Friday, April 6, 2012

Si Lenin, ayon kay Trotsky - Ikalawang Bahagi

Si Lenin, ayon kay Trotsky
Ikalawang Bahagi sa Kabuuang Tatlo

Nalathala sa Encyclopedia Britannica (ika-14 na Edisyon, 1939), Tomo 13 (ng 24), pahina 911-914. Naunang nalathala ang ika-14 na Edisyon noong 1929 at muling nalathala noong 1932, 1936, 1937, 1938 at 1939.

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.

Internationalism. – A new and international phase of Lenin’s work now opened. His manifesto, published in the name of the party on Nov. 1, 1914, denounced the imperialistic character of the War and the war guilt of all the great powers, who had long been preparing a sanguinary struggle for the purpose of widening their markets and destroying their rivals. The patriotic agitation of the bourgeoisie on both sides, who threw the blame each upon the other, was shown to be a maneuver to deceive the workers. The manifesto points out that the majority of Social Democratic leaders were on the side of the bourgeoisie of their own country, thus violating the resolutions of the International Socialist congresses and bringing about the downfall of the Second International. The defeat of their “own” governments should be the slogan of the Social Democrats of all countries. Lenin subjects to a merciless criticism not only Socialist patriotism, but that pacifism which, while occupied with platonic protests, withdraws from the revolutionary struggle with imperialism. The struggle with pacifism develops into a great struggle with those elements of the working class movement which are midway between the Social Democrats and the Communists, supporting the former in actual practice.

Internasyunalismo. – Isang bago at internasyunal na yugto ang nabuksan kay Lenin. Ang kanyang pahayag, na nalathala sa ngalan ng partido noong Nobyembre 1, 1914, ay bumatikos sa imperyalistang katangian ng Digmaan at ang kasalanan sa digmaan ng lahat ng makapangyarihang bansa, na matagal nang naghahanda ng madugong pakikibaka para sa layuning mapalawak ang kanilang pamilihan at madurog ang kanilang mga karibal. Ang makabayang ahitasyon ng burgesya sa magkabilang panig, na sinisi ang bawat isa, ay nakitang isang maniobra upang dayain ang mga manggagawa. Tinalakay ng pahayag na ang mayorya ng Sosyal Demokratikong liderato ay nasa panig ng burgesya sa kanilang sariling bansa, na lumalabag sa mga resolusyon ng mga kongreso ng Internasyunal na Sosyalista at nagdulot ng pagbagsak ng Ikalawang Internasyunal. Ang pagkatalo ng kanilang “sariling” gobyerno ang sapat na islogan ng mga Sosyal Demokrata sa lahat ng bansa. Ipinadadanas ni Lenin sa isang walang awang kritisismo hindi lang ang Sosyalistang pagkamakabayan, kundi ang pasipismo na, bagamat inaabala ng mga platonikong protesta, kumalas mula sa pakikibakang rebolusyonaryo laban sa imperyalismo. Ang pakikibaka sa pasipismo ay sumulong sa malawak na pakikibaka ng mga kasapi ng kilusan ng uring manggagawa, na nasa kalagitnaan sa pagitan ng mga Sosyal Demokrata at ng mga Komunista, na sinusuportahan ang una sa aktwal na praktika.

The theorists and politicians of the Second International redoubled the accusations of anarchism which they had before brought against Lenin. As a matter of fact, all Lenin’s work was characterized by a twofold struggle, on the one hand with reformism which from the beginning of the War gave its support to the imperialist policy of the propertied classes, and on the other hand with anarchism and all the different varieties of revolutionary adventurists.

Dinoble ng mga teyorista at mga pulitiko ng Ikalawang Internasyunal ang pagbibintang ng anarkismo na una na nilang ibinintang noon kay Lenin. Bilang patotoo, lahat ng ginawa ni Lenin ay kinatatangian ng dalawang sangkap ng pakikibaka, sa isang banda ng repormismo na sa simula pa ng Digmaan ay nagbigay ng suporta sa imperyalistang patakaran ng uring merong pag-aari, at sa kabilang banda ng anarkismo at ng iba’t ibang rebolusyonaryong adbenturista.

On Nov. 1, 1914 Lenin promulgated a programme for the creation of a new International “to undertake the task of organizing the forces of the proletariat for the revolutionary attack on capitalist governments, for the civil war against the bourgeoisie of all countries, for the attainment of political power and the victory of Socialism.”

Noong Noyembre 1, 1914, ipinahayag ni Lenin sa madla ang programa para sa paglikha ng bagong Internasyunal “na magsasagawa ng tungkuling organisahin ang pwersa ng proletaryado para sa rebolusyonaryong pag-atake sa mga kapitalistang bansa, para sa digmaang sibil laban sa burgesya ng lahat ng bansa. Para sa pagkakamit ng pampulitikang kapangyarihan at ang tagumpay ng Sosyalismo.”

In Sept. 1915 (Sept. 5 and 8) there was held at Zimmerwald in Switzerland the first conference of European Socialists who were opposed to the imperialistic war. Thirty-one delegates were present. The left wing of the Zimmerwald conference and of the later one at Kiental adopted Lenin’s demand for the transformation of the imperialist war into a civil war, and became the nucleus of the future Communist International. The latter worked out its programme, tactics and organization under Lenin’s guidance, and it was he who directly inspired the decisions of the first four congresses of the Communist International.

Noong Setyembre 1915 (Setyembre 5 at 8) idinaos sa Zimmerwald sa Switzerland ang unang kumperensya ng Europeanong Sosyalista na kumakalaban sa imperyalistang digmaan. Tatlumpu’t isang delegado ang dumalo. Pinagtibay ng kaliwang panig ng kumperensya at sa kalaunan sa Kiental ang mga kahilingan ni Lenin para sa transpormasyon ng imperyalistang digmaan tungo sa isang digmaang sibil, at maging sentro ng Komunistang Internasyunal sa hinaharap. Isinagawa ng huli ang mga programa, taktika at organisasyon nito sa ilalim ng gabay ni Lenin, at siya ang direktang nagbigay-sigla sa mga pasya ng unang apat na kongreso ng Komunistang Internasyunal.

Lenin was prepared for his struggle on an international scale not only by his profound knowledge of Marxism and his experience of the revolutionary party organization in Russia, but also by his intimate acquaintance with the workers’ movement throughout the world. He was master of the English, German and French languages, and could read Italian, Swedish and Polish. He was firmly opposed to the mechanical application of the methods of one country to another, and he investigated and decided questions concerning revolutionary movements, not only in their international reactions, but also in their concrete national form.

Preparado si Lenin sa kanyang pakikibaka sa pamantayang internasyunal hindi lang sa kanyang ganap na kaalaman sa Marxismo at ang karanasan niya sa rebolusyonaryong partidong organisasyon sa Rusya, kundi sa kanyang mga natatanging kaalaman sa kilusang manggagawa sa buong mundo. Siya’y bihasa sa wikang Ingles, Aleman at Pranses, at nakapagbabasa ng Italyano, Swede at Polandes. Matindi ang pagtutol niya sa mekanikal na aplikasyon ng mga pamamaraan sa bansa na gagamitin sa ibang bansa, at inuusisa niya at pinagpapasyahan ang mga usaping may kaugnayan sa mga kilusang rebolusyonaryo, hindi lamang sa kanilang pandaigdigang reakasyon, kundi sa kanilang kongkretong pambansang anyo.

Revolution of 1917. – The revolution of Feb. 1917 found Lenin in Switzerland. His attempts to reach Russia met with the opposition of the British Government, and he decided to travel through Germany. The success of this plan gave occasion to Lenin’s enemies for a fierce campaign of slander, which, however, was powerless to prevent him from assuming the leadership of his party and shortly afterwards of the revolution.

Rebolusyon ng 1917. – Nasumpungan ng rebolusyon ng Pebrero 1917 si Lenin sa Switzerland. Ang kanyang pagtatangkang makarating sa Rusya ay sinalubong ng pagtutol ng Gobyernong Briton, at nagpasya siyang maglakbay patawid sa Alemanya. Ang tagumpay ng ganitong plano ay nagbigay ng pagkakataon sa mga kaaway ni Lenin para sa isang malupit na kampanya ng paninirang-puri, gayunman, wala itong nagawa upang mapigilan siya upang akuin ang liderato ng kanyang partido at sa kalaunan ay ng rebolusyon.

On the night of April 4, on leaving the train, Lenin made a speech in the Finlyandsky station in Petrograd. He repeated and developed the leading ideas it contained in the days which followed. The overthrow of Tsarism, he said, was only the first stage in the revolution. The bourgeois revolution could no longer satisfy the masses. The task of the proletariat was to arm, to strengthen the power of the Soviets, to rouse the country districts and to prepare for the conquest of supreme power in the name of the reconstruction of society on a Socialist basis.

Sa gabi ng Abril 4, sa pagbaba sa tren, nagbigay ng talumpati si Lenin sa himpilan ng Finlyandsky sa Petrograd. Inulit niya at pinaunlad ang mga nangungunang ideya sa mga sumunod na araw. Ang pagpapatalsik sa Tsarismo, aniya, ay unang yugto lamang ng rebolusyon. Hindi na makasisiya sa sambayanan ang rebolusyon ng mga burgis. Ang tungkulin ng proletaryado ay ang armasan, ang pagpapatibay sa kapangyarihan ng mga Sobyet (Konseho ng Manggagawa), ang pukawin ang mga distrito ng bayan at ang paghahanda para sa pagkamit ng ganap na kapangyarihan sa ngalan ng rekonstruksyon ng lipunan sa batayang Sosyalista.

This far-reaching programme was not only unwelcome to those engaged in propagating patriotic Socialism, but even roused opposition among the Bolsheviks themselves. Plekhanov called Lenin’s programme “crazy.” Lenin, however, foresaw that the distrust of the bourgeoisie and of the Provisional Government would grow stronger daily, that the Bolshevik party would obtain a majority in the Soviets and that the supreme power would pass into their hands. The small daily Pravda became at once in his hands a powerful instrument for the overthrow of bourgeois society.

Ang malayuang nararating ng programa ay hindi lamang inaayawan ng mga nagsasagawa ng pagpapalaganap ng makabayang Sosyalismo, kundi nagpahayag din ng pagtutol sa mismong hanay ng Bolshevik. Tinawag ni Plekhanov ang programa ni Lenin na “kabaliwan.” Gayunman, nakikinita na ni Lenin na lalago sa bawat araw ang kawalang tiwala ng burgesya at ng Gobyernong Probisyunal, na makukuha ng partidong Bolshevik ang mayorya ng mga Sobyet at ang ganap na kapangyarihan ay mapapasa sa kanilang kamay. Ang maliit na pahayagang Pravda nang mapasakamay niya ay naging makapangyarihang instrumento para maibagsak ang lipunang burgis.

The policy of coalition with the bourgeoisie pursued by the patriotic Socialists, and the hopeless attack which the Allies forced the Russian Army to assume at the front roused the masses and led to armed demonstrations in Petrograd in the first days of July. The struggle against Bolshevism became intense. On July 5th forged “documents” were published by the counter-revolutionary secret service, purporting to prove that Lenin was acting under the orders of the German general staff. In the evening “reliable” detachments summoned from the front by Kerensky and Cadet officers from the districts around Petrograd occupied the city. The popular movement was crushed. The hounding of Lenin reached its height. He now began to work “underground,” hiding first in Petrograd with a worker’s family and then in Finland.

Ang patakarang pakikipag-koalisyon sa burgesya na itinutulak ng mga makabayang Sosyalista, at ang walang kapaga-pag-asang pag-atake na iginigiit ng Allies ay nagtulak sa Hukbong Ruso na tumungo sa harap at ginising ang bayan at pinangunahan ang mga armadong demonstrasyon sa Petrograd sa mga unang araw ng Hulyo. Naging matindi na ang pakikibaka laban sa Bolshevismo. Noong Hulyo 5, ang mga pinekeng “dokumento” ay inilathala ng mga kontra-rebolusyonaryong espiya, na nagpapakitang pinatutunayan nito na si Lenin ay umaakto sa ilalim ng atas ng pangkalahatang tauhan ng Alemanya. Sa gabi, ang mga “mapagkakatiwalaang” destakamento na inatasan mula sa harapan ni Kerensky at ng mga opisyal ng Cadet mula sa mga distrito sa palibot ng Petrograd ang sumakop sa lungsod. Ang kilusang bayan ay nadurog. Ang pagtugaygay kay Lenin ay umabot na sa rurok. Sinimulan na niya ngayon ang paggawa ng ”lihim,” nagtago muna sa Petrograd sa mag-anak ng isang manggagawa at saka sa Finland.

The July days and the retributions which followed aroused a burst of energy in the masses. The Bolsheviks obtained a majority in the Soviets of Petrograd and Moscow. Lenin demanded decisive action to seize the supreme power. “Now or never!” he repeated in passionate articles, letters and interviews.

Ang mga araw ng Hulyo at ang mga ganting sumunod ay nagbigay-sigla sa taumbayan. Nakuha ng mga Bolshevik ang mayorya ng Sobyet sa Petrograd at sa Moscow. Hiniling ni Lenin ang mapagpasyang aksyon upang agawin ang kapangyarihan. “Ngayon o hindi na!” pinaulit-ulit niya sa mga maaapoy na artikulo, liham at mga panayam.

The Soviet of People’s Commissaries. – The rising against the Provisional Government coincided with the opening of the second Congress of the Soviets on Oct. 25. Lenin, after being in hiding for three and a half months, appeared in the Smolny Institute and directed the fight. In the night sitting of Oct. 27 he proposed a draft decree about peace which was passed unanimously and another about the land, which was passed with one dissentient and eight abstentions. The Bolshevik majority, supported by the left wing of the Socialist Revolutionaries, declared that supreme power was now vested in the Soviets. The Soviet of People’s Commissaries was appointed, with Lenin at the head.

Ang Konseho ng mga Kinatawan ng Taumbayan. – Ang pagtindig laban sa Gubyernong Probisyunal ay kasabay ng pagbubukas ng ikalawang Kongreso ng mga Sobyet noong Oktubre 25. Si Lenin, matapos magtago ng tatlo’t kalahating buwan, ay lumitaw sa Smolny Institute at dinirekta ang labanan. Sa gabing pulong ng Oktubre 27 pinanukala niya ang isang balangkas ng kautusan tungkol sa kapayapaan na nagkakaisang pinagtibay at ang isa pa ay hinggil sa lupa, na pinagtibay, ng may isang tumanggi at walong hindi bumoto. Ang mayorya ng Bolshevik, na sinusuportahan ng kaliwang panig ng mga Sosyalistang Rebolusyonaryo, ay nagdeklara na ang ganap na kapangyarihan ay walang pasubaling nasa mga Sobyet na. Ang Konseho ng mga Kinatawan ng Taumbayan ay itinalaga, at si Lenin ang pinuno.

Having obtained the land of the estate owners, the peasants supported the Bolsheviks. The Soviets became masters of the situation. The constituent assembly which was elected in Nov. and met on Jan. 5 was an anachronism. The conflict between the two stages of the revolution was at hand. Lenin did not hesitate for an instant. On the night of Jan. 7 the All-Russian Central Executive Committee, on Lenin’s motion, passed a decree dissolving the constituent assembly. The dictatorship of the proletariat, said Lenin, meant the greatest possible degree of democracy for the toiling majority of the people, putting in the hands of labour all those material goods (buildings for meetings, printing presses and so on) lacking which “liberty” remains an illusion. The dictatorship of the proletariat in Lenin’s view is a necessary stage in the abolition of class divisions in society.

Nang makuha na ang lupain ng mga may-ari ng lupa, sinuportahan na ng mga pesante ang mga Bolshevik. Ang mga Sobyet ang naging maestro ng sitwasyon. Ang asambleya ng botante na inihalal noong Nobyembre at nagpulong ng Enero 5 ay isang anakronismo. Ang tunggalian sa pagitan ng dalawang yugto ng rebolsuyon ay naririyan na. Hindi na nag-alinlangan pa si Lenin sa isang saglit. Sa gabi ng Enero 7 ang Lahat-na-Rusong Ehekutibong Komite Sentral, sa mungkahi ni Lenin, ay nagpasa ng kautusan ng paglusaw sa asambleya ng botante. Ang diktadurya ng proletaryado, ani Lenin, ay nangangahulugang ang pinakadakilang posibleng antas ng demokrasya para sa mga nagpapatulo ng pawis na mayorya ng taumbayan, at inilalagay na sa kamay ng paggawa ang lahat ng mga materyal na bagay (mga gusaling pulungan, palimbagan, at iba pa) ay kulang, kung saan ang “kalayaan” ay nananatiling ilusyon. Ang diktadura ng proletaryado sa pananaw ni Lenin ay isang kinakailangang yugto sa pagpawi ng pagkakahati ng uri sa lipunan.

The question of war and peace provoked a new crisis. A considerable proportion of the party demanded a “revolutionary war” against the Hohenzollerns, leaving out of account altogether the economic situation of Russia and the temper of the peasantry. Lenin felt that it was necessary for propaganda purposes to drag out negotiations with the Germans for as long as possible. But he demanded that, in the event of a German ultimatum, peace should be signed even at the price of a loss of territory or the payment of an indemnity. The revolution kindling in the west would sooner or later undo the hard terms of peace. Lenin’s political realism manifested itself in all its strength in regard to this question. The majority of the Central Committee in opposition to Lenin made a further attempt to avoid yielding to German imperialism by declaring the state of war at an end, but refusing at the same time to sign an imperialistic peace. This led to a renewed attack by the Germans. After heated debates in the Central Committee at the sitting of Feb. 18 Lenin won a majority for his proposal that negotiations should be reopened forthwith, and that the German terms which were now still more unfavourable should be signed.

Ang usapin ng digmaan at kapayapaan ay nagbunsod ng isang bagong krisis. Hiniling ng malaki-laking proporsyon ng partido ang isang “rebolusyonaryong digmaan” laban sa mga Hohenzollern, na ipinupuwera na sa kabuuan ang pagsasaalang-alang sa kalagayan ng ekonomya sa Rusya at ang pagtitimpi ng mga pesante. Ramdam ni Lenin na kinakailangan sa layuning propaganda na patagalin pa hangga’t maaari ang negosasyon sa mga Aleman. Ngunit hiniling niya na, kung sakaling magsagawa ng ultimatum ang Aleman, dapat lumagda sa usapang pangkapayapaan kahit na ang kapalit nito’y pagkawala ng isang teritoryo o pagbabayad ng danyos-perwisyos. Ang rebolusyong nagniningas sa kanluran sa kalaunan ang maglalansag sa mga mabibigat na usapin hinggil sa kapayapaan. Nalantad ang tibay ng realismong pulitikal ni Lenin hinggil sa usaping ito. Ang mayorya ng Komite Sentral na sumasalungat kay Lenin ay nagtangka pang iwasan ang pagbibigay-daan sa imperyalismong Aleman sa pamamagitan ng pagdedeklara ng estado ng digmaan sa dulo, ngunit kasabay nito’y pagtangging lumagda sa imperyalistang kapayapaan. Humantong ito sa panibagong pag-atake ng mga Aleman. Matapos ang mainit na debate sa Komite Sentral sa pag-uusap ng Pebrero 18, naipagwagi ni Lenin ang mayorya ng kanyang mga mungkahi na dapat muling buksan agad ang negosasyon, at ang mga itinakda ng Aleman na hanggang ngayon ay mas lalong hindi paborable ay dapat lagdaan.

No comments: