Tuesday, August 3, 2010

Kritik sa PSR (Counter-Thesis 1) - Unang Bahagi

Ito ang UNANG BAHAGI sa isinasagawang pagsasalin ng dokumentong PSR.

Isa ito sa tatlong dokumento ng Counter Thesis (CT1) na inilabas noong 1994. Ang CT1 ay binubuo ng (a) PSR: A Semi-feudal Alibi for Protracted War, (b) PPDR: Class Line vs. Mass Line at (c) PPW: A New-Type Revolution of the Wrong Type) habang nakasulat na sa Tagalog ang Counter-Thesis 2 (Reorg at Reoryentasyon). Ang CT1 ay nakasulat sa Ingles, at dahil walang mahanap na bersyong Tagalog (marahil ay talagang wala nito), at dahil na rin sa hiling ng maraming manggagawa’t maralita na magkaroon ng Tagalog version nito, pinroyekto namin ang pagsasalin nito sa sariling wika upang higit itong maunawaan ng ating mga kababayang manggagawa’t maralita. NATAPOS NANG ISALIN ANG BUONG KRITIK SA PPDR. Pagkatapos nito’y agad poproyektuhin ang pagsasalin ng counter thesis sa PPW. – greg

Paunawa: Ang naka-regular font ay nasa wikang Ingles, at ang pagkakasalin sa Tagalog ay naka-bold italics.


PSR: The Semifeudal Alibi for Protracted War
Metro Manila - Rizal Regional Committee
Communist Party of the Philippines
February 21, 1994

PSR: Ang Malapyudal na Dahilan para sa Matagalang Digmaan
Komiteng Rehiyon ng Metro Manila - Rizal
Partido Komunista ng Pilipinas
Pebrero 21, 1994


Philippine society, according to Sison, is semicolonial and semifeudal. But the question arises: What precisely is the prevailing mode of production in Philippine society? Is it capitalist or feudal? Is it a combination of both? Or neither of the two? Meaning, the "semicolonial, semifeudal" characterization itself is the subject of our analysis of the prevailing mode of production in Philippine society.

Ang lipunang Pilipino, ayon kay Sison, ay malakolonyal at malapyudal. Ngunit lumitaw ang katanungan: Ano sa eksakto ang nangingibabaw na moda ng produksyon sa lipunang Pilipino? Kapitalista ba o pyudal? O iyon ay kumbinasyon ng dalawa? O hindi ng dalawa? Ibig sabihin, ang "malakolonyal, malapyudal" na katangian mismo nito ang paksa ng ating pagsusuri sa nangingibabaw na moda ng produksyon sa lipunang Pilipino.


There is no dispute, insofar as this "semicolonial and semifeudal" characterization is but a description, an expression of the peculiar features of the socio-economic evolution of Philippine society. It is an expedient formulation that highlights the immediate political tasks of the people’s struggle, the elimination of all feudal remnants and the struggle for national self-determination, all within the bourgeois bounds of the democratic revolution.

Walang pagtatalo, hangga't ang katangiang "malakolonyal at malapyudal" ay isang deskripsyon, isang pagpapahayag ng mga kakaibang katangian ng sosyo-ekonomikong ebolusyon ng lipunang Pilipino. Ito'y isang kapaki-pakinabang na pagbabalangkas na nagpapatampok sa mga kagyat na pulitikal na tungkulin sa pakikibaka ng sambayanan, ang pagpawi ng lahat ng pyudal na labi at ang pakikibaka para sa pambansang sariling pagpapasya, lahat ay nasa loob ng burgis na hangganan ng demokratikong rebolusyon.


We can even describe our society as a mongrel economy – for it is a mixture of the worst features of two opposing modes of production. Or we can diagnose it as a mongoloid economy, afflicted by an abnormality in its fetal stage of development.

Maaari rin nating ilarawan ang lipunan bilang mestisong ekonomya - dahil iyan ay pinaghalu-halo na pinakamasamang katangian ng dalawang magkasalungat na moda ng produksyon. O maaari nating suriin ito bilang isang ekonomyang mongoloid, pinagdurusa ng abnormalidad sa yugto nito ng pagkasanggol ng pag-unlad.


But whatever description we make, still, we must classify this "semicolonial, semifeudal" social specimen according to whatever social order it properly belongs, attach its correct scientific name, identify its mode of existence, its mode of production. Political expediency must not in any way become an excuse to obscure or evade the necessity for a theoretically precise definition and understanding of the basic process of our social and economic evolution. Nor must this analysis become simply an alibi for a preconceived strategy of revolution.

Ngunit anumang deskripsyong magagawa natin, gayunpaman, dapat nating suriin itong "malakolonyal, malapyudal" na panlipunang ispesimen ayon sa anumang panlipunang kaayusan ito nararapat, kadikit ang tamang syentipikong pangalan nito, pagkilala sa moda nito ng pag-iral, ang moda nito sa produksyon. Ang pulitikal na kaangkupan ay sa anumang paraan ay hindi dapat maging dahilan upang itago o takasan ang pangangailanagn para sa isang teoretikal na eksaktong kahulugan at pag-unawa sa batayang proseso ng ating ebolusyong panlipunan at pang-ekonomya. O ang pagsusuring ito ay maging simpleng pagdadahilan para sa isang haka-hakang estratehiya ng rebolusyon.


Although claiming to be a faithful follower of Marxist political economy, Sison prefers however, to replace the precise and clear Marxist categorization of a mode of production by the vague and diffuse term "semicolonial and semifeudal" and hence surreptitiously evades and disguises the basic process in the economic development of the Philippines, keeping incognito its real mode of existence.

Bagamat nagpapahayag siyang isang matapat na alagad ng Marxistang pulitikal na ekonomya, gayunman mas pinili ni Sison na palitan ang eksakto at malinaw na Marxistang kategorisasyon ng moda ng produksyon ng malabo at maligoy na terminong "malakolonyal at malapyudal" at kaya, pasikretong umiwas at itinago ang batayang proseso ng pang-ekonomyang pag-unlad ng Pilipinas, inililihim ang totoong moda nito ng pag-iral.


Lenin, more than once, described Russian society as semifeudal, and even barbaric, because of the widespread survivals of serfdom and the autocratic rule of Tsarism. But these peculiar features of Russian society did not prevent him from going deeper and penetrating into the very core of the question in an attempt to understand the basic process determining the socio-economic evolution of Russian society. And his essential conclusion was, the mode of production of Russian society was basically bourgeois and capitalist, despite, and through all, its medieval features and stages of transition.

Isinalarawan ni Lenin ng maraming beses ang lipuang Ruso bilang malapyudal, at maging barbariko, dahil sa laganap na pananatili ng kaalipinan at ng awtokratikong pamamahala ng Tsarismo. Ngunit ang kakatwang katangiang ito ng lipunang Ruso ay di nakapigil sa kanya upang tumungo sa mas malalim at matagos ang pinakabuodng usapin sa pagtatangkang unawain ang batayang prosesong sumukat sa sosyo-ekonomikong ebolusyon ng lipunang Ruso. At ang kanyang ganap na konklusyon ay, ang moda ng produksyon ng lipunang Ruso sa pangunahin ya burgis at kapitalista, sa kabila, at sa pamamagitan ng lahat, ng katangiang medyebal at yugto ng transisyon.


But for Sison, he is fully contented, and very proud of himself, with his "semicolonial and semifeudal" sketch of Philippine society, emphasizing every line and feature in bold strokes, and for the past 25 years, has vehemently insisted that this is the only way Philippine society should be drawn.

Ngunit para kay Sison, lubusan na siyang kuntento, at ipinagmamalaki ang sarili, dahil sa kanyang "malakolonyal at malapyudal" na dibuho ng lipunang Pilipino, binibigyang-diin ang bawat linya at hitsura sa mapangahas na hagod, at sa nakalipas na 25 taon, at maalab na iginiit na tanging ito lang ang landas ng lipunang Pilipino na dapat tahakin.


He has given his semicolonial and semifeudal "analysis" of Philippine society a life of its own, its own theoretical rationalization. He makes the impression that he has concatenated it into a distinct mode of production, into an economic category, even raised it to the level of a "basic principle" of Marxism-Leninism that should be "reaffirmed" in the decade of the 1990’s up to the new century by every Filipino proletarian revolutionary.

Binigyan niya ng sariling buhay ang kanyang malakolonyal at malapyudal na "pagsusuri" sa lipunang Pilipino, ng sarili nitong teoretikal na rasyonalisasyon. Ginawa niya ang impresyon na kanyang idinugtong sa kaibang moda ng produksyon, sa isang kategoryang pang-ekonomya, at iniangat ito sa antas ng "batayang prinsipyo" ng Marxismo-Leninismo na dapat "muling pagtibayin" sa dekada ng 1990s pataas tungo sa bagong siglo ng bawat Pilipinong proletaryadong rebolusyonaryo.


Ask any comrade "faithful" to the Party line what the prevailing mode of production in the country is, and his ready reply will be: "Philippine society is neither feudal nor capitalist but semicolonial and semifeudal." This is our prevailing understanding of the mode of production dominant in Philippine society. But is this the "official Party line"?

Tanungin ang sinumang kasamang "tapat" sa linya ng Partido kung ano ang nangingibabaw na moda ng produksyon sa bansa, at ang kanyang agad na tugon ay: "Ang lipunang Pilipino ay hindi pyudal o kapitalista kundi malakolonyal at malapyudal." Ito ang ating nangingibabaw na pang-unawa sa moda ng produksyong namamayani sa lipunang Pilipino. Ngunit ito ba ang "opisyal na linya ng Partido"?


Let us review the "Party Bible" – Sison’s Philippine Society and Revolution – to ascertain what truly is his analysis of the prevailing mode of production.

Ating repasuhin ang "Bibliya ng Partido" - ang Lipunan at Rebolusyong Pilipino (LRP) ni Sison - upang tuklasin kung ano talaga ang kanyang pagsusuri sa nangingibabaw na moda ng produksyon.



Semifeudalism: A Mode of Expression Not a Mode of Production

Malapyudalismo: Isang Moda ng Pagpapahayag Hindi Moda ng Produksyon


In the PSR, Sison completely evades a categorical presentation of the question. However, by an integral analysis of all his "theoretical" assertions, one can get a clear picture of how Sison defines the mode of production in Philippine society.

Sa LRP, ganap na iniwasan ni Sison ang tiyak na presentasyon ng usapin. Gayunman, sa pamamagitan ng panloob na pagsusuri sa lahat ng kanyang "teoretikal" na paggigiit, makikita ninuman ang malinaw na larawan kung paano binigyang kahulugan ni Sison ang moda ng produksyon sa lipunang Pilipino.


Sison begins with the assertion that Philippine society is semicolonial and semifeudal. And "this status is determined by US imperialism, feudalism and bureaucrat capitalism."

Nagsimula si Sison sa paggigiit na ang lipunang Pilipino ay malakolonyal at malapyudal. At "ang katayuang ito ay itinatakda ng imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo."


These are three "determining" factors of what Sison calls the "status" of Philippine society. If by the word "status" Sison is referring to the "mode of production", he does not clarify. But this word has no status in Marxist terminology unless qualified.

Ito ang tatlong "nagtatakdang" salik kungano ang tinatawag ni Sison na "kalagayan" ng lipunang Pilipino. Kung sa salitang "kalagayan" ang tinutukoy ni Sison ay ang "moda ng produksyon", hindi niya inilinaw. Ngunit ang salitang ito ay walang kinalalagyan sa terminolohiyang Marxista maliban na lang kung itinakda.


He then explains first why Philippine society is semicolonial and then proceeds to explain why it is semifeudal. In both explanation, he pinpoints US imperialism as the principal determinant.

Ipinaliwanag agad niya kung bakit ang lipunang Pilipino ay malakolonyal at agad tumungo sa pagpapaliwanag kung bakitito'y malapyudal. Sa parehong paliwanag, tinumbok niya ang imperyalismong US bilang pangunahing tiyak na dahilan.


In discussing Philippine mode of production, we will put aside the "semicolonial" characterization. No Marxist in his right mind will insist that this "semicolonial" status of the Philippines is a categorization of a mode of production. The "semicolonial" question is not a socio-economic category but a political-democratic question. It does not refer to relations of production or a mode of production but to a relationship between imperialism and political democracy.

Sa pagtalakay sa moda ng produksyon sa Pilipinas, isasantabi natin ang kategorisasyong "malakolonyal". Walang Marxista na nasa kanyang matinong pag-iisip na ipipilit na itong kalagayang "malakolonyal" ay isang kategorisasyon ng moda ng produksyon. Ang usaping "malakolonyal" ay hindiisang kategoryang sosyo-ekonomiko kundi usaping pulitikal-demokratiko. Hindi ito tumutukoy sa relasyon sa produksyon o sa moda ng produksyon kundi sa ugnayan sa pagitan ng imperyalismo at pulitikal na demokrasya.


Thus if we delete or ignore this "semicolonial" aspect, what is left of Sison’s description of the mode of production dominant in Philippine society?

Kaya kung buburahin natin o babalewalain itong aspetong "malakolonyal", ano ang naiwang paglalarawan ni Sison sa moda ng produksyong namamayani sa lipunang Pilipino?


The prevailing mode of production in the Philippines is semifeudal! Hence, Metro Manila, the national industrial center, is semifeudal? The urban centers of the Philippines where more than 48% of the population reside is semifeudal?

Ang nangingibabaw na moda ng produksyon sa Pilipinasay malapyudal. Kaya, ang Metro Manila, ang pambansang sentrong industriyal, ay malapyudal? Ang mga sentrong lungsod sa Pilipinas kung saan naninirahan ang 48% ng popoulasyon ay malapyudal?


Sison’s fanatics might protest: semifeudalism refers primarily to the countryside. If that is so, then how do they describe the economy in the cities – semicolonial? The countryside as semifeudal, the cities as semicolonial! Stupid.

Maaaring magprotesta ang mga panatiko ni Sison: pangunahing tinutukoy sa malapyudalismo ay ang kanayunan. Kung gayong nga, paano nila ilalarawan ang ekonomya sa mga lungsod? semikolonyal? Ang kanayunan ay malapyudal, ang kalunsuran ay malakolonyal! Istupido.


But of course this is ridiculous. Even Sison cannot deny (though he obscures and evades it) that Metro Manila and the urban centers are basically capitalist in their mode of production. The point, however, is not to dichotomize Philippine society into "town and country" but to understand its socio-economic evolution, its basic process of development in its integral whole, in its internal relations, in its dialectical inner movement.

Pero syempre, kakatwa ito. Kahit si Sison ay hindi makatatanggi (bagamat inililihim niya't iniiwasan ito) na ang Metro Manila at ang mga sentrong urban sa pangunahin ay kapitalista ang kanilang moda ng produksyon. Ang punto, kung gayon, ay hindi ang hatiin sa dalawa ang lipunang Pilipino sa "bayan at bansa" kundi maunawaan ang sosyo-ekonomikong ebolusyon nito, ang batayang proseso ng pag-unlad nito sa kabuuan nito, sa panloob na ugnayan nito, sa panloob na dyalektikong galaw nito.


Here lies precisely, the inadequacy of the "semifeudal and semicolonial" explanation of the Philippine mode of production and the absurdity of evading the bourgeois, capitalist basic process undergoing and unfolding in Philippine society despite all the distortions, all the obstacles, all the complexities, all the abnormalities in its development due primarily to non-economic means and factors.

Dito eksaktong nakasalalay ang kakapusan ng "malapyudal at malakolonyal" na paliwanag sa moda ng produksyon sa Pilipinas at kabalintunaan ng paiwas na batayang prosesong burgis, kapitalista na sumasailalim at nalalantad sa lipunang Pilipino sa kabila ng lahat ng pambabaluktot, lahat ng balakid, lahat ng kasalimuutan, lahat ng abnormalidad sa pag-unlad nito nang dahil sa mga di-ekonomikong pamamaraan at salik.


But we are running ahead of Sison. Let us see how Sison defines and explains Philippine society, its mode of production and its basic process vis-a-vis his "semifeudal" analysis.

Ngunit nilalagpasan na natin si Sison. Tingnan natin kung paano binigyang-kahulugan at ipinaliwanag ni Sison ang lipunang Pilipino, ang moda ng produksyon nito at ang batayang proseso nito kung ihahambing sa kanyang "malakolonyal" na pagsusuri.


According to Sison: "The semifeudal character of Philippine society is principally determined by the impingement of US monopoly capitalism on the old feudal mode of production and the subordination of the latter to the former."

Ayon kay Sison:"Ang malakolonyal na katangian ng lipunang Pilipino ay pangunahing tinitiyak ng panghihimasok sa monopolyong kapitalismong US salumang pyudal na moda ng produksyon at ang pagpapasakop ng huli sa una."


So from feudal, the Philippines becomes semifeudal through an imperialist "impingement"! And feudalism becomes a "subordinate" of monopoly capitalism, a "concubine" of Uncle Sam. "East" meets "West", and their offspring is "semifeudalism" – a new mode of production in the era of monopoly capitalism, the product of the imperialist sperm being embedded in the feudal womb.

Kaya mula sa pyudal, ang Pilipinas ay naging malapyudal sa pamamagitan ng imperyalistang "panghihimasok"! At ang pyudalismo'y naging "sakop" ng monopolyo kapitalismo, "kulasisi" ni Tiyo Sam. Nagtagpo ang "Silangan" at "Kanluran", at ang kanilang anak ay "malapyudalismo" - isang bagong moda ng produksyon sa panahon ng monopolyo kapitalismo, ang produkto ng imperyalistang katas na isinalpak sa sinapupunan ng pyudal.


For Sison, the principal determinant of the "semifeudal" mode of production in Philippine society (if he considers it a "mode of production") is US monopoly capitalism!

Para kay Sison, ang pangunahing tumiyak sa "malapyudal" na moda ng produksyon ng lipunang Pilipino (kung itnuturing niya iyong "moda ng produksyon") ay monopolyo kapitalismong US!


So, imperialism is a carrier of a new form of production relations called "semifeudalism"! (It appears that Sison is either ignorant or innocent of what determines a mode of production based on Marxist historical materialism and political economy, or he just doesn’t care.)

Kaya, tagapagdala ang imperyalismo ng bagong anyo ng relasyon sa produksyon na tinatawag na "malapyudalismo"! (Lumilitaw na si Sison ay ignorante o inosente kung anong tinutukoy na moda ng produksyon batay sa Marxistang istoriko-materyalismo at pampulitikang ekonomya, o wala talaga siyang pakialam.)


So what is this "impingement of US monopoly capitalism on the old feudal mode of production" and "the subordination of the latter to the former"?

Kaya ano itong "panghihimasok sa monopolyo kapitalismo sa US sa lumang pyudal na moda ng produksyon" at "ang pagpapasakop ng huli sa una"?


How did he explain this "impingement" and "subordination" resulting in the "semifeudal character of Philippine society"?

Paano niya ipinaliwanag itong "panghihimasok" at "pagpapasakop" na nagresulta sa "malapyudal na katangian ng lipunang Pilipino"?


According to Sison: "The concrete result of the intertwining of foreign monopoly capitalism and domestic feudalism is the erosion and dissolution of a natural economy of self-sufficiency in favor of a commodity economy."

Ayon kay Sison: "Ang kongkretong resulta ng pagkapilipit ng dayuhang monopolyo kapitalismo at dmoestikong pyudalismo ay ang pagguho at pagpapawalang bisa ng natural na ekonomya sa pansariling kasapatan pabor sa ekonomya ng kalakal."


From "impingement" to "intertwining". Sison is really a "master of words". No wonder, he is a consummate revolutionary phrase-monger! But then again, what is the "concrete result" of this "intertwining" of imperialism and feudalism? In his exact words: "the erosion and dissolution of a natural economy of self-sufficiency in favor of a commodity economy."

Mula sa "panghihimasok" at "pagpipilipit". Si Sison ay totoong "maestro ng salita". Di nakapagtataka, siya'y isang ganap na rebolusyonaryong tsismoso! Ngunit sa muli, ano ang "kongkretong resulta" ng "pagkapilipit" ng imperyalidmo at pyudalismo? Sa kanyang eksaktong pananalita: "ang pagguho at pagpapawalang bisa ng natural na ekonomya sa pansariling kasapatan pabor sa ekonomya ng kalakal."


But this is the destruction, the elimination, the abolition of feudalism (self-sufficient natural economy) and the establishment, the laying of the foundation, the dawning of capitalism (commodity economy). So it is imperialism that is liquidating feudalism! So this imperialist "impingement" and its "intertwining" with feudalism erodes and dissolves feudal natural economy in favor of capitalist commodity economy.

Ngunit ito ang pagkalansag, ang pag-aalis, ang pagpawi ng pyudalismo (sariling kasapatang natural na ekonomya) at ang establisamiyento, ang paglalagay ng pundasyon, ang bukangliwayway ng kapitalismo (ekonomya ng kalakal). Kaya ang imperyalismo ang pupuksa sa pyudalismo! Kaya itong imperyalistang "panghihimasok" at ang "pamimilipit" nito sa pyudalismo ay naglugso at lumusaw sa pyudal na natural na ekonomya pabor sa kapitalistang ekonomya ng kalakal.


Is this what Sison implies? Definitely not! This is not so, because, being dictated by foreign monopoly capitalism,"this commodity economy is used to restrict the growth of national capitalism and force owner-cultivators and handicraftsmen into bankruptcy." And he adds that this commodity economy dictated by imperialism is "used to keep large masses of people in feudal bondage and at the same time create a relative surplus of population, a huge reserve army of labor, that keeps the labor market cheap."

Ito ba ang pinahihiwatig ni Sison? Tiyak na hindi! Hindi ganito, dahil, habang dinidiktahan ng dayuhang monopolyo kapitalismo, "ang ekonomya ng kalakal na ginagamit upang limitahan ang paglago ng pambansang kapitalismo at pwersahin ang mga may-ari-tagabungkal at manggagawa sa kamay sa pagkalugi." At idinagdag niya na ang ekonomya ng kalakal na ito na idinidikta ng imperyalismo ay "ginagamit upang mapanatili ang malawak na masa ng sambayanan sa pyudal na pagkabusabos at kasabay nito'y lumikha ng isang relatibong sobra ng populasyon at isang malawak na reserbang hukbo ng paggawa na pinapanatiling mura ang lokal na pamilihan ng paggawa."


So this commodity economy is used – by imperialism – to (1) restrict the growth of national capitalism, (2) force owner-cultivators and handicraftsmen into bankruptcy, (3) keep large masses of people in feudal bondage, and (4) create a surplus population and a huge reserve labor army that keeps the labor market cheap.

Kaya ang ekonomya sa kalakal na ito ay ginagamit - ng imperyalismo - upang (1) limitahan ang paglago ng pambansang kapitalismo, (2) pwersahin ang mga may-ari-tagabungkal at manggagawa sa kamay sa pagkalugi, (3) mapanatili ang malawak na masa ng sambayanan sa pyudal na pagkabusabos, at (4) lumikha ng isang relatibong sobra ng populasyon at isang malawak na reserbang hukbo ng paggawa na pinapanatiling mura ang lokal na pamilihan ng paggawa."


After saying that through imperialist "impingement" and its "intertwining" with feudalism, natural economy, i.e., feudalism, is eroded and dissolved, and commodity economy, i.e., capitalism, is established – he is now saying, that on the contrary, this is not so! Sison should be dragged by the ears and told to review his political economy.

Matapos sabihing sa pamamagitan ng imperyalistang "panghihimasok" at ang "pagpilipit" nito sa pyudalismo, natural na ekonomya, ibig sabihin, pyudalismo, ay naglugso at lumusaw, at ang ekonomya ng kalakal, ibig sabihin, kapitalismo, ay nabuo - sinasabi niya ngayon, na sa kabaligtaran, hindi ganito! Dapat pingutin ang tainga ni Sison at sabihan siyang repasuhin ang kanyang pampulitikang ekonomya.


What is this rubbish about imperialism using "commodity economy to restrict the growth of national capitalism?" Commodity economy is the vehicle of capitalism and it cannot grow and develop other than through commodity economy. How then can commodity economy be used to restrict the growth of local capitalism when in fact, (1) it objectively destroys feudal natural economy which is the actual obstacle to capitalist development and, (2) it is the vehicle, the impetus for capitalist growth and the undermining of feudalism as a system. It is monopoly capitalism as imperialism, not commodity economy, that restricts or is being "used" to restrict the growth of local capitalism. Obviously, Sison is not only ignorant of the internal laws of development of capitalism. He also does not understand imperialism and how it restricts local capitalism.

Ano itong basura tungkol sa imperyalismo na ginagamit ang "ekonomya ng kalakal upang limitahan ang paglago ng pambansang kapitalismo?" Ang ekonomya ng kalakal ang behikulo ng kapitalismo at hindi ito lalago at uunlad maliban sa pamamagitan ng ekonomya ng kalakal. Paano naman magagamit ang ekonomya ng kalakal upang limitahan ang paglago ng lokal na kapitalismo gayon sa katunayan, (1) sinira talaga nito ang pyudal na natural na ekonomya na siyang totoong balakid sa kapitalistang pag-unlad at, (2) iyon ang behikulo, ang lakas ng kapitalistang paglago at ang pagwasak sa pyudalismo bilang isang sistema. Iyon ang monopolyo kapitalismo bilang imperyalismo, hindi ekonomya ng kalakal, na naglimita o siyang "ginagamit" upang limitahan ang paglago ng lokal na kapitalismo. Halatang hindi lang ignorante si Sison sa panloob na batas ng pag-unlad ng kapitalismo. Hindi rin niya naiintindihan ang imperyalismo at paano nito nalilimitahan ang lokal na kapitalismo.


Sison’s ignorance of capitalist laws is fully exposed by his second point – by the way he laments the fact that commodity economy is being used to "force owner-cultivators and handicraftsmen into bankruptcy"! What does Sison expects from capitalism, from commodity economy? Prosperity for the owner-cultivators? Prosperity for the handicraftsmen? Sison is an overt imperialist-hater but a covert capitalist-lover. Commodity economy – "dictated" or not by imperialism – will result and must result in the growing bankruptcy of the mass of owner-cultivators and handicraftsmen, and this bankruptcy is the surest indication of the dominance of commodity economy, and it just cannot be otherwise.

Ang pagka-ignorante ni Sison sa batas ng kapitalista ay lubusang nalantad sa kanyang ikalawang punto - siyanga pala, idinaing niya ang katotohanang ang ekonomya ng kalakal ay ginagamit upang "pwersahin ang mga may-ari-tagabungkal at manggagawa sa kamay tungo sa pagkalugi!" Ano ba ang inaasahan ni Sison mula sa kapitalismo, mula sa ekonomya ng kalakal? Kasaganaan para sa may-ari-tagabungkal? Kariwasaan ng mga manggagawa sa kamay? Si Sison ay hayagang galit sa imperyalista ngunit lihim na mapagmahal sa kapitalista. Ang ekonomya sa kalakal - na "idinikta" o hindi ng imperyalismo - ay nagresulta at dapat magresulta sa lumalagong pagkalugi ng bulto ng may-ari-tagabungkal at manggagawa sa kamay, at ang pagkaluging ito ang pinakatiyak na tanda ng pamamayani ng ekonomya ng kalakal, at hindi ito magiging iba ang inaasahan.


And Sison’s fourth point – commodity economy being used to "create a relative surplus of population, a huge reserve army of labor, that keeps the local labor market cheap" confirms Sison’s "innocence" of capitalist laws but he, nevertheless, stands "convicted" before the bar of Marxism-Leninism. Again, what should we expect from commodity economy, except Marx’s forecast of "the growth of the mass of misery, oppression, slavery, degradation, exploitation" of the toiling people, the growth of a "huge army of reserve labor" used and maintained by the bourgeoisie "like a whip" against the proletariat.

At ang ikaapat na punto ni Sison - ang ekonomya ng kalakal na ginagamit upang "likhain ang isang relatibong sobra ng populasyon, isang malaking reserbang hukbo ng paggawa, na nagpapanatiling mura ang lokal na pamilihan ng paggawa" ay nagkumpirma sa "kainosentehan" ni Sison sa mga batas-kapitalista ngunit siya, gayunpaman, ay nakatindig ng "may hatol" sa tribuna ng Marxismo-Leninismo. Muli,ano ang aasahan natin sa ekonomya ng kalakal, maliban sa pananaw ni Marx ng "paglago ng bulto ng pagdurusa, kaapihan, pang-aalipin, paglibak, pagsasamantala" ng mga taong nagpapatulo ng pawis, ang paglaki ng "malawak na hukbo ng reserbang paggawa" na ginamit at pinananatili ng burgesya "tulad ng latigo" laban sa proletaryado.


Indeed, Sison is advocating a "new" theory that run against the grain of the basic ideas of Marx, Engels and Lenin. And this is conclusively confirmed by his third point: imperialist dictated commodity economy "is used to keep large masses of people in feudal bondage"! The "master of rhetoric" is now engaged in paradox.

Sa totoo lang, itinataguyod ni Sison ang "bagong" teoryang tumungo laban sa butil ng batayang kaisipan nina Marx, Engels at Lenin. At ito'y kapani-paniwalang nakumpirma ng kanyang ikatlong punto: ang idinikta ng imperyalistang ekonomya ng kalakal "ay ginagamit upang mapanatili ang malawan na masa ng sambayanan sa pyudal na pagkabusabos"! Ang "maestro ng retorika" ay gumagamit ngayon ng kabalintunaan.


Commodity production for feudal bondage, using the vehicle of capitalism for the preservation of the old feudal mode – this is Sison’s "semifeudal theory". This is how Sison rendered more profound Mao’s "semifeudal" description of China, and even Lenin’s description of Russia, for the latter preceded the former in the use of this term in describing their respective societies.

Ang produksyon ng kalakal para sa pyudal na pagkabusabos, na ginagamit ang kapitalismo bilang behikulo para mapreserba ang dating modang pyudal - ito ang "malapyudal na teorya" ni Sison. Ito ang dahilan kung paano ipinahayag ng malalim ni Sison ang paglalarawan ni Mao na "malapyudal" ang Tsina, at kahit ang paglalarawan ni Lenin sa Rusya, dahil nilampasan ng huli ang una sapaggamit ng terminong ito ng paglalarawan sa kani-kanilang lipunan.


How does imperialism use "commodity production" to "keep large masses of people in feudal bondage"? Sison has no direct, categorical explanation. He just insinuates. In his immediately succeeding sentences, he says: "In Philippine agriculture, the old feudal mode persists side by side with capitalist farming chiefly for the production of a few export crops needed by the United States and other capitalist countries. As a matter of fact, the old feudal mode of production still covers more extensive areas than capitalist farms."

Paano ba ginagamit ng imperyalismo ang "produksyon ng kalakal"upang "panatilihin ang malawak na masa ng sambayanan sa pyudal na pagkabusabos"? Walang direkta at tiyak na paliwanag si Sison. Nagpaparunggit lang siya. Sa mga sumunod niyang pangungusap, aniya: "Sa agrikultura sa Pilipinas, ang lumang pyudal na moda ay tumagal kasabay ng kapitalistang pagsasaka pangunahin para sa produksyon ng ilang pang-eksport na ani na kinakailangan ng Estados Unidos at ng iba pang kapitalistang bansa. Bilang patunay, ang lumang pyudal na moda ng produksyon ay sumasakop pa rin sa malalawak na lugar kaysa mga kapitalistang sakahan."


ITUTULOY…

No comments: