Wednesday, January 26, 2011

Counter Thesis 1 (PPDR) - Pambungad

Ito ang isa sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. Hindi pa tapos ang pagsasalin ng PPDR at nasa 1/4 (Pambungad) pa lang ito. Binabalak matapos agad ang bersyong Tagalog ng PPDR upang ganap itong mai-launch bilang aklat sa Pebrero 6 (sa 10th death anniversary ni Ka Popoy). Susunod na poproyektuhin ang pagsasalin ng counter thesis sa PSR at PPW. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.


PPDR: Class Line Vs Mass Line
Metro Manila Rizal Regional Committee
Communist Party of the Philippines
February 22, 1994

Programa para sa Demokratikong Rebolusyon ng Bayan:
LINYANG MAKAURI LABAN SA LINYANG PANGMASA
Komiteng Rehiyon ng Metro Manila Rizal
Partido Komunista ng Pilipinas
Pebrero 22, 1994


The Program for a People's Democratic Revolution drafted by Sison in 1968 is the best proof of his abandonment or ignorance of the most basic principles of Marxism-Leninism --- the class struggle and scientific socialism.

Ang Programa para sa Demokratikong Rebolusyon ng Bayan na binalangkas ni Sison noong 1968 ang siyang pinakamagandang patunay ng kanyang pag-iwan o pagka-ignorante sa pinakabatayang prinsipyo ng Marxismo-Leninismo - ang tunggalian ng uri at ang syentipikong sosyalismo.


In the Party program, he substituted the Maoist "mass line" for the Marxist-Leninist "class line". He completely obscured and glossed over the struggle for socialism in his obsession for national democracy. Sison's failure to grasp the Marxist-Leninist class struggle and his fanatical adherence to Maoism which distorts this theory explain his vulgarized concept of revolution.

Sa programa ng Partido, pinalitan niya ng Maoistang "linyang pangmasa" ang Marxista-Leninistang "linyang makauri". Ganap niyang pinalabo at pinalamutian lang ang pakikibaka para sa sosyalismo nang kanyang pagkahumaling sa pambansang demokrasya. Ang kabiguan ni Sison na tanganan ang Marxista-Leninistang makauring pakikibaka at ang kanyang panatikong pangungunyapit sa Maoismo na bumaluktot sa teoryang ito ang nagpapaliwanag ng kanyang bulgarisadong konsepto ng rebolusyon.


The essential defect of PPDR is its basic character which makes it totally unacceptable as a class program of the Party of the class-conscious Filipino proletariat. It does not even pretend to be a class program but proclaims itself to be a "people's program."

Ang pinakadepekto ng PPDR ay ang batayang katangian nito kaya di ito katanggap-tanggap sa kabuuan bilang isang makauring programa ng Partido ng proletaryadong Pilipinong may makauring kamalayan. Ni hindi ito nagpapanggap na makauring programa kundi ibinabandila nito ang sarili bilang "programa ng sambayanan".


It is a Party Program without the struggle for socialism and without a separate section on workers' demands in the period of the democratic revolution. It characterized Philippine society as "semicolonial and semifeudal" without bringing into the foreground and emphasizing more strongly its bourgeois, capitalist basic process. It failed to present the real meaning and substance of proletarian class leadership in the democratic revolution. It elaborated a vulgarized, totally non-Marxist, non-Leninist concept of a people's revolution that departs fundamentally from the theory of class struggle. And lastly, it presented a peasant not a proletarian stand on the agrarian question and a patriotic not a proletarian stand on the colonial question.

Ito'y isang Programa ng Partido ng walang pakikibaka para sa sosyalismo at walang hiwalay na seksyon ng kahilingan ng manggagawa sa panahon ng demokratikong rebolusyon. Katangian ng lipunang Pilipino ang pagiging "semipyudal at semikolonyal" nang hindi dinadala sa kalagayan at mas matinding pagdidiin sa batayang prosesong burgis at kapitalista. Nabigo itong ipresenta ang tunay na kahulugan at sustansya ng makauring pamumuno ng proletaryado sa demokratikong rebolusyon. Ipinaliwanag nitong mabuti ang bulgarisado, ganap na di-Marxista, di-Leninistang konsepto ng rebolusyon ng bayan na pangunahing inihiwalay sa teorya ng makauring tunggalian. At sa huli, ipinresenta nito ang isang pesante at di proletaryadong paninindigan sa usaping agraryo at isang makabayan at di makamanggagawang paninindigan sa usaping kolonyal.


A Party Program Without The Class Struggle For Socialism And a Section On Working-Class Demands

Isang Programa ng Partido na Walang Tunggalian ng Uri para sa Sosyalismo at isang Seksyon para sa Kahilingan ng Uring Manggagawa


What is a Party program?

Ano ang programa ng Partido?


It must principally be a statement and a formulation of the most basic views of the party of the proletariat, which serves as a fundamental premise of all the remaining parts of the program -- its political and practical tasks, including its minimum program.

Sa pangunahin ito'y dapat isang pahayag at isang pormulasyon ng pinakabatayang pananaw ng partido ng proletaryado, na nagsisilbing saligang batayang argumento para sa lahat ng mga natitira pang bahagi ng programa - ang mga pulitikal at praktikal na tungkulin nito, kasama na ang minimum na programa nito.


What should be the essence of the program of a proletarian revolutionary party?

Ano dapat ang esensya ng programa ng proletaryadong rebolusyonaryong partido?


It can not have any other essence but to organize the class struggle of the proletariat and to lead this struggle, the ultimate aim of which is the conquest of political power by the proletariat and the establishment of a socialist society. This class struggle of the proletariat, this emancipation of the workers must be the act of the working class itself.

Wala itong ibang dapat pang esensya kundi organisahin ang makauring pakikibaka ng proletaryado at pangunahan ang pakikibakang ito, ang sukdulang layunin nito ay ang pagkubkob sa pampulitikang kapangyarihan ng proletaryado at pagtatatag ng lipunang sosyalista. Ang makauring pakikibaka ng proletaryado, ang paglayang ito ng mga manggagawa ay dapat na gawa ng mismong uring manggagawa.


Hence, the need for an independent class party of the proletariat, the need for an independent class program of the proletariat. It should become "the bone of our bone, the flesh of our flesh", in the continuing revolution from the democratic to the socialist stage of the working class movement.

Kaya kinakailangan ang isang nagsasariling partido ng uring proletaryado, ang pangangailangan ng isang nagsasariling programa ng uring proletaryado. Dapat itong maging "buto ng ating buto, laman ng ating laman", sa nagppatuloy na rebolusyon mula sa demokratiko tungo sa antas-sosyalista ng kilusan ng uring manggagawa.


In the introductory part, in what should be its theoretical section, what statement or formulation of the most basic views of the Party of the class-conscious proletariat did Sison's PPDR make?

Sa pambungad, kung saan narito dapat ang seksyong teyoretikal, anong pahayag o pormulasyon ng pinakabatayang pananaw ng Partido ng proletaryadong malay sa uri ang ginawa ng PPDR ni Sison?


Nothing! No indictment of capitalism. No proclamation of the proletariat as the only revolutionary class. No statement of the class struggle of the proletariat, its struggle for class emancipation. And worst, it forgot to draft the socialist maximum program as a basis of its minimum democratic program. And to add insult to injury, it even forgot to draft a separate section of working class demands in its democratic program!

Wala! Walang upak sa kapitalismo. Walang pahayag ng proletaryado bilang natatanging uring rebolusyonaryo. Walang pahayag ng makauring pakikibaka ng proletaryado, ang pakikibaka nito para sa paglaya ng uri. At ang pinakamasama, nakalimutan nitong balangkasin ang sosyalistang maksimum na programa bilang batayan ng minimum na demokratikong programa nito. At upang dagdagan ng panlalait ang pinsala, nakalimutan din nitong magbalangkas ng isang hiwalay na seksyon ng pangangailangan ng uring manggagawa sa demokratikong programa nito.


The entire introductory section of PPDR (I. The Basic Condition of the Philippines Today) is but a statement, or an exposition, of Sison's "national democratic" views (though, he calls it, "of a new type"! ). The Party program, to say the least, is filled with "superfluous verbosity". It talks of everything but says nothing about what it should be saying in a program of the proletariat: the basic class views and platform of the proletariat in the continuing revolution from the democratic to the socialist stage.

Ang buong pambungad na seksyon ng PPDR (I. Ang Batayang Kalagayan ng Pilipinas Ngayon) ay isa lang pahayag o isang paglalantad, ng "pambansang demokratikong" pananaw ni Sison (bagamat, tinatawag niya itong "ng bagong tipo"!) Ang Programa ng partido,, masasabi nating, napupunan ng "sobra-sobrang palabok". Ang dami-dami nitong sinasabi ngunit walang masabi hinggil sa dapat talagang sabihin nito sa isang programa ng proletaryado: ang batayang pananaw na maklauri at plataporma ng proletaryado sa nagpapatuloy na rebolusyon mula sa demokratiko tungo sa sosyalistang antas.


By its very title , this is not a Party program for the Philippine revolution, but only for its first stage, the democratic stage. It even had the "maximum-minimum" format for a program but both only for the people's democratic revolution.

Sa mismong pamagat pa lang, hindi ito programa ng Partido para sa rebolusyong Pilipino, kundi sa unang baitang lang nito, ang antas-demokratiko. Meron din itong balangkas na "maksimum-minimum" para sa isang programa kundi kapwa para sa isang demokratikong rebolusyon ng bayan.


But somewhere in his national democratic program Sison says: "The immediate general programme of the Filipino people and the CPP is a people's democratic revolution and the long-term maximum programme is socialism."

Ngunit saanman sa kanyang pambansang demokratikong programa, sinabi ni Sison: "Ang agarang pangkalahatang programa ng mamamayang Pilipino at ng CPP ay isang demokratikong rebolusyon ng bayan at ang pangmahabang maksimum na programa ay sosyalismo."


It is crystal-clear! Sison admits: This PPDR is not a class program alone of the proletariat and its revolutionary class party, but the multiclass (or supraclass) program of the Filipino people. In fact, even the program for socialism is not a class program of the Filipino proletariat, but the program of the Filipino people, which means, including the petty bourgeoisie and the national bourgeoisie!

Sinlinaw pa ng kristal! Inamin ni Sison: Ang PPDR na ito ay hindi programa lang ng uring proletaryado ay ng makauring partido ng rebolusyonaryo, kundi pangmaramihang programa ng mamamayang Pilipino. Sa katunayan, kahit ang programa para sa sosyalismo ay hindi makauring programa para sa proletaryadong Pilipino, kundi programa ng mamamayang Pilipino, kasama ang petiburgesya at ang pambansang burgesya!


This is Sison's Maoist understanding of the Marxist-Leninist concept of the proletariat providing representation of the broad masses of the people, of the proletariat's class leadership of the revolution -- merging the proletariat's class struggle with the struggle of the entire people!

Ito ang Maoistang pagkaunawa ni Sison sa Marxista-Leninistang konsepto ng proletaryado na nagbibigay ng representasyon sa malawak na masa ng mamamayan, sa makauring liderato ng proletaryado sa rebolusyon - pinagsanib ang makauring pakikibaka ng proletaryado sa pakikibaka ng buong sambayanan!


True, the character of the democratic revolution is, that it is a struggle of the "whole people". Meaning, there is a "singleness of will" precisely in so far as this revolution meets the needs and requirements of the entire Filipino people. But "beyond the bounds of democratism" there can be no question of the proletariat and the peasant bourgeoisie or the whole people having a single will for socialism. Class struggle among them is inevitable.

Totoo, ang katangian ng demokratikong rebolusyon ay pakikibaka ng "buong sambayanan". Ibig sabihin, merong isang "natatanging hangarin" sa eksakto, hangga't kamtin ng rebolusyon ito ang pangangailangan at rekisitos ng buong sambayanang Pilipino. Ngunit "lagpas pa sa hangganan ng demokratismo" walang anumang pag-aalinlangan sa proletaryado at sa pesanteng burgesya o sa buong sambayanan na magkaroon ng nagkakaisang hangarin para sa sosyalismo. Ang makauring pakikibaka para sa mga ito ay hindi mapipigilan.


In fact, even during the struggle for democracy, despite of the "singleness of will" in this people's revolution, class differences, class conflicts and class treacheries will persist and arise among the people. Hence, the necessity for an independent class party of the proletariat and an independent class program. Hence, the temporariness and instability of this "singleness of will" and the tactics of "striking a joint blow" against imperialism and feudalism with the petty bourgeoisie and national bourgeoisie, and the duty of keeping a strict watch "over our ally, as over an enemy."

Sa katunayan, kahit sa panahon ng pakikibaka para sa demokrasya, kahit na may "natatanging hangarin" ng rebolusyong ito ng mamamayan, pagkakaiba ng uri, makauring hidwaan at kataksilan sa uri, ay maigiit at lumitaw sa mga tao. Kaya, ang pangangailangan para sa isang malayang makauring partido ng proletaryado at isang malayang programang makauri. Kaya, ang pagkapanandalian at instabilidad ng "natatanging hangaring" ito at ang taktika ng "pag-upak ng magkasabay" laban sa imperyalismo at pyudalismo kasama ang petiburgesya at pambansang burgesya, at ang tungkuling pagtiyak ng mahigpit na pagmamasid "sa ating mga anlyado, tulad din sa ating mga kaaway."


And Sison even hastened to add: "It is dishonest, demagogic and utopian to insist that socialism is the immediate goal under conditions that the people are still dominated and exploited by US imperialism and domestic feudalism."

At agaran pang idinagdag ni Sison: "Kasinungalingan, demagogiko at utopyano upang igiit na ang sosyalismo ay isang agarang layunin sa ilalim ng kalagayang ang mga tao ay nangingibabaw pa rin at ginamit ng imperyalismong US at domestikong pyudalismo."


But who is insisting? The point is not socialism as the immediate aim but Lenin's warning that "we should never for a moment lose sight of our ultimate aim in the struggle to complete the democratic revolution". And Sison not only "lost sight" of socialism, but completely forgot about it in drafting the Party program. Perhaps this is due to his eagerness and excitement to begin the people's democratic revolution. If this is a simple case of forgetfulness, of over-excitement, this can easily be forgiven by the Filipino proletariat. The problem is, it isn't.

Ngunit sino ang naggigiit? Ang punto ay hindi sosyalismo bilang agarang layunin kundi ang babala ni Lenin na "hindi tayo dapat magkaroon ng sandaling mawalan ng pagtingin sa ating ultimong layunin sa pakikibaka para makumpleto ang demokratikong rebolusyon". At di lang "nawala sa pagtingin" sa sosyalismo si Sison, ngunit ganap na nakalimutan ito sa pagbalangkas ng programa ng Partido. Marahil ito'y dahil ito sa kanyang pagkaatat at pagkasabik na masimulan na ang demokratikong rebolusyon ng bayan. Kung ito'y simpleng kaso ng pagkalimot, ng masyadong pagkasabik, madali lang itong malimutan ng proletaryadong Pilipino. Ang problema, hindi ganito.


What is the significance of "not losing sight" of our socialist aim? Is it not just a formal "declaration" of what we intend to achieve in the "future," after the completion of the democratic revolution?

Ano ang importansya ng "di mawalan ng pagtingin" sa ating sosyalistang hangarin? Hindi lang iyang isang pormal na "deklarasyon" ng ninanais nating makamit sa "hinaharap," matapos makumpleto ang demokratikong rebolusyon?


Indeed, in his petty understanding, this is just formalism. So it is enough for him to simply state that "our long-range program is socialism", period. It is enough for him to just declare that ours is a democratic people's revolution with a socialist "perspective", and by perspective, he means the "future". Anyway, we are still in the first stage of this "two-stage" revolution. We'll have enough of "socialism" when we "cross the bridge" of national democracy!

Walang duda, sa kanyang mababaw na pagkaunawa, ito'y isa lang pormalismo. Kaya hindi sapat para sa kanya na simpleng sabihing "ang pangmatagalan nating programa ay sosyalismo", tuldok. Hindi sapat para sa kanya ang basta ideklarang ang atin ay isang demokratikong rebolusyon ng bayan na may sosyalistang "perspektiba", at sa pamamagitan ng perspektiba, ibig niyang sabihin ay "hinaharap". Gayunpaman, nasa unang antas pa rin tayo nitong "dalawang-antas" na rebolusyon. Sapat na ang ating "sosyalismo" kung "natawid na natin ang tulay" ng pambansang demokrasya!


But this is the Party program of the proletariat! How can it talk about the "people's revolution" without talking first of the "workers' revolution"? How can it talk of the proletariat joining and leading this "people's revolution" without explaining first its connection, its relevance, its necessity to a "workers' revolution"?

Ngunit ito ang programa ng Partido ng proletaryado! Paano nito pag-uusapan ang "rebolusyon ng bayan" ng di muna pinag-uusapan ang "rebolusyon ng manggagawa"? Paano nito pag-uusapan ang proletaryado na sumama at manguna sa "rebolusyong ito ng mamamayan" nang hindi muna ipinaliliwanag ang koneksyon nito, ang kahalagahan nito, ang pangangailangan ng isang "rebolusyon ng manggagawa"?


But how we intend to proceed to the socialist revolution, to the real and ultimate aim of the proletariat, Sison has nothing to say in his PPDR. For Sison, socialism is literally just a question of perspective, a question of "time and space", a "second step" after the "first step". Not a question of the real dimension of the democratic revolution in relation to the socialist aim of the proletariat, of the real starting point and framework of the proletariat in actively participating and taking the leading role in the democratic movement.

Ngunit paano natin binabalak na magpatuloy sa sosyalistang rebolusyon, sa tunay at ultimong layunin ng proletaryado, walang masabi si Sison sa kanyang PPDR. Para kay Sison, ang sosyalismo ay literal na usapin lang ng perspektiba, isang isapin ng "panahon at espasyo", "ikalawang hakbang" matapos ang "unang hakbang". Hindi usapin ng tunay na dimensyon ng demokratikong rebolusyon kaugnay sa sosyalistang layunin ng proletaryado, ng totoong umpisa at balangkas ng proletaryado sa aktibong paglahok at pangunguna sa kilusang demokratiko.


How does Sison intend to arouse the working class, not only to join the people's revolution but to play a leading role, when he does not even talk about the workers' own revolution -- the socialist revolution -- and all he talks about is the people's revolution! And can the working class really understand this democratic revolution, grasp its real meaning for the working class, define its tasks without understanding it from the perspective, i.e., from the viewpoint of socialism?

Paano ba binabalak ni Sison na pukawin ang uring manggagawa, di lamang para sumama sa rebolusyon ng bayan kundi para gumampan ng nangungunang papel, gayong hindi naman niya tinatalakay ang sariling rebolusyon ng manggagawa - ang sosyalistang rebolusyon - at ang tangi niyang tinatralakay ay rebolusyon ng bayan! At mauunawaan nga ba talaga ng uring manggagawa ang demokratikong rebolusyong ito, magagap ang runay na kahulugan para sa uring manggagawa, mailinaw ang tungkulin nito nang hindi ito nauunawaan mula sa perspektiba, tulad ng mula sa punto de bista ng sosyalismo?


Here lies the fundamental error of Sison's presentation of the necessity for a "people's democratic revolution". He presented it from a national democratic viewpoint not from the socialist viewpoint, from the class struggle of the revolutionary proletariat.

Narito nakalagay ang pangunahing pagkakamali ng presentasyon ni SIson ng pangangailangan para sa isang "demokratikong rebolusyon ng bayan." Ipinresenta niya ito sa punto de bistang pambansang demokratiko, hindi sa punto de bistang sosyalista, mula sa makauring pakikibaka ng rebolusyonaryong proletaryado.


The Filipino proletariat stands for a national democratic revolution, which is bourgeois in character whether it is of the old or new "type", not precisely because the proletariat is pro-"peasant" (as a class) and pro-"people" (beyond class), not because the proletariat is a "democrat" and a "patriot" (in the bourgeois democratic sense).

Tumitindig ang proletaryadong Pilipino para sa isang pambansang demokratikong rebolusyon, na burgis ang katangian luma man ito o bagong "tipo", hindi malinaw dahil ang proletaryado'y maka-"pesante" (bilang uri) at maka-"mamamayan" (higit pa sa uri), hindi dahil ang proletaryado'y isang "demokrata" at isang "patriotiko" (sa burgis at demokratikong diwa nito).


We are for a national democratic revolution -- and this we should teach to the Filipino working class with all clarity -- because it clears the way for the free development of the class struggle of the proletariat which is directed towards the attainment of its ultimate aim. We are for an agrarian revolution, for the complete abolition of all feudal remnants because it clears the way for the free development of the class struggle in the countryside. We are for a national revolution, for self-determination because only through political democracy can we attain the free and full development of the proletariat as a class.

Tayo'y para sa pambansang demokratikong rebolusyon - at ito ang ituturo natin sa uring manggagawang Pilipino ng ganap na malinaw - dahil inililinaw nito ang daan tungo sa malayang pagsulong ng makauring pakikibaka ng proletaryado na patungo sa pagkamit ng ultimong layunin nito. Tayo'y para sa rebolusyong agrayro, para sa ganap na pagpawi ng lahat ng latak na pyudal dahil inililinaw nito ang daan tungo sa malayang pagsulong ng tunggalian ng uri sa kanayunan. Tayo'y para sa pambansang rebolusyon, para sa pagsasarili dahil tanging sa demokrasyang pulitikal lang natin makakamtan ang malaya at ganap na pag-unlad ng proletaryado bilang isang uri.


The national democratic revolution should be properly understood by the Party from the properly understood interest of the proletariat and social progress, and nothing more.

Ang oambansang demokratikong rebolusyon ay dapat mahusay na maunawaan ng Partido mula sa angkop na pagkaunawa ng interes ng proletaryado at panlipunang progreso, at wala nang iba.


The essential problem with Sison's PPDR is that what it understands and presents is a democratic revolution "with" a socialist perspective -- meaning, a socialist "future". Not a democratic revolution "from" a socialist perspective --meaning, a socialist starting point, a socialist framework, a socialist viewpoint. In short, from the class position of the revolutionary proletariat.

Ang esensyal na problema sa PPDR ni Sison ay ang nauunawaan nito at ipinipresenta ay isang demokratikong rebolusyon "na may" sosyalistang perspektiba - ibig sabihin, isang sosyalistang "hinaharap". Hindi isang demokratikong rebolusyon "mula sa" sosyalistang perspektiba - ibig sabihin, isang sosyalistang simula, isang sosyalistang balangkas, isang sosyalistang pananaw. Sa madaling salita, mula sa makauring paninindigan ng rebolusyonaryong proletaryado.


The basic defect of PPDR, which makes it unacceptable as Party program is the entire character of the program itself. It is a "people's program" for a national democratic revolution, not a class program of the revolutionary proletariat in the historical era of the transition from the democratic to the socialist revolution. And Sison openly admits that it is such a program -- a "people's program". In fact, for Sison, even the long-range maximum program for socialism is a "people's" program! A joint popular program of the Filipino people and the CPP!

Ang pangunahing depekto ng PPDR, kaya ito di katanggap-tanggap bilang programa ng Partido, ay ang buong katangian ng mismong programa. Iyon ay isang "programa ng bayan" para sa pambansang demokratikong rebolusyon, hindi isang makauring programa ng rebolusyonaryong proletaryado sa makasaysayang panahon ng transisyon mula sa demokratiko hanggang sa sosyalistang rebolusyon. At lantarang inamit mismo ni Sison na iyon nga ang programa - isang "programa ng sambayanan". Sa katunayan, para kay Sison, maski ang pangmatagalang maksimum na programa para sa sosyalismo ay isang "programa ng "sambayanan"! Isang pinagsamang bantog na programa ng sambayanang Pilipino at ng CPP!


This program does not have the "class stamp" of the proletariat, it is not presented from the class point of view, from the class struggle of the proletariat. The Party program of the proletariat was presented and formulated from the national and democratic interest of the broad masses of the Filipino people. He should have written it for the National Democratic Front but not for the Communist Party of the Philippines. Very democratic, very patriotic for Sison, but very unproletarian!

Ang programang ito ay walang "makauring marka" ng proletaryado, iyon ay di ipinresenta mula sa punto de bista ng uri, mula sa makauring pakikibaka ng proletaryado. Ang programa ng Partido ng proletaryado ay itinatanghal at binabalangkas mula sa pambansa at demokratikong interes ng malawak na masa ng sambayanang Pilipino. Dapat na isinulat niya ito para sa Pambansang Demokratikong Prente ngunit hindi para sa Partido Komunista ng Pilipinas. Napakademokratiko, napaka-patriotiko ni Sison, ngunit hindi proletaryado!

SUSUNOD NA ISASALIN sa PPDR: Class Line vs. Mass Line
- Characterizing Philippine Society Without Its Bourgeois, Capitalist Features

No comments: