Friday, May 10, 2013

Kapitalismo at Lakas-Paggawa ng Kababaihan - ni V. I. Lenin

CAPITALISM AND FEMALE LABOUR
V. I.   Lenin
Written: Written on April 27, 1913 
Published: Published on May 5, 1913 in Pravda No. 102. Printed from the Pravda text. 
Source: Lenin Collected Works, Progress Publishers, 1971, Moscow, Volume 36, pages 230-231. 

KAPITALISMO AT LAKAS-PAGGAWA NG KABABAIHAN
ni V. I.   Lenin
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Sinulat noong Abril 27, 1913, at nalathala noong Mayo 5, 1913 sa Pravda Blg. 102. Hinango mula sa  Lenin’s Collected Works ng Progress Publishers, 1971, Moscow, Tomo 36, mga pahina 230-231. 


Present-day capitalist society conceals within itself numerous cases of poverty and oppression which do not immediately strike the eye. At the best of times, the scattered families of poor townspeople, artisans, workers, employees and petty officials live in incredible difficulties, barely managing to make both ends meet. Millions upon millions of women in such families live (or, rather, exist) as “domestic slaves”, striving to feed and clothe their family on pennies, at the cost of desperate daily effort and “saving” on everything—except their own labour.

Itinatago ng kasalukuyang kapitalistang sistema sa kanyang kaibuturan ang samutsaring kaso ng karukhaan at kaapihan na hindi agad makikita ng mata. Sa mga kaiga-igayang panahon, ang mga naglipanang pamilya ng mga mahihirap na mamamayan, artisano, manggagawa, empleyado at mga hamak na opisyal ay namumuhay sa napakatinding kahirapan, na di na magkandaugaga kung paano magkakaroon ng sapat na pangangailangan. Milyun-milyong kababaihan sa mga pamilyang tulad nito ang nabubuhay (o, kaya’y umiiral) bilang “aliping namamahay”, na nagpupunyaging mapakain at madamitan ang kanilang pamilya sa kakarampot na barya, sa tindi ng kagipitan sa araw-araw na pagsusumikap at “pagtitipid” sa lahat - maliban sa kanilang lakas-paggawa.


It is these women that the capitalists most willingly employ as home-workers, who are prepared for a monstrously low wage to “earn a little extra” for themselves and their family, for the sake of a crust of bread. It is from among these women, too, that the capitalists of all countries recruit for themselves (like the ancient slave-owners and the medieval feudal lords) any number of concubines at a most “reasonable” price. And no amount of “moral indignation” (hypocritical in 99 cases out of 100) about prostitution can do anything against this trade in female flesh; so long as wage-slavery exists, inevitably prostitution too will exist. All the oppressed and exploited classes throughout the history of human societies have always been forced (and it is in this that their exploitation consists) to give up to their oppressors, first, their unpaid labour and, second, their women as concubines for the “masters”.

Ang mga kababaihang ito ang gustong-gustong pagtrabahuhin ng mga kapitalista bilang manggagawa sa bahay, na handang tumanggap ng kakarampot na sahod "para makaipon ng ekstra" para sa kanilang sarili at kanilang pamilya, para lamang sa isang piraso ng tinapay. Mula rin sa mga babaeng ito kinakalap ng mga kapitalista mula sa iba't ibang bansa para sa sariling kapakinabangan (tulad noong unang panahong panginoong may-alipin at mga panginoong maylupa sa panahong medyebal) ang anumang bilang ng mga babaeng tagaaliw sa pinakamababang presyo. At walang anumang "moral na indignasyon" (ipokrito sa 99 kaso sa loob ng 100) hinggil sa prostitution ang kanilang nagagawa laban sa kalakalang ito ng katawan ng babae; hangga't umiiral ang sahurang pang-aalipin, tiyak na iiral din ang pagpuputa. Ang lahat ng mga inaapi't pinagsasamantalahang uri sa buong kasaysayan ng tao na lipunan ay laging natutulak  (at sa ganito nagmumula ang pagsasamantala sa kanila) upang isuko sa nang-aapi sa kanila, una, ang kanilang hindi bayad na lakas-paggawa, at, ikalawa, ang kanilang kababaihan bilang tagaaliw ng mga "amo".


Slavery, feudalism and capitalism are identical in this respect. It is only the form of exploitation that changes; the exploitation itself remains.

Ang pang-aalipin, pyudalismo at kapitalismo ay magkapareho sa kadahilanang ito. Ang nagbabago lamang ay ang paraan ng pagsasamantala; ngunit ang pagsasamantala mismo ay nananatili.


An exhibition of the work of “women exploited at home” has opened in Paris, the “capital of the world”, and the centre of civilisation.

Isang eksibisyon ng paggawa ng "mga babaeng pinagsamantalahan sa tahanan" ang binuksan sa Paris, ang "kabisera ng mundo", at sentro ng sibilisasyon.


Each exhibit has a little tag showing how much the woman working at home receives for making it, and how much she can make per day and per hour on this basis.

Ang bawat eksibisyon ay may maliit na tag na nagpapakita kung magkano ang natatanggap ng mga babaeng nagtatrabaho sa bahay para sa lakas-paggawa nito, at kung magkano ang maaari niyang gawin sa bawat araw at bawat oras sa ganiitong batayan.


And what do we find? Not on a single article can a woman working at home earn more than 1.25 francs, i.e., 50  kopeks, whereas the earnings on the vast majority of jobs are very much smaller. Take lampshades. The pay is 4  kopeks per dozen. Or paper bags: 15 kopeks per thousand, with earnings at six kopeks an hour. Here are little toys with ribbons, etc.: 2.5 kopeks an hour. Artificial flowers: two or three kopeks an hour. Ladies’ and gentlemen’s underwear: from two to six kopeks an hour. And so on, without end.

At ano ang makikita natin? Hindi sa isang kapirasong halaga ay na kikita ang isang babaeng nagtatrabaho sa bahay ng higit sa 1.25 Francs, ibig sabihin, 50 kopeks, habang ang mga kita ng karamihan sa mga trabaho ay napakaliit. Ang paggawa halimbawa ng kampara. Ang bayad ay 4 na kopek bawat dosena. O mga bag na yari sa papel: 15 kopek bawat isang libo, na may kitang anim na kopek sa isang oras. Narito ang ilang laruang may laso, atbp .: 2.5 kopek bawat oras. Ang mga artipisyal na bulaklak: dalawa o tatlong kopek bawat oras. Ang kasuutang pang-ilalim ng babae at lalaki: mula dalawa hanggang anim na kopek bawat oras.  At iba pa, nang walang katapusan.


Our workers’ associations and trade unions, too, ought to organise an “exhibition” of this kind. It will not yield the colossal profits brought in by the exhibitions, of the bourgeoisie. A display of proletarian women’s poverty and indigence will bring a different benefit: it will help wage-slaves, both men and women, to understand their condition, look back over their “life”, ponder the conditions for emancipation from this perpetual yoke of want, poverty, prostitution and every kind of outrage against the have-nots.

Ang atin ding mga unyon at asosasyon ng manggagawa ay dapat mag-organisa ng "eksibisyong" gaya nito. Hindi ito magbunga ng dambuhalang kita sa pamamagitan ng mga eksibisyon ng burgesya. Ang pagtatanghal ng kahirapan at paghihikahos ng mga babaeng proletaryado ay magdadala ng ibang benepisyo: makakatulong ito sa sahurang-alipin, sa lalaki at babae, upang maunawaan ang kanilang mga kalagayan, suriin ang pinagdaanan nilang "buhay", pag-isipan ang mga kalagayan para sa kalayaan mula sa panghabang-buhay na pagkaalipin sa kakulangan , kahirapan, prostitusyon at lahat ng uri ng pang-aalipusta laban sa mga walang-wala. 

No comments: