosyalismo.


Sison conceded only one paragraph in the program pertinent to this question, and it was not to highlight economic developments positive to the development of the working class. It was just a part of his standard operating procedure of enumerating the situation of every class composing the "people". Although, he presented it in a very negative light, to say the least, it is extremely enlightening with regards to Sison's understanding of Marxism.

Isang talata lang ang inamin ni Sison sa programang kaugnay sa usaping ito, at ito'y hindi upang ibuyangyang ang ekonomikong pag-unlad na positibo sa pagsulong ng uring manggagawa. Iyon ay isang bahagi lang ng kanyang pamamaraan sa pamantayan ng pagkilos (standard operating procedure) ng pagbanggit sa kalagayan ng bawat uri na bumubuo ng "sambayanan". Bagaman, iniharap niya ito sa negatibong paraan, sa madaling salita, maliwanag itong ganap kung hinggil sa pagkaunawa ni Sison sa Marxismo.


According to Sison: "The Filipino working class has significantly grown in number and experience since the latter period of Spanish colonial rule. But its further growth was stunted because of the limitations on local industrialization and emphasis on raw material production, and lately, on mere assembly plants, new plantations and businesses in the grip of foreign monopoly capitalism. The Filipino working class has suffered lack of opportunity and the remittance of superprofits from the Philippines by foreign monopolies and loan payments to imperialist banks."

Ayon kay Sison: "Ang uring manggagawang Pilipino'y ganap na lumago sa bilang at karanasan mula nang huling bahagi ng kolonyal na pamamalakad ng mga Kastila. Ngunit ang paglago pa nito'y nabansot dahil sa mga limitasyon ng lokal na industriyalisasyon at diin sa produksyon ng hilaw na materyales, at sa kalaunan, sa mga plantang asembliya lamang, mga bagong plantasyon at negosyo na mahigpit na tangan ng dayuhang monopolyo kapitalismo. Ang uring manggagawang Pilipino ay nagdusa sa kakulangan ng oportunidad at sa pinadadalang dambuhalang tubo mula sa Pilipinas ng mga dayuhang monopolyo at pagbabayad ng mga utang sa mga imperyalistang bangko."


See how Sison avoids the issue of "capitalism". The working class has "suffered" because of everything except "capitalism"!

Kita nyo na kung paanong iniiwasan ni Sison ang isyu ng "kapitalismo". "Nagdusa" ang uring manggagawa dahil sa lahat ng bagay maliban sa "kapitalismo"!


See how this Communist talks like a national democrat in analyzing why the working class is impoverished! Imagine a Communist declaring -- in a Party program --that the working class is "suffering" because of the "lack of opportunities", the "remittance of superprofits" and "loan payments", and not because of wage-slavery, not because of the oppression of labor by capital! The elimination of these aggravating problems of the working class which are problems of the whole people will not in least solve the essential problem of impoverishment due to wage-slavery, due to capitalism, an essential problem not only of the working class but all the working people.

Kita nyo na kung paano ang Komunistang ito ay nagsasalita tulad ng pambansang demokrata sa pagsusuri kung bakit naghihirap ang uring manggagawa! Isipin nyo ang isang komunistang nagdedeklara - sa isang programa ng Partido - na "nagdurusa" ang uring manggagawa dahil sa "kakulangan ng oportunidad", ang "pinadadalang dambuhalang tubo" at "pagbabayad ng utang", at hindi dahil sa sahurang-pang-aalipin, hindi dahil sa pagsasamantala sa paggawa ng kapital! Ang pag-aawas sa mga malulubhang problemang ito ng uring manggagawa na siyang problema ng buong sambayanan ay hindi makakaresolba munti man sa ganap na problema ng kahirapan dahil sa sahurang-pang-aalipin, dahil sa kapitalismo, isang ganap na problema hindi lang ng uring manggagawa kundi ng lahat ng nagtatrabaho.


But Sison's fanatics will protest: imperialism is capitalism, the worst kind of capitalism, so if you indict imperialism you indict capitalism! Wrong. Even our bourgeois nationalist senators and congressmen can indict to high heavens "US imperialism" but on the basis of national oppression not class exploitation. They indict US imperialism to advance the struggle for self-determination not for the struggle for social emancipation. Recto, Diokno, Tanada, etc., condemn "imperialism" not as monopoly capitalism, or moribund capitalism, not as the rule of the international bourgeoisie and finance capital, but as "neocolonialism", as oppressor of nations.

Ngunit magpoprotesta ang mga panatiko ni Sison: ang imperyalismo ay kapitalismo, ang pinakamasamang tipo ng kapitalismo, kaya kung inupakan mo ang imperyalismo ay inupakan mo ang kapitalismo! Mali. Kahit ang ating mga makabayang burgis na senador at kongresista ay kayang upakan hanggang langit ang "imperyalismong US" ngunit sa batayan ng pambansang pambubusabos hindi sa batayan ng makauring pagsasamantala. Inupakan nila ang imperyalismong US para isulong ang pakikibaka para sa sariling pagpapasya hindi para sa pakikibaka para sa panlipunang kalayaan. Tinuligsa nina Recto, Diokno, Tanada, atbp., ang "imperyalismo" hindi bilang monopolyo kapitalismo, o mamamatay nang kapitalismo, hindi bilang paghahari ng pandaigdigang burgesya at pinansyal na kapital, kundi bilang "neokolonyalismo", bilang maniniil ng mga bansa.


A proletarian party program, even in a "semicolonial and semifeudal" society should have pinpointed and highlighted the meaning of the domination of commodity production in the countryside and the destruction of feudal natural economy, the developments in the social division of labor and the transformation of agriculture itself into an industry, into a commodity-producing branch of economy, the continuing growth of the industrial population at the expense of the agricultural, the ousting of small-scale production by large-scale production, the continuing differentiation and disintegration of the peasantry as a feudal class, the ruin of the small producers, the increasing number of farmworkers, the growth of a huge reserve army of labor, the influx of monopoly capital, etc., -- and interpreted the meaning, in terms of theory and practical tasks, of all these economic developments for the class struggle of the proletariat which the Party set itself the aim of organizing!

Isang programa ng proletaryadong partido, kahit ang isang lipunang "malakolonyal at malapyudal" ay dapat ituro at idiin ang kahulugan ng dominasyon ng produksyon ng kalakal sa kanayunan at sa pagkasira ng natural na ekonomyang pyudal, ang pagsulong ng panlipunang hatian sa paggawa at ang transpormasyon ng mismong agrikultura tungo sa industriya, sa isang kalakal-paggawa ng sangay ng ekonomya, ang patuloy na paglago ng populasyon sa industriya sa kapinsalaan ng agrikultura, ang pagpapabagsak sa maliitang produksyon sa pamamagitan ng malakihang produksyon, ang nagpapatuloy na kaibahan at pagkakalansag-lansag ng magsasaka bilang pyudal na uri, ang pagkawasak ng mga malilit na tagalikha, ang pagdami ng bilang ng manggagawang bukid, ang paglago ng malaking reserbang hukbo ng paggawa, ang agos ng monopolyo kapital, atbp., - at pagpapaliwanag ng kahulugan, sa mga tuntunin ng teorya at praktikal na gawain, ng lahat ng ekonomikong pag-unlad na ito para sa makauring pakikibaka ng proletaryado na itinalaga ng Partido ang sarili sa layuning mag-organisa!


From reading the Party program and Party literature, one will get the impression that the Party -- the party of the proletariat -- is not particularly and keenly interested in any form of capitalist developments in Philippine society. And in fact, its basic attitude is to downgrade all these developments insisting that Philippine society is basically feudal in its mode of production and semifeudal in its characterization because of imperialism impinging on the old feudal mode.

Mula sa pagbabasa ng programa ng Partido at panitikan ng Partido, kikintal sa utak ng isang tao na ang Partido - ang partido ng proletaryado - ay hindi partikular at masidhing interesado sa anumang anyo ng kapitalistang pag-unlad ng lipunang Pilipino. At sa katunayan, ang batayang pananaw nito ay ibaba ang lahat ng pag-unlad na ito na iginigiit na ang lipunang Pilipino ay pyudal sa batayan ng moda ng produksyon at malapyudal sa paglalarawan nito dahil babangga ang imperyalismo sa lumang modang pyudal.


It is as if, for Sison, the basis for a national democratic revolution will be undermined once we affirm the basic bourgeois nature of Philippine society beneath its semicolonial and semifeudal features, once we affirm that capitalism is the basic process in our country's social and economic evolution, and, in world reality, it cannot actually be otherwise. Need we remind Sison that it is basic in Marxist thought (maybe not in Mao Ze Dong Thought) that the process of the development of capitalism -- the ousting of small-scale production, the concentration of property, etc., -- will proceed and will continue, despite all the resistance of feudalism and the interference of imperialism, and through all these feudal remnants and imperialist interventions as what is happening -- gradually, not in a revolutionary way -- in Philippine society.

Ito'y tila ba, para kay Sison, ang batayan para sa isang pambansang demokratikong rebolusyon ay pahihinain pag sinang-ayunan natin ang batayang kalikasan ng burges sa lipunang Pilipino sa ilalim ng katangian nito, pag sinang-ayunan natin na ang kapitalismo ang batayang proseso para sa panlipunan at pang-ekonomyang ebolusyon sa ating bansa, at, sa tunay na mundo, hindi maaari ang sa kabilang banda. Dapat nating ipaalala kay Sison na pangunahin sa kaisipang Marxista (maaaring hindi ang Kaisipang Mao Zedong) na ang proseso ng pag-unlad ng kapitalismo - ang pagpapabagsak sa maliitang produksyon, ang konsentrasyon ng pag-aari, atbp., - ay magpapatuloy at magpapatuloy, sa kabila ng lahat ng paglaban sa pyudalismo at sa panghihimasok ng imperyalismo, at sa pamamagitan ng lahat ng labi ng pyudal at pakikialam ng imperyalista hinggil sa nangyayari sa lipunang Pilipino - nang unti-unti, hindi sa pamamaraang rebolusyonaryo.


What is the programmatic significance of this insistence on the correct characterization of the economic developments in the country from the point of view of the proletariat?

Ano ang programatikong kabuluhan ng paggigiit na ito sa tamang paglalarawan ng pang-ekonomyang pag-unlad ng bansa mula sa punto de bista ng proletaryado.


It is of utmost importance because it "determines" our ultimate aim, it provides a concrete, historical basis in our country for a socialist maximum program and a clear framework for the development of the class struggle of the proletariat from the democratic to the socialist stage of struggle which is our paramount concern side by side with social progress. The Party of the proletariat cannot proceed to the democratic revolution and aspire to lead it in the real meaning of class leadership and advance it to its completion without going through this process.

Napakahalaga nito pagkat "itinatakda" nito ang ating ultimong layunin, ibinibigay nito ang kongkreto't makasaysayang batayan sa ating bansa para sa isang sosyalistang maksimum na programa at isang malinaw na balangkas para sa pagsulong ng makauring pakikibaka ng proletaryado mula sa demokratiko tungo sa sosyalistang yugto ng pakikibaka, na siyang pangunahin nating dapat alalahanin kasabay ng kaunlarang panlipunan. Ang Partido ng proletaryado ay hindi makakatuloy sa demokratikong rebolusyon at umasang makapamumuno sa tunay na kahulugan ng makauring pamumuno at isulong ito tungo sa kaganapan ng hindi dumaraan sa prosesong ito.

SUSUNOD:
A Distorted Understanding Of Proletarian Leadership In The Democratic Revolution

No comments: