Thursday, April 5, 2012

Si Lenin, ayon kay Trotsky - Unang Bahagi

Si Lenin, ayon kay Trotsky
Unang Bahagi sa Kabuuang Tatlo

Nalathala sa Encyclopedia Britannica (ika-14 na Edisyon, 1939), Tomo 13 (ng 24), pahina 911-914. Naunang nalathala ang ika-14 na Edisyon noong 1929 at muling nalathala noong 1932, 1936, 1937, 1938 at 1939.

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Gregorio V. Bituin Jr.

LENIN, VLADIMIR ILYICH ULYANOV (1870-1924), founder and guiding spirit of the Soviet Republics and the Communist International, the disciple of Marx, the leader of the Bolshevik party and the organizer of the Oct. revolution in Russia, was born on April 9 (22), 1870, in the town of Simbirsk, now Ulyanovsk. His father, Ilya Nicolaevitch, was a schoolmaster. His mother, Maria Alexandrovna, was the daughter of a doctor named Berg. His eldest brother (b. 1866) joined the “Narodovoltze” (a revolutionary terrorist society), and taking part in the unsuccessful attempt on the life of Alexander III., was executed (1891); this was a determining factor in Lenin’s life.

Si Lenin, Vladimir Ilyich Ulyanov (1870-1924), tagapagtatag at gabay na diwa ng Republika ng Sobyet at ng Komunistang Internasyunal, ang alagad ni Marx, ang pinuno ng partidong Bolshevik at ang organisador ng rebolusyong Oktubre sa Rusya, ay isinilang noong Abril 9 (22), 1870, sa bayan ng Simbirsk, ngayon ay Ulyanovsk. Ang kanyang ama, si ilya Nicolaevitch, ay isang prinsipal sa paaralan. Ang kanyang ina, si Maria Alexandrovna, ay anak ng isang manggagamot na nagngangalang Berg. Ang kanyang nakatatandang kapatid na lalaki (isinilang noong 1866) ay sumapi sa “Narodovoltze” (isang rebolusyonaryong teroristang samahan), at nakibahagi sa nabigong pagtatangka sa buhay ni Alexander III, ay binitay (1891); ito ang mga nabatid na salik sa buhay ni Lenin.

Early Life. – The third of a family of six, Lenin completed his course at the Simbirsk gymnasium in 1887, winning the gold medal. He entered the Kazan University to study law, but was sent down in Dec. of the same year for taking part in a gathering of students and was banished to the country. It was not till the autumn of 1889 that he was allowed to return to Kazan, where he began the systematic study of Marx and met the members of the local Marxist circle. In 1891 Lenin passed the law examinations of the St. Petersburg University, and in 1892 he began to practise as a barrister at Samara, appearing for the defence in several trials. His life, however, was chiefly filled by the study of Marxism and its application to the economic and political development of Russia and subsequently of the whole world.

Maagang Pamumuhay. – Ang ikatlo sa pamilya ng anim, natapos ni Lenin ang kanyang kurso sa Simbirsk gymnasium noong 1887, na nagkamit ng medalyang ginto. Pumasok siya sa Pamantasan ng Kazan upang mag-aral ng abugasya, ngunit napatalsik sa Disyembre ng taon ding iyon dahil sa pagsama sa pagtitipon ng mga estudyante at nawala siya sa bansa. Pinahintulutan lamang siyang bumalik sa Kazan noong taglagas ng 1889, kung saan sinimulan niya ang sistematikong pag-aaral sa buhay ni Marx at nakaharap ang mga kasapi ng lokal na sirkulong Marxista. Noong 1891, nakapasa si Lenin sa eksam sa abugasya sa Pamantasan ng St. Petersburg, at noong 1892, nagsimula siyang magpraktika bilang manananggol sa Samara, at dumalo para sa depensa sa ilang mga paglilitis. Gayunman, ang kanyang buhay ay madalas na puno ng pag-aaral ng Marxismo at ng aplikasyon nito sa ekonomiko at pulitikal na pagsulong ng Rusya at pati na ng buong daigdig.

In 1894 he moved to St. Petersburg, and began his propaganda work. To this period belong Lenin’s first polemical writings directed against the popular party and passed from hand to hand in manuscript form. Soon after, Lenin started in the Press a theoretical struggle against the falsifiers of Marx. In April 1895 he first went abroad to meet Plekhanov, Zasulich, Axelrod and the Marxist group known as the “Osvobozhdenie Truda” (Deliverance of Labour). On his return to St. Petersburg, he organized the illegal “Union for the Liberation of the Working Class,” which rapidly became an important organization, carrying on propaganda among the workers. In Dec. 1895 Lenin and his closest collaborators were arrested. He spent the year 1896 in prison, and in Feb. 1897 he was exiled for three years to the Yenisei province in eastern Siberia. In 1898 he married N.K. Krupskaya, a comrade in the St. Petersburg Union and his faithful companion for the remaining 26 years of his life. During his exile he finished his most important economic work, The Development of Capitalism in Russia, based on an enormous mass of statistical material (1899). In 1900 Lenin went to Switzerland to arrange, with the “Deliverance of Labour” group, the publication of a revolutionary paper intended for Russia. At the end of the year the first number of the paper Iskra (The Spark) appeared in Munich, with the motto “From Spark to Flame.” Its aim was to give a Marxian interpretation of the problems of the revolution, with the political watchwords of the struggle, and to form a centralized “underground” revolutionary party of Social Democrats, which, standing at the head of the proletariat, should open the struggle against Tsarism. The idea of an organized party leadership of the struggle of the proletariat in all its forms and manifestations, which is one of the central ideas of Leninism, is closely connected with the idea of the hegemony of the working class within the democratic movement of the country. This idea found direct expression in the programme of the dictatorship of the proletariat when the development of the revolutionary movement had prepared the conditions for the Oct. revolution.

Noong 1894, lumipat siya sa St. Petersburg, at sinimulan ang kanyang gawaing propaganda. Sa panahong ito kabilang ang mga unang polemikong sulatin ni Lenin na nakatuon laban sa sikat na partido at napasa-pasa sa iba’t ibang kamay sa anyong manuskrito. Matapos nito, sinimulan ni Lenin sa Palimbagan ang isang pakikibakang teyoretikal laban sa mga naninira kay Marx. Noong Abril 1895 tumungo siya sa ibang bansa upang kaharapin sina Plekhanov, Zasulich, Axelrod at ang Marxistang grupong kilala bilang ang ”Osvobozhdenie Truda” (Katubusan ng Paggawa). Sa kanyang pagbabalik sa St. Petersburg, inorganisa niya ang ilegal na ”Unyon para sa Kalayaan ng Uring Mangggawa,” na mabilis na naging mahalagang samahan, na nagsasagawa ng propaganda sa hanay ng mga manggagawa. Noong Disyembre 1895 inaresto si Lenin at ang kanyang malalapit na kasapakat. Ginugol niya ang taong 1896 sa kulungan, at noong Pebrero 1897, siya’y ipinatapon ng tatlong taon sa lalawigan ng Yenisei sa silanganing Siberia. Noong 1898 pinakasalan niya si N.K. Krupskaya, isang kasamahan sa Unyon sa St. Petersburg at siyang naging tapat niyang kasama sa natitira niyang 26 na taon sa buhay. Sa panahon ng kanyang pagkatapon, tinapos niya ang kanyang pinakamahalagang akdang pang-ekonomya, Ang Pag-unlad ng Kapitalismo sa Rusya, na batay sa napakalawak na bulto ng materyales ng datos (1899). Noong 1900 nagtungo si Lenin sa Switzerland upang ayusin, kasama ng grupong ”Katubusan ng Paggawa” ang paglalathala ng rebolusyonaryong pahayagang nakaplano para sa Rusya. Sa pagtatapos ng taon, lumabas sa Munich ang mga unang kopya ng pahayagang Iskra (Ang Sindi), na may kasabihang ”Mula sa Sindi tungo sa Lagablab.” Ang layunin nito’y magbigay ng Marxistang interpretasyon sa mga problema ng rebolusyon, kasama ang mga pulitikal na sigaw ng pagkakaisa sa pakikibaka, at ang pagbubuo ng sentralisadong ”lihim” na rebolusyonaryong partido ng mga Sosyal Demokrata, kung saan, nakatayo sa unahan ng proletaryado, ay dapat simulan ang pakikibaka laban sa Tsarismo. Ang ideya ng pamumuno sa isang organisadong partido sa pakikibaka ng proletaryado sa lahat ng porma at manipestasyon, na siyang isa sa sentrong ideya ng Leninismo, ay malapit na nakaugnay sa ideya ng gahum ng uring manggagawa sa loob ng kilusang demokratiko sa bansa. Nakita ang direktang ekspresyon ng ideyang ito sa programa ng diktadurya ng proletaryado kapag naihanda na ng pagsulong ng kilusang rebolusyonaryo ang kondisyon para sa rebolusyong Oktubre.

Bolsheviks and Mensheviks. – The second Congress of the R.S.D.R.P. (Brussels, London) in July and Aug. 1903 accepted the programme worked out by Plekhanov and Lenin, but ended with the historic split of the party into Bolsheviks and Mensheviks. Thereupon Lenin entered on his separate path as leader of the Bolshevik section, later the Bolshevik party. The differences concerned tactics and finally the party programme. The Mensheviks tried to bring the policy of the Russian proletariat into line with that of the liberal bourgeoisie. Lenin saw in the peasantry the closest ally of the proletariat. Occasional agreements and closer relations with the Mensheviks failed to arrest the constant widening of the two lines – the revolutionary and the opportunist – the proletarian and the bourgeois. The struggle with the Mensheviks forged the policy which led to the break with the Second International (1914), to the Oct. revolution (1917) and to the change of the party’s name from Social Democrat to Communist (1918).

Ang mga Bolshevik at Menshevik. – Tinanggap ng ikalawang Kongreso ng R.S.D.L.P. (Brussels, London) noong Hulyo at Agosto ng 1903 ang programang pinagtulungan nina Plekhanov at Lenin, ngunit nagtungo ito sa makasaysayang paghihiwalay ng partido sa Bolshevik at Menshevik. Mula noon, tinahak na ni Lenin ang hiwalay na landas bilang pinuno ng seksyong Bolshevik, at sa kalaunan ng partidong Bolshevik. Ang pagkakaiba’y kaugnay sa taktika at sa huli’y sa programa ng partido. Nais ng mga Menshevik na ipasok ang patakaran ng Rusong proletaryado na kasabay ng sa burgesyang liberal. Nakita ni Lenin na ang mga pesante ang pinakamalapit na alyado ng proletaryado. Sa paminsan-minsang mga pagkakasang-ayon at malapit na relasyon sa mga Menshevik, nabigo pa ring masugpo ang patuloy na paglaki ng agwat ng dalawang linya – ang rebolusyonaryo at ang oportunista – ang proletaryado at ang burgesya. Ang pakikibaka laban sa mga Menshevik ay naghubog sa polisiya na tumungo sa pagkalansag ng Ikalawang Internasyunal (1914), sa rebolusyong Oktubre (1917) at sa pagbabago ng pangalan ng partido mula sa Sosyal Demokrata tungo sa Komunista (1918).

A revolutionary situation was created in the country by the defeat of the army and navy in the Russo-Japanese War, the shooting of the workers on Jan. 9 (22) in 1905, by agrarian disturbances and political strikes. Lenin’s programme was the preparation of an armed rising of the masses against Tsarism, and the creation of a provisional Government to organize the revolutionary democratic dictatorship of the workmen and peasants for the deliverance of the country from Tsarism and serfdom. The third congress of the party, consisting exclusively of Bolsheviks (May 1905), passed a new agrarian programme which included the confiscation of the domains of landowners. In Oct. 1905 the All-Russian strike began. On the 17th of the month the Tsar issued his manifesto about the “Constitution.” In the beginning of Nov. Lenin returned to Russia from Geneva, and appealed to the Bolsheviks to bring into the party wider circles of workers, but to retain their illegal apparatus in anticipation of counter-revolutionary blows.

Isang rebolusyonaryong sitwasyon ang nalikha sa bansa nang matalo ang hukbong panlupa at pandagat sa Digmaang Rusya at Hapon, ang pagbaril sa mga manggagawa noong Enero 9 (22) ng 1905, ng kaguluhang agraryo at welgang pulitikal. Ang programa ni Lenin ay ang preparasyon ng armadong pag-aalsa ng taumbayan laban sa Tsarismo, at ang pagtatayo ng pansamantalang Pamahalaan upang organisahin ang rebolusyonaryong demokratikong diktadurya ng manggagawa at magsasaka para sa paglaya ng bansa mula sa Tsarismo at pagkabusabos. Ang ikatlong kongreso ng partido, na tanging binuo ng mga Bolshevik (Mayo 1905), ay nagpasa ng bagong programang agraryo kasama ang kumpiskasyon ng nasasakupan ng mga may-ari ng lupa. Noong Oktubre 1905 nagsimula ang welga ng mga Ruso. Noong ika-17 ng buwan, inilabas ng Tsar ang kanyang pahayag hinggil sa “Saligang Batas.” Sa pagsisimula ng Nobyembre, nagbalik si Lenin sa Rusya mula sa Geneva, at umapela sa mga Bolshevik na dalhin sa partido ang mas malawak na sirkulo ng manggagawa, ngunit itago ang kanilang ilegal na aparato bilang paghahanda laban sa kontra-rebolusyonaryong bigwas.

In the events of 1905 Lenin distinguished three main features – (1) the temporary seizure by the people of real political freedom, (2) the creation of new if only potential revolutionary power in the shape of soviets of workers’, soldiers’ and peasants’ deputies; (3) the use of force by the people against those who had employed it against them. Those conclusions, from the events of 1905, became the guiding principles of Lenin’s policy in 1917 and led to the dictatorship of the proletariat in the form of the Soviet State.

Sa mga pangyayari ng 1905, tinukoy ni Lenin ang tatlong tampok na katangian – (1) ang pansamantalang pag-agaw ng mamamayan sa tunay na kalayaang pampulitika; (2) ang paglikha ng bago at tanging may kakayahang rebolusyonaryong lakas sa anyo ng konseho ng kinatawan ng mga manggagawa, kawal at pesante; (3) ang paggamit ng pwersa ng mamamayan laban sa mga gumagamit nito laban sa kanila. Ang mga kongklusyong iyon, mula sa mga pangyayari noong 1905, ang naging prinsipyong gabay ng mga polisiya ni Lenin noong 1917 at tumungo sa diktadurya ng proletaryado sa anyo ng Estado ng Sobyet.

The rising in Moscow at the end of Dec., lacking as it did the support of the army, without simultaneous risings in other towns and sufficient response in the country districts, was quickly suppressed. The Liberal bourgeoisie came to the front. The epoch of the first two Dumas began. At this time, Lenin formulated the principles of the revolutionary exploitation of parliamentary methods as a means of fresh attack. In Dec. 1907 Lenin left Russia, to return only in 1917. Now (in 1907) began the epoch of victorious counter-revolution, prosecutions, exile, executions and emigration. Lenin led the struggle against the Mensheviks, the advocates of the liquidation of the “underground” party – hence those known as “liquidators” – and of the change of their methods into legal ones within the framework of the existing regime; against the “conciliators” who tried to take up an intermediate position between Bolshevism and Menshevism – against the Socialist Revolutionaries who tried to make up for the inertia of the masses by personal terrorism; finally, against those Bolsheviks, the so-called “callers-off,” who demanded the recall of the Social Democratic deputies from the Duma in the name of immediate revolutionary activity.

Agad na nadurog ang pag-aalsa sa Moscow sa pagtatapos ng Disyembre, dahil walang suporta ng hukbo, at walang magkakasabay na pag-aalsa sa iba pang bayan at sapat na tugon sa mga distrito ng bansa. Nagtungo sa harapan ang Liberal na burgesya. Nasimula na ang panahon ng naunang dalawang Batasan. Sa panahong ito, nilikha ni Lenin ang batayan ng rebolusyonaryong pananamantala sa kaayusang parlyamentaryo bilang paraan sa panibagong atake. Nilisan ni Lenin ang Rusya noong Disyembre 1907 upang magbalik lamang ng 1917. Ngayon (nitong 1907) nagsimula ang panahon ng matatagumpay na kontra-rebolusyon, pag-uusig, pagpapatapon, pamamaslang at pandarayuhan. Pinangunahan ni Lenin ang pakikibaka laban sa mga Menshevik, na mga tagapagtaguyod ng paglikida sa “lihim” na partido – na mula noon ay nakilalang mga “tagalikida” – at sa pagbabago ng kanilang mga pamamaraan patungong ligal na nakapaloob sa balangkas ng umiiral na rehimen; laban sa mga “tagapagkasundo” na nagtangkang magsagawa agad ng panggitnang paninindigan sa pagitan ng Bolshevismo at Menshevismo – laban sa mga Sosyalistang Rebolusyonaryo na nagtangkang punuan ang di pagkilos ng taumbayan sa pamamagitan ng personal na terorismo; at sa huli, laban doon sa mga Bolshevik, yaong tinatawag na “tagapagpaliban”, na nananawagan ng pagpapatalsik sa mga halal na Sosyal Demokratikong deputado mula sa Duma sa ngalan ng agarang rebolusyonaryong aktibidad.

At the same time, Lenin carried on an extensive campaign against the attempt to revise the theoretic basis of Marxism on which his whole policy was founded. In 1908 he wrote a major treatise directed against the essentially idealistic philosophy of Mach, Avenarius and their Russian followers, who tried to unite empiric criticism with Marxism. Lenin proved that the methods of dialectical materialism as formulated by Marx and Engels were confirmed by the development of scientific thought in general and natural science in particular. Thus Lenin’s constant revolutionary struggle went hand in hand with his theoretical controversies.

Kasabay noon, ipinagpatuloy ni Lenin ang malawakang kampanya laban sa pagtatangkang rebisahin ang batayang teoretikal ng Marxismo kung saan nakabatay ang kanyang buong polisiya. Noong 1908, isinulat niya ang isang mayor na pag-aaral na nakadirekta laban sa ideyalistikang pilosopiya nina Mach, Avenarius at sa mga Rusong tagasunod nito, na nagtangkang pag-isahin ang empirikong kritisismo sa Marxismo. Pinatunayan ni Lenin na ang pamamaraang diyalektiko materyalismo na inayos nina Marx at Engels ay napatotohanan ng pag-unlad ng syentipikong pag-iisip sa kabuuan at ng natural na agham sa partikular. Kaya ang matatag na rebolusyonaryong pakikibaka ni Lenin ay tumungo sa marami kasabay ng kanyang mga kontrobersyang teyoretikal.

The years 1912-14 were marked in Russia by a fresh outburst of activity in the workers’ movement. Breaches made their appearance in the counter-revolutionary regime. At the beginning of 1912 Lenin summoned a secret conference of the Russian Bolshevik organizations in Prague. The “liquidators” were declared to be outside the party. The split with the Mensheviks became final. A new central committee was elected. Lenin organized from abroad the publication in St. Petersburg of a legal newspaper, Pravda, which in its constant conflict with the censorship and the police exercised a guiding influence on the vanguard of the working class. In July 1912 Lenin, together with his closed colleagues, moved from Paris to Krakow in order to be in closer touch. The revolutionary movement in Russia was growing, and was thereby giving the Bolsheviks the preponderance. Lenin sent articles under different pseudonyms almost every day to the Bolshevik legal newspapers, drawing the inevitable inferences from them in the illegal (“underground”) Press. At this time, as well as before and after it, N.K. Krupskaya was the centre of the organizing work. She received comrades from Russia, gave instructions to others on their way there, set up “underground” connections, wrote, coded and decoded letters. It was in the small town of Poronin in Galicia that the declaration of war found Lenin. The Austrian police suspected him of being a Russian spy and arrested him; he was, after a fortnight, expelled to Switzerland.

Ang mga taong 1912-14 ay nagmarka sa Rusya sa pamamagitan ng sariwang pagsigabo ng aktibidad sa kilusan ng mga manggagawa. Nalantad ang mga paglabas sa kontra-rebolusyonaryong rehimen. Sa simula ng 1912, ipinatawag ni Lenin ang isang lihim na kumperensya ng mga samahan ng Rusong Bolshevik sa Prague. Ang mga “tagalikida” ay idineklarang labas sa partido. Ang pakikipaghiwalay sa mga Menshevik ay naging pinal. Nahalal ang bagong komite sentral. Inorganisa ni Lenin mula sa ibang bansa ang paglalathala sa St. Petersburg ng ligal na pahayagang Pravda, na laging kabangga ng sensura at ang kapulisan ay nagsagawa ng gabay na impluwensya sa taliba ng uring manggagawa. Noong Hulyo 1912, lumipat mula sa Paris patungong Krakow si Lenin, kasama ang mga malalapit na kapanalig, upang mas maging malapit ang ugnayan. Lumalawak ang kilusang rebolusyonaryo sa Rusya, na siyang nagbibugay sa mga Bolshevik ng kalamangan. Nagpadala si Lenin ng mga artikulo sa ilalim ng iba’t ibang pangalan halos araw-araw sa ligal na pahayaga ng mga Bolshevik, na umaakit ng di maiiwasang pagkakakilala sa kanila sa ilegal (”lihim”) na Palimbagan. Sa panahong ito, maging bago at matapos niyon, si N. K. Krupskaya ang sentro ng gawaing pag-oorganisa. Tinatanggap niya ang mga kasama mula sa Rusya, nagbibigay ng kaalaman sa iba sa pagtungo ng mga ito roon, nag-aayos ng mga ”lihim” na ugnayan, nagsulat, nagsagawa ng koda at nagtatanggal ng koda sa mga liham. Iyon ay nasa maliit na bayan ng Poronin sa Galicia kung saan nasumpungan ng deklarasyon ng digmaan si Lenin. Pinagsuspetsahan siya ng kapulisan ng Austria na isang Rusong espiya at inaresto siya; matapos ang dalawang linggo, siya’y pinalayas sa Switzerland.

No comments: