Friday, April 6, 2012

Si Lenin, ayon kay Trotsky - Ikatlong Bahagi

Si Lenin, ayon kay Trotsky
Ikatlong Bahagi sa Kabuuang Tatlo

Nalathala sa Encyclopedia Britannica (ika-14 na Edisyon, 1939), Tomo 13 (ng 24), pahina 911-914. Naunang nalathala ang ika-14 na Edisyon noong 1929 at muling nalathala noong 1932, 1936, 1937, 1938 at 1939.

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.


The Soviet Government on Lenin’s initiative transferred itself to Moscow. Peace having been attained, Lenin now brought before the party and the country the whole question of its economic and cultural organization.

Ang pamahalaang Sobyet sa inisyatiba ni Lenin ay inilipat na sa Moscow. Nakamit ang kapayapaan. Dinala ngayon ni Lenin sa partido at sa bansa ang buong usapin ng pang-ekonomya at pangkulturang organisasyon nito.

The greatest trials, however, were still to come. By the end of the summer of 1918 Central Russia found itself surrounded by a ring of fire. Hand in hand with the Russian counter-revolution there came the rising of the Czechoslovaks on the Volga; on the north and south came the British intervention (in Archangel on Aug. 2, in Baku on Aug. 14). Food supplies were cut off. Lenin never ceased to direct his party and the Government. He carried on propaganda work, roused the masses, organized the getting of corn; followed the enemy’s movements, was in direct communication with the Red Army. He followed the international situation, finding his bearings by the dissensions in the camps of the imperialists. He found time for interviews with foreign revolutionaries and with Soviet engineers and economists.

Gayunpaman, paparating pa lang ang pinakamatitinding pagsubok. Sa pagtatapos ng tag-araw ng 1918, nagisnan ng Gitnang Rusya na sila’y napapalibutan ng mga aktibong bulkan (bilog na apoy o ring of fire). Kapitbisig kasama ang mga Rusong kontra-rebolusyon ang pag-aalsa ng mga Czechoslovak sa Volga; sa hilaga at timog naman ang panghihimasok ng mga Briton (sa Archangel noong Agosto 2, sa Baku noong Agosto 14). Pinutol ang suplay ng pagkain. Hindi huminto si Lenin sa pamamahala ng kanyang partido at ng Gubyerno. Ipinagpatuloy niya ang gawaing propaganda, pinukaw ang taumbayan, inorganisa ang pagkuha ng mga mais; tinugaygayan ang pagkilos ng kaaway, may direktang komunikasyon sa Pulang Hukbo. Sinubaybayan niya ang daigdigang kalagayan, nakita ang kanyang tindig sa pamamagitan ng pagtutol sa kampo ng mga imperyalista. May panahon siya para sa mga panayam ng mga dayuhang rebolusyonaryo at pati na mga ekonomista at inhinyerong Sobyet.

On Aug. 30 the Social-Revolutionary Kaplan aimed two shots at Lenin when on his way to a workers’ meeting. This attack intensified the civil war. Lenin’s strong constitution quickly recovered from the effect of his wounds. During his convalescence he wrote a pamphlet, The Proletarian Revolution and the Renegade Kautsky, directed against the most prominent theorist of the Second International. By Oct. 22 he was again speaking in public.

Noong Agosto 30 dalawang ulit na pinaputukan ng Sosyal-Rebolusyonaryong nagngangalang Kaplan si Lenin nang ito'y patungo sa isang pulong ng mga manggagawa. Pinalubha ng atakeng ito ang digmaang sibil. Dahil sa malakas na pangangatawan ni Lenin, mas mabilis siyang nakapagpagaling mula sa epekto ng kanyang mga tinamong sugat. Habang siya’y nagpapagaling, nagsulat siya ng polyeto, Ang Rebolusyong Proletaryado at ang Renegadong si Kautsky, na nakadirekta laban sa pinakakilalang teyorista ng Ikalawang Internasyunal. Oktubre 22 na nang makapagsalita siyang muli sa publiko.

The New Economic Policy. – The war on the home fronts remained his chief occupation. Economic and administrative problems had necessarily to take a subordinate place. The civil war fed from abroad was at its height. The struggle ended at the beginning of 1921 with the utter defeat of the counter-revolution and the Government grew in strength. The fact that the War had not led immediately to a proletarian revolution in Europe had enormously increased the difficulties of Socialist reconstruction, which was impossible without agreement between the proletariat and the peasantry. The system of requisitioning superfluities from the peasants must be replaced by a tax correctly assessed. Private interchange of commodities must be allowed. These measures began a new phase in the development of the Oct. (Nov.) revolution, that known as the “new economic policy.”

Ang Bagong Patakarang Pang-ekonomya. – Yaon pa ring digmaan sa hangganan ng bansa ang pangunahin niyang trabaho. Pumangalawa na lamang ang mga suliraning pang-ekonomya’t pang-administratibo. Ang digmaang sibil na dinidikta mula sa labas ng bansa ay nasa rurok. Natapos ang labanan simula ng 1921 nang ganap na matalo ang mga kontra-rebolusyon at lumakas ang Gubyerno. Ang katotohanang ang Digmaan ay di agad tumungo sa isang proletaryadong rebolusyon ay lalong nagpalawak sa kahirapan ng rekonstruksyong Sosyalista, na hindi mangyayari hangga’t walang kasunduan sa pagitan ng proletaryado at mga pesante. Ang sistema ng paghingi ng labis-labis mula sa mga pesante ay dapat mapalitan ng pagbubuwis na tinasa ng wasto. Pinapayagan ang pribadong pagpapalitan ng mga kalakal. Ang mga aksyong ito’y nagpasimula ng bagong yugto sa pagsulong ng rebolusyong Oktubre (Nobyembre), na nakilala bilang “bagong patakarang pang-ekonomya”.

In his policy within the Soviet Federation Lenin tried, in every way to create for the nationalities which had been oppressed under Tsarism, conditions of free national development. He made unsparing war against all imperialist tendencies especially within the party itself – the purity of whose ideas he guarded with the utmost jealousy. The charges of oppressing nationalities made against Lenin and his party with reference to Georgia, etc., were the product of the sharp class warfare within the nation.

Sa kanyang patakaran sa loob ng Pederasyong Sobyet, tinangka ni Lenin, sa iba’t ibang pamamaraan, na likhain ang mga kondisyon ng malayang pambansang pag-unlad para sa mga mamamayang pinagmalupitan sa ilalim ng Tsarismo. Naglunsad siya ng walang-awang digmaan laban sa lahat ng imperyalistang tendensiya, lalo na sa loob mismo ng partido – ang kadalisayan ng mga ideya ninuman na kanyang binabantayan ng may sukdulang panibugho. Ang bintang ng pagmamalupit sa mga mamamayan laban kay Lenin at sa kanyang partido na tumutukoy sa Georgia, atbp., ay mga produkto ng matalas na tunggalian ng uri sa loob ng bansa.

The principles of national self-determination, Lenin insisted on applying in full to colonial peoples. His doctrine was that the Western European proletariat should refrain from mere declarations of sympathy with oppressed nationalities, and instead should join them in the struggle against imperialism.

Ang paninindigan ng pambansang pagsasarili, iginiit ni Lenin na magamit ng buo sa mga mamamayang kolonyal. Ang kanyang aral ay yaong ang mga Kanluraning Europeanong proletaryado ay dapat umiwas sa simpleng deklarasyon ng pakikisimpatya sa mga pinagmalupitang mamamayan, kundi samahan sila sa pakikibaka laban sa imperyalismo.

At the eighth congress of Soviets (1920) Lenin made a report on the work carried out on his initiative for the drafting of a plan for the electrification of the country. The gradual effort towards a high degree of technical development is the mark of the successful transformation from the system of small scale peasant economy, with its lack of co-ordination, to the system of large scale Socialist production based on a single, comprehensive plan. “Socialism is a Soviet Govt. plus electrification.”

Sa ikawalong kongreso ng mga Sobyet (1920), inulat ni Lenin ang mga trabahong nagawa dahil sa kanyang inisyatiba upang balangkasin ang plano para sa elektripikasyon ng bansa. Ang unti-unting pagsisikap tungo sa mas mataas na antas ng teknikal na pag-unlad ang tatak ng isang matagumpay na transpormasyon mula sa sistema ng maliitang sukatan ng ekonomya ng pesante, kasama ang kakulangan nito ng koordinasyon, tungo sa sistema ng malawakang sukatang Sosyalistang produksyon na batay sa isang komprehensibong plano. “Ang sosyalismo ay ang Gubyernong Sobyet kasama ang elektripikasyon.”

Death. – The exhaustion brought on by excessive hard work over a number of years ruined Lenin’s health. Sclerosis attacked his cerebral arteries. At the beginning of 1922 his doctors forbade him daily work. From June to Aug. the disease made rapid progress, and for the first time he began to lose the power of speech, and in Dec. he became paralysed in the right arm and leg. He died on Jan. 21, 1924, at 6.30 p.m., at Gorky, near Moscow. His funeral was the occasion for an unexampled manifestation of love and grief on the part of millions.

Kamatayan. – Ang pagkapagod dahil sa labis na pagtatrabaho ng maraming taon ay nakapinsala sa kalusugan ni Lenin. Inatake ng isklerosis (paninigas) ang kanyang cerebral arteries (mga ugat sa utak). Sa pagsisimula ng 1922, binawalan siya ng kanyang mga doktor na magtrabaho araw-araw. Mula Hunyo hanggang Agosto, bumilis ang pagkalat ng sakit, at sa unang pagkakataon, nagsimula na ang kawalan niya ng kakayahang magtalumpati, at sa Disyembre, naparalisa na ang kanyang kanang braso at hita. Namatay siya noong Enero 21, 1924, sa ganap na ika-6:30 ng gabi, sa bayan ng Gorky, malapit sa Moscow. Ang kanyang libing ay isang okasyon ng walang kaparis na pagpapakita ng pagmamahal at pangungulila ng milyon-milyong tao.

Lenin’s outward appearance was distinguished by simplicity and strength. He was below the middle height, with the plebeian features of the Slavonic type of face, brightened by piercing eyes; and his powerful forehead and still more powerful head gave him a marked distinction. He was tireless in work to an unparalleled degree. He put the same exemplary conscientiousness into reading lectures in a small workmen’s club in Zurich and in organizing the first Socialist State in the world. He appreciated and loved to the full science, art and culture, but he never forgot that as yet these things are the property of a small minority. His way of life in the Kremlin was little different from his life as an émigré abroad. The simplicity of his daily habits was due to the fact that intellectual work and intense struggle not only absorbed his interests and passions but also gave him intense satisfaction. His thoughts never ceased to labour at the task of freeing the workers.

Ang itsura ni Lenin ay kinatatangian ng pagiging payak at kalakasan. Siya’y mababa kaysa panggitnang taas, karaniwang anyo ng Islabonikong tipo ng mukha, na pinalinaw ng matatalim na mata; at ang kanyang makapangyarihang noo at ang mas maapangyarihang ulo ang nagbigay sa kanya ng kakaibang tatak. Masipag siya sa gawaing hindi mapantayan. Binibigyan niya ng katulad na huwarang kasinupan ang pagbabasa ng mga aralin sa isang maliit na silid ng manggagawa sa Zurich at sa pag-oorganisa ng unang Sosyalistang Estado sa buong daigdig. Kinagiliwan niya’t lubusang minahal ang agham, sining at kultura, ngunit hindi niya nakakalimutang ang mga bagay na ito’y pag-aari ng maliit na minoridad. Ang paraan ng kanyang pamumuhay sa Kremlin ay may pagkakaiba sa kanyang buhay bilang dayo sa ibang bansa. Ang kapayakan ng kanyang araw-araw na kinagawian ay dahil na rin ang gawaing intelektwal at matinding pakikibaka ay di lang nakapukaw ng kanyang interes at pagkahilig kundi nagbibigay din ito sa kanya ng marubdob na kasiyahan. Ang kanyang isipan ay hindi tumitigil ng pag-iisip sa tungkuling palayain ang mga manggagawa.

His works include: Ekonomicheskoye soderzhaniye narodnichestva i Kritika evo v Knige g. Struve, 1895 (The Economic Content of the popular party and Mr. Struve’s criticism of it. The reflection of Marxism on bourgeois literature); Kharakteristike ekonomicheskovo romantisma, 1897 (The characteristics of economic romanticism), Sismondi and our Sismondists; Razvitiye Kapitalisma v Rosii, 1899 (The development of Capitalism in Russia). The process of making a home market for large scale industry; Chto Dyelat, 1902. (What is to be done?) French trans. Que Faire? The most urgent question of our movement; Dve taktiki sotsial-demokratii v demokraticheskoi revolyutsii, 1905 (Two tactics of the Social Democracy in the democratic revolution); Agrarnaya programma sotsial-demokratii v pervoi russkoi revolyutsii 1905-1907, 1907 (The agrarian programme of the Social-Democrats in the first Russian revolution 1905-07); Za 12 let., 1908 (During 12 years), Two tendencies in Russian Marxism and Russian Social Democracy; Materialism i empiriokrititsism, 1909 (Materialism and empiriocriticism). Critical observations on a reactionary philosophy; Krakh II. Internatsionala, 1915 (Collapse of the Second International. Eng. trans., 1919); Sotsialism i voina, 1915 (Socialism and War. In collaboration with Zinoviev. German trans., 1915); Imperialism, kak noveishii etap kapitalisma, 1917 (Imperialism, the final stage of capitalism), French trans., 1923; Pisma o taktike, 1917 (Letters about tactics); Uroki revolyutsii, 1917 (Lessons of the Revolution. Eng. trans., 1918; German trans., 1921); Gosudarstvo i revolyutsiya, 1917 (The state and revolution. Engl. trans., 1919). The Marxist doctrine about the state and the tasks of the proletariat in a revolution. French trans., 1919; German trans., 1918; Grozyashchaya Katastrofa i kak c nei borotsya, 1917 (The catastrophe which threatens us and how to struggle with it. French trans., La catastrophe imminente et les mesures de la conjurer, 1918). German trans., 1918; Uderzhat li bolsheviki gosudarstvennuyu vlast? 1917 (Will the Bolsheviks maintain power? German trans., 1921); Proletarskaya revolutsiya i renegat Kautskii, 1918. (The proletarian revolution and Kautsky the Renegade. Eng. trans., 1920); French trans., 1919; German trans., 1918; Vybory v Uchreditelnoye Sobraniye i diktatura proletariata, 1919. (The dictatorship of the Proletariat and elections to the Constituent Assembly. Eng. trans., 1920); German trans., 1920; Detskaya bolezn “levismy” v kommunisme, 1920 (“Left Wing Communism, an infantile disorder.” Eng. trans., 1921; French trans., 1921; German trans., 1921) ; Krizis v partii, 1921 (The Crisis in the Party) ; O prodnaloge, 1921 (On the tax in kind. German trans.); Stranichki iz dnevnika, 1923 (Pages from my diary); O Kooperatsii, 1923 (On co-operation. French trans. Sur la Coopération, 1924); Luchshe menshe, da luchsche, 1923 (Better little but good); Sobraniye sochinenii T.T. 1-19, 1921-24 (collected works in 19 vol.).

Kasama sa kanyang mga akda ang mga sumusunod: Ekonomicheskoye soderzhaniye narodnichestva i Kritika evo v Knige g. Struve, 1895 (Ang Pang-ekonomyang Nilalaman ng partido ng masa at ang kritisismo rito ng G. Struve. Ang pagmumuni-muni ng Marxismo sa burgis na panitikan); Kharakteristike ekonomicheskovo romantisma, 1897 (Ang katangian ng ekonomikong romantisimo), Sismondi and our Sismondists; Razvitiye Kapitalisma v Rosii, 1899 (Ang pag-unlad ng Kapitalismo sa Rusya). Ang proseso kung paano ang tahanan ay maging pamilihan ng malawakang sukatang industriya; Chto Dyelat, 1902. (Anong dapat gawin?) Salin sa Pranses. Que Faire? Ang mga agarang usapin sa ating kilusan; Dve taktiki sotsial-demokratii v demokraticheskoi revolyutsii, 1905 (Ang dalawang taktika ng Sosyal Demokrasya sa demokratikong rebolusyon); Agrarnaya programma sotsial-demokratii v pervoi russkoi revolyutsii 1905-1907, 1907 (Ang programang agraryo ng mga Sosyal Demokrata sa unang rebolusyong Ruso 1905-07); Za 12 let., 1908 (Sa loob ng 12 taon), Dalawang tendensiya sa Rusong Marxismo at Rusong Sosyal Demokrasya; Materialism i empiriokrititsism, 1909 (Materyalismo at empiryokritisismo). Kritikal na obserbasyon sa reaksyunaryong pilosopiya; Krakh II. Internatsionala, 1915 (Pagbagsak ng Ikalawang Internasyunal. Salin sa Ingles, 1919); Sotsialism i voina, 1915 (Sosyalismo at Digmaan. Sa pakikipagtulungan kay Zinoviev. Salin sa Aleman, 1915); Imperialism, kak noveishii etap kapitalisma, 1917 (Imperyalismo, ang rurok na yugto ng kapitalismo), Salin sa Pranses, 1923; Pisma o taktike, 1917 (Mga liham hinggil sa taktika); Uroki revolyutsii, 1917 (Mga Aral ng Rebolusyon. Salin sa Ingles, 1918; Salin sa Aleman, 1921); Gosudarstvo i revolyutsiya, 1917 (Ang estado at rebolusyon. Salin sa Ingles, 1919). Ang kaisipang Marxista hinggil sa estado at ang mga tungkulin ng proletaryado sa isang rebolusyon. Salin sa Pranses, 1919; Salin sa Aleman, 1918; Grozyashchaya Katastrofa i kak c nei borotsya, 1917 (Ang kasawiang nagbabanta sa atin at paano ito lalabanan. Salin sa Pranses, La catastrophe imminente et les mesures de la conjurer, 1918). Salin sa Aleman, 1918; Uderzhat li bolsheviki gosudarstvennuyu vlast? 1917 (Mapapanatili ba ng mga Bolshevik ang kapangyarihan? Salin sa Aleman, 1921); Proletarskaya revolutsiya i renegat Kautskii, 1918. (Ang proletaryadong rebolusyon at si Kautsky ang Palamara. Salin sa Ingles, 1920); Salin sa Pranses, 1919; Salin sa Aleman, 1918; Vybory v Uchreditelnoye Sobraniye i diktatura proletariata, 1919. (Ang diktadurya ng Proletaryado at ang mga halalan ng Asambleya ng Botante. Salin sa Ingles, 1920); Salin sa Aleman, 1920; Detskaya bolezn “levismy” v kommunisme, 1920 (“Ang Kaliwang Panig na Komunismo, isang sakit ng musmos.” Salin sa Ingles, 1921; Salin sa Pranses, 1921; Salin sa Aleman, 1921) ; Krizis v partii, 1921 (Ang Krisis sa Partido) ; O prodnaloge, 1921 (Hinggil sa buwis na di salapi. Salin sa Aleman); Stranichki iz dnevnika, 1923 (Pahina mula sa aking talaarawan); O Kooperatsii, 1923 (Hinggil sa pagtutulungan. Salin sa Pranses. Sur la Coopération, 1924); Luchshe menshe, da luchsche, 1923 (Mas maigi na ang maliit ngunit mabuti); Sobraniye sochinenii T.T. 1-19, 1921-24 (tinipong mga akda sa 19 na tomo).

There are two German editions of Lenin’s collected works – Ausgewählte Werke Sammelband, 1925, and Auswahl aus seinen Werken. See also Landau-Aldanow, Lenin and Bolshevism (1920); K. Wiedenfeld, Lenin and his Work (1923); N. Bucharin, Lenin, Life and Works (1924); E. Drahn, Lenin eine Bio-Bibliographie (1924); M. Gorky, Lenin et le paysan russe (1924); L. Trotsky, Lenin (in English 1925); J. Stalin, Leninism (in English 1928). (L.TR.; X.)

May dalawang edisyong Aleman ng tinipong mga akda ni Lenin – ang Ausgewählte Werke Sammelband, 1925, at ang Auswahl aus seinen Werken. Tingnan din ang Landau-Aldanow, si Lenin at ang Bolshevismo (1920); K. Wiedenfeld, si Lenin at ang kanyang Gawa (1923); N. Bucharin, si Lenin, Buhay at mga Ginawa (1924); E. Drahn, Lenin eine Bio-Bibliographie (1924); M. Gorky, Lenin et le paysan russe (1924); L. Trotsky, si Lenin (sa wikang Ingles 1925); J. Stalin, ang Leninismo (nasa wikang Ingles 1928). (L.TR.; X.)

No comments: